“Is this the correct address?” I asked myself as I looked at the creepy house in front of me.
Bakit ba kasi itim ang kulay ng bahay mula sa labas at malaki ito. Dagdagan pa ng itim na gate nito at ang mga nakikita kong itim na upuan sa loob ng bakuran ng bahay. Hindi naman siya madumi. In fact, napakalinis ng lugar. Walang kahit isang dahon dito sa labas at hindi nalulumaan ang gate o ang wall nito. Bakit pa kasi black?
“Kaya mo yan Asher.” I said to myself as I breath heavily.
Akmang pipindotin ko na sana ang doorbell ng biglang bumukas ang maliit na pintuan sa gate. Lumabas ang hindi katandaang babae at nabigla siya ng makita ako.
“May kailangan po kayo ma’am?” she asked as she smiled at me widely.
“Good afternoon po.” I slightly bowed at her before looking at the house. “Dito po ba nakatira si Connor?” tanong ko.
Sana naman hindi siya dito nakatira noh? Kasi nakakalula ang bahay, swear.
“Ay yes ma’am!” biglang sumigla ang pakikipagtungo ng babae sa akin at agad niya akong hinila papasok ng bahay.
“Girlfriend po ba kayo ni sir Connor?” tanong niya na naging dahilan para mapahinto ako sa paglalakad.
“Hindi po. Kaklase niya lang po ako.”
“Ay ganun ba?” lumungkot naman ang mukha niya at pinapasok niya nga ako sa loob ng bahay.
And damn! Things inside the house makes it more creepy. Most of the things are in either black or gray. From the couch, the black portraits with lines on it, the black and gray vases and everything! Anak ba ng kadiliman si Connor?
“Upo na muna kayo ma’am. Ipaghahanda ko po kayo ng makakain.” saad ng ginang at itinuro ang couch.
“Hindi na po kailangan. May ibibigay lang po ako kay Connor.”
“Ano nga po pala ang pangalan niyo ma’am?”
“Ash— I mean, Keren. Keren is my name.”
“Tawagin niyo po akong Manang Esla ma’am Keren.”
“Keren nalang po manang Esla.”
“Hindi kasi ako nasanay sa ganyan ma’am.”
“Okay lang po sa akin kung saan kayo komportable.” I sat on the couch and placed the paper bag on the table. Umupo din si manang Esla sa tabi ko
“Ano po pala ang ibibigay niyo kay sir Connor ma’am?” nakangiti niyang tanong. Medyo nailang naman ako dahil nakatitig lang siya sa akin.
“I guess you know Marco?” tanong ko sa kanya.
“Ay oo naman po! Matalik na kaibigan iyon ni sir Connor? Bakit naman po napunta sa usapan si sir Marco?”
“He asked me to bring these things.” I said as I pointed out the paper bag.
Lumungkot naman ang mukha ni manang Esla na parang imposible ang sinasabi ko.
“Hindi ko lang po alam ma’am maibibigay ko po yan kay sir Connor. Pauwi na nga po sana ako pero naabutan ko po kayo sa labas.” she said.
I looked at her at nakapambihis na nga siya para umalis. Suot niya ay blouse na puti at pantalon. May maliit din na bag na dala-dala si manang Esla na sa tingin ko ay naglalaman ng gamit niya.
“Wala po bang ibang tao dito sa bahay ni Connor?”
“Ay wala na ma’am! Si sir Connor nalang po ang mag-isang nakatira dito matagal na.”
“Po? Bakit?”
“Wala na kasi ang mga magulang niya. Namayapa na.” natahimik naman ako matapos marinig ang sinabi ni manang Esla.
If Connor’s parents aren’t here, paano niya nagagawang buhayin ang sarili niya? Hindi naman pwedeng nakadepende lang siya sa pera na iniwan ng mga magulang niya. But the news about his parents made me sad. How can he manage to go on everyday knowing that he had no parents? If I were on his shoes, I will
not last long.
“I’m sorry if I asked about that.”
“Wala naman pong problema sa akin.”
“You must be his guardian?” tanong ko kay manang Esla. She must be his guardian. I guess Connor is still 18. Kahit na nasa legal age na siya, he still needs to have a guardian.
“Ako nga. Pero simula noong nag dise-syete na si sir Connor, hindi na ako dito namamalagi sa bahay niya. Pumupunta lang ako dito tatlong beses sa isang linggo.”
“Paano naman po si Connor?”
“Alam niya na po lahat ng gawaing bahay. Kaya niyang magluto at bumili ng mga groceries niya. Ako naman ang naglilinis ng buong bahay at naglalaba.” paliwanag ni manang Esla.
Connor knows how to cook? That’s too impossible to believe.
“How about his expenses?”
“Hindi naman naghirap si sir Connor ni isang beses sa pera ma’am Keren. May mga investments po kasi siya sa mga kakilang negosyante ng mga magulang niya. Iyon din siguro ang pinagkukunan niya ng pera.”
I stayed silent for a while after hearing manang Esla’s explanation. He is indeed rich. Kahit na wala na ang mga magulang niya— may they rest in peace— nagawa pa rin niyang alagaan ang sarili.
Bigla namang tumayo si manang Esla at ngumiti sa akin.
“Kailangan ko ng umuwi ma’am Keren. May pamilya pa kasing nag-aabang sa akin atsaka, hindi pa naman tapos ang pasko.” nakangiti niyang sabi. Tumingin siya sa taas kaya napadako din ang tingin ko doon. “Nasa huling pintuan ang kwarto ni sir Connor. Sana po ay magawa niyo siyang palabasin. Hindi po kasi siya kumain buong araw kahapon at ngayon din ay hindi pa siya lumalabas. Malapit nang mawala ang araw pero wala pa akong naririnig mula sa kanya.” malungkot na sabi ni manan Esla. Ramdam ko talaga na nag-aalala siya kay Connor.
“Ako na po ang bahala sa kanya.” I said having no choice. Hindi ko naman kayang papanatilihin pa si manang Esla dito dahil sabi nga niya, may pamilya pang naghihintay sa kanyang pag-uwi. And besides, filipinos still celebrates christmas kahit na lagpas na sa araw nito. Naghihintay pa kami ng bagong taon kaya hindi malabong may maraming pagkain pa kaming ihahain sa mesa para sa pamilya. That’s how filipinos spent their christmas.
“Salamat ma’am. Alis na po ako ha?” tinitigan ko nalang si manang Esla hanggang sa mawala na siya sa paningin ko.
I glanced at the paper bag I brought and looked at the staircase. Pwede akong umuwi at kalimutan nalang ang favor na hiningi ni Marco. Pwede rin akong tumuloy kahit ibigay man lang ang pagkain sa kanya. Pwede rin akong maghintay nalang dito hanggang sa bumaba siya. Pero anong oras pa siya bababa? Sabi nga ni manang Esla, hindi siya lumabas simula kahapon pa. Pero bakit?
Wala akong choice kung hindi tawagan si Marco. Kung si Mira naman kasi ang tatawagan ko, malamang alam na niya ngayon na ibinigay ko kay Marco ang ticket kasi kanina pa ang oras ng supposed flight naming dalawa. May mga nakatanggap na nga akong messages and missed calls sa kanya but for now, I chose to ignore all of them. Why? Only because I wanted Mira to he happy as well. Kung si Marco na talaga, then I will surely praise myself.
Hindi ko ma reach si Marco kaya I have no choice but to make decisions of my own right now.
I once again looked up and decided to give myself a try.
“I guess there’s nothing wrong with giving him the sweets that I bought.” bulong ko sa sarili.
Dahan-dahan akong umakyat papunta sa taas at paulit-ulit akong napapahinto dahil sa mga painting na nakadikit sa bubong. It may be purely black with white lines on it but I understood the meaning of it. I considered myself as a painter kaso hindi ko nga lang na pursue ang pagpipinta pero palagi akong pa-sekreto na nag-aaral kahit na kaunti lang ang matutunan ko.
