Nagising naman ako sa pag-uusap ng mga tao na nandito sa kwarto ko. Oh, right. I was attacked by that Bianca who is the vice president of the school but my boyfriend, the president, believed that her friend Sleya was the one who bullied me. Such a pity.
Humarap ako sa kaliwa at nakita si Mira na kausap si Josh. Nandito din sa loob si Bianca at nakaupo lang siya sa couch. Ang kapal naman ng mukha niya na magpakita sa akin matapos akong sabunutan at sampalin? At matapos niyang magsinungaling kay Josh? Ang kapal nga naman talaga ng mukha. Tsk.
“Are you okay now sunshine?” lumapit si Josh sa akin at hinalikan niya ang noo ko. “Do you need anything?”
“What time is it?” tanong ko sa kanya.
“Almost seven na ng gabi.” wika niya.
“WHAT?!” napasigaw naman ako ng malaman ang oras ngayon. Alas syete na ng gabi?
“Sabi ng nurse ay normal naman daw na mahaba ang tulog mo kasi iyon daw ang epekto ng gamot na ibinigay niya. Para mawala agad ang sakit at hapdi ng ulo mo.” paliwanag ni Mira sa akin.
“What are you doing here Mira? You are supposed to be at home at this time.”
“I need to tell you something.” kinabahan naman ako sa sinabi ni Mira at kinuha niya ang phone mula sa bulsa niya.
“What is it?” iniharap niya sa akin ang cellphone niya at ipinabasa ang mensahe na mula kay Blake.
From: My Boy
Hi ate Mira. I can’t reach sis so I wanted to ask you a favor. Can you look for her and tell her that I need her to come home early? Mom got angry at me. I’m afraid at her. We’re still at school but we’ll be going home soon. I hope sis will be at home. Thank you ate Mira.
Iyon ang mensahe ni Blake na naging dahilan para mapatayo ako agad. I knew it! Ang rason kung bakit kinabahan ako kaninang umaga matapos marinig ang sinabi ni manong Oscar ay dahit dito. I know this would happen to my brother. Is it because of his grades?
“I’m sorry Josh but I need to go home now.” tumingin naman ako kay Mira at hinawakan ang kamay niya. “Can you come with me? Nasa labas na ba ang sasakyan niyo?” tanong ko.
“Yes. Mabuti na lang at nagpakuha ako ngayon at hindi ginamit ni mom ang sasakyan.” wika ni Mira.
Humarap naman ako kay Josh at nag-aalala siyang nakatingin sa akin.
“Do you want me to drive you home? I can.” saad niya sa akin. Napatingin naman ako kay Bianca na tahimik lang nakatingin sa aming dalawa.
“No, it’s okay. I know you’re busy. Thank you for staying here with me.”
“Anything for you.”
“I think we need to go. I’ll call you later.” hinawakan ko si Mira at naglakad kami palabas ng silid.
“I love you.” mahinang wika ni Josh pero hindi ako huminto para tingnan siya pabalik. Makita lang si Bianca na nasa tabi niya ay nagagalit na ako. Bakit naniwala siya agad sa kanya? Ni hindi nga niya tinanong sa akin kung ano nga talagang nangyari sa akin. Tsk. Deretso kaming lumabas ni Mira at tumakbo sa kahabaan ng hallway papunta sa parking lot.
Narating namin ang parking lot at iilan na lang ang mga kotse na naka park. Malapit lang dito ang sasakyan ni Mira kaya madali kaming nakapasok sa loob.
“Sa bahay po nina Keren tayo manong.”
“Dadaan lang po ba kayo ma’am? May lakad po kasi kayo ngayon ng pamilya mo.” tanong ni manong kay Mira.
Tumingin siya sa akin na parang nagtatanong kung kaya ko lang ba na ako lang. Tumango ako at ngumiti sa kanya.
“Opo manong. Drop lang po natin siya sa bahay nila.”
“Okay po ma’am.” at nagsimula na kaming lumabas sa parking area.
Hindi naman nakawala sa paningin ko ang sasakyan ni Connor. Nasa campus pa rin ba siya? Hindi ko kasi makita kung may tao ba sa loob ng sasakyan niya dahil tinted ito.
“Make sure to call me if you need anything, okay?” tanong ni Mira at tumango naman ako.
“I will.” nagpaalam na kami sa isa’t-isa at pumasok na ako sa bahay. Si manang lang ang nakita ko sa loob kaya tinanong ko siya kung umuwi na ba sina mom at dad.
“Hindi pa umuwi ang mommy mo pati na si Blake. Umuwi na ang dad mo kanina pero agad ding umalis habang may kausap sa cellphone niya. May nangyari ba ma’am? Para kasing nag-aalala ang mukha ni sir habang kausap ang kung sino man ang tumatawag sa kanya.” wika ni manang sa akin.
“Ganon po ba. Si manong Oscar po. Andito ba ba?”
“Oo. Nasa quarter niya.”
Naputol naman ang pag-uusap naming dalawa ni manang ng biglang tumunog ang pintuan ng bahay. Sunod-sunod na pumasok sina mom at dad. Dahan-dahan at nakayuko namang naglalakad si Blake at umupo siya sa couch.
Agad akong lumapit sa kanya at hinawakan ang magkabilang balikat niya.
“Did something happened?” tanong ko.
Tinapon ni mom ang bag niya sa couch habang si dad ay dahan-dahan na tinatanggap ang kwelyo sa polo niya.
“Now what are we supposed to do Giovanni? Blake is one of the students who will run for the school’s presidency next year but because of what happened, that dream that he has for years was gone. Just because of that clumsiness of others!” sigaw ni mom kay dad. Nakita ko naman na tumulo na talaga ang luha sa mga mata ni Blake. So may nangyari nga sa school niya?
“Just be glad Elizabeth that Blake did not got expelled because of what he did. At hindi naman talaga problema ang ginawa niya. You are the problem here! Aren’t you happy for what he did?! Just like you, he stood up for others and he protected them! Aren’t you proud?”
“How would I be proud Giovanni?! Didn’t you hear what I just said?! HE ALMOST GOT EXPELLED!”
“Good thing you are his mom!”
“Yes! Kung hindi dahil sa akin, wala na sanang kinabukasan ang anak natin!”
Tiningnan ko si Blake at umiiyak siyang nakikinig sa mga magulang namin.
“What did exactly happened Blake? May masama ka bang ginawa sa school mo?” tanong ko.
Blake is a grade four student at sinabihan nga niya ako one time na tatakbo siya for presidency kapag nasa grade five na siya since iyon ang isa sa mga requirement sa school nila and a president will do his job for a year so that would be until sixth grade.
“Mom got angry because I was about to get expelled from my school.”
“What is the reason behind it?” kahit na dinig namin ang sigawan nina mom at dad, patuloy kong tinatanong si Blake tungkol sa nangyari.
“One of my classmate got bullied because he doesn’t have a PS5. I got angry because they throw trashes at him and they made fun of him through taking his pictures.” mahinang paliwanag ni Blake sa akin.
“Then what did you do?”
“I punched the guy who made fun of him the most and I destroyed the latest iPhone that he owns. Then the guidance called us after the incident and both of our parents are called. His parents owns a factory but they know mom so well. If it weren’t for mom being their close friend, I would be expelled now.” saad ni Blake at mas inilapit niya pa ang katawan niya sa akin nang isinigaw ni mommy ang pangalan ni dad.
“GIOVANNI!” sigaw ni mom.
“No Elizabeth. Don’t let me say things over and over again because I am really tired of it.” saad ni dad at lumapit sa aming dalawa ni Blake.
“Why are you always denying the fact that your son did something wrong! He answered violence with violence! He can be punish by the law because of what he did!” sigaw ni mom.
“Hindi ka ba nakikinig sa mga sinasabi mo Elizabeth? Hindi ito kaso na kadalasan mong dinadala sa korte! Hindi ito parte ng trabaho mo Elizabeth. Responsibilidad mo ito! Anak mo si Blake! Why do you keep on talking about what he did instead of finding ways to correct it?! Huh?! Are you that proud of yourself because you handled the family just because you are a lawyer?! Hindi mo ba iniisip ang mga anak natin? Kasi kailangan nila ng ina Elizabeth, hindi abogada!”
“You can’t change my mind! I will be throwing all of Blake’s game consoles! And I will give his PS5 to the guy that he punched! And I will buy another one for the person who got bullied.” saad ni mom at tumalikod na sa amin.
“So you are saying that the one who should be blame for what happened is Blake? Right?”
