Chapter 5: Partner

3342 Words
"I will give you a month. You already know the drill because we did this last semester. As for you," sabay turo niya sa akin, "you should teach him how to do it since he's your partner. Is that okay?" tanong niya sa akin. I looked at my partner na mukhang wala lang namang pakialam sa mga nangyayari then looked at the teacher. I sighed. I don't have any other options. "Yes Ms. I will, don't worry." sabi ko ng napipilitan. She smiled at me at nagpaalam na sa buong klase. The day went very well pero palagi pa rin akong napapaisip sa research na gagawin naming dalawa ni Connor. And yes, siya lang naman ang naging partner ko since ang gusto ni Ms. Reyes ay seat mate lang. Since, siya ang katabi ko, automatic na talaga na siya ang magiging ka-partner ko. Hindi ko naman kasi talaga iniisip kung ano ang subject ng research kasi madali lang iyon para sa akin. Ang inaalala ko ay ang mangyayari sa pagitan naming dalawa ni Connor habang ginagawa ang research. "Goodye everyone. Enjoy your weekends." our professor said before leaving the class. This will be the first weekend after the start of the second semester pero sobrang stress ko na sa pag-iisip sa partner ko. Sa dinami-dami ba naman kasi ng classmates ko, bakit siya pa ang naging seatmate ko? Tumayo ako at niligpit ang mga gamit at libro ko. I was about to approach Connor to ask for his opinions at nang makapag-brainstorm na kami ng ideas pero biglang sumulpot si Samantha na kaklase lang din namin sa lahat mg klase out of nowhere. Dahil sa magkatabi lang naman ang mga upuan namin, dinig na dinig ko ang usapan nilang dalawa. "Hi Connor." pagbati niya sa lalaki. Tumayo ito at tinalikuran siya para ligpitin din ang mga gamit niya. Umikot si Samantha sa kabilang side para makaharap niya ang lalaki. Malambing itong ngumiti kay Connor at halos masuka ako sa eksena dahil ang laswa ng pagkakatawag niya kay Connor. "Connor . . . ." maarte niyang tawag sa lalaki. Hindi ito lumingon sa kanya imbes ay tinalikuran na naman siya nito dahil tapos na si Connor sa pag-aayos ng mga gamit niya. Isusuot na sana nito ang kanyang headphones ng pigilan siya ni Samantha. "Wait," pigil niya kaya napahinto din ang lalaki sa paglalakad. "I was just wondering, maybe we could hangout sometimes? Or we could walk together while going home? You know what I mean right?" mahaba niyang sabi sa lalaki. Tinitigan lang siya nito na parang hinihintay na matapos ang sasabihin niya. "You are very silent that's why people wouldn't approach you but don't worry, I will always be here." maarte niyang sabi at hinawakan ang balikat ng lalaki. Umatras si Connor sa ginawa ni Samantha sa kanya. Blanko pa rin ang mukha nito at mahinang nag he-headbang dala na rin siguro ng pinapatugtog niya sa kanyang cellphone. Akala ko ay aalis na si Samantha ngunit kumuha ito ng maliit na sticky note at binigay kay Connor kasabay ang isang pink na ballpen. Seriously? We're college students and in a law class tapos pink na ballpen pa rin ang gamit niya? Ano siya, nasa nursery? Mahina akong napatawa kaya napatingin si Samantha sa akin. Madali akong tumingin sa taas na parang may hinahanap. She then rolled her eyes at me at binaling ulit ang atensyon kay Connor. "Connor, maybe you want someone to talk with, I can be your friend. Just give me your number and I will text you." nasa kamay na ni Connor ang sticky note at ang ballpen kaya napatitig siya rito. Tumingin siya ng saglit sa akin bago umupo pabalik sa upuan niya. Sinulat niya ang kanyang number sa papel. Napakalaki naman ng ngiti ni Samantha habang nakatingin kay Connor na ginagawa iyon. I was also in awe of what he did. I thought he's going to ignore Samantha since that's his attitude and he's a snob but I was really blinded by that. He willingly wrote his number on that piece of paper at wala siyang sinabi na kahit ano. Tumayo siya at nilahad na ni Samantha ang kamay nito upang kunin ang papel at ballpen niya. Akala ko ay ibibigay na niya sa babae ang papel ngunit naglakad ito papunta . . . sa akin? Hindi ko mawari kung ano ba ang dapat kong gawin. Kay Samantha ako nakatingin dahil ayokong tumitig at salubungin ang mga mata ni Connor. Ngunit, mas lalo akong kinabahan sa tingin ni Samantha sa akin na parang handa na siyang kainin ako ng buhay. Ano ba ang iniisip ng taong ito? Bakit papalapit siya sa akin kung si Samantha naman ang humingi sa kanya ng number? Tatalikod na sana ako ngunit hinawakan niya ang bag ko. Napalapit ako sa kanya at nagtagpo ang mga mata naming dalawa. Nagkatitigan kami ng ilang segundo bago ako bumitaw. I was drowned and being dragged down by his eyes. It's a captivating blue eyes. Ang ganda. I was mesmerized by his eyes nang inabot niya sa akin ang papel. Lumapit si Samantha sa amin and she complained. "What are you doing Connor? I was the one who asked for your number and that's my paper. Give that back to me." at aagawin na niya sana ang papel ngunit kinuha ko ito agad. She looked at me with raging eyes. Hindi ko naman kasi alam kung bakit ko kinuha ang papel. I mean, I know that was for Samantha supposedly but something triggered me and made me get that piece of paper. "That's for me Keren. You should know that I was the one who asked for that." she said with an irritated voice. I looked at her and smirked. "I'm sorry Samantha but he," then I pointed Connor, "gave me what you've been asking for. So, do not complain to me. Ask yourself if you really deserve his number and attention. Did I make myself clear already?" pangungutya ko kay Samantha. Pinigilan niya ang mapasigaw at iniwan akong natatawa. Matagal na naman talaga kaming in a cold war ni Samantha at ngayon lang talaga ako nakipag-usap sa kanya at hindi pa talaga maayos ang unang pag-uusap namin. She's a b***h. All of the people in our class knew about that at sanay na kami sa attitude ni Samantha. Minsan nga lang, masarap siyang asarin dahil siya lang din ang natatalo sa huli. Bumalik si Samantha sa kanyang upuan at kinuha ang mga gamit niya. Bago siya umalis kasama ang dalawa niyang mga alipores, tumingin siya sa akin ng napakasama and she mouthed "we're not yet done b***h". I half smiled and a slow chuckle came out from me. Nang makaalis si Samantha, binaling ko ang atensyon kay Connor and asked him kung para saan ang number na binigay niya. "Para saan ba ito? Sana tinanggihan mo si Samantha na hindi mo lang pala siya bibigyan ng number." I told him. Nakatayo lang siya at nakatitig sa akin. Hindi ko nga lang alam kung naririnig ba niya ako since naka headphones siya. "Hello? Naririnig mo ba ako?" I asked him but wala akong nakuhang sagot mula sa kanya. Nilibot ko ang paningin sa classroom at kaming dalawa nalang pala ang nandito sa loob. Inilagay ko ang papel sa bulsa ko at naisipang magpaalam nalang kay Connor dahil mag-aaral pa ako. "I don't think you heard me but bukas na lang siguro tayo mag-isip tungkol sa research natin. Pasalamat ka gwapo ka kaya pagbibigyan kita sa paggamit mo sa akin kay Samantha. Para sa akin ba talaga ang number?" mahaba kong sabi kahit alam ko na hindi naman niya ako naririnig. Inayos ko na ang sarili ko at tumalikod na sa kanya nang marinig ko siyang magsalita. "Research", tanging sabi niya kaya napako ako sa kinatatayuan ko. Naririnig pa rin niya ako? Akala ko ba nakikinig kang siya sa music niya but all this time, hindi pala. Hindi ako lumingon pabalik at deretso ang lakad papalabas hanggang sa makarating ako sa parking lot. Umupo ako sa may bench at napabuga ko na rin sa wakas ang hangin na kanina ko pa pinipigilan. Tinakpan ko ang mukha ko ng dalawa kong kamay at sumigaw. If someone might hear me, then sorry. I just want this to went out. Pulang-pula ang mukha ko dahil sa kahihiyan. I told him that he's handsome at alam kong narinig niya iyon. I was so stupid and dumb. Ano ba itong mga pinag-iisip ko? Bakit ba kasi lumabas pa iyon sa bibig ko? Hindi naman kasi niya sinabi agad na para pala sa research namin ang dahilan bakit siya nagbigay ng number. Kung sana sinabi niya agad ay hindi na ako magsasalita ng kung ano-ano. Napasabunot nalang ako sa sarili ko dahil sa kahihiyan. Malay ko ba? Mas mabuti na sigurong kalimutan ko nalang iyon. Kinuha ko ang phone mula sa bag ko at nag-text kay manong na magpapakuha na ako. He texted me back saying na paparating na daw siya at may dinaanan lang saglit. Baka si Blake ay nagpakuha rin sa kanya. Si manong lang talaga ang pag-asa kong kukuha sa akin para makauwi sa bahay. Mom and dad have their own cars dahil magkaiba sila ng trabaho and schedules kaya kailangan talaga. Kaming dalawa naman ni Blake ay may sasakyan at driver at iyon ay si Manong Oscar. Hindi kami kasing-yaman ng iba na may kanya-kanyang driver at sasakyan. Although may sarili naman talaga akong motorbike, minsan ko lang din iyon ginagamit. Siguro kapag nasa legal age na si Blake ay bibigyan siya nina mom and dad ng sasakyan as their gift. Just maybe. Nakarinig naman ako ng pag-ugong ng sasakyan at alam ko na talaga na nandito na si manong. Alam na niya kung saan ako palaging naghihintay sa kanya kaya dito na rin siya dumeretso. Nang nasa harapan ko na ang sasakyan, tumayo ako at papasok na sana ng makita ko si Connor na naglalakad dito sa parking lot. Ayokong makita niya ako dahil nagihiya pa rin ako sa sinabi ko kanina. Agad akong pumasok at malakas na sinara ang pintuan ng kotse. Napabuntong-hininga ako at napahawak sa aking dibdib. Para akong hinabol ng kung ano dahil sa paghinga ko. "Okay lang ba kayo ma'am?" tanong ni manong Oscar sa akin dahil nahalata siguro niya ang paghingal ko. "Opo manong. Huwag po kayong mag-alala." I told him. Hindi na siya nagtanong pa at nagpatuloy na lang sa pagmamaneho. Tumingin ako sa likod at nakita ko si Connor na papasok sa isang sasakyan. Is that his car? I was in awe nang makita kong pumasok siya sa itim na sasakyan niya at pinaandar niya ito. That's a Bugatti Bolide sportscar! And that would cost more than 1.7 million dollars. Imagine buying that car? Kung kami siguro ang bibili niyan, diyan na rin kami sa sasakyan titira kasi wala nang natira sa amin. He's damn rich. Baka may sugar mommy ang taong ito kaya mailap sa mga babae? "Ma'am hindi niyo ba tatanungin kung nasaan si Blake?" pagputol ni manong Oscar sa iniisip ko. Oh right. Hindi ko napansin na wala pala si Blake dito. Asan ba siya? Akala ko ay kinuha siya ni manong kanina. "Where is he by the way? Akala ko po ay kinuha niyo siya kanina manong?" I asked. I was occupied by Connor kaya hindi ko na namalayan ang nangyayari sa paligid ko. "Kinuha ko naman po talaga siya kaso dumating po ang mommy niyo." he said. Si mommy? Ano naman ang gagawin niya sa school ni Blake? Hindi nga iyon pumupunga samga school affairs ni Blake and even meetings dahil busy daw siya. Palagi nalang si dad ang pumupunta sa mga kailangan sa school ni Blake. As for me, sanay na ang mga teachers ko na wala talagang parents na pumupunta para sa akin. Aside from they're too busy with their works, hindi ko na rin sila sinasabihan since palagi ko nalang naririnig ang mga katagang "I'm sorry. I can't honey. Next time okay?" at ayoko na. Ubos na ang pasensya ko sa ganun. Mas mabuti na sigurong hindi ko nalang sila sabihan kesa sa makatanggap ako ng rejectionng paulit-ulit. I smiled bitterly of that thought. Bumaling ulit ako kay manong at nagtanong kung alam niya ba ang rason ng pagpunta ni mommy sa school ni Blake. "Hindi ko nga rin alam ma’am. Baka may problema lang? Matamlay kasing tingnan ang bata at basta-basta na lang siyang dinala ng mommy mo papasok pabalik sa school." he explained. Ano na naman kaya ang naisipan ni mommy at pumunta siya sa school ng bunso niyang anak? "Wala na bang ibang nangyari manong Oscar?" I asked in response with my own curiousity. "Hindi ko na nakita pa ma’am dahil pinapaalis na ako ng mommy mo atsaka nag-text ka na rin sa akin kaya umalis na ako." he said. "Okay manong. Thank you." tumango at ngumiti lang siya sa sinabi ko. Matanong ko nga si Blake mamaya kung anong nangyari at pinapunta pa talaga niya si mom sa school niya. Hindi na kami nagkakibuan pa ni manong Oscar at ng makarating ako sa bahay ay nagpasalamat lang ako sa kanya. Dumeretso ako papasok sa kwarto ko. Nagbihis at humiga sa kama. I know I've been consistent with my actions recently pero wala naman kasi akong mapagkakaabalahan. I tried to paint in a canvas sa art room pero sinara din iyon ni mommy ng malaman niya na palagi lang akong nandoon. To think that I wasn't really painting there the whole time. Doon kasi ako nag-aaral at nagbabasa dahil tahimik at nakakagaan ng loob na makita ang mga paintings ko. I stood up and decided to leave my room. Pumunta ako sa kitchen ng madaanan ko si yaya kaya nagtanong nalang ako kung may makakain ba. "Oo hija. Naghanda na ako." she said. I thanked her at pumasok na sa kitchen. May mga nakahain na sa mesa pero wala pa sina dad at mom pati si Blake. Baka sa labas lang sila kumain. Kinuha ko ang cellphone ko at tinawagan si dad. Nakailang ring lang ito at sinagot naman niya agad. "Asher?" he asked. "Hello dad? Where are you?" I heard some noises at the background. "I am with your mom." he answered. "Where exactly are you?" matagal bago ko nadinig ang sagot ni dad. "We're at the restaurant." then I heard mom's voice telling dad to drop the call. "How about Blake?" "Oh! He's with us honey. Would you like to join us?" "She's studying. There's no need for her to come." iyan ang narinig ko na sigurado akong kay mommy ang boses na iyon. Natahimik ako sa sinabi niya. Although she didn't directly said that to me, nasaktan pa rin ako. I went silent for more than a minute dahil nakinig ako sa usapan nina mom at dad. "It's already night time Elizabeth. Give your daughter a break." "I am giving her a brighter future Giovanni. I've been into worst and did I complain? I never did because I always think of the consequences of every actions that I will be making." "A family dinner has nothing to do with our daughter's future Elizabeth. She's just a teenager also." "We'll be going home once we're done here. If you want, wait for Blake and me at the car then you'll eat with our daughter when we got home." Patuloy lang sa pagtulo ang luha ko habang nakikinig sa usapan nilang dalawa. It feels like I am excluded from the family because I need to focus on my studies. "Hello honey?" tawag ni dad sa akin. Pinunasan ko ang mga luha sa aking mata at sinagot si dad. "Yes po?" I tried to make my voice normal. "Are you sick? You're voice seems a lit bit shaky." he said. "No. I'm not. I was just wondering where is Blake. I was supposed to ask him something." saad ko. Mabuti at nakaisip agad ako ng paraan para lusutan ang pagtawag ko. "You can ask him right now if that is urgent. I can give him the phone for you." "No dad. I'll just wait. You take care." then I directly ended the call. Tumayo ako mula sa mesa at inutusan si yaya na ligpitin na lamang ang mga pagkain sa mesa. I can't and I won't eat alone. Magtatanong pa sana si yaya kung bakit pero deretso na akong pumunta sa kwarto. Hinalungkat ko ang bag ko at kinuha ang librong gusto ko na sanang tapusin. Ngunit pagbuklat ko, nahulog ang nakatuping papel. Kinuha ko ito mula sa sahig at nabalik na naman sa alaala ko ang nangyari kanina. I was so stupid. I saved Connor's number on my contact list and I named it as SNOB because that's who he is. I smiled because of what I did. Hindi ko alam kung bakit pero napatawa na lamang ako sa sarili ko. The thought of Samantha and the scene this afternoon really made my day. Nawala naman ang aking ngiti ng makatanggap ako ng text mula kay dad. From: Dad Hey sweetie. You should sleep and do not focus too much on reading your handbooks. We'll be going home late tonight because Blake asked if we could watch movie together. I hope you could read this so that you will know. Reply if you're still awake, okay? I smiled bitterly. Blaked asked for anything at lahat ng iyon ay nakukuha niya while me? I only asked for one thing pero hindi nila maibigay. I am not pissed or angry with my parents and I am not blaming Blake dahil bata pa siya at wala pa talaga siyang alam sa mga nangyayari. I love my brother so much and I could trade anything for him. Hindi na ako nag reply kay dad at nagbihis na lang. I decided to wear a white hoodie jacket and tattered black jeans with my white shoes. I tied my hair in a bun and got my wallet from my drawer. Tatawagan ko nalang siguro si Mira para samahan ako. I called Mira but unfortunately, she's out of my reach. Saan na naman napunta ang babaeng ito at hindi ko siya matawagan? I texted her saying that I'll be waiting for her at the park sa subdivision since nasa iisang subdivision lang naman kami. I'll wait for her for thirty minutes at kapag hindi siya dumating, I will be eating on my own. I wore my cup and looked at the mirror. Why do I look like I am going to rob a bank? Wala na akong panahon para magbihis kaya lumabas nalang ako without anyone noticing me. I locked the door of my room para maisip nila dad na tulog na ako. Hindi ko ginamit ang motorbike ko since that would make a noise at baka malaman pa nila yaya na lumabas ako. Mabuti nalang talaga at pinatungan ko ng hoodie jacket ang white t-shirt kung hindi ay baka kanina pa ako nilamig. I checked my watch and it's already 9:14 in the evening. I started walking papunta sa park at sinuot ko nalang ang earphones ko dahil tahimik at nakakatakot ang lugar dahil wala ng tao sa labas. Bukas pa naman ang ibang stores sa loob ng subdivision pero hindi na masyadong marami ang mga taong nasa loob. Bago ako makarating sa park ng subdivision ay dadaan muna ako ng ilang eskinita sa lugar. Some of the houses here were abandoned kaya madilim at nakakatakot na talaga kapag dadaanan. Sana nag motorbike nalang talaga ako eh. I looked back from my track at may nakita akong dalawang lalaki na sumusunod sa akin. They looked normal but suspicious at the same time dahil nakatitig silang dalawa sa akin. Mira! Kasalanan mo talaga ito! Lagot ka sa akin bukas at ipapakain ko sa'yo ang mga pintura mo. I started to walk fast at ng tingnan ko sila sa likod ay mabilis din silang naglakad kagaya ko. I clasped my hand at tinawag ko na talaga ang lahat ng santo na kilala ko pero paulit-ulit ko lang bukambibig si Santa Claus dahil wala naman talaga akong kilalang mga santo. Nagsisimba ako pero wala akong kilalang santo. Basta Lord, ikaw na po ang bahala sa akin. Please kapag namatay ako, isunod mo nalang si Mira sa impyerno at ng magsama kaming magdusa. Mangiyak-ngiyak na ako sa paglalakad at tumakbo na talaga ako papuntang park. Paulit-ulit kong tinatawag si Santa Claus at baka kunin niya ako at isakay sa sleigh niya para makawala sa mga goons na sumusunod sa akin. Santa Claus, sana naman ay tulungan mo ako kahit hindi pasko. I run as fast as I could pero mas napasigaw ako ng biglang may humablot sa akin sa gilid at tinakpan ang bibig ko. "Shut up or else I will be the one to kill you."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD