“Thank you for tonight Keren. This whole thing really means a lot for me.” nakangiting sabi ni Josh habang nagmamaneho siya pauwi.
I smiled because of what he said. I don’t know what he did to me but he makes me feel comfortable when I am with him. Same thing that I felt when I am with Connor. Nagiging komportable na ba ako ngayon sa mga lalaki? Hindi ko alam kung ikakabuti ko ba ang ganito o ikasasama.
“I know I already told you about this but I am really sorry about what happened the first time that we met. And also, the second time. I just ran off so fast because it feels so awkward seeing you again. Pasensya ka na talaga. Kung pwe—”
“Sshh.” mahina niyang sabi at ngumiti. Kahit na hindi siya nakatingin sa akin, alam kong seryoso ang ngiting ibinigay niya. Because that’s who Josh Adrian Jimenez is. Sa maikling mga oras na nakausap ko siya, seryoso talaga siya sa halos lahat ng bagay. Kahit ngiti niya ay ginagawa niyang seryoso. “You don’t have to say it over and over again. Because the more you talk about it, the more I see you adorable and strong. For me, you are not just a woman, but an independent and strong one.” he looked at me and wink.
I wasn’t able to move because of what he said. Katulad ba to ni Connor na bipolar din? Gusto ko na ngang makawala kay Connor eh. Binubwesit niya na talaga ang buhay ko. Tsk. Mas mabuti pa na kalimutan ko na muna ang lalaking iyo dahil nawawala ako sa mood kapag naiisip ko siya.
So what did we do the whole time? It’s actually nine in the evening at napatagal kaming dalawa. Because honestly, Josh is a kind man. He is also sweet and very caring. Nagustuhan ko ang makasama siya kaya kung saan-saan nalang kami pumunta. Hindi na nga namin namalayan na lumalalim na pala ang gabi.
Nang sinundo niya ako mula sa bahay at dinala niya ako sa isang restaurant sa Cavite. Medyo malayo sa kung nasaan ang subdivision namin pero hindi naman ako mababahala kung matagal ang byahe kasi matagal din namang umuuwi sina mom at dad.
“You look beautiful.” saad niya ng makita akong papalabas ng bahay.
I just smiled at him and said thank you. Gusto niya sanang buksan ang pintuan ng passenger’s side para sa akin pero ako na mismo ang nagsabi na hindi naman kailangan. I have my own arms.
“So. . . where do you want to go?” tanong niya nang makalabas kami sa gate ng subdivision.
“I actually don’t gave any idea about things like this. I’m sorry.” I said and smiled at him. Ngumiti naman siya sa akin at napahawak na naman siya sa likuran ng ulo niya.
“I. . . uhm. . . have a reservation but I don’t know if you will like it. Do you want to go somewhere?” he asked then stopped when the traffic lights turn red.
Napaisip naman ako sa tanong niya sa akin. Hindi naman kasi ako masyadong umaalis sa bahay at pumupunta lang ako sa isang lugar kapag importante o kinakailangan talaga ako.
“Anywhere will do.” simple kong sagot at napangiti si Josh dahil sa sinabi ko.
“You really are someone.” pabulong niyang sabi na narinig ko naman. Tumingin nalang ako sa labas ng kotse at hindi ko na inaalala kung saan man ako dadalhin ni Josh. He already said that he has a reservation so might as well go to where that place is. Gusto ko na rin kasing matapos ang gabing ‘to at ma trap din si Mira kay Marco. Sa tingin ko talaga ay may nangyayari sa dalawang iyon.
Napaidlip ako sa kalagitnaan ng byahe at bigla nalang akong nagising ng huminto ang sasakyan. Madali lang talaga akong nagigising kasi hindi naman ako heavy sleeper. Minsan naman ay nagiging malalim ang tulog ko lalo na pagkatapos kong uminom ng gamot. Tumingin si Josh sa akin at ngumiti lang ako sa kanya.
“I thought I’ll be the one to wake you up.” he said and smiled.
