“You are now dismissed.” saad ng professor namin at agad na nagsitayuan ang mga kaklase ko.
Unang lumabas ang professor kaya nag-unahan pa talaga ang mga kaklase ko sa paglabas na parang galing silang lahat sa preso.
I also stood up and waited for the chance to talk with the man beside me. He is still on his ipad and browsing some. . . I don’t know. All I see are just cars. Tsk. He really is a car maniac.
Nang makaalis na ang lahat ng tao mula dito sa loob, tumayo si Connor at kinuha ang bag niya sabay lakad sana paalis.
“Wait. . .” I called and that made him stop.
“Do you have a minute?” tanong ko kahit na nakatalikod pa rin siya sa akin.
“No.” deretso niyang sagot at naglakad pang muli.
“Just a minute Connor!” I shouted pero parang wala siyang narinig at tuloy-tuloy pa rin ang paglalakad niya. Ayaw mo ha?! Tatakbo na sana ako dahil plano kong hilahin siya papunta sa library nang biglang may sumigaw sa pangalan ko.
“Keren!” sigaw ni Mira mula sa pintuan at kumaway-kaway pa talaga siya sa akin. Dumaan si Connor sa kanya at binati niya ito pero parang walang narinig ang huli at dinaanan lang siya. Tsk. Snober talaga.
“Lumabas ka na! Kanina pa ako naghihintay sa’yo dito!” sigaw ni Mira kaya para matahimik siya, kinuha ko na ang mga gamit ko at padabog na lumabas ng silid.
Tsk. Kung hindi lang sana dumating ang babaeng ‘to, nalaman ko na ngayon kung sino ang babaeng nasa painting at kung pagmamay-ari ba talaga iyon ni Connor. Kung saan-saan ba lang talaga sumusulpot si Mira. Panira ng plano! Tsk.
“Bakit ka nakasimangot diyan? May dalaw ka ba?”
“Oo.”
“Gusto mo libre kita ng soda?”
“Iba ang dumalaw sa akin.”
“Eh?” gulat na gulat niyang sabi sa akin. “Ano naman ang dumalaw sa’yo?”
“Ikaw.” wika ko at itinuro siya.
Napahinto siya sa paglalakad kaya humarap din ako sa kanya. Tinaasan ko siya ng kilay.
“Ba’t ka huminto?”
“Bakit na naman napunta sa akin ang usapan?”
“May sasabihin kasi sana ako kay Connor.” tumalikod na ako at pababa na kami gamit ang hagdan. Kinukulit naman ako ni Mira na ibahagi ko sa kanya kung ano sana ang sasabihin ko kay Connor.
“I won’t tell you because you are the reason kung bakit hindi natuloy. Kung tahimik mo lang sana akong hinintay, hindi ka sana hihingi ng chismis mula sa akin.” narating namin ang cafeteria at maraming estudyante na ang nakapuwesto sa loob. Mabuti na lang at may iilan pang bakanteng upuan kaya nakapuwesto rin agad kami ni Mira.
We ordered in no time and started eating our lunch.
“Sabihin mo na nga sa akin Keren. Alam mo naman na hindi ako napapakali kapag konti lang ang nalalaman ko. Lalo na kapag chismis na ‘yan. Sige na. . . sabihin mo na.” mahina niyang sabi at binuksan pa ang can ng coke para sa akin. Pasikat siya ha?
“Huwag kang mabait sa akin. Kasi kahit ano pa ang gawin mo, hindi ko talaga sasabihin sa’yo.”
“Why? I just want to know. Not as if I will tell that little secret of yours to others.”
“F*ck off Mira.”
“Alright. Fine. Hindi na ako magtatanong. I know you will tell me once na clear na. Hmp!” huling sabi niya bago nagpatuloy sa pagkain.
Napaisip naman ako ulit kung sino nga ba talaga ang babae sa painting na iyon. Mukha niya lang kase ang ipininta at mukhang hindi pa naman tuluyang tapos dahil hindi buo ang mukha. Tsk. Bakit ko ba pinoproblema to? Wala naman talaga akong pakialam dito pero kinakain ako ng curiosity ko. Tsk.
I started eating my lunch when I saw Connor and Marco entering the cafeteria. I looked at him and he is busy with his phone. They sat on a long table far away from us. They greeted each other and after that, umupo si Connor at bumalik na naman sa cellphone niya. Hindi ba siya kakain?
Habang nakatitig ako sa kanya, biglang umangat ang ulo niya at napatingin siya sa akin. Nagulat ako kaya bigla kong naibuga ang tubig na iniinom kong tubig.
“What the hell Asher?” biglang sigaw ni Mira kaya napatingin sa amin ang ibang mga kumakain dito sa loob. Habang si Mira naman ay pinupunasan ang suot niya ng wipes. “That was unpredictable. Anong nangyari sa—“ napahinto siya sa pagsasalita at tumitig sa akin. “Bakit ka pasulyap-sulyap sa likod ha?” tumalikod si Mira at nakita niyang nakatingin ako kay Connor.
Mabilis naman akong umubo at tumingin sa pagkain ko. Dahan-dahang umikot si Mira at nakangiting nakaharap sa akin.
“You like him?” tanong niya.
“Ano sa tingin mo ang sinasabi mo?” sagot ko naman at tinapos na ang kinakain ko.
Kinuha ko ang laptop mula sa bag ko at inilagay ito sa mesa. Kinuha na ng staff sa cafeteria ang pinagkainan ko habang si Mira naman ay nakangiti pa ring kumakain. May sayad ba sa utak ang babaeng ito? Tsk.
I browse my files to check if nailagay ko ba dito ang slides namin kanina. Matapos ma check, napunta ako sa folder kung nasaan ang mga larawan naming dalawa ni Mira. To tell you the truth, all of these pictures were taken by Mira. Hindi ko siya inaaya na magpa-picture kaming dalawa pero siya mismo ang palaging nagi-insist. Memories daw naming dalawa lalo na at best friend kami.
“Mira can you stop checking on me and then look back? Mabuti pa at tapusin mo na lang ang pagkain mo.”
“I’m almost done. Don’t pressure me too much. You know that I wanted to make sure that I know the taste of every food.” she said that made me shrugged off my shoulders.
Nakuha naman ng isang larawan ang atensyon ko. I think I posted this one on my twitter account but I deleted it right away because Mira got upset.
It’s an image of her bare face. She did not put any make up that time because we are having fun at the beach. And yes, we sometimes spent our vacation together for days and our parents always agreed to it.
I decided to have a photoshoot when we were at the beach at ako ang kumuha ng litratong ito. Tanging mukha, ang buhok niya at ang leeg ang makikita. It was a head shot and I love how gorgeous Mira is on that picture kaya I decided to post it on my twitter account. Ang kaso, ayaw daw ni Mira kasi wala siyang kaarte-arte sa mukha na inilagay that time. Sinabi ko naman sa kanya na maganda pa rin siya pero ayaw talaga. I guess I deleted it three minutes after I posted it.
Napakunot ang mga kilay ko at inilapit ko ang mukha para mas matitigan ito. How come this one looks so familiar? Hmm. . . . Hindi ko alam kung bakit pero kinuha ko ang painting mula sa bag na nakaipit sa isa sa mga libro ko. What I am thinking right now is too impossible but my instincts told me to do this. Itinapat ko ang painting sa tabi ng larawan sa screen ng laptop ko at nanlaki ang mga mata ko. What the f*ck?
“Hoy! Para kang nakakita ng multo. Tapos na ako Keren!” tawag ni Mira na nakatayo na sa harap ko. Tumingin ako sa kanya at mas lalo lang akong naguluhan. Anong meron sa dalawa? Anong relasyon ni Connor at Mira?
Ang babaeng nasa painting ay walang iba kung hindi si Mira. I saw this painting at the book from the law library. At dalawa lang kaming gumagamit sa librong iyon. This is not mine which means that Connor owns this one. Bakit siya may painting ni Mira?
“Keren! How beb, tara na.” pagmamaktol ni Mira sa harap ko.
“Mauna ka na. I think I need to talk to someone.”
“Mauuna na lang talaga ako kasi ala una ang klase ko samantalang alas dos pa ang sa’yo.” unalis na si Mira at hinintay kong makalabas siya ng cafeteria.
Sumilip ako sa mesa nina Connor at nakaupo pa rin sila at nagtatawanan ang mga kasama niya. Wala ba siyang plano na makihalobilo? Tsk.
Iniligpit ko ang mga gamit at tumayo. Bitbit ang mga gamit ko, deretso ang lakad ko papunta sa mesa nina Connor.
“What brought you here Ke—“
“Come with me.” agad kong hinila si Connor na nakapikit lang sa gilid. Wala akong pakialam kung tulog siya o ano basta ayoko nang patagalin pa ang mga tanong sa utak ko.
“Hoy, hoy Keren!” hindi ko pinansin si Marco at wala akong pakialam kung bastos man ako sa paningin nila. I want to end this madness, right now.
“Where are you taking me?” malamig at malalim ang boses ni Connor habang tinatanong niya ako. Seryoso din ang mukha niya at wala akong nakikitang kahit anong ekspresiyon.
“I don’t want to blow up my mind so bear with me this time.” we finally got inside the library and we directly went to the second to the last aisle after giving our number ID to the librarian.
Binitawan ko ang kamay niya at tinitigan siya sa mga mata. Hindi siya nakatingin sa akin and he look so bored facing the books. May itim air buds pa sa tenga niya.
“I found out about the painting and I have it with me.”
“So you are the thief. No offense but I am not even surprise.” saad niya at napanganga naman ako dahil doon.
How dare he said those words to me!
“Don’t mock me moron!” pabulong kong sigaw sa kanya.
Wala akong narinig na salita mula kay Connor kaya kinuha ko ang painting mula sa bag.
“You own this one, right?” I questioned.
“So?” sagot naman niya na parang nababagot na siya sa pag-uusap namin.
Bakita parang agad na nagbago si Connor simula noong huling pagkikita namin? Tsk. Baka may mood swings na naman ang taong ‘to. Tsk.
“Just answer me! I know this woman. She’s my best friend. Do you like her?”
“Why do you care so much? So nosey.” tumalikod si Connor at aalis na sana ng hawakan mo ang kamay niya.
“Just tell me that this is yours and that the person painted in here is Mira.” mahina kong sabi. He sighed but he never said even a single word. “Do you like Mira?” I asked as I looked down and closed my eyes.
Hindi ko alam kung bakit ako natatakot na itanong sa kanya kung gusto niya ba si Mira. Itinanong ko pero ayokong marinig ang sagot.
“You have your answers.” the last thing that he said before he pull his hand and left.
I was stunned.
Does that mean?
I was interrupted by the ringing of the bell inside the library. Paulit-ulit itong pinapatunog ng librarian kaya napalabas ako ng aisle. Nakita ko si Josh at Bianca na magkasama. Kinakausap ni Josh ang librarian habang si Bianca naman ay nakangiti sa mga estudyante na nandito sa loob. Alam kong plastic ang ngiti niya at ako lang siguro ang hindi nahuhulog sa mga salita niya. Tsk. Two-face b*tch.
“Hi!” bati ni Bianca sa akin ng makalapit ako sa kinaroroonan nila. “Do you have your business in here?” she asked.
I raised my left brow at her and looked at her with a questioning look.
“Do I have to answer that one?” tanong ko.
“We’re having our rounds. We’re checking every students around the campus.” saad niya at parang nagpipigil lang siyang taasan ako ng boses dahil may iba pang mga estudyante na nakatingin sa amin.
“This is our department’s library.” sagot ko at nilampasan na siya sa paglalakad. Nakalabas na din ang lahat ng estudyante at kaming tatlo na lang ang nandito sa loob.
“Don’t you have a class?” tanong niya at tinaasan na ang boses. Tumingin ako pabalik sa kanya at naka-krus ang mga braso niya sa kanyang dibdib at tinaasan pa ako ng kilay. Tsk. Now she’s showing off her colors? Tsk.
“I do that’s why I’m leaving.”
“We can mark you late.”
“How can you do that? You are not even my professor and you don’t even have the skills to be one.” tumabi si Josh sa kanya at sinubukang hawakan ang braso ni Bianca.
“I can even suspend you.” she said in a very irritating tone.
“Tsk.” and then I walked towards the door. I don’t want to hear her nonsense words.
“Why don’t you tell us your schedule so that you can skip our punishment? And maybe apologise as well.” she said. Naglakad din siya palapit sa akin. For the second time, hinarap ko siya at ngumiti ako.
“Are you threatening me?”
“I’m not. Just doing my job.” and then she shrugged her shoulders. Pwede ko po bang sampalin ang babaeng ito ngayon? Gusto ko lang po kasing maka exercise ang kamay ko.
“Your job? tumawa ako ng malakas to mock her. “All I know about you is that you are a two-face b*tch.” I went near her and whispered. “You are a push-over as well.” umatras ako at matamis na ngumiti sa kanya.
Kitang-kita ko ang pagpigil niya ng galit.
“You are going beyond the rules.” she said.
“Let’s just go Bianca.” wika ni Josh at mahinang hinila ang braso ni Bianca, ngunit hindi gumalaw ang huli at nakatitig lang sa akin.
“Beyond the rules? I don’t even remember seeing your name on the list. Did you updated the rules?” tanong ko. After hearing no words from her, I rolled my eyes and turn.
“Disobeying the member of the council is punishable.”
Hindi pa rin ba siya titigil? Kasi ako gusto ng tumigil sa mga sinasabi naming dalawa sa isa’t-isa. Napakawalang kwenta niya kasi kausap. Napaka-selfish.
“I don’t care. Report me if you can. I did not even do anything.”
“You da—“
“Bianca enough. We need to finish this because we still have our classes. Hindi tayo pwedeng mawala sa klase.”
“No Josh. Hindi ko kayang tanggapin na sinasagot lang tayo ng isa sa mga estudyante. They are under any of us. They should res—“
“Who’s under you? No one is under your f*cking council.” I said even though I am not looking at them.
“See?” I think she’s talking to Josh. “Why are you so in love with that kind of woman?”
“Stop now Bianca. We need to go back now.”
“No!”
“What else do you want then? Just ask her immediately.” seryosong sabi ni Josh sa kanya.
“I wanted to know her schedule. Iyon lang naman. Why did she made it so big?” nakakaawa niyang sabi na parang siya pa ang inaway ko. Tsk.
“If you want to know my schedule, ask my ex-boyfriend then. He know everything.” after saying those, I went out and slammed the door.
Paglabas ko ng library, nabigla ako ng makita si Connor na nakasandal sa gilid ng pintuan. He looked at me and stood up straightly. He then walk away pero hindi pa siya nakakalayo ng marinig ko ang sinabi niya.
“Follow me.”