Huminto si mom sa paglalakad at humarap sa amin.
“Yes! Kung hindi lang sana siya nangialam sa nangyari, hindi sana tayo nag-aaway ngayon.”
“How can you say that?”
“Because I am his mom.”
“You don’t act like one Eliza—“
“STOP!” tumayo si Blake at sumigaw para mapahinto ang away nina mom at dad. Nakayuko siya pero kitang-kita ko ang pagtulo ng luha niya. Pinunasan niya ito bago hinarap sina mom at dad.
“I’m sorry. I admit I did something wrong and I thought both of you will be proud of me since I tried to protect a person who got stepped on by other people. I though you will be happy and proud because I can defend myself from bullies. I thought you will talk to others about what I did. I though that was heroic. I thought that was the kindest thing that I have ever done so far.” tumulo ang luha niya pero ngumiti siya sa kanilang dalawa ni mom. “I’m sorry.” huling sabi niya bago siya tumakbo papalabas ng bahay.
Tumayo naman ako at sinundan siya. Hindi pa ako nakakalabas ng bahay ng tawagin ako ni mom? Bakit na naman? Tumingin ako sa likod at nakalabas na si Blake ng bahay? Bakit kailangan pa akong tawagin ni mom?
“What?” I answered as I looked at her.
“Don’t follow your brother.” matigas niyang sabi sa akin.
“Why? Are you controlling me as well?” tanong ko sa kanya.
“He’s old already. Kaya na nga niyang manakit ng ibang tao. Don’t follow him because it will make him do what he wanted more.”
“No mom. You’re the one whom we should not follow. You know why? Because we don’t want to think about ourselves only.” I smiled at him and pointed at the door. “I will follow him because he is my brother. I will look for him because I know the feeling of being alone and not having your parents’ support. I wanted to look for my brother because I will tell him how proud I am to be his sister. I will make sure that I can find him in order for me to be proud about what he did to his friend and he will be happy.” naglakad ako patungo sa pintuan at bago ako lumabas, tumingin ako pabalik kay mom at nagsalita. “We don’t need a lawyer and your money, all we need is a mother.” I said and then went out.
Tumakbo ako palabas ng gate at nakita ko si manong Oscar sa daan. Malapit na matapos ang alas otso ng gabi at delikado na ang lumabas ngayon.
“Nakita mo ba kung nasaan si Blake manong?” tanong ko sa kanya.
“Hindi ko alam kung nasaan na siya ngayon ma’am. Kakabalik ko nga lang kasi hindi ko na siya nasundan. Masakit na ang tuhod ko kakatakbo.” wika niya.
F*ck! Where did Blake go?!
“Manong, doon po kayo.” itinuro ko ang kanang direksiyon ng subdivision at ako naman ay napatakbo sa kaliwa. Daan ito palabas ng subdivision pero nagbabakasakali akong nakita ng guard ang paglabas ni Blake.
Kinuha ko naman ang cellphone ko mula sa bulsa at nag text kay Mira. Sana naman ay gising pa siya sa mga oras na ito.
To: Mira
From: Asher
Hey, can you help me find Blake? He ran away from the house and I don’t know where he will go. Can you check the computer shop near your house and the park?
Agad naman na nag reply si Mira sa akin kaya hindi na ako nabahal.
From: Mira
On it. Will text you if I can find him or not.
Tumakbo ako papunta sa guard house at tinanong si manong kung nakita niya ba si Blake na lumabas. Ipinakita ko sa kanya ang picture ni Blake pero hindi daw niya ito nakitang lumabas.
I called Josh and he picked it up on my fourth call.
“Sunshine, are you okay? Did something happen?” bungad niya sa akin. Rinig ko naman sa background niya ang pag-uusap ng kung sino man ang kasama niya.
“Where are you?”
“Still at school.”
“Are you free?”
“After an hour. Why?”
“Blake is missing. I don’t know where he went to but I am so worried because he’s so upset with mom. I don’t know what to do anymore.”
“Calm down okay? I’ll make things faster in here and I’ll be there to help you.”
“Bye.”
“Bye. I love you.” saad niya sa akin.
“Take care when you drive.” the only thing that I said bago ko ibinaba ang tawag.
Asan ka ba Blake? Bakit kailangan mo pang tumakbo paalis ng bahay?