“You don’t have to. I’m sorry, nakatulog ako.” bakit kasi nagsabay-sabay pa ang nangyari kaninang umaga? Nakatulog tuloy ako sa kotse ni Josh at baka wala ako sa mood mamaya dahil sa pagod. Tsk.
“You don’t need to be sorry. I suddenly invited you to this one so I should be the one to say sorry.” binuksan na niya ang pintuan ng kotse kaya lumabas na rin ako. I am not that kind of woman who will wait for the guy to open the door for her. Wala ba akong kamay? Tsk. Sumabay ako sa lakad ni Josh at nakapasok kami sa restaurant.
Just by looking around outside, I knew we are in Urdaneta, Makati City. I’ve been here many times and si Mira ang palagi kong kasama.
Nang makaupo kaming dalawa ni Josh sa pinahanda niyang mesa, agad akong nagtanong sa kanya.
“Is this the old Swiss Inn?” napatingin naman sa akin ang waiter dahil sa tanong ko. He smiled at me and I did the same.
“Yes. You have never been here? In this place?” agad naman akong tumango bilang sagot. Tumawa siya ng mahina na parang hindi siya makapaniwala sa sinabi ko. “Are you serious? I mean, this place is famous!” he said and the waiter laugh at him.
“I told you. I am not into things like this.”
“I am just glad that I brought you in here.” he said smiling.
Tinanong na kami ng waiter kung ano ang orders namin ng makita niyang nakangiti lang kaming dalawa ni Josh sa isa’t-isa. I gave my order at him after reading the menu and I was shocked because their prices are very affordable. The ambiance of the place is good and I think their restaurant is a very good place for romantic dinners or dates.
“Why are you so red Asher?” biglang tanong ni Josh kaya napahawak naman ako sa pisngi ko. Am I? “Are you sick? Don’t you feel well? We can skip this dinner if you want.” sunod-sunod niyang tanong kaya napatayo naman ako.
“Punta lang muna ako sa banyo. And I am not sick. Baka may nakain lang ako sa bahay o ano. Excuse me.” kinuha ko ang maliit kong bag at tumakbo papunta sa banyo.
“Why are you f*cking blushing Keren? F*ck that face!” sigaw ko sa sarili habang nakaharap sa salamin. Bakit ba kasi ako nag blush? Wala namang kakaibang sinabi si Josh sa akin. Baka naiinitan lang ako sa lugar. Tama, naiinitan lang talaga ako. Iyon lang. Tama.
Naghilamos ako at pinunasan ang mukha ko ng wipes. Since waterproof naman ang makeup ko, hindi ito natanggal. Ang kailangan kasi gamitin dito ay iyong makeup wipes talaga. Nag retouch lang ako sandali bago lumabas at bumalik sa mesa namin.
“Are you good?” tanong ni Josh na may pag-aalala.
“I am. Medyo naiinitan lang ako sa lugar.” napayakap ako sa sarili dahil sa lamig. Damn! Bakit ayaw makisama ng pagkakataon sa akin? Tsk.
Napatingin naman ako sa kausap ko ng bigla siyang tumayo at lumapit sa akin. Tinanggal niya ang coat niya at nilagay sa balikat ko.
“You did not turn red because of the heat. This place is very cold. Is it okay for you if I lend my coat?” tumango ako ng mahina at inilagay niya ng tuluyan ang coat sa balikat ko.
Dumating naman ang waiter habang dala-dala ang mga pagkain namin. Inilagay niya ito isa-isa sa mesa at nilagyan din ng wine ang mga baso namin. Tinanong niya ako kung may gusto o kailangan pa ba ako pero wala na akong kailangan pa. Bumaling siya kay Josh at tinanong ito.
“Sir?”
“We don’t need anything for now. Thank you Peter.” sabi niya at umalis na si Peter. Wait, what? He knew that guy?
“You know him?” I asked without hesitation.
“Yes.”
“Why? I mean, how?”
“I’m the one who gave him his job.” sabi niya pero parang kulang pa din ang sagot niya sa akin.
“And?” tanong ko. I’m trying to confirm if what I am feeling is true. Kasi nararamdaman ko talaga na may iba pang rason.
“My parents own this place.” sabi niya at na shock naman ako. This is their place?! What the f*ck?!
“What the f*ck!” sigaw ko at nakatitig lang si Josh sa akin. Nahiya naman ako dahil kababae kong tao pero ang lakas kong magmura. “I’m sorry.”
“It’s fine. Ginagawa ko din naman iyan.”
“Hindi halata sa mukha mo. Pero sa inyo nga ang lugar na ‘to?”
“My parents own this place.”
“So technically, sa iyo na rin.”
“Just my parents.”
“Ang hirap mong kausap.” sabi ko at nagsimula na lang kumain. Tumawa siya dahil sa inasta ko at nagsimula na rin siyang kumain.
“Do you want to go somewhere?” tanong na naman ni Josh habang nasa sasakyan kami kaya napaisip naman ako kung saan ko gustong pumunta.
Nahiya naman ako kasi kanina niya pa ako tinatanong kung saan ko gustong pumunta pero wala akong naisagot sa kanya ni isang lugar. Nahiya pa nga ako lalo ng siya lang ang nagbayad sa kinain namin sa restaurant. Nagdala nga ako ng card para makagastos naman ako pero ayaw talaga niya.
“I know a place.” bigla kong sabi at tinanong naman niya kung saan. “An arcade!” sigaw ko at bigla namang naapakan ni Josh ang brake. Halos mapasubsob ang mukha ko sa dashboard pero mabuti nalang at hindi ako natamaan.
“F*ck! Are you alright? I’m sorry.” tanong ni Josh at tiningnan ang mukha ko at ang ulo ako. Hinawakan niya ang buhok ko at para naman akong nakuryente sa paghawak niya. F*ck! What kind of sh*t is this?!
“Okay lang ako.” saad ko at mahina siyang tinulak.
“I’m sorry. Nabigla lang talaga ako.” mabuti at wala kami sa national road kaya walang ibang sasakyan na nandito sa daan.
“Dahil sa sinabi ko?”
“Sure ka bang gusto mo talaga sa arcade?”
“Oo.” I heard him sighed and he started the engine.
“I know a place. You are okay with anywhere right?” tanong niya at mabilis naman akong tumango.
So that’s where and how we spent most of our time.
“Basta salamat talaga. Promise, nag enjoy ako.” wika ko at ngumiti sa kanya.
“You have no idea how happy I am to spend time with you. Thank you Asher.” I smiled and looked outside the window. Nakapasok na kami sa loob ng subdivision namin at ilang segundo nalang ay uuwi na rin ako.
I thought this date will be boring and I won’t like it but what I am feeling right now is the total opposite. Masaya ako. Naging masaya ako kasama si Josh dahil masaya siyang kasama.
Huminto siya sa harap ng bahay namin at nakita ko mula dito na hindi pa bukas ang ilaw sa kwarto nina mom at dad. Nakahinga ako ng maluwag dahil kanina ko pa rin kasi iniisip kung ano ang sasabihin ko kapag nadatnan nila akong kasama si Josh.
“Do you want me to walk you inside?” he asked.
“There’s no need for you to do that. Salamat sa oras mo.” binuksan ko na ang pintuan ng kotse niya at lumabas. Bago ko ito isinara, I waved my hand at him at tumalikod na.
Nabuksan ko ang gate namin at papasok na sana ng biglang tinawag ni Josh ang pangalan ko. Tumingin ako pabalik sa kanya at nakatayo siya malapit sa pintuan ng kanyang kotse.
“Hm?” tanong ko habang nakangiti.
“I know this is so sudden but I really wanted to ask you something.” napakamot siya sa ulo niya at natawa naman ako dahil namumula ang mukha niya.
I know. I know Josh. And I am already prepared to answer you. And I’m sorry if I will be going to hurt your feelings.
“Can I court you?” tanong niya.
And you already know what I will say.
“No. I’m sorry.” and went inside the house leaving him outside, alone and broken.