Chapter 7: Tricked

3220 Words
Hindi ako mapakali habang nagbabasa dito sa sulok ng library. Nasa last aisle ako at nakaupo sa sahig. Hindi ko sinabi kay Mira ang nangyari sa akin nung gabing iyon. Hindi ko alam kung bakit pero ayoko lang talagang malaman niya. “Hey,” napabalikwas ako ng bangon ng may biglang tumawag sa akin. I looked at the person standing in front of me. “Hey. . .” I stuttered. Umupo siya sa harapan ko at naglabas ng macbook na gagamitin namin para sa gagawin namin ngayon. “So. . .” nauutal kong saad at humarap sa kanya. “what do you think is the best topic?” tanong ko ng nakatingin ng deretso sa kanya kahit na nakaharap lang siya sa screen. “Anything will do I think.” kalmado niyang saad sa akin. Napabuga ako ng hangin at kinalma ang sarili ko. Para akong ewan dito sa harap niya. “I know Ms. Reyes would like to talk about topics related to family or maybe abortion.” tumingin ako sa kanya at nakatitig lang siya sa akin. “Ehem. . . maybe pwede rin na tungkol sa mga orphans? You know what I mean? Let’s discuss about children who was left behind by their parents at a very young age. We can talk a lot of reasons about that and there are a lot of wide effects of that to the children. What do you think?” deretso kong sabi habang pakumpas-kumpas pa ang kamay ko sa ere. He clicked his tongue and nodded as a response to my explanations. Ganun lang ang isasagot niya? “Okay.” he said and shrugged his shoulders. Nagsimula siyang mag type sa macbook niya ng wala man lang ibang sinabi sa akin. Napataas ako ng kilay at lumipat ng upuan sa tabi niya. I looked at what he is doing at nagsisimula na nga siya sa report namin without even consulting me. “Hey, hey Connor. What on earth are you doing?” I bluntly asked. “I’m doing our research, obviously.” walang gana niyang sabi sa akin. “Yes, you are but without even consulting me?” I stared at the screen at may objectives na agad siya sa research namin. “Shouldn’t you be grateful of what I am doing?” tanong niya. I smirked because of what he said. Be grateful? “Excuse me?” taas-kilay at naka-krus ang mga braso kong tanong sa kanya. Ang kapal ng mukha niyang sabihan ako na magpasalamat. Dahil sa ano? Dahil lang sa siya ang gagawa ng research report naming dalawa? Napatingin ako sa kanya dahil bigla siyang tumayo at niligpit ang mga gamit niya. “Saan ka pupunta? Akala ko ba gagawin natin ang research report?” “I will.” “What? No way! I wan—” hindi ko natapos ang nais kong sabihin dahil tinawag kaming dalawa ng librarian. “Hey, you two! Could you please talk outside the library? This isn’t a park.” wika niya habang pakumpas-kumpas pa siya sa stick na hawak niya. Tiningnan ko si Connor and I rolled my eyes at him. Hinablot ko ang bag niya at dali-daling tumakbo palabas ng library. “Hey! Stop running!” sigaw niya habang hinahabol ako. Hindi ako tumingin sa kanya at deretso lang ang takbo papunta sa tambayan namin ni Mira. Alam kong hindi niya ako mahahanap doon. Mabigat ang bawat paghinga ko ng makarating ako sa puno kung saan kami laging tumatambay ni Mira. Ang bigat naman kasi ng bag ni Connor, ano ba ang mga laman nito? Sana macbook nalang ang itinakbo ko. Umupo ako at ilang minuto ring habol ang aking hininga. I breathe in and out continuously and talked to myself to stay calm. Ngunit, agad ring nawala ang kalmado kong sarili dahil narinig ko ang boses niya sa likod. “Give it to me.” malalim ang boses na wika niya. Tumingin ako sa likod at tinaasan siya ng kilay. Hinawakan ko ng mahigpit ang bag na nasa akin kahit na ang bigat na. Ano ba kasi ang laman nito? “No. What if hindi ko ibigay sa iyo ang bag mo? Ano? Ha?” paghahamon kong saad sa kanya. He clicked his tongue, again. Bakit ba mahilig siyag gumanyan? Ang uncomfortable naman kasi tingnan para sa akin. “I told you already that I will be the one doing our research so just be grateful, okay?” Ang kapal naman ng mukha ng lalaking ito. Anong akala niya sa akin? Bobo? Dahil hindi ko kayang gawin o kahit tulungan siya sa project namin? Ang taas naman talaga ng tingin nito sa sarili niya. “Why would I be grateful? I can even do this thing on my own but I choose not to because you are my partner. And I know how Ms. Reyes values teamwork. Bakit ka ba english ng english? Nahahawa na tuloy ako sa’yo.” “Look class—” “I have a name.” “I don’t care about your f*cking na—” “It’s Asher.” “What?!” napalakas ang sabi niya na halos maging dahilan para matawa ako. Is he amused that we have the same first name? “I am Asher Keren.” “Okay. We’ll Keren, I nee—” “Hindi ako tinatawag ng ibang tao sa ikalawa kong pangalan unless they are my family or “close” kami. Hindi naman tayo close kaya huwag mo akong tawagin ng ganyan.” I said to him emphasizing the word “close”. “Do you even know the word awkward?” he asked. “Duh. Matalino ako, mas matalino sa’yo kaya huwag mo akong tanungin ng ganyan. Pakuluan ko pa yang utak mo eh.” “What did you just said?” “Sabi ko huwag ka ng mga english! Hindi ka ba tinuruan ng mga magulang mo mag tagalog? Kanina pa ako naiiinis sa mga sinasabi mo.” “Just give my bag back.” “No.” matigas kong sabi at tumalikod na sa kanya. Nagsimula na akong maglakad ngunit agad ding napahinto dahil tinawag niya ako. “Hey bloody mary!” Lumingon ako at tumitig sa kanya. Bloody mary? And why would she call me that? “What? Are you insane? Who the hell gave you the permission to give me names?” He just shrugged his shoulders off and smiled at me. Sumaludo siya sa akin at tumalikod sabay lakad paalis. Ngunit bago pa siya mawala sa paningin ko, tumingin siya pabalik sa akin at nginitian ako ng napakatamis. “Be careful with my stuffs okay? I’ll just let you use that this time. Make sure to give that bag tomorrow morning and with no missing objects. Adios!” sabay saludo at talikod niya sa akin. May problema ba sa utak si Connor? Kung ano na lang kasi ang sinasabi. Ang sarap tahiin ng bibig, napakaingay kasi. Well, wala na rin naman mang-aabala sa akin, might as well make our research project at home. “La la la la la. . .” pakanta-kanta akong naglalakad habang hawak-hawak ang bag ni Connor papunta sa classroom namin. Kukunin ko na muna ang bag ko atsaka ako magpapakuha kay Manong. Dumaan ako sa field kung saan naglalaro ang mga soccer players at nakita ko silang tinuturo ang direksiyon kung nasaan ako. Rinig na rinig ko rin ang mga malalakas nilang tawanan. Nang tumingin ang isa sa mga kasama nila sa akin, mapait na lang din akong ngumit at deretso na ang lakad paalis. Baka naman hindi talaga ako ang pinag-uusapan nila. Assumera lang siguro ako? Ay bahala na. Deretso na akong naglakad sa kahabaan ng hallway para agad na marating ang locker room. Wala naman masyadong estudyante akong nakita dahil karamihan sa kanila ay umuwi na o baka nasa mga tambayan dito sa loob ng school. Hindi naman kasi nagagalit ang mga teachers dito at staffs kapag hindi agad umuuwi ang mga students tuwing urgent na walang pasok dahil informed na ang parents namin na walang pasok. And besides, we’re college students already. Hindi kami nursery students na kailangan pang kunin ng mga magulang namin every time na walang pasok. Tsk. “You make me Feel like I'm livin' a teenage dream The way you turn me on, I can't sleep Let's run away and don't ever look back, don't ever look back” wala namang katao-tao kaya nagawa kong kumanta na walang nakatingin sa akin. “My heart stops When you look at me, just one touch Now, baby, I believe this is real” I was banging my head, jamming to the music that I was singing when someone, suddenly sang the last part. “So take a chance and don't ever look back, don't ever look back” napatingin ako sa likod at napasigaw ako ng mahina dahil ang lapit na niya sa akin. What the hell? Who is this guy? “A Katy Perry fan huh?” he said as he went much more closer to me. “I’m sorry. Do we know each other?” tanong ko kasi hindi ko pa naman siya nakikita ni isang beses sa tinagal-tagal ko dito sa campus. “No.” deretso niyang sabi. Nagdalawang-isip naman ako kung tagalog ba ang dapat kong gamitin para kausapin siya o english kasi hindi ko alam kung maiintindihan ba niya ako sa tagalog. Naku, nagagalit na nga ako kay Connor dahil sa english na bibig niya tapos dumadagdag pa ‘tong isang ito? “Is that song your jam?” he asked as he looked at the surroundings. Is he checking if someone is here with us? What the hell?! IS HE TRYING TO RAPE ME HERE? IN THE LOCKER ROOM? I immediately pushed him. Dali-dali kong kinuha ang mga gamit ko sa locker at pabagdak itong sinara. Mabilis akong tumakbo pero agad din akong napahinto ng biglang sumakit ang puson ko. Napahawak ako dito at napapikit sa sakit. What the f*ck? Ano ba ang date ngayon? Hindi pa ako dinadalawa ngayon pero bakit biglang sumakit tong puson ko? Baka stress to o palaging pagtakbo dahil kay Connor. Ang g*go naman kasi ng taong iyon. Nasa akin pa naman ang bag niya kaya mas bumigat na ang mga dinadala ko. “Here, let me help you.” napahawak naman ako sa dibdib ko dahil nabigla ako sa biglaang pagsalita ng lalaki na kausap ko kanina. What the f*ck is their problem? Palagi na lang nanggugulat ng tao. Sh*t! “What the f*ck? Are you trying to scare the hell out of me f*cker? Get lost!” sigaw ko sa kanya at mabilis na naglakad paliko ng hallway. Malapit ko nang narating ang parking lot kaya mas lalo akong kinabahan dahil baka kung ano ang gawin ng taong ito sa akin. Nakasunod pa rin kasi siya at malapit na malapit lang talaga siya sa akin. Tumingin ako sa kanya na nasa likod ko at palinga-linga siya sa paligid. Is he trying to check of there is someone who might see us right now? And when after doing what he wanted to me, he will surely kill me. That is why he’s looking for traces of any witnesses. Hindi ko na talaga mapigilan kaya bigla akong humarap sa kanya. Napapitlag naman siya at hinawakan ang dibdid dahil umaarte siyang nagugulat at kinabahan. “Tell me what you wanted Mr. Creepy.” tugon ko sa kanya na parang nanghahamon. He just looked at me, no wait. He is not just looking. He’s f*cking staring or more like glaring at me. F*ck! Tatakbo na sana ako pero hinawakan niya ang braso ko at inilapit sa kanya. Hindi ko alam kung bakit pero kinabahan ako ng magdikit ang balat naming dalawa. Hindi ko mawari kung ano itong nararamdaman ko pero hindi ko din gudtong magpatuloy ito. “What the f*cking hell, you mo—“ “Sshh.” mas hinigpitan niya pa ang paghawak sa akin at ngayon ay talagang alam ko na kung bakit. Nakasalubong namin ang ilang grupo ng mga kababaihan sa entrance ng parking lot. Siguro ang ilan sa kanila ay may hinihintay o ang iba naman ay palabas na din ng parking lot. “Moron! What are you doing?!” sigaw ko ng pabulong sa lalaking nakadikit sa akin ngayon. “I’m starting to have no patience at you so please, I’m begging you. Stay still until we reach the parking area.” “Why should I believe you? I don’t even know who you are! I don’t have any clue what your name is and I don’t f*cking care about your identity! Just stay the hell out of my business and care about yourself.” I said and then ran away as I saw the entrance to the parking lot. Hindi naman niya ako sinunod at napabuntong-hininga ako dahil hindi ko na siya nakita pa pagtingin ko sa likod. Hindi na siguro niya naisipan na sundan ako dahil hindi niya talaga ako madadala sa mga salita niya kagaya kanina. Akala niya ba hindi ako matalino para malunod sa mga pinagsasabi niya sa akin kanina? Matalino ako at alam na alam ko iyon kaya huwag niya akong gawing bobo. Sino ba kasi iyon? Napasabunot na lamang ako sa sarili ko dahil sa nangyari kanina. Iyon ba ang pakiramdam kung muntik ka ng magalaw ng taong hindi mo naman kilala? He is indeed wearing our school uniform but who knows if he really is a student here in SPA right? Baka outsider iyon at naghahanap lamang ng biktima para mabigyan ang pantasiya niya at masunod ang mga gusto niya. Argh! Hust by thinking about it makes me throw up. Ano ba itong mga kabastusan na iniisip ko? Tsk. Naramdaman ko na naman ulit ang pagsakit ng puson ko kaya agad akong naghanap ng mauupuan para makapahinga ng kaunti. Umupo ako sa isa sa mga bench dito at inilabas ang phone ko. I opened the calendar app and my period will be in a month next week. Advance ba ako this month? Hindi ko pa kasi nararanasan ang ganito. I mean, my period is always on time at nasa kalendaryo ko ang nga petsa ng buwanang dalaw ko. Ni isang beses ay hindi pa ito nauuna o nahuhuli ng isang linggo o mahigit. Kinabahan naman ako agad kaya hinanap ko ang numero ng isa sa mga kaibigan ni dad na doctor. I just can’t talk about this one with my dad and I don’t think he will react so calm about this. Though he is an engineer and not a doctor, siya ang palagi kong sinasabihan sa mga problema ko, pero minsan, iba ang mga reaksiyon niya kapag may nangyari sa aming dalawa ni Blake. Daig niya pa kasi si mom kung mag-alala. Napakadaming bilin at hindi humihinto sa pagsasalita. Kaya mas mainam na sa akin ang kausapin ang isa sa mga kaibigan ni dad. I dialed her number and I did not wait for too long dahil sinagot din naman niya agad ang tawag ko. Thankfully! “Hello hija? Napatawag ka sa akin?” tanong niya at napabuntong-hininga naman ako. “Tita Tessi, may gusto lang po sana akong itanong sa inyo. Hindi po ba kayo busy?” tanong ko kasi baka nakakaisturbo ako sa trabaho niya. “No, hindi naman ako busy. I’ll be meeting your dad in an hour then I will go to the hospital.” “Baka pwede niyo pong masagot ang mga tanong ko?” I was hoping for a positive answer and I smiled after hearing her voice. “Sure. Ikaw pa hija, malakas ka sa akin.” “Thank you po.” “Oh, ano ba ang itatanong mo?” “Ano po kasi. . .” nagdalawang-isip naman ako kung sasabihin ko kay tita Tessie ang tanong ko pero wala akong ibang naisip na paraan para masolusyonal ang maliit na problema na ito. “Sumakit po kasi ang puson ko ngayon pero next week pa naman po ang dalaw ko. Alam niyo naman po tita na regular talaga ang menstruation ko at ni isang beses ay hindi ito advance or late. Tanong ko lang po sana kung bakit sumakit ang puson ko ngayon?” “Wala ka bang nararamdaman down there hija? Baka advance lang talaga ang dalaw mo.” “Wala naman po tita.” “Well, that’s actually not a problem hija. Somewhere between five days and two weeks before your period starts, you may experience symptoms that let you know it's coming. These symptoms are known as premenstrual syndrome (PMS). More than 90 percent of people experience PMS to some degree. I think I haven’t said these things to you kaya ka nag-aalala ngayon.” “Ano po ba ang rason ng early period?” “An early period may be due to lifestyle changes like periods of stress, strenuous exercise, or drastic weight changes that alter your hormone production. Kung wala ka talagang dalaw ngayon then you don’t have to worry. But, if you have, then visit me at my office or call me if you can’t come here, okay?” “Is it bad po to have early period?” “Hmm. . .” rinig ko naman na napaisip siya bago ako sinagot. “Hormonal fluctuations during puberty and perimenopause can cause periods to arrive sooner than expected. On its own, an early period does not tend to indicate a problem. Bibisitahin nalang kita bukas to make sure okay? Sasabihan ko na muna ang dad mo.” “Sige po. Thank you tita Tessie.” “No problem. See you tomorrow hija.” “Bye.” I said then hanged up the call. Matapos kong maibaba ang tawag, nakita ko na ang sasakyan namin na papasok sa parking lot. Agad akong tumayo pero nakaramdam din agad ng hilo kaya napahawak ako ng mahigpit sa bag ko. “Ma’am, okay lang po kayo?” lumabas si manong Oscar mula sa sasakyan at hinawakan ang magkabilang braso ko. Inalalayan niya ako papunta sa loob ng sasakyan. Bago ako tuluyang makapasok, nakita ko sa gilid ng sasakyan namin si Connor. Nakasandal siya sa mamahalin niyang sasakyan at nakatitig lang sa akin. Hindi ko alam kung ano ang nais iparamdam ng mga titig niya dahil ang nakikita ko ay marahil lungkot, pag-aalala, pangungutya o baka wala lang talaga siyang pakialam. Baka nga hindi talaga niya ako nakikita kahit na nakatitig siya sa dereksiyon ko. “Ma’am, may tagos po ang palda niyo. Atsaka bakit ba dalawa ang bag na dala-dala niyo?” bigla akong natuod sa inuupuan ko dahil sa sinabi ni manong Oscar. May tagos ang palda ko? F*ck! That may be the reason why Connor called me bloody mary. The reason why the people at the field laughed and pointed at me. And did that stranger tried to help me? Damn! Bakit kasi hindi ko man lang tiningnan kung may dalaw na talaga ako or what. F*ck!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD