Naglakad ako pabalik sa bahay at nakita ko sa manong Oscar na nakaupo sa tabing daan. Katabi niya si manang at hingal na hingal silang dalawa. Nakatanggap naman ako ng mensahe mula kay Mira pero nadismaya ako dahil wala daw doon si Blake.
Where could this boy be?
“Hindi po talaga namin mahanap si sir Blake ma’am.” wika ni manong.
“Okay lang po. Pasok na po kayong dalawa sa loob. Hihintayin ko na lang po siyang makabalik.”
“Sigurado ka ma’am?” tanong naman ni manang sa akin.
Ngumiti ako sa kanilang dalawa at tumango. Pagod silang dalawa sa trabaho buong araw kaya kailangan din nilang magpahinga. Hindi naman daw nakalabas si Blake sa subdivision kaya nasa isang parte lang talaga siya ngayon. I decided to sit on the side road in front of our house. Baka uuwi lang siya after thirty minutes or after an hour. Baka nagtampo lang at hinintay na makatulog sina mom at dad. Sinubukan ko ulit na tawagan siya pero hindi pa rin niya sinasagot ang tawag ko.
Nasilaw naman ako sa liwanag ng paparating na puting sasakyan. Huminto ito sa harapan ko at lumabas si Josh mula sa sasakyan. Agad akong tumayo at lumapit sa kanya. Niyakap ko siya at umiyak sa dibdib niya.
“Wala pa rin ba siya?” tanong niya at umiling-iling naman ako.
“Where can he possibly be?”
“I don’t. . . really know. We already. . . che. . . cked the places where he can possibly be but he is not there.” umiiyak kong sabi sa kanya.
“Should we report this one to the police?”
“They will not search for a person if he or she isn’t missing for twenty-four hours.”
“Right. I’m sorry. I think your mom can help you.” umiling ako dahil sa sinabi niya.
“She told me not to follow him and I think I can’t ask for help from her about this as well. She’s the reason why Blake ran away from home.” bumitaw ako sa pagkakayakap at pinunasan naman ni Josh ang luha sa mga mata ko.
“Are we going to wait here?”
“Yes. I’m hoping that he will come on sooner.”
“Alright then.” sabay kaming umupo sa tabi ng daan at hinintay na makita sa Blake, hopefully.
Both of us remain silent after settling down. Wala siyang plano na kausapin siguro ako kaya ako na ang naunang magsalita.
“I know you prepared something for today yet something happened to our family. I’m really sorry.” tumingin ako sa kanya at isinandal ang ulo ko sa balikat niya.
He just sighed and smile. Tumawa din siya ng kaunti dahil sa sinabi ko.
“I guess this is how our monthsary should be celebrated.”
“What do you mean?” tanong ko kasi hindi ko naiintindihan kung ano ang ibig niyang sabihin doon sa sinabi niya.
“I guess we need to celebrate our milestone as a couple with the family.” pagbibiro niya at tinuro ang bahay namin.
“Loko ka ba?!” saad ko at umayos ng upo sabay batok sa kanya. “Bakit mo naman nasaba yan?”
“Just a hunch.” he said and shrugged off his shoulders.
“Loko!” sigaw ko at tumawa ng malakas.
At least I got Josh to make me happy tonight. Kahit na nag-aalala na ako sa kung saan si Blake, kasama ko naman si Josh at pinapagaan niya ang pakiramdam ko. Kampante ako na uuwi si Blake dahil ayaw niyang malungkot ako at mag-alala si dad sa kanya. I know he will think about us. He will.
“Okay ka na ba?” tanong ni Josh at tumango naman ako.
“I was supposed to speak in front of the students on the school where we held our seminar but after hearing about what happened to you, I immediately left the place and drove back to the school.” napayuko naman ako matapos marinig ang sinabi niya.
“Hindi mo naman kailangan iwanan ang trabaho mo Josh. Wala namang masamang nangyari sa akin.”
“I was so worried.” tumingin siya sa akin at seryoso ang mukha niya. Tumitig din ako sa mga mata niya at may pag-aalala itong nakatingin sa akin. “Bianca called me and she was so worried about you as well.”
“About tha—“ mahina lang ang boses ko kaya hindi niya siguro iyon narinig.
“I think I got so lucky to have a best friend like her and a girlfriend like you.” saad niya at ngumiti. Mapait din akong ngumiti sa kanya matapos marinig na matalik niya palang kaibigan si Bianca. So that’s the reason why he immediately believe about what thay b*tch Bianca said to her? Kasi best friend niya pala?
“You really are lucky because you’re with Bianca for years, right?”
“Yes. And she is always at my back every time. Can you believe that we became council partners since we were in grade school. I always became the president and she is the vice president. Doon siguro nagsimula ang pagkakaibigan naming dalawa.” tumango naman ako dahil sa mga sinabi niya.
Hindi ko na siguro sasabihin sa kanya kung ano ba talaga ang nangyari kasi ayoko na ng gulo at ayokong sabihin ni Josh sa akin na sinisiraan ko si Bianca. Matalik niyang kaibigan ang babaeng iyon at baka ako pa ang masama sa paningin niya kapag ginawa ko iyon.
“I got Mira as well.” saad ko nalang para naman hindi na namin mapag-usapan ang impaktang iyon.
“We’re lucky to have real friends.” tumingin siya sa akin at inilagay niya ang braso niya sa baywang ko. “And we’re also lucky to have each other.” at kumindat siya sa akin.
Nanatiling ganon ang posisyon namin hanggang sa biglang tumunog ang cellphone ko. Nakarehistro ang pangalan ni Connor sa cellphone ko kaya nagdalawang-isip ako na sagotin ito.
“Answer it. What if it’s important.” wika ni Josh.
Sinagot ko nalang ang tawag at narinig ko nga ang boses ni Connor.
“Hello?” sagot ko sa tawag.
“Where are you?” unang bungad niya sa akin.
“Outside the house. Why?” tanong ko at narinig ang mga busina ng sasakyan mula sa linya niya.
“Are you still looking for Blake?” matapos niyang tanongin iyon sa akin ay agad akong napatayo. Did he know where Blake is?
“Did you know where he is?”
“I do and I am on my way there.”
“Where is he?” tanong ko sa kanya.
Glad Blake called Connor! Ano na lang ang gagawin ko kung hindi nga uuwi si Blake hanggang bukas?
“I am on my way to the park.”
“The park?”
“The park outside the subdivision.”
“Outside the subdivision? Are you sure about that? I asked the guard but he told me that Blake did not get out from the subdivision.”
“Trust me but both of us know a way out that can’t be seen by the guard.” may sekreto silang dalawa ni Blake?
“I need to hang up.” saad niya at pinatay na ang tawag.
Tumingin naman ako kay Josh at tumayo siya sabay lakad naming dalawa papasok sa sasakyan niya. Gabi na at delikado kay Blake ang mag-isa lang sa labas kaya nag-aalala talaga ako para sa kanya.
“Sa labas daw ba ng subdivision?” tanong niya sa akin at tumango naman ako. “I think I know where.” saad niya at binilisan ang pagpapatakbo ng sasakyan.
Nag ring ulit ang phone ko at si dad naman ngayon ang tumatawag.
“Hello po?”
“Did you find your brother?” he asked.
“Yes po. He called Connor and I’m on my way to where he is right now.” narinig ko naman na napahinga ng malalim si dad at tumahimik siya. “It’s not your fault dad. Don’t be sorry. Normal lang po talaga kay Blake na tumakbo dahil nahihiya siya sa inyong dalawa ni mom.” pagpapaliwanag ko sa kanya.
“Alright. I’ll call Connor to drive you home.” napatingin naman ako kay Josh matapos ko marinig ang sinabi ni dad.
“Actually, Josh is with me. Siya na siguro ang maghahatid sa amin.” wika ko at nagpaalam na kay dad.
I secretly glanced at Josh to see if his mood changes but it never did. Baka hindi talaga niya narinig ang sinabi ni dad kanina kaya hindi na ako nabahala. Hindi naman kasi magandang pakinggan na si Connor ang maghatid sa amin kung andito naman si Josh at sinasamahan ako.
“Maaga palang natapos ang meeting niyo.” panimula kong wika sa kanya.
“Yes, I was lucky.” saad niya at ngumiti.
“Hm?” tanong ko kasi hindi ko alam kung ano ang ibig niyang sabihin doon.
“Bianca insisted on finishing the meeting in behalf of me. Alam kasi niya na may emergency ka kaya tinulungan niya ako. I got lucky.” saad niya at tumingin sa akin.
Natahimik naman ako matapos marinig ang pangalan ni Bianca mula sa kanya. Bakit halos bukambibig na lang niya ang babaeng iyon? And what did he just said? Bianca insisted on finishing the meeting in behalf of him? Bakit ang bait umasta ng babaeng iyon kapag si Josh ang kaharap at kausap niya? Mukha kasi siyang anghel sa paningin ni Josh. Tsk.
“I think this is the park that he is talking to.” matapos iyong sabihin ni Josh ay bumaba na ako sa sasakyan at naglakad papunta sa park.
Wala nang tao dito sa park dahil gabi na. Ang tanging nagbibigay buhay dito ay ang mga liwanag sa bawat poste ng mga bench. Nakita ko si Connor kasama si Blake na naglalakad papalabas sa likod ng kakahuyan ng park. Nakayuko lang siya at hinahawakan lang ni Connor ang balikat niya. May jacket na rin na nakapatong sa kanya at mukhang kay Connor ito dahil naka t-shirt na lang ang huli.
Agad akong tumakbo papunta sa kanila at nakasunod lang si Josh sa akin. Nang makita ako ni Blake, muli siyang umiyak at nahinto sa pagkakalakad. Lumuhod naman ako sa harapan niya at niyakap siya.
“Your sis is so worried about you. . .” saad ko at tumulo na ang luha sa mga mata ko. Ngayon ko mas naramdaman ang kaba habang wala akong alam kung nasaan siya o kung ano man ang nangyari sa kanya.
“Next time, don’t just run away okay? Or if you want, bring me with you.” wika ko sa kanya at hinawakan ang ulo niya para mapatingin siya sa akin. “I’ll always be your number one supporter bro. And besides, hindi naman talaga masama ang ginawa mo.” wika ko para pagaanin ang loob niya.
“He told me everything.” napatingin naman ako kay Connor dahil sa sinabi niya.
Tumayo ako at niyakap siya ng mahigpit. Hindi ko alam kung bakit bigla ko siyang niyakap pero kasi, malaki ang pasasalamat ko sa kanya dahil siya ang unang tinakbuhan ni Blake. Kung wala siya, baka hindi ko matatagpuan ang kapatid ko.
“Thank you Connor.” saad ko at bumitaw sa pagyakap mula sa kanya.
“I think I need to go.” matapos niyang sabihin iyon ay biglang hinawakan ni Blake ang t-shirt niya. Nagkatinginan kaming dalawa ni Connor dahil sa ginawa niya pero nanatili pa ring nakayuko si Blake habang hawak ang t-shirt ni Connor.
“Blake?” tawag ko sa kanya pero hindi niya ako sinagot.
“Can you drive me home kuya Connor?” tanong niya ng nakayuko.
I sighed and looked at Connor. Alam kong naaawa siya kay Blake lalo na at alam niya kung ano ang nangyari. What will he do?
“Do you really want me to drive you home? Your sister is here.” wika niya pero hindi na sumagot si Blake sa sinabi niya.
“Alright then buddy.” hinawakan niya sa magkabilang balikat si Blake at tumingin siya sa akin.
“I’ll take care of him. You can go first or follow us.” ani niya na sinagot ko naman ng tango. Nagsimula nang maglakad sina Connor paalis kaya tumingin din ako kay Josh na nakatitig lang pala sa amin.
“I’m sorry. Gusto kasi ni Blake na sumama kay Connor.” wika ko. He sighed and smiled at me. Alam kong nasaktan siya sa naging desisyon ni Blake pero hindi ko naman talaga mapipilit ang kapatid ko kung ano man ang gusto niya.
“I know. I know he doesn’t like me and he wants to be with that guy only. But do you really need to hug him?” he asked and that question made me stunned.
“I’m sorry. Nadala lang ako sa emosyon. Not as if that hug means something.” I walked pass him pero hinawakan niya ang braso ko kaya napahinto ako.
“Do you have feelings for him Asher?” the moment he called me by my name, I know he’s upset or maybe angry at me.
“Why did you ask that? You’re my boyfriend? Bakit naman ako magkakaroon ng nararamdaman sa iba? What you’re thinking is the answer.” I looked at him at ngumiti ako sa kanya.
“But what I am thinking right now is that you like him. Is that the answer?”
“What?! No! Of course not. Don’t misinterpret the hug that I gave to Connor. I just want to thank him, that’s it!”
“And you know that I am here! Kasama mo ako pero kayakap mo ang ibang tao!” sigaw niya sa akin.
Hindi ako makapaniwala na sa maliit na bagay na iyon, nagagalit na siya sa akin ngayon. And this is the first time that he got angry at me to the point that he will shout me. Hindi naman kasi talaga umaabot sa puntong nagsisigawan kami tuwing nag-aaway kaming dalawa.
“Nag-aalala ako ng sobra sa kapatid ko at niyakap ko si Connor dahil kung hindi sa kanya, hindi ko makikita hanggang ngayon si Blake. Hindi mo ba naiintindihan Josh? Ano bang nangyayari sa’yo?”
“F*ck!” sigaw niya at dumeretso ng lakad at pumunta sa kotse niya. Agad siyang pumasok at sinuntok ang manubela. Sumunod naman ako sa kanya at pumasok na rin sa loob.
Narating namin ang bahay na walang ni isa ang nagsalita. I sighed and then opened the door.
“I’m sorry. Good night.” lumabas ako ng sasakyan niya at pumasok ng bahay.
Hindi ko alam kung bakit pero biglang tumulo ang luha sa mga mata ko. At sobrang sakit ng nararamdaman ko. Bakit ako umiiyak?