I expected Mira to be shocked even more after seeing the painting but disappointment was plastered in her pretty face and she looked at me with disbelief.
“Why are you looking at me like that?” tanong ko dahil wala akong ka ide-ideya kung bakit siya nakasimangot sa akin.
“You b*tch. When did you get a hold of this one?” tanong ni Mira at hinablot ang painting mula sa kamay ko,
“Hindi iyon ang problema ngayon Mira.” tumayo ako at naglakad-lakad sa harapan niya. “Marco likes you and maybe, you like him too. But. . .” I looked at her and she’s raising her brows on me with a confused face. “what if Connor likes you as well?” gulat na gulat kong tanong at lumapit sa kanya.
Biglang tumawa ng malakas si Mira at hinampas-hampas niya ang sariling mga paa. What’s wrong? Wala naman akong sinabing nakakatawa sa kanya?
“Did I said something wrong?”
Hindi pa rin tumitigil sa kakatawa si Mira kaya kinuha ko ang unan na nasa likod ko at tinapon sa mukha niya.
“Ouch! Bakit ka ba nambabato? At sa sarili pa talaga naming bahay?” mataray niyang sabi at ibinato pabalik sa akin ang unan.
“Bakit ka kasi tumatawa diyan? Wala naman sigurong nakakatawa sa sinabi ko?” I asked.
“What you are thinking is wrong Keren. Hindi ako gusto ni Connor.”
“But why—“
“I don’t know. Maybe you can ask Connor. Confront him.”
“Will you believe me then?”
“Give me a recording.”
“That’s quite easy.”
“Good luck then.” umupo si Mira sa tabi ko at ibinalik sa akin ang painting.
“ I did not force you to do this Keren. Ikaw ang mas matalino sa ating dalawa pero sa tingin ko, pagdating sa mga ganito ay bobo ka.”
“Hindi ko naiintindihan ang mga sinasabi mo. Gusto ko na lang umuwi.” tumayo ako at ganun din ang ginawa ni Mira.
Hinatid niya ako sa tapat lang ng bahay nila at deretso na agad ang uwi ko sa bahay. Hawak-hawak ang painting, I silently wished that what I am think isn’t true because I don’t want Mira to get confused and I don’t want her to choose as well.
Kinabukasan, maaga akong nagbihis para pumunta sa campus. Wala nang pasok ngayon dahil December 23 na at kanya-kanyang uwian na din ang mga estudyante na namamalagi lang sa dorm. Habang papasok ako sa campus, papalabas naman ang mga estudyante na may dala-dalang malalaking bag at ang iba ay suitcases. Punong-puno din ng mga sasakyan ang parking area kaya mabuti na lang talaga at naka-motor ako.
“Ano pong pakay niyo sa loob ng campus ma’am?” tanong ng isang guard na naglalakad sa campus.
Ipinakita ko and ID ko sa kanya bago siya sinagot.
“Kukunin ko po ang mga gamit ko sa locker room.”
“Sige ma’am. Huwag po kayong magtatagal kasi isasara na po ang school pagkatapos ng tanghalian.”
“Sige po manong. Salamat.” ngumiti lang ang guard sa akin at ako nama’y nagpatuloy na sa paglalakad.
Madali kong nakuha ang mga libro ko sa locker. Itinira ko ang uniform at extra clothes dahil hindi ko naman ito gagamitin sa bahay atsaka ayoko nang magdala ulit nito pagbalik ng klase.
Nang makuha ko na ang lahat, naglakad ako pabalik sa daan na tinahak ko kanina nang biglang may humablot sa kamay ko.
“Hey. . . wait! What are you doing?” nauutal kong tanong kay Josh. Bigla niya lang kasi akong hinila at naglalakad kami ngayon sa hindi ko alam na destinasyon.
“Josh, wait. . . I don’t have time with this nonsense. Pwede mo ba akong bitawan?” pero wala pa rin akong narinig na sagot mula sa kanya.
Huminto kami sa tapat ng opisina ng school government at pagpasok namin, agad na tumingin ang iilan sa mga taong nasa loob. Nang makita nilang kaming dalawa ni Josh ang pumasok, agad silang bumitaw ng tingin at bumalik sa kanya-kanya nilang trabaho.
Hinila ako ni Josh at pumasok kami sa isang silid na sa tingin ko ay opisina niya.
“Can you let go of me now?” binitawan niya ang kamay ko at humarap sa akin.
“Are you having a relationship with that st*pid now?” bigla niyang tanong at napaatras naman ako dahil sa gulat.
Hinila niya ako hanggang sa opisina niya para lang tanungin tungkol kay Connor? Bakit hindi na lang si Connor ang hinila niya?
“I don’t want to talk to you Josh. Tapos na, nakipag-break ka na sa akin. Ano na naman ang gusto mong patunayan ngayon?”
“I wanted to know if you like that guy.”
“So? Ano naman ngayon kung gusto ko nga si Connor?”
“We just broke up Keren! Kaka-break lang natin pero may iba ka na agad?”
“You know what? I don’t f*cking care about your opinions. Ano ba ang point mo ngayon ha?” naiirita kong tanong sa kanya. Nakatayo pa rin kaming dalawa at magkaharap na nag-uusap.
“Broke up with him and come back to me. I’m sorry for what I did and said to you.” wika ni Josh at lumapit si akin. Akmang yayakapin niya ako pero umiwas ako at umatras mula sa kanya.
“Ano sa tingin mo ang ginagawa mo?”
“I wanted to ask for your forgiveness. In that way, I can pursue you again and bring back the happiness that we have. I love you Asher, I swear, I really do.”
“I’— I am. . . sorry but do I have to repeat myself?”
“What?”
“I told you that I don’t want to talk to you and I don’t f*clingcare about your opinions. You already broke up with me. Tapos na tayo at wala sa listahan ko ang makipagbalikan sa’yo. I am not completely healed but I am almost there.”
“Then I’ll wait for you. Hihintayin kita Asher kagaya noong una. Hinintay kita diba?”
“Don’t be selfish!” hindi ko maiwasan na sumigaw dahil sa sinabi niya. “After hurting me, now you want me back?! You are so cruel!” I shouted at him.
“No. That’s not it. Please. . . I couldn’t sleep for days thinking about what I did to you. I broke up with you and I left you being soaked by the rain.”
“And you did nothing.” malungkot kong sabi sa kanya.
“I did. I came back for you.” deretso niyang sabi sa akin. Bumalik siya? Pero bakit hindi ko siya nakita o ang kotse man lang niya. “But you are already with that guy. I saw you crying because of me but when you are with him, you’re smiling. But what I am thinking isn’t what it is right? You said you love me, right?” he desperately said and he held my hand.
Napatingin ako sa kamay niya at mapait na napangiti. Can our love story be considered as a tragic one? He loved me first and he knew that I am not completely into him. By the time that he already gave up and wanted to broke up with me, I told him that I love him. And now, I was about to forget him and completely move on but here he is, begging for another chance. Sino ba sa aming dalawa ang may kasalanan? At dapat pa ba kaming magkabalikan?
I looked at my right side at nakikita ko mula sa salamin ang mukha ni Bianca. I think this is a one way mirror. Nakikita ko ang nasa labas pero hindi nila nakikita kung ano ang ginagawa namin ni Josh. And I think that’s my cue.
Bianca is the reason for all of these mess. And yes, I am blaming her. I know, alam kong nagkamali din ako. Kung minahal ko lang sana si Josh nang mas maaga pa, hindi kami hahantong sa ganito. Ngunit, nang dumating si Bianca sa buhay naming lahat, biglang lumiko ang tinatahak naming daan. Dahil sa kanya, nagkaroon kami ng hindi pagkakaintindihan at may mga bagay kaming hindi nabibigyan ng rason.
“I’m sorry Josh but I guess we are really over. Tapos na at hindi ko kayang ibigay sa iyo ang pangalawang pagkakataon na hinihingi mo. I am really sorry.”
Binitawan ni Josh ang kamay ko at tumingin siya sa akin.
“You love me right?”
“I do. . . but. . .”
“And I love you as well. Wala namang problema sa ating dalawa Keren. Nadala lang ako ng emosyon ko kaya ako nakipaghiwalay sa’yo. Please . . . give me one more chance.” I smiled bitterly and walked towards the door.
“I don’t think I can compete with someone who plays dirty. For the last time, don’t be selfish Josh. I am almost there and I don’t want to go back. I’m sorry but this will be the last time that we’ll talk with each other.” binuksan ko ang pintuan ng office niya at deretsong lumabas sa kanilang silid. Hindi pa man ako nakakalayo ng bigla na namang may humablot sa braso ko. Malakas ang pagkakahawak niya kaya makikitang tumatak talaga ang kuko niya sa balat ko.
“What?” I said in a very boring way.
“What did Josh said to you? What did the two of you talk about?” she desperately asked. I laugh because of what she asked and looked at her with disgust.
“Who are you to ask me that? Are you his grandmother because you exactly look like one.”
“Don’t you f*cking dare make fun of me.”
“Why? Are you going to scare me with your vice president position?”
“What the f*ck did you just said?” naiirita niyang tanong. Umayos naman ako ng tayo at ngumiti sa kanya.
“Ano nga ba ang nagawa mo sa school? Oh!” I acted like an idea popped in my head. “You always roam around the campus to check every student’s schedule, right?” tumawa naman ako ng malakas at naging dahilan iyon para mas magalit pa siya sa akin. “How pathetic. Siguro nanalo ka as vice president kasi gusto nilang ipagawa ang ganung klaseng trabaho sa’yo. Do you think you look superior doing that work? No! Imagine, nilalakad mo ang buong campus para lang awayin ang ibang mga estudyante. Wala ka bang iba pang kayang gawin?” tanong ko.
“Are you insulting the work of the student government?”
“I guess I am?” patanong kong sagot sa kanya.
“Are you answering me sarcastically?”
“You know what Bianca? Kung gusto mo si Josh, you can gave him now. Hindi pa naman magugunaw ang mundo. May panahon ka pang makipaglandian sa kanya.” I said and smiled at her.
“Josh broke up with you because he likes me more than you.”
“Oh. Is that it? Gusto ka nga niya pero ako naman ang mahal. Oh baka naman gusto ka lang niya kasi magkaibigan kayo ng ilang taon?” tumawa ako matapos sabihin iyon para mas galitin pa siya.
Natutuwa kasi akong tingnan ang mukha niyang pinipilit ang sarili na pigilan ang galit. Sa tingin ko ay anong oras man ngayon ay sasampalin niya ako. I should ready myself then. May mga dala pa naman akong gamit kaya hindi ako makakasabay sa kanya. Tsk.
“Just don’t f*cking let me see your face again you b*tch.”
“Ikaw ang lumalapit sa akin Bianca. Are you purposely trying to get my attention? Do you want me to get afraid of you or kneel in front of you? Ha!”
“One day you will.”
“I will. In your grave while giving you your white rose.” I said to irritate her.
She looked more devastated than our previous conversation and I think she will slap me now.
“How dare you b*t—“ she was about to slap me on my left cheek but Connor’s voice made her stop.
“Dare lay a finger on her and I will make you regret living.” he said in a very cold voice.
I looked at the side and there he is. Papalabas siya sa isa sa mga classroom at lumapit sa akin.
“Connor. . .” biglang naging matamlay ang boses ni Bianca at hinawakan niya ang kaliwang bahagi ng kanyang pisngi. “I wasn’t supposed to do that but I don’t have any choice.” biglang tumulo ang luha sa mga mata niya at lumapit siya sa lalaking nasa tabi ko. “She slapped me first! Connor. . .” pag-iinarte niya.
Hindi ako agad nakapagsalita dahil sa gulat. So ako pa ang pinapalabas niyang may kasalanan at sinampal ko pa talaga siya?
“Connor. . .” maarte niyang sabi.
Hindi naman siya pinansin ng huli at imbes na patahanin si Bianca, humarap siya sa akin at kinuha ang iilan sa mga gamit na dala ko.
“Let’s go.” he said in a very calm voice and turned his back. Nagsimula siyang maglakad pero nagsalita na naman si Bianca na naging dahilan para huminto si Connor.
“She kissed Josh!” she shouted and that made me looked at her with a very wide eyes. How dare she make stories for her own benefits! “She went to our office just minutes ago and I saw it my two eyes, I saw how she kissed Josh!” sigaw niya. Tumingin siya sa akin and she smirked. Ano ba ang mga pinagsasabi niya.
“Do you think I will believe you?” tanong ni Connor at humarap sa kanya.
“Bakit naman hindi? You know me for years. What I am saying is true!”
“That’s the reason why I won’t trust you. Because I have known you for years.”
Hindi ako nakatiis at lumapit ako kay Bianca.
*pak*
“Don’t make stories lalo na kung tungkol sa akin. Ano ba ang gusto mo ha? Gusto mo bg maraming lakake? Go on! But don’t make stories about me because I will not back down. Remember that.” tumalikod ako at nagsimulang maglakad paalis.
Naabutan ko si Connor na nakatayong naghihintay sa akin. Habang naglalakad kami paalis, paulit-ulit na tinatawag ni Bianca ang pangalan ni Connor hanggang sa hindi na namin narinig ang boses niya.
How dare that woman make stories about me? Gusto niya ba sa kanya lang ang lahat ng lalake? Pwede niya naman kasing gawin iyon ng hindi tumatapak sa pagkatao ng isang tao. Hindi ako tatahimik lalo na at rinig na rinig ko ang mga salita niyang wala namang katotohanan.
Huminto kaming dalawa ni Connor sa parking lot at ibinigay na niya sa akin ang mga gamit ko. Deretso ang lakad niya paalis. Nang mabuksan na niya ang pintuan ng kotse niya, agad ko siyang tinawag.
“Connor!” sigaw ko. Lumingon naman siya at hinintay ang susunod na sasabihin ko.
“Thank you!”
“For what?” naguguluhan niyang tanong. Tsk. Kahit kailan talaga, hindi kami magkakaintindihang dalawa.
“For taking my side.”
“I did not.”
“I know you will deny it but I can feel that you slightly care for me. Thank you!” sigaw ko at ngumiti ng malapad sa kanya.
He looked away and went immediately went inside his car. He drove it out of the parking lot at napangiti naman ako sa naging reaksiyon niya. Hindi talaga tumatanggap ng matatamis na mga salita si Connor. Pfft.
Pumunta naman ako sa motorsiklo ko at isinuot ang helmet. I looked at the place where Connor usually parked his car and I couldn’t help but smile. What is happening to me? Sinabi lang naman ni Connor kung ano ang dapat niyang sabihin kanina ag? Bakit naman ako kikiligin?
Argh! I really hate men. Tsk.