Chapter 30: Hypocrite

2365 Words
“Ang tagal mo namang du— Oh. . .” naptingin ang babae na tumawag sa impaktang sumipa sa ipad ko at tinuro niya ako. “Are you in the middle of something?” tanong niya sa babaeng nagngangalang Ysabelle. “We are Sleya. Can you f*ck off?” saad niya sa kaibigan niya at umatras naman ito. Hindi ko na lang sila pinansin at tumayo. Nilakad ko ang kalayuan ng ipad ko at pinulot ito. Buti na lang at walang gasgas o crack. Kakabili lang kaya ni mom ng bago kong iphone at ayoko namang bilhan na naman niya ako ng bagong ipad. Hindi na ako tumingin pabalik sa dalawa at naglakad na paalis. “Where the hell are you going?” tanong ni Ysabelle. “Away from you.” I said without even trying to look back at her. “B*tch!” hindi ko siya pinansin at nagpatuloy lang talaga sa paglalakad. Naramdaman ko naman na may biglang humablot sa braso ko at iniharap ako sa kanya. “B*tch!” *pak* and then she slapped me. What the f*ck is wrong with her? Napahawak ako sa pisngi ko dahil medyo humapdi ito at nararamdaman kong uminit ito. What is wrong with her?! “What the f*ck is wrong with you? May ginawa ba akong masama sa’yo?!” I shouted at her. Ysabelle then looked at the students who are surrounding us to watch. Isa-isa silang umalis at ngayon ay kami na lang tatlo kasama ang kaibigan niya na nandito sa hallway. “Don’t you know who I am, you b*tch?” “I don’t. Bakit ko naman kailangan pang malaman kung sino ka? Are you an outsider?” I said. “And can you please move on? Halata kasing affected ka sa ginawa ko kaya gigil ka ngayon. Looser!” tumalikod na ako at iiwan na sana siya pero bigla niyang hinigit ang buhok ko. “What the hell! Let go of me!” “Hey Ysabelle! Let go of her!” tumulong naman ang kaibigan niya para bitawan ako ni Ysabelle pero malakas siya at hindi namin kayang mapabitaw ang mga kamay niya mula sa buhok ko. Tumulo na din ang luha sa aking mga mata dahil masakit na ang ulo ko at malapit na akong mahilo sa ginagawa niya. “How dare you talk back at me! I am Bianca Ysabelle and I am a Velasquez!” tinulak niya ako at bumitaw mula sa buhok ko. Napaupo ako sa sahig at pumikit dahil halos mahilo na talaga ako ng tuluyan sa ginawa niya. Bakit ba kami nahantong sa ganito? “Ysabelle, let’s just go. We still have a class, remember?” pero hindi siya nakinig sa kaibigan niya. Imbes na umalis, lumapit siya sa akin at lumuhod sa harapan ko. “I am the vice president of the student council and I know who you are Ms. Cy. You are just a pretty smart woman and nothing else. You are weak and I can decided whether to suspend you or kick you out of this school. So learn how to respect.” mahaba niyang sabi. Tumawa naman ako ng malakas matapos marinig ang mga iyon. Nabigla siya dahil sa pagtawa ko at mas lalong nagalit sa akin. “Oh! So you must be the one who is the slave of the president!” and then I laughed so hard para magalit siya sa akin. “F*ck off!” she stood up and she was about to slap me again when a loud deep voice called out her name. “BIANCA!” sigaw nito kaya napahinto siya at tumingin sa lalaking naglalakad papunta sa kung nasaan kami ngayon. Is that. . . Connor? Bigla namang nagbago ang mukha ni Ysabelle at malungkot itong tumingin sa harap ng lalaki. Hinawakan niya ang kaliwang pisngi niya at umiiyak na lumapit kay Connor. Wait— what the f*ck?! “Connor. . .” maarte niyang sabi at yumakap sa lalaki. “she slapped me here.” at tinuro niya ang pisngi. “Can you take me to the infirmary?” she said in a sweet voice. Ang kaibigan naman niyang si Sleya ay tahimik lang na nakatingin sa akin. Nang magtagpo ang mga mata namin, bigla siyang umiwas at tumingin sa kanila ni Ysabelle at Connor. Wait nga! Ano ba ang mga nangyayari? Wala kong naiintindihan dito eh. Dahan-dahan akong tumayo para makaalis pero hindi ko kaya. Ang sakit pa ng ulo ko. Sh*t! Papasok pa naman ako sa klase! “Keren.” itinulak ni Connor si Ysabelle papalayo sa kanya at lumapit sa akin. “Here, hold me.” hinawakan niya ako sa baywang gamit ang kanan niyang kamay at hinawakan ko naman ang kaliwa niyang kamay gamit ang kanang kamay ko. He then slowly helped to stand up. Kinuha niya ang bag ko at mga libro at inilagay niya sa bag. He then hang up my bag on his shoulder as we slowly walk away. “What are you doing Connor? She’s the one who slapped me!” sigaw ni Ysabelle at nagwawala na parang bata. Bumuntong-hininga si Connor at humarap kay Ysabelle. “F*ck off Bianca. I saw everything.” the only thing that he said bago kami dahan-dahang umalis. Hindi naman nawala sa pandinig ko ang pagsigaw ni Bianca at ang malakas ba pagtawag niya sa pangalan ni Connor. May something ba sa kanilang dalawa? Pero para namang wala kasi hindi nagbago ang pakikipagtungo ni Connor sa kanya. Dinala ako ni Connor sa school’s clinic at ipinaubaya sa nurse na nag-iisang nandun. Pinaupo ako sa higaan sa isa sa mga kwarto doon at si Connor naman ay napaupo sa couch na nasa tabi ng kama ko. Nakatingin lang siya sa ginagawa sa akin ng nurse pero hindi niya ako tinitingnan sa mukha. It’s been a long time since we got attached with each other. I think two months has passed since the last time that he talked to me. “Do you feel any pain?” tanong ng nurse habang nilalagyan ng cold compress ang pisngi ko. “Do you have a medicine for head ache? It’s not that painful pero nahihilo po ako dahil sa sakit.” saad ko sa nurse. Nagpaalam naman siya para kumuha daw ng gamot at bumalik siyang may dala-dalang gamot at tubig. “Drink this one and sleep.” tumingin naman siya kay Connor at kinausap ito. “Do you know her?” tumingin si Connor sa akin at napaiwas naman ako ng tingin. “Yes.” sagot niya sa tanong ng nurse. “Can you come with me so that I can have both of your informations and you will be excused for today.” tumayo naman si Connor at sumama sa nurse palabas dito sa kwarto. Ininom ko ang gamot na ibinigay ng nurse at sumandal sa headboard ng kama. Napaisip naman ako kung makakapasok pa ba ako ngayong hapon lalo na at may oral pa naman kami. Tsk. Kung hindi lang talaga ako nabangga sa impaktang iyon, masaya sana akong nakikinig sa professor namin ngayon. Tsk. Argh! I wanted to shout but I don’t have the strength to do it. Bumukas naman ang pintuan at pumasok si Connor sa loob. Bumalik siya sa pagkakaupo sa couch at nagsalita. “You can go home if you want. You are excused for the day.” “How about you?” tanong ko sa kanya kasi wala naman talaga siyang trabaho dito pero andito siya at sinasamahan ako. “You don’t have to worry about me. Be worried about yourself. Look at you, your face looks like a tomato.” he then stood up and went near me. Kinuha niya ang cold compress na nasa kamay ko at siya na mismo ang humawak nito. “Is it painful?” tanong niya at sinagot ko naman ito ng tango. “Next time, you really need to be careful.” he said and I nodded again as a response. “Can I ask you a question?” tanong ko sa kanya nang hindi nakatingin. Ang awkward na kasi kapag kasama ko si Connor. Parang nawala na iyong feeling na galit ako kapag kasama ko siya noon. “I guess. . .” saad niya na nagdadalawang-isip. “Do you know that girl?” I asked him bravely. Tumawa naman siya ng mahina sa sinabi ko at tumingin sa akin. “You really are unpredictable. Of course I know her.” “Is she your girlfriend.” “No.” “Then how come you know her?” Imposible naman na kaibigan silang dalawa kasi ako nga ang ipinagtanggol niya kesa sa babaeng iyon kaya kaano-ano niya iyon? “She is the vice president of the student council. Didn’t you heard what she said to you?” “I don’t remember any word that an unimportant person will say at me.” I said. He smiled because of what I just said at napailing na lang siya. “Just don’t bump into her again or else you will be in trouble for the second time.” “That was an accident.” “And who’s the one who is not looking at where she is going?” “I am.” “See? Just forget about what happened and as much as possible, refrain from meeting her again.” ibinaba na niya ang cold compress at ibinalik ito sa tray. Binalot naman kaming dalawa ng katahimikan. Wala akong ibang masabi sa kanya dahil nasagot na niya ang nag-iisang tanong na nasa isip ko. Tsk. Ano ba naman ito! Ang awkward kaya! “Do you—“ “Are you—“ sabay kaming dalawa na nagsalita at nagtinginan na lang kaming dalawa. Pagkatapos nito ay sabay din kaming natawa sa nangyari. “You go first.” “You go first.” sabay na namin kami sa pagsasalita ay sabay din kaming umiwas ng tingin. Argh! Bakit baang awkward?! Sana kainin na lang ako ng lupa ngayon. “So. . .” “So. . .” and for the third time, sabay na naman kaming dalawa. Argh! Tatahimik na lang ako para wala ng another awkward moment. Argh, nakakahiya kaya! Hindi na ako nagsalita kaya halos isang minuto din kaming tahimik ni Connor. He sighed before started to talk to me. “So. . .” “Hm?” I asked kasi alam kong nagdadalawang-isip siya na sabihin kung ano man ang gusto niyang sabihin sa akin. “You are the president’s girlfriend?” tanong niya sa akin. Ngumiti naman ako at tumango sa sinabi niya. “Dis tita and tito know about your relationship?” “Ever since he was courting me.” kampante kong sabi sa kanya at bigla namang nag flashback sa isip ko ang mga nangyari sa amin noon and how Josh made me happy from then up to this day. “Glad to hear that. And also. . . I wan—“ ngunit naputol ang pagsasalita ni Connor nang biglang bumukas ang pintuan at iniliwa nito si Josh. Akala ko ba ay may seminar siyang pupuntahan ngayon? “Sunshine!” sigaw niya at lumapit sa akin. Napatingin din si Connor sa kanya pero hindi man lang ito nabahiran ng kahit anong emosyon. What is he thinking? “Josh. . .” lumapit siya sa akin at niyakap ako. “are you okay?” tanong niya at marahan na hinaplos ang buhok ko. “I was so worried about you. Saan ba masakit?” sunod-sunod na tanong ni Josh sa akin pero nakatitig lang ako kay Connor na nakatitig din sa akin. Hindi ko alam kung ano ang nais ipahiwatig ng tingin niya pero iba ang dating nito sa akin. Tumalikod na siya sa amin at lumabas ng kwarto. Ni hindi man lang siya nagpaalam sa amin. Bumitaw na din si Josh sa akin at hinawakan ako sa magkabilang balikat? “I’m sorry about what Sleya did to you.” he said and that alone made me confused. Sleya? “I should have known that she is one of the bullies here in St. Preston. Are you really fine? Do you want me to bring you to the hospital?” “Wh. . .at?” mahina kong tanong sa kanya. At bakit nasali si Sleya dito? “Are you trying to keep this as a secret from me?” “What?! No!” dali-dali kong sabi sa kanya kasi hindi ko naman talaga itatago ang bagay na ito sa kanya. And besides, malalaman din naman niya kasi may mga taong nakakita sa amin. “Please don’t keep things like this from me sunshine. At least Bianca told me about this.” “Bianca?” “Yes.” What the f*ck? Is she a two face woman? How dare she turn the table into her favor. “What did she said to you?” tanong ko kasi gusto ko ring malaman kung anong mga kasinungalingan ang sinabi ni Bianca sa kanya. “She told me everything that I need to know.” “Then what is it?” “You bumped into Sleya at the hallway and she insulted you. Tinapon mo ang libro sa kanya at natamaan pa siya. At sinabunutan ka niya dahil nainsulto na din siya sa mga sinabi mo. I should be thankful to Connor for bringing you here. And to Bianca as well for calling me immediately.” mahaba niyang sabi sa akin na naging dahilan lang para mas lalong sumakit ang ulo ko. I sighed and smiled at him. “Can you give me an hour? Gusto ko lang sana na magpahinga.” mapait kong sabi sa kanya. “I’ll be sitting here.” umupo siya sa couch kung saan nakaupo si Connor kanina at ngumiti sa akin. Humiga ako sa kama at nagbalukot sa kumot. Tumalikod ako mula sa direksiyon niya at mapait na ngumiti. Bakit hindi ko kayang sabihin sa kanya kung ano nga ba ang tunay na nangyari?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD