Natahimik ako sa narinig ko.
His voice was so deep and sexy. Wala akong naisagot sa sinabi niya. Mas nangamba pa ako sa kanya. Tahimik kaming dalawa ng lumagpas na sa amin ang dalawang goons.
Napapikit ako at nagpasalamat kay santa claus kasi tinupad niya talaga ang hiling ko.
"Thank you santa claus at nadinig mo talaga ang wish ko. Okay lang kung wala na akong matanggap ngayong pasko." bulong ko ng bitawan ako ng nagligtas sa akin.
Humarap ako sa kanya at tinitigan ang mukha niya. His eyes, nose, and lips are perfect. Wala akong ibang masabi. Sino ba ang mga magulang nito at ng mapasalamatan ko? Ang gwapo ng nilalang na nilikha nila. At halos pareho pa talaga kami ng sinuot. He's also wearing a red plain hoodie jacket, black jeans and black rubber shoes. Naka mask at naka cap. Saan lakad ng lalaking ito?
Wala siyang sinabi ni "hi" or "ho" man lang at tumalikod na sa akin.
"Hey," I called him.
Huminto siya pero hindi ito lumingon sa akin.
"I just wanna ask something, may I?" I asked.
Wala siyang sinabi pero hindi naman siya umalis sa kinatatayuan niya.
"Why are you here by the way? What are you doing here? At paano mo nalaman na ako yung tumatakbo?" Sunod-sunod kong tanong sa kanya.
Minsan lang akong makipag-usap sa lalaking ito kaya mas mabuti na rin siguro kung lubos-lubosin ko na.
Humarap siya sa akin at kinuha ang earphones na nasa kaliwang tenga niya.
"Instinct." that's what he just said.
"Can you talk longer?" I said out of nowhere.
Tinaasan lang niya ako ng kilay. Kahit madilim dito sa tinataguan namin ay kita ko pa rin ang pagtaas ng makapal niyang kilay. Bakla ba to?
"Bakla ka ba?" tanong ko.
"What?" nabigla ako dahil sinagot niya ang tanong ko.
In fairness, maraming words na ang naririnig ko sa kanya ngayon.
"Connor, look. First, I want to talk you for saving me back there. Hindi na ako magtatanong pa tungkol sa kung ano ang ginagawa mo dito and anything that is related to it. I just want you to know that I am honestly thankful. Natakot talaga ako promise." I told him.
Matapos kong sabihin iyon ay tuluyan na talaga siyang tumalikod at naglakad paalis. Lumabas siya sa madilim na eskinita kung saan niya ako hinigit kanina. Palingon-lingon ako bago lumabas din doon.
Takot pa ako, promise. At kanina pa nag-iingay ang tiyan ko. Gutom na po ako. Bakit ba kasi kailangan pang sa labas sila kumain nina mom at dad?
Nakasunod ako kay Connor at hindi ako nagtangkang makisabay sa paglakad niya. Hindi ko alam kung namamalayan niya ba na nakasunod lang ako sa kanya dahil matagal na din ang paglakad namin.
Napatingin ako sa harapan at may nakita akong mga tambay na nag-iinuman. Hindi naman siya yung tipong "bad-boy" kung tingnan pero natakot na kasi ako dahil sa nangyari kanina. Binilisan ko ang paglakad ko humawak sa hoodie ni Connor. Nabigla siya sa ginawa ko at galit na tumingin sa akin.
"What are you doing?" he asked.
I was stunned again. Bakit ba kapag nagsasalita si Connor ay natatahimik ako? Hindi naman talaga nakakatakot ang boses niya but there's something in him that intimidates me. I don't know what exactly it is pero alam kong meron talaga.
Tinuro ko ang mga nag-iinuman at tumingin naman siya doon.
"And so? What does it have to do with me?" iritado niyang tanong sa akin.
"Natatakot ako Connor." mahina kong sabi sa kanya.
Hindi ko pa rin binibitawan ang hood ng jacket niya at napatingin naman siya doon.
"Then why are you outside this late? And can you please remove your hands from my hood? You see, I can't really move my head." sabi niya kaya binitawan ko ito.
"Gusto ko lang naman pumunta sa park ng subdivision." saad ko.
Hindi siya sumagot at nagsimula na ulit na maglakad.
"Wait Connor!" tawag ko pero parang wala siyang narinig.
"Paano kung ma-rape ako? Kasalanan mo!" sigaw ko habang sumusunod sa kanya.
Patuloy pa rin siya sa paglalakad na parang wala siyang kasama. Tama nga lang talaga na "snob" ang tawag ko sa kanya kasi ganun talaga siya.
Naabutan ko siya kaya agad kong hinawakan ang balikat niya.
"Connor," tawag ko habang humihingal.
Ang bilis kaya maglakad ng taong ito at mataas siya kaya nahihirapan talaga akong humabol sa kanya.
"pwede mo ba akong samahan pauwi? Malapit lang naman ang bahay namin. Please do me a favor, just this time." then I looked at him with sincerity.
I mean it. Natatakot na akong lumabas dahil sa nangyari kanina kaya hindi na talaga ako lalabas mag-isa sa gabi sa susunod. Asan na ba kasi si Mira?
Wala siyang sinabi pero ngayon, hindi na mabilis ang paglalakad niya at sabay na kaming dalawa. Tahimik lang kaming naglalakad sa gilid ng daan. Hindi naman talaga marami ang mga sasakyan na dumadaan sa subdivision dahil sa oras na ito, nasa kanya-kanyang bahay na sila. It's almost 11 pm already at napaisip naman ako kung nakauwi na ba sina mom at dad ngayon. Check ko nalang kapag nakauwi na ako.
Napadaan kami sa isa sa mga lumang bahay sa subdivision na ito. Naalala ko pa nga ang bahay na ito. Dad once told me the story behind the abandonment of this house.
I stopped and looked at it. Napahinto rin si Connor dahil sa akin at tumingin na rin siya sa tinitingnan ko.
"Kilala mo ba ang may-ari ng bahay na ito Connor?" I asked.
Hindi siya sumagot, as expected. Hindi na ako aasa pa na sa lahat ng sasabihin ko ay may sasabihin din si Connor. He's not the type of person na pupuntahan mo kapag kailangan mo ng kausap.
"My dad told me about the former owner of this house. He said that they got into an accident and their son is left alone. Hindi ko nga maiwasang mapaisip kung ano na ang nangyari sa anak nila ngayon. We're at the same age sabi ni dad pero umalis daw ang bata mula dito at hindi na nila alam kung saan pumunta." I looked at him and he's quietly staring at the abandoned house.
Mukhang interesado din siya sa kwento ko. Hindi ko alam kung gaano katotoo ang pinagsasabi ni daddy sa akin pero iyon daw talaga ang nangyari.
"Ikaw ba Connor, would you do the same kung naiwan ka ng mga magulang mo due to an accident? I mean, imagine your par—" hindi ko natapos ang gusto kong sabihin dahil tumingin siya sa akin at kitang-kita ko sa mga mata niya na nasasaktan siya.
Galit na tingin ang ipinakita niya sa akin pero kung titingnan ito ng maigi, makikita talaga na nasasaktan si Connor ngayon. Hindi ko alam kung bakit at hindi ko din alam kung paano ko siya ico-comfort. Sasayaw ba ako o kakanta? Baka magalit lang siya lalo sa akin.
"Shut the hell up." wika niya bago tumalikod sa akin at deretso ang lakad paalis. Naiwan akong nakatayo at tulala dahil sa sinabi niya. Nakatingin lang ako sa likod niyang papaalis na sa paningin ko.
I guess I have to walk alone? Ang daldal ko naman kasi. Kung hindi ko lang talaga pinikon si Connor, sana ay may kasabay ako pauwi.
"Aish. Ang daldal mo kasi Asher. Ayan tuloy." saad ko sa sarili at napakamot na lang sa ulo ko.
Tiningnan ko kung nasaan si Connor pero nawala na siya sa paningin ko. Ang bilis kasing maglakad ng taong iyon.
Palinga-linga ako sa paligid habang mabilis na naglakad pauwi. Promise, hindi na talaga ako lalabas mag-isa kapag gabi. Na-trauma na yata ako sa nangyari kanina. Kailangan ko na sigurong magpatingin kay daddy para mabigyan niya ako ng gamot.
Nakayuko akong naglalakad hanggang sa marating ko ang bahay. Pumasok na ako sa gate at siniguradong ni-lock ko ito. Baka mapagalitan na naman ako ni mommy kapag hindi ko sinarado ng maayos ang gate ng bahay.
Napasandal ako sa gate namin at pumikit.
"Lesson learned, huwag lalabas mag-isa lalo na kapag gabi." bulong ko sa sarili bago napabuntong-hininga.
Nagsimula na akong maglakad at pagdaan ko sa garahe ay nandun na ang sasakyan nila. Nakauwi na pala sila.
Deretso na ako sa loob at tahimik ang buong bahay. Pumunta muna ako sa kusina upang uminom ng tubig ng maabutan ko si dad na nagtitimpla ng kape habang hawak-hawak ang ipad niya. I think he's still working.
"Dad," tawag ko at lumapit sa kanya para magmano at humalik sa pisngi niya.
"Saan ka nanggaling?" tanong niya sa akin.
Umupo siya sa counter samantalang ako naman ay kumuha ng tubig mula sa ref.
"Nagpahangin lang po ako sa labas." I answered.
Tumayo siya dala-dala ang gamit niya at nagpaalam sa akin.
"I'll go upstairs. I forgot to bring my stuffs. You drink your medicines before sleeping, okay?" pagpapaalala niya sa akin.
I nodded lazily at umalis na siya sa kusina. Dinala ko ang tubig papunta sa kwarto ko at nilagay sa bed side table.
Napaisip ako sa nangyari sa araw na ito. Hindi ako sinama nina mom at dad sa dinner nila dahil dapat daw akong mag-aral, malapit din akong mapag-tripan ng mga basagulero sa subdivision namin at si Connor pa talaga ang nagligtas sa akin. Ano pa ba ang mas worst sa araw na ito?
Binagsak ko ang katawan ko sa kama at tinitigan ang kisame. Kung tao lang sana ang kisame ng kwarto ko ay kanina pa ako pinapagalitan nito dahil palagi nalang akong malungkot kapag nagpapakita ako sa kanya.
I smiled because of what I thought. Umiling-iling na lamang ako at tumayo para inumin ang gamot at pagkatapos ay nagbihis. Bukas nalang siguro ako mag-aaral, may time pa naman. Pagkatapos ko magbihis ay nagdesisyon na akong matulog. Natulog akong problemado para bukas at gutom dahil hindi ako kumain ng hapunan.
Kinabukasan ay napabangon ako sa katok mula sa pintuan ng kwarto ko. I checked the time and it's still 7 in the morning. My class is at 9 so who dares wake me up this early?
Patuloy pa rin ang katok mula sa pintuan kaya wala akong nagawa kundi tumayo at buksan ito.
Tumambad sa akin si manang dala-dala ang pusa na bigay ni Blake sa akin. Oh my god! It's Zeus! I totally forgot about him.
"Good morning hija. Kakahatid lang sa kanya mula sa vet at dito ko naisipan ideretso ang pusa dahil ayaw naman ni ma'am ng pusa." saad niya sa akin.
"Thank you manang. Sorry po nakalimutan ko talaga si Zeus dahil busy ako." pagpapaumanhin ko sa kanya.
"Alam ko hija kaya huwag kang mag-alala. Mabait naman itong pusa mo sa akin." sabi niya ng nakangiti at binigay si Zeus sa akin. "Siya nga pala, binilhan ko na rin ng mga gamit doon sa pinagdalhan ko kay Zeus dahil kompleto sila ng mga binebenta doon. Saan ko ba ilalagay ang mga gamit ng alaga mo?" tanong ni manang sa akin.
Napalo ko ang noo ko dahil nakalimutan ko rin palang bilhan ng mga gamit si Zeus. Anong klaseng ina ako kung hindi ko mabilhan ng mga kailangan ang alaga ko?
"Salamat talaga manang. Sa susunod po ay ako na talaga ang bibili. I was really occupied with the things at school." saad ko kay manang.
Lumapit naman siya sa akin at ginulo ang buhok ko.
"Huwag ka ng mag-sorry diyan. Sabihan mo nalang ako kung saan ko ilalagay ang mga gamit niya para maayos ko." pinapasok ko si manang sa loob at nilagay muna si Zeus sa kama ko.
"Dito na lang siguro si Zeus manang para malapit siya sa akin." sabay turo ko sa gilid ng kama ko malapit sa bintana. Nasa left-side and bed side table ko kaya sa right side ko ilalagay ang higaan ni Zeus. May extra space pa naman ako sa closet ko kaya doon ko nalang siguro ilalagay ang mga damit at gamit ni Zeus. Hindi ko alam kung bakit todo alaga ako sa pusa na ito.
Tinulungan ko si manang na ayusin ang higaan at kainan ni Zeus at madali lang naman kaming natapos.
"Thank you manang. I won't bother you with Zeus anymore." sabi ko sa kanya habang papalabas siya ng silid.
"Oh siya sige, maghanda ka na at para makasabay ka sa almusal ng mga magulang mo at ni Blake." wika niya bago sinara ang pintuan ng kwarto ko.
I looked at Zeus and he's sitting on one of my pillows while staring at me.
"You'll stay here Zeus okay? Be good. Don't make me feel like I am not a responsible mother to you." I told him but he just meowed at me.
I think that means a yes so I stood up at naligo para makasabay sina mom at dad sa pagkain.
"Good morning mom," bati ko pagdating sa kusina dahil siya pa lang ang nakaupo sa mesa. "where's dad?" tanong ko.
"He's upstairs. Eat your breakfast so that you can go to school early." she said without even looking at me.
She sipped her coffee at deretsong tumayo sabay kuha sa bag niya.
"Aalis na po kayo?" tanong ko.
Lumapit siya sa akin at humalik sa pisngi ko.
"I need to send Blake to school. Manong Oscar will send you too. Don't worry about your dad because he's currently finishing something." aniya bago umalis na.
Napabitaw ako sa hawak na kubyertos at napabuntong-hininga. It's just me again. Anyways, what's new right? Palagi namang ganito. Tumayo na ako at tinawag si manong Oscar para ihatid ako.
Pagdating ko sa skwelahan ay binati agad ako ni Mira ng nakabusangot niyang mukha.
"Bakit ngayon ka lang Keren? Kanina pa kaya ako naghihintay sa'yo dito sa gate." pagmamaktol niya.
Nagpaalam muna ako kay manong Oscar at sinabihan siya na maglalakad nalang ako pauwi. Hindi naman kalayuan ang bahay mula dito. Wala siyang nagawa at sumang-ayon na lang sa sinabi ko.
I looked at Mira who's also waving at manong Oscar hanggang sa mawala ito sa paningin namin.
"Close kayo ni manong?" tanong ko.
"Ano ka ba, syempre naman! Palagi niya kaya akong nakikita na kasama ka atsaka palagi ako sa bahay niyo kaya palagi kaming nagkikita ni manong Oscar." saad niya.
Wala na akong ibang sinabi pa at naglakad na papasok sa gate ng school. Hinawakan ni Mira ang braso ko at sabay kaming naglakad papasok.
"Bakit nga ang tagal mong dumating Keren?" tanong niya.
"Ang aga pa naman Mira. My class will start at 9 at 8:15 pa lang oh." sagot ko sabay pakita sa relo ko.
"Wala namang pasok ngayon." saad niya.
"Ano?" tumigil ako sa paglalakad at tumingin sa kanya.
"Nabasa ko kanina sa news board ng school. No class daw." matamlay niyang sabi sa akin.
"How come?" I asked.
"Required daw lahat ng teachers na sumali sa seminar though iilan lang naman sa kanila ang kasali talaga. Hindi ko na alam ang ibang details dahil hindi ko binasa lahat. Basta ang mahalaga, walang pasok Keren!" sigaw niya sa akin at nagsayaw-sayaw pa siya sa harap ko.
Napatakip ako sa mukha ko dahil pinagtinginan kami ng mga tao.
"Tumigil ka nga Mira. Nakatingin na ang mga tao sa'yo oh!" singhal ko at hinablot ang kay niya.
"Oy, oy! Saan mo ako dadalhin? May painting pa akong kailangan na tapusin!" reklamo niya pero hila-hila ko pa rin siya.
Balak kong dalhin siya sa likod ng skwelahan, sa puno kung saan kami laging tumatambay. Hindi ba niya alam na may kasalanan siya sa akin?
"Pupunta tayo sa lugar natin." huminto ako at tumitig sa kanya. "May kasalanan ka pa sa akin Mira, huwag kang umarte na parang wala." seryoso kong sabi at patuloy na nga siyang hinila.
Sumisigaw siya habang hila-hila ko kaya hindi maiwasang may titingin talaga sa aming dalawa. Ano bang nasa isip ni Mira?
"Help! Rape po ito! Papayag ba kayo magbunga at magkaanak ang dalawang babae? Tulong! RAPEEEEEEE!" sigaw niya ng malakas.
Dahil sa pinaggagawa niya ay mas binilisan ko na lamang ang paglalakad at padabog na bumitaw sa kanya ng marating namin ang lugar.
"What were you thinking Mira? You don't need to shout!" sigaw ko sa kanya.
Umupo siya sa tabi ko at kinuha ang pagkain mula sa bag niya.
"Ano ba kasing kasalanan ko sa'yo Keren? Sa pagkakaalala ko ay wala naman talaga akong atraso sa'yo." pagmaang-maangan niyang sabi sa akin.
Kinuha ko ang cellphone mula sa bulsa ko at ipinakita ang message na pinadala ko sa kanya kagabi. Pabulong niya itong binasa at taas-kilay akong tumingin sa kanya ng matapos siya.
"Ano ka ngayon Mira? May atraso ka sa akin diba?" tanong ko.
Napalunok siya ng deretso sa kinakain niya at ngumiti ng napakalapad sa akin.
"Sorry Keren, busy kasi ako kagabi." lumuhod siya sa harapan ko at hinawakan ang isa kong kamay. "Promise, babawi ako. Nagdala ako ng paborito mong shawarma at burger. Please, patawarin mo na ako." saad niya habang kunwari ay umiiyak siya.
Napailing na lang ako sa ginawa niya at binatukan siya. Kinuha ko ang pagkain mula sa bag niya at binuksan ang box na pinaglalagyan niya.
"Pasalamat ka hindi talaga ako napahamak kagabi kundi isusumbong kita kay mommy." pagbabanta ko sa kanya kasi alam ko naman na takot siya kay mom.
"What? You're kidding right? Your mom is a witch. Kung hindi mo pa siya tunay na ina ay tatawagin ko na talaga siyang evil stepmother."
"Yeah, whatever. Hindi naman ako magsusumbong sa kanya dahil ako pa rin ang pagagalitan."
"Bakit ba ganyan ang mommy mo? Wala ka namang ibang ginawa kundi sundin lahat ng utos niya." mapait akong napangiti sa sinabi ni Mira.
"Maybe she's just trying to make me better. Iyon naman ang palaging sinasabi ni dad sa akin. Mom wants me to have a brighter future so she's molding me to have it. I can't say no, you know that."
"Why don't you ask your mom na mag-shift ka na lang sa Arts? Diba gusto mo? Para naman may ka-chika ako sa loob ng classroom." aniya.
"Kilala mo si mom Mira, I can't just do anything that I want lalo na kung ayaw niya."
She sighed after hearing my statement.
"Anyways, anong nangyari sa'yo kagabi? Naghintay ka ba sa akin sa park? At bakit mo nasabi na muntik ka ng mapahamak? May nangyari ba girl?" sunod-sunod niyang tanong na nagpatahimik sa akin.
Natahimik ako natapos marinig ang tanong ni Mira sa akin. Naalala ko na naman ang mukha ni Connor at ang pagligtas ni santa claus sa akin mula sa mga goons na iyon.
I looked back at Mira and she is staring at me, waiting for my answer. Sasabihin ko ba sa kanya kung ano ang nangyari kagabi?