Chapter 12: Date I

2222 Words
“So what should I wear?” tanong ko kay Mira habang nakatingin siya sa cellphone niya. Hindi siya agad nakasagot sa akin kaya tiningnan ko kung ano ang naging dahilan kung bakit busy siya sa kanyang cellphone. But what the freaking hell?! Bakit nakatingin ng larawan ng isang abs si Mira? What the f*ck? “Freaking hell Mira! Bakit ka nakatitig sa ganyan?” tanong ko habang tumingin sa ibang direksiyon. Hindi naman ako first timer pagdating sa katawan ng isang lalake lalo na ang abs pero iba pa rin kasi kapag nakita mo sa picture o sa personal. Ano banag napasok sa utak ni Mira ngayon at tumitingin siya sa mga ganiyan? Wala na ba talaga siyang lalaki sa buhay kaya sa larawan nalang siya naghahanap ng makakapagbusog sa kanya? “Duh! This was sent to me, for your information. Huwag mong isipin na nag farming ako ng ganito kasi hindi talaga. May mga nag s-send lang sa akin at tinatanong nila kung nakapasa ba sila sa qualifications ko? Hello girl?” mapang-asar niyang sabi sa akin and she also rolled her eyes. “Bakit kasi hindi ka nakikinig sa akin? Akala ko ba tutulungan mo ako?” tanong ko at tiningnan ang mga napakadaming gamit na dala niya simula kanina pang umaga. Today is Saturday and I can’t say no to Josh. Mira already agreed with the date pero tinawagan pa rin ako ni Josh kaninang alas nuwebe ng umaga. Dalawang oras lang din ang naging tulog ko kasi hindi na talaga ako makakatulog ulit. He asked me if we can hang out outside this afternoon and I said yes. Alas diyes ng umaga ay dumating si Mira na may dalang napakaraming dress at may mga gowns pa talaga. Party ba ang pupuntahan namin ni Josh? Pwede nga ay mag jeans lang ako. Tsk. “Bakit ka ba kasi nag-oo kay Josh? Alam mo naman na hindi ko pa talaga kilala iyong tao.” wika ko at tumayo para magtingin-tingin sa mga gowns. “You know him. Nagkita na kayo diba? Hindi naman siya lalapit sa akin kung hindi kayo magkakilala.” “Kilala ko siya pero dalawang beses lang kaming nagkita Mira. Bakit may date na agad ngayon?” I said at humarap sa kanya. Ibinaba niya ang kanyang phone at tumayo. Inakbayan niya ako matapos makalapit sa akin at ngumiti. And I know that smile. May binabalak talaga ang babaeng ito. Kilala ko talaga ‘to eh. “Malay mo, si Josh na talaga ang magiging boyfriend mo at ang magiging asawa mo?” matapos niyang sabihin iyon ay tinulak ko siya dahil kung ano-ano na lamang ang lumalabas sa bibig niya. “Seryoso? Sasabihin mo talaga iyan sa akin Mira? Kung ibigay kaya kita kay Marco. Gusto mo?” galit kong sabi at kumuha ng isa sa mga dress at pumasok sa banyo ko. Isinuot ko iyon ay tumingin sa salamin. Kahit papaano ay komportable naman ako sa suot ko. Puti nga lang ito at nagmumukha akong ninang sa binyag o ninang sa kasal. Isama pa ang mukha kong wala talagang kasiyahan na makikita. But don’t get me wrong. I am not sad because I have a date with Josh. I mean, that also is one of the reasons why but not entirely, okay? Malungkot lang talaga ako kasi hindi ko naman inaasahan na magiging ganito ang first date ko. Ine-expect ko kas na ako ang sasang-ayon kapag mayroon mang mag-aya sa akin pero si Mira pa talaga ang nauna. Tsk. Lumabas ako ng banyo at nang makita ako ng kaibigan ko, halos malaglag na ang panga niya at nakatitig lang siya sa akin ng maigi. “What the hell. Gaganda ka din naman pala Keren!” sigaw niya at lumapit sa akin. Pinalo ko ang ulo niya at tumawa naman siya ng malakas. “Duh! Joke nga lang eh.” saad niya at inayos ang dress ko. It’s an off the shoulder white dress and above the knee ang haba nito. Just plain white and no more details. It’s just a simple and plain white off shoulder dress na hindi ko alam na bagay pala sa akin. “Do you want me to do your makeup?” tanong ni Mira nang makitang okay na ako sa suot ko. Flats lang din ang susuotin ko dahil hindi ako sanay sa matataas na heels. I can wear the black office shoes but I will just wear it at school and presentations. Ang sabi ni Josh sa akin ay alas singko pa niya ako kukunin. Tumingin ako sa wall clock dito sa kwarto ko at ala una pa naman ng hapon. May tatlong oras pa ako at hindi naman ako aabutin ng isang oras sa paghahanda. Naligo na din ako kaninang umaga kahit na hindi sapat ang naging tulog ko. “Let’s prepare at four. Maaga pa naman kaya sa tingin ko ay kakain na muna ako.” lumabas ako ng kwarto at wala akong nadatnan ni isang tao dito sa kusina maging sa sala. “Do you know where your parents are?” biglang sulpot ni Mira sa likod ko. “Do you want to gave me a heart attack?!” sigaw ko at hinawakan ang dibdib ko. Nabigla ano sa pagsulpot niya at buti naman at wala akong hinawakan dahil baka mahulog lang ito mula sa nga kamay ko. “Nagtatanong lang naman ako.” wika niya at nag pout pa talaga siya. Ilang taon na po ba si Mira? “They are not here, obviously.” I went to the fridge and got myself a little snack. Kumuha din ako ng ice cream sa freezer at bahala na si Mira kumuha kung ano ang gusto niya. “And Blake?” “He’s with our parents.” deretso kong sabi at hindi na inisip na nasa labas silang tatlo at magkakasama. I mean, that is not a problem for me anymore. Malaki na ako at mas gugustuhin kong mas mapasaya ang kapatid ko. Umupo si Mira sa harapan ko at may dala-dala siyang chips at tatlong slices ng cake. Bitbit din niya ang isang litro ng coke at malaking baso. “Hindi ka man lang ba nababala na kasama nila si Blake at magkasama silang tatlo na lumalabas samantalang ikaw, mag-isa lang dito sa bahay niyo?” tanong ni Mira na may pag-aalala. Hindi ko naman talaga iniisip ang oras na inilalaan ng mga magulang ko sa aming dalawa ni Blake. Lumaki akong kasama palagi si mommy dahil gusto niyang maging katulad niya ako at gusto niyang maging magaling ako sa lahat. I was happy back at then because I got to spent most of my time with my mom and learn at the same time. Si dad naman ay palaging nandiyan kapag kailangan ko ng makakasama o makakausap sa kahit ano. I think they help me more than enough already and it’s time to give their best to Blake. “I want Blake to be happy.” “Are you?” deretso niyang tanong na naging dahilan para mapahinto ako. “I am Mira. Alam mo naman na uunahin ko talaga si Blake atsaka, una ako sa aming dalawa kaya una akong binigyan ng oras ng mga magulang ko. Blake us just an innocent kid. Who would I get jealous of him?” I asked and continue eating. Mira shrugged her shoulders and also continue her foods. Hindi ko alam kung bakit ganyan ang mga pagkain na pinili niya lalo na at mapayat na siya. Ganito ba ang diet na alam niya? When we finished eating, Mira and I went back to my room and we talked about how would I look. She tried to apply the look that we planned and we tried for a few times, before getting the look that suites me and what I totally wanted. Halos isang oras din kami sa harap ng salamin kaya sinabihan ako ni Mira na maligo na lang. I did what she told me and when I went outside, she’s sleeping on my bed with her phone on her left hand. Bakit palaging hawak ni Mira ang phone niya? I mean, we’re kinda the same with the obsession pf taking pictures with objects or foods but not to the point of holding it, ALWAYS. May ka text ba si Mira na hindi ko alam. Hmm? Sino ba ang pwedeng maging ka text mate ni Mira na hindi niya pwedeng sabihin sa akin? Wait. Come to think of it. Marco asked me to look for Mira. I mean, not only me but with Connor and I don’t know. Maybe he likes Mira? Baka na love at first sight siya at gusto niyang sabihin kay Mira ang nararamdaman niya. Just a hunch though. Hindi ko naman kasi talaga alam ang relasiyon ng dalawang ‘to. Hindi pa kasi nasasabi ni Mira sa akin kung bakit siya galit at parang may galit na talaga siya kay Marco. Umupo nalang ako sa vanity area at ginamit ko ang blow dryer para agad na matuyo ang buhok ko. Mira will fix this later so I need to make it dry. I still have an hour left para maghanda at mahaba na ang oras na iyon para sa akin. When I finished my hair, ginising ko na si Mira at sinabihan siya na isang oras na lang at nandidito na rin si Josh. Sana nga lang ay hindi siya makita nina mom at dad, o kaya nina manang at manong Oscar. Remember the time when Connor went here in house and f*cking have a sleep over? He just told my parents that he is courting me at paano kung makita kaming dalawa ni Josh? Baka isumbong ako nina manong Oscar at manang kina mom at dad tapos sabihan pa ako na malandi. No, I don’t want that. Hindi ko pa nga alam kung ano ang sasabihin ko kay Josh o kung tatanggihan ko ba kung ano man ang sasabihin niya ngayong gabi sa akin. I am not expecting okay? But I am not dumb to now know what will possibly happen. But let’s see. “Anong oras na ba?” tumayo siya ng dahan-dahan at hinawakan ang ulo niya. “Are you really that tired?” “No. You got sit there. Aayusan na kita.” tumayo siya at puwesto kaming dalawa sa harap ng salamin. Mira started to do what she have to and we are finished in more than an hour. Nakatanggap naman ako ng mensahe mula kay Josh at papunta na daw siya dito sa bahay namin. Mira even told him where I live. Nangako pa siya sa akin na hindi na niya sasabihin sa iba pero napako din ang pangako niya ilang araw lang ang lumipas. Tsk. “Are you ready?” tanong ni Mira habang papalabas kami ng kwarto ko. Ilang beses na ba niya ako tinanong tungkol diyan? “Okay na nga ako Mira. Bakit mo ba ako paulit-ulit na tinatanong ng ganyan?” sabi ko at umupo sa couch. Dumating si manang at tinanong kung saan daw ako pupunta. Baka kasi hanapan siya ni mom o ni dad. Si Mira ang sumagot at ang sabi niya ay may pupuntahin kaming dalawa na party. Okay lang naman si dad basta kasama ko si Mira pero ewan lang kay mommy. Hindi naman sa ayaw niya kay Mira pero alam niyo na, ayaw niya sa anak niyang maging bulakbol o kung saan-saan lang pumupunta. “Don’t look at me like that. I know I have to lie.” she said. I just sighed and did not say anything. Hindi nagtagal ay nakatanggap na naman ako ng mensahe at nasa labas na pala si Josh. I never felt anything and I am not excited as well. Hindi naman sa ayaw ko sa ganito pero. . . sh*t. I think I explained myself already. “Good luck Keren!” sigaw ni Mira at lumabas na ako ng bahay. Hihintayin pa kasi ni Mira na kunin siya ng driver nila kaya sinabihan ko na si manang na siya na ang bahala sa kaibigan ko. Close naman silang dalawa kaya walang problema sa akin. Nang makalabas ako ng gate, bumungad ang itim na sasakyan ni Josh at nakasandal siya sa pintuan nito. Ngumiti ako ng magtagpo ang mga mata namin at lumapit naman siya sa akin. “Hi.” unang sabi niya at kinamot ang ulo niya. I know he’s shy. “This might be the most awkward date ever.” I said to give both of us a humurous atmosphere. I laugh and when he look at me laughing, he just smile. “We never even have a formal introduction with each other but you already invited me on a date. Are you trying to do something to me?” deretso kong tanong sa kanya. Nanlaki naman ang mga mata niya at parang hindi siya makapaniwala sa sinabi ko. “What? No!” he said at parang nataranta siya na hindi niya alam kung ano ang gagawin. “Nevermind. Let’s just go.” nauna akong maglakad sa kanya at ako na ang nagbukas ng passenger’s seat bago pumasok. Nasa labas pa rin siya at parang hindi siya makapaniwala na ganito ako makitungo sa ibang tao lalong lao na sa taong hindi ko pa talaga kilala. He should ready his guts.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD