Chapter 14: Couple

2269 Words
I woke up feeling dizzy and I know my lips are dry. Last night, Josh asked me for a chance. He asked me that he really has the intention of courting me and that he will let me give all the conditions if there will be. Nakatitig lang ako sa kisame ngayon habang inaalala ang nangyari kagabi. Last night was so suffocating. Hindi ko pa kasi talagang kilala si Josh. Komportable naman akong kasama siya pero there’s always that feeling of doubt and. . . I don’t exactly know. Maybe cautiousness? I guess? I mean, I can’t just trust him completely after less than a week of knowing each other. Hindi naman kasi dapat pinagkakatiwalaan ang isang tao agad-agad. That is one of the reasons why many people are scammed and tricked. Agad naman kasi nilang pinagkakatiwalaan ang isang tao kahit na hindi pa talaga nila ito kilala ng buo. Bigla akong tumayo at kinuha ang cellphone ko mula sa bedside table. Today is sunday and I’ll be attending the mass this eleven in the morning. Dad and mom will have the mass this evening with Blake at iyon na ang nakasanayan naming gawin tuwing linggo. Hindi ko man sila kasama, at least I still went to churce and pray. Iyon naman talaga ang mas mahalaga sa lahat ng bagay— pananampalataya. I checked the time at may oras pa naman ako para maligo at maghanda bago pumunta sa simbahan. Ilalagay ko na sana ang phone ko pabalik sa mesa ng bigla