When I reached the dead end of the hallway, a black door is waiting for me. Nagmistulang dingding lang siya dahil itim din ito. Kung wala pang door knob, hindi talaga halata na isa itong pintuan.
After a few words of encouragement to myself, I went near the door and knocked three times. Kahit na nanginginig ang mga kamay ko, nagawa ko pa ring kumatok ng tatlong beses. After a minute of silence, muli akong kumatok pero wala pa ring sumasagot sa akin.
Buhay pa ba si Connor? Tsk. Matagal namamatay ang masamang damo.
“Connor. . .” mahina kong tawag sa pangalan niya. “Hey. . .” dahil hindi niya ako sinagot, I decided to open the door. Luckily, nabuksan ko ito dahil hindi naka lock ang door knob.
And guess what greeted me as I went inside?
Everything is pitch black!
Pagpasok ko sa loob, hindi ko sinara ang pintuan dahil lalabas din naman agad ako. The room is more spacious than mine at home. May sariling sala dito sa loob at may gaming set siya sa gilid. Dahil sa laki at haba ng itim na kurtina sa gilid, alam kong glass window ito. Nakita ko kasi kanina mula sa labas ng bahay niya. The furnitures inside are in black and the sheets as well. Pati nga ang higaan niya ay kulay itim lahat.
Kung hindi pa nakabukas ang ilaw niya dito sa loob, malamang wala na akong nakikita ngayon. Kahit na dim lang ang ilaw, at least meron pa rin.
Holding the paper bag, I went near the coffee table at inilagay doon ang binili ko. Since I did not saw Connor in here, ilalagay ko nalang dito ang paper bag na dala ko. Matapos kong mailagay ang pagkain sa mesa, aalis na a—
“What the f*ck Marco?!” I hearf Connor’s voice from the outside.
Sh*t! I badly need to hide!
I look around and I have no other choice. I hid behind Connor’s giant curtains. Because this is black, hindi masyadong halata na may tao sa likod kung hindi mo talaga tititigan. Oh shoot! Naiwan ko sa mesa ang dala ko kanina!
“F*ck you!” as much as I wanted to get the paper bag thatI placed on the table, hindi ko na magagawa dahil nakapasok na si Connor sa kwarto niya.
I was peeking at him and wala na siyang kausap ngayon sa phone niya. Bakit siya nasa labas? I though he’s locking himself in his room?
Damn! Bakit ang malas-malas ko talaga kapag kasama si Connor sa usapan?
I tried to peek again at him and my eyes widen upon the sight of him. F*ck! Why is he only wearing a towel on his waist?!
“Kalma ka lang Asher. Kalma ka lang okay?” mahinang sabi ng isip ko.
Naglakad si Connor papunta sa coffee table niya at napahinto siya ng makita ang paper bag. He then looked at my direction so I immediately hid myself back on the curtain and closed my eyes. Phew! That was close.
“Tch.” the only thing that I heard from him bago ko narinig ang tunog ng paper bag.
I peeked again at kinuha na niya ang milktea na nasa loob. Hindi ko alam kung ano ang gusto niya kaya dark choco na lang ang kinuha ko at iyong pinakamataas na sugar level. Sabi kasi ni Marco, sweets ang bilhin ko. Oh ayan! Sosyal na sweets. Tsk.
Connor took a sip of the milktea and I saw him smirk. Masarap ba? Ay putek! Bakit iba ang nasa isip ko? Damn! Kailangan ko na talagang umalis ngayon. Huhu.
Matapos maipalabas ni Connor lahat ng pagkain mula sa paper bag, naglakad siya papunta sa pintuan ng sa tingin ko ay walk in closet niya. Nakatalikod siya sa akin kaya dahan-dahan akong tumayo. I know he will get inside and get dress kaya habang nasa loob siya, lalabas ako at uuwi. Ano ba kasi itong pinasok k—
HEY! Hey, hey, hey! Sh*t! F*ck! Damn! What the f*ck! Why did he do that f*cking sh*t?! MORON!
HE JUST TOOK HIS TOWEL OFF AND THREW IT AT HIS BED. AND I F*CKING SAW HIS BUM! Please huwag kang humarap! Maawa ka!
Luckily, deretso siyang pumasok sa walk in closet niya kaya pagsara niya ng pintuan, lumabas ako sa pinagtataguan ko at tumakbo palabas. Wala akong pakialam kung marinig niya pa iyon basta ang gusto ko lang ay makaalis sa lugar na ‘to! Damn!
MOMMY! NAKASALA PO AKO SA INYO! HUHUHU. HINDI KO NAMAN PO TALAGA SINASADYANG MAKITA IYON EH! HUHU. PERO BAKIT PO ANG UNFAIR NAMAN? ANG LAKI
PO NG ANO NIYA TAPOS SA AKIN NA BABAE AY HINDI? BAKIT GANUN?
When I got outside the gate, I drove my motorcycle and drove it as fast as I could. That was f*cking insane!
“Why are you so red?” mom asked me as I went inside the house. I was holding my helmet on my right hand but I think any time soon, my nerves will give up.
“It’. . . too hot. . . outside.” I said panting.
I sat on the couch habang si mom naman ay nakaharap sa laptop niya at nakaupo din dito sa sala.
“Manang!” tawag niya sa katulong namin. “Can you please bring a glass of water for Asher!”
“Opo ma’am. Saglit lang po!” hindi ako naghintay ng matagal dahil agad na dumating si manang dala-dala ang isang baso ng tubig at ibinigay iyon sa akin.
“Salamat po manang.”
“Walang anuman po ma’am.” she then looked at mom while I took a sip of the water. “Gusto niyo po bang ipaghanda ko kayo ng snack o pagkain?”
“Hindi na kailangan manang. I’ll help with the preparations. Are the foods ready?” mom asked as she closed her laptop.
“Kailangan ko na lang pong ihain.”
“I’ll help then.” tumayo si mom at sabay silang naglakad papunta sa kusina.
Ako naman ay nakatitig lang sa kawalan. Mahigpit kong hinawakan ang baso ng tubig na ibinigay ni manang sa akin kanina.
“We’re home!” I heard Blake shouted so I looked at his direction. Magkasama silang dalawa ni dad at ang dami nilang binili. Tsk. Lagot na naman sila kay mommy.
“Sis!” lumapit si Blake sa akin kaya ngumiti ako sa kanya.
“A milktea for you!” masaya niyang sabi at kahit na wala na akong iniinom na tubig, nabilaukan pa rin ako sa sinabi niya. “Are you okay sis?” my brother asked.
Tumayo ako at deretso ang lakad papunta sa kwarto ko.
“I’m okay bro. Just put my share on the ref. I’ll grab that one later.” at pumasok na sa kwarto.
Damn it! Nakita ko pa lang ang milktea na hawak-hawak ng kapatid ko ay naalala ko na naman ang nakita ko kanina. Erase, erase, erase! I should do that! Hindi ko dapat iyon nakita! Kung hindi lang sana ako hiningian ng pabor ni Marco! Argh! Kung hindi lang sana sila nag-away ni Mira! Damn it! F*ck!
How will I suppose to act in front of that person? Blockmates kami kaya hindi ko talaga pwede iwasang makihalubilo sa kanya. Lalo na at seatmates kami at napapadalas ang pagiging partner naming dalawa sa mga activities.
Argh!
Just by thinking of him, maaalala ko ang likod niya. Hindi ko alam kung tatawa ba ako o ano dahil sa nakita ko pero hindi ko rin maiwasan na matawa.
“Sis?” I heard three knocks from my door and I know it’s Blake.
“Yes?” I answered without even bothering to open the door.
“Kuya Connor is here.” he dropped the bomb. Boom!
I am doomed! Damn it!