Chapter 37: Triangle

2806 Words
“Tulala ka na naman?” biglang sinara ni Mira ang laptop ko at inilapit ang mukha sa akin. “Ano ba ang nasa isip mo?” tanong niya. Napatingin ako sa paligid namin at napakaraming estudyante na naglalakad sa field. Walang pasok ngayong araw dahil may faculty meeting ang mga teachers. Biglaan ito kaya okay lang na nandito pa rin kami kahit wala kaming business. “May plano ka na ba sa christmas vacation Keren?” tanong ni Mira. May kinuha siyang ticket mula sa bag niya at ipinakita sa akin. “Tada! Two tickets for the both of us.” inilahad niya ang isang ticket sa akin. “Wait. . . Japan?” I asked. “Yes. Maganda kasi malapit lang atsaka hindi naman gaano katagal ang christmas vacation noh.” saad niya. “Bakit mo naman ako isasama sa Japan?” nabigla naman si Mira sa tanong ko. “Hoy bruha ka! Tulog ka pa ba kahit tanghalian na? Syempre! Tayo kayang dalawa ang palaging nagsasama kapag outside the country trip. Lutang ka beb?” she said sarcastically. “I don’t think I can go.” wika ko sa kanya habang nakatingin sa ticket “Bakit naman hindi? Pinakiusapan ko kaya ng maayos ang mommy mo. Alam kong okay lang sa kanya pero ayoko kayang ma bad record.” “That’s not the point Mira. I me—“ “This is the first time that you rejected my proposal on an outside country trip. Is there something I didn’t know?” “No. Wala akong tinatago sa’yo. Hindi lang talaga ako makakasama sa’yo nga—“ “No buts. You will be coming with me. I don’t consider no unless there is a reasonable excuse.” “Fine. I’ll accept that.” I rolled my eyes and pull the ticket out of her hand. Napasigaw naman siya sa saya at niyakap ako. “Oh saan ka pupunta?” tanong ko dahil bigla na lang siyang tumayo. “May kailangan akong tapusin. Mauna ka ng umuwi kung gusto mo. Bye!” patakbong umalis si Mira at iniwan akong nakatitig sa ticket na ibinigay niya. Hindi ako sigurado kung makakapunta ba ako sa Japan kasama si Mira dahil hanggang ngayon na halos isang buwan na ang nakakalipas, hindi pa rin masyadong maganda ang relasyon nina Blake at mommy. Nag-uusap naman sila pero hindi na kagaya ng dati. Ayoko naman na mag-pasko kaming hindi nag-iimikan sa isa’t-isa at ayokong umalis ng hindi nakikita maayos ang relasyon nilang dalawa. Naaawa kasi ako kay daddy dahil siya ang naiiipit sa sitwasyon. “Hi Keren!” I stood up upon seeing the man in front of me. “Marco.” I called out his name. “Nakita mo ba si Mira o kasama mo ba siya kanina?” tanong niya sa akin. I pointed out the way where Mira went at tumingin naman siya doon. “She went that way. Kakatapos lang naming mag-usap. Teka, hindi ka pa umuuwi?” “May kailangan akong tapusin. Alis na ako ha?” agad namang tumakbo si Marco at napakunot ang noo kong nakatitig sa kanya. Parehong-pareho silang dalawa ni Mira ng rason. Tsk. May bagay ba akong hindi nalalaman sa kanila? Napapadalas na kasi ang pagkawala ni Mira at ang paghahanap ni Marco sa kanya. Bahala na nga. Naglakad ako para umuwi dahil wala na akong gagawin dito. Ala una pa naman ng hapon kaya paniguradong ako lang ang tao sa bahay. “What?” “I just want to see you. I miss you Connor.” I stopped walking after hearing their voices. Liliko sana ako sa kanan dahil doon ang daan papunta sa locker room pero narinig ko ang boses ni Connor at Bianca. Bakit sila magkasama at nag-uusap? Isinandal ko ang likod sa vending machine habang hinihintay ang susunod na sasabihin nila. Mabuti na lang at walang estudyanteng dumadaan dito lalo na ngayong walang pasok. “Back off.” Connor’s voice sound so fierce. I mean, parang galit siya na disgusted kay Bianca. Do they really know each other? “Why? I know you miss me.” I heard a clicking sound so I guess Bianca pushed him and he bumped into something. “I know you Connor. I know how you wanted to make love with me.” “Have s*x Bianca. Making love is different from s*x. And know your limitations.” narinig ko naman sunod-sunod na pagtunog ng heels ni Bianca kaya malamang ay tinulak siya ni Connor. Ano ba tong mga naririnig ko sa kanila? Akala ko ba inosente si Connor? Tsk. Ang laki naman pala ng alam niya. “Hey! Where are you going?” sigaw ni Bianca. “F*ck off.” kalmadong sabi ni Connor at wala na akong narinig mula sa kanilang dalawa. Alright then. Pwede na siguro akong dumaan dahil wala na naman sila at tapos na ang drama. Nagsimula akong maglakad at lumiko sa hallway nang mabangga ako sa dibdib ng isang tao. “Sh*t.” I cursed unknowingly. “Is that how you are supposed to say hi to me?” I looked up at napaatras ako ng makita si Connor. What the hell? Akala ko ba ay umalis na siya? Tumingin ako sa likod at galit na galit ang mukha ni Bianca na naglalakad papunta sa kung nasaan kami ngayon. “Bianca is calling you.” mahina kong sabi sa kanya. Wala akong narinig na sagot at hinila niya lang ako. “Hey Connor! We’re not yet done!” hinila ni Bianca ang bag ko kaya napahinto kami ni Connor sa paglalakad. Sh*t! Bakit ba ako naipit sa sitwasyon nilang dalawa? Gusto ko lang naman na ilagay ang mga gamit ko sa locker room. “We’re done Bianca. Don’t make trouble.” “I am not. I don’t know what happened to you but tell me why are you acting like this?” tumingin si Bianca sa akin at napataas ang kilay niya. “And what is this b*tch doing in here? She’s the ex-girlfriend of the president. She’s flirting with you right? What did you do to Co—“ “Watch your words Bianca. If I can’t control myself anymore, I’ll hurt you for sure.” “Huh. You dare threaten me with that fake words of yours?” tumingin si Bianca sa akin at hinila ang bag ko. Mahigpit naman ang hawak ni Connor sa akin kaya parang hinihiwa ang katawan ko. I looked at Connor and he immediately let go of my hand after seeing my face. Nang mabitawan niya ang kamay ko, lumapit sa kay Bianca at malakas na kinuha ang kamay ng huli mula sa bag ko. “Nonsense.” he then pulled my and we walked towards the locker room while listening to Bianca’s screams. “We’re not yet done Connor! And you b*tch!” she shouted. Gusto ko sana siyang lingunin pero inakbayan ako ni Connor gamit ang kanan niyang braso. Inilapot niya ang kamay niya sa akin at pinigilan ako ng makalingon. “Look at the front. You are not walking backwards.” he said as we walk faster. Tsk. Cold headed beast! “Bakit ba kasi ako nadamay sa gulo niyong dalawa? Gusto ko lang namang dumaan.” pagmamaktol ko. Huminto kaming dalawa ni Connor sa tapat ng locker room at nanatili siyang nakatayo sa likod ko. “I know you’re listening to our conversation. You are in the vending machine on the left hallway.” napatigil naman ako sa paglalagay ng mga gamit ko ng marinig ko ang sinabi niya. “I’m not. Kakarating ko lang noong nagkasalubong tayong dalawa. Kaya nga ako na-shock kasi biglaan kang lumabas.” “Liar.” he simply said. Hindi ko na lang siya pinansin pa at itinuloy na ang paglalagay sa mga gamit ko. “Do you really need to follow me?” sunod ng sunod si Connor sa akin habang naglalakad ako papunta sa parking area. Naka motor lang ako dahil wala si manong Oscar para ihatid at kunin ako. “I think you owe me something.” “Wala akong utang sa’yo. Pwede bang tigilan mo na ang pagsusunod sa akin.” huminto ako sa harap ng kotse at isinuot ang helmet ko. Humarap ako kay Connor pero napaatras din agad dahil ang lapit-lapit na pala niya sa akin. “Wha. . . t are y—you do. . . ing?” hinawakan niya ang baywang ko at inilapit sa kanya. Kahit naka helmet ako, malinaw na malinaw sa mga mata ko ang ngiti ni Connor. Why is he smiling so mischievous? “Give me the painting.” matigas niyang sabi at mas humigpit ang paghawak niya sa akin. “What painting?” “I said give it to me. A week is enough.” Last week, hinintay ako ni Connor na makalabas ng library. Dahil walang klase noong araw na iyon, nag-usap kaming dalawa sa isa sa mga classroom. He told me that he wanted his painting back but I refused to give it to him. He honestly told me that the woman on that piece is Mira but he refused to tell me why did he paint Mira o kung bakit may larawan siya ng kaibigan ko. He said it was just for fun. Fun his face! I just want to know what the truth is because I started to believe that Josh likes Mira and the feeling is mutual but putting Connor on the same frame? I don’t think that’s good. “What painting do you want? I can make one for you.” I said. Binitawan ni Connor ang baywang ko at umatras mula sa akin. Bigla siyang tumalikod at naglakad paalis. I did not wait for him to vanish from my sight because I immediately sat on my bike at pinaandar ito. Baka balikan niya pa ako at hindi ko na alam kung ano naman ang susunod na gagawin niya. “Napaaga yata ang uwi mo ma’am?” tanong ni manang nang makapasok ako sa bahay. Naabutan ko siyang nililinis ang couch sa receiving at sa family area. “Wala na po kaming pasok. Christmas break na po kasi manang.” “Kaya pala umalis din si Blake.” “Wala na rin po ba silang pasok?” “Ay wala na daw sabi ng dad mo. Kasama niya ngayon ang tita Tessie niyo at may pupuntahan daw sila.” “Hindi po ba nila sinabi kung saan?” “Ay hindi ma’am. Baka sa mall po sila pupunta o sa gaming store. Alam niyo naman po na mahilig sa mga gaming-gaming ang kapatid niyo.” “Oo nga po manang. Pasok na lang po ako sa kwarto ko.” “Gusto mo bang ipaghanda kita ng makakain?” “Hindi na po kailangan manang. Kumain na po ako ng tanghalian sa cafeteria. Lalabas na lang po ako kapag may kailangan ako.” “Siya sige at nandito lang din naman ako.” pumasok na ako sa kwarto at nagbihis. Agad naman akong binati ni Zues nang makaupo ako sa higaan. “Na-miss mo ako Zeus noh?” “meow. . . meow. . .” sagot naman niya at humiga sa gilid ko. Hindi ko na lang siya kinausap pa dahil mukhang matutulog na naman siya. Kinuha ko naman ang bag ko na nasa gilid at nilabas ang laptop at ang painting ng mukha ni Mira. Ipinagtapat ko ito at parehong-pareho nga talaga. Does this mean, Connor likes Mira? May love triangle ba na nangyayari? Pero bakit inilagay ni Connor ang painting sa libro na binabasa naming dalawa? Hindi ako nakatiis kaya tumayo akong muli at nagbihis. Hindi ako mapakali kaya ngayon-ngayon din ay pupuntahan ko si Mira sa bahay nila. She’s the one on the painting kaya baka may sagot siya sa mga tanong ko. Nilakad ko lang ang daan papunta sa bahay nina Mira kasi nasa iisang subdivision lang naman ang tinitirhan namin. Nang marating ko ang tapat ng bahay nina Mira, hindi na ako nabigyan ng pagkakataon na pindutin ang door bell dahil biglang bumukas ang pintuan. “Mira? And wait, Marco?!” I shouted as I looked at the two people in front of me. “Bakit ka nandito sa bahay ni Mira?” I asked Marco. Wala siyang sinagot sa akin kaya ibinaling ko ang tingin kay Mira na shock pa rin sa pagdating ko. “Bakit siya nandito sa bahay niyo?” tanong ko. Lumabas naman si Marco sa gate at ngumiti sa akin. “Nothing special. I just drove her home.” “And why do you have to do that?” nairita ako sa pag ngisi ni Marco kay tinaasan ko siya ng kilay. “Because she’s special?” “Bakit ako ang tinatanong mo?” “Ewan ko sa’yo Keren. Malakas ka pa naman sa akin tapos ang pangit pala ng ugali mo.” pagmamaktol niya na parang inagawan ng candy o ano. “Bakit ba siya special sa’yo?” tiningnan ko si Mira at tulala pa rin siyang nakatitig sa aming dalawa ni Marco. “Hoy Mira! Ano itong mga nakikita at naririnig ko ha?” tanong ko. Hinawakan ko ang kamay niya at inilapit siya sa akin. “Anong meron sa inyong dalawa?” “Nothing.” she then looked at Marco and rolled her eyes. “Pasok na tayo kasi ang daming insekto dito sa labas at nangangagat. Hmp!” malakas akong hinila ni Mira papasok sa bahay nila. Napapitlag naman ako ng padabog niyang sinara ang gate. Sa sobrang lakas ng tunog nito, para na akong mabibingi. “Bakit ka galit?” umupo ako sa couch nina Mira. Nakatayo lang siya at palakad-lakad sa harapan ko. “Where could it be? Where did he put it?” hindi ko masyadong maintindihan ang mga sinasabi niya pero rinig na rinig ko naman kahit na bumubulong lang siya. “You’re looking for something?” I asked. “I do and I swear, I need to fight it before he will.” “He? You mean who?” “That st*pid Marco. You saw how he acted a while ago right? He is terrible and st*pid. Ugh! I hate him!” umupo si Mira at halos magtagpo na ang kilay niya sa galit. “Bakit ba siya nandito?” “To ask me if I have that st*pid piece!” hindi na niya maiwasang magalit at nai-imagine ko na si Mira na parang bulkan na anytime ay puputok na. Ano bang ginawa ni Marco sa kanya? “Bakit ka nga pala nandito?” tanong niya at umupo malapit sa akin. Oo nga pala, hindi ko pa nasasabi sa kanya kung ano ang pakay ko at kung bakit ako pumunta dito. Naunahan kasi ako ng pagiging chismosa at gusto kong malaman kung ano ba sila ni Marco. Kasi diba? Bakit siya nakapasok sa bahay ni Mira kung hindi naman ang kaibigan ko ang nagpapasok sa kanya? Tsk. Feel ko talaga may something. “I’m actually here to tell you something and to show you something as well.” I said. Hindi ko alam kung bakit ako kinakabahan habang nakaharap ako kay Mira ngayon. She’s clueless about what I will be telling her and I know she’s as confused as me. Mahigpit kong hinawakan ang maliit na canvas sa kamay ko at dahan-dahang inilabas. Hindi ko pa iniharap kay Mira kung ano ang larawan nito dahil kumunot ang noo niya. “What are you trying to say or show me?” “I want you to asnwer this question first.” “As long as I can. What is it?” “Anong meron sa inyong dalawa ni Marco?” hindi ko nakita na nabigla siya o ano pero kitang-kita ko na nagdadalawang-isip siya kung sasabihin ba niya sa akin. “I don’t want to tell you this one because I know you will say that I am just playing with him but since here you are now, asking me so sincerely then I will answer that.” huminga ng malalim si Mira at sumagot. “Marco ask me that he wished to court me.” That was expected pero iba pa rin pag narinig ko na talaga mula sa kanya. “Well you are in trouble. Because Connor?” iniharap ko kay Mira ang painting at kitang-kita ko ang pagkabigla niya. “I think he likes you as well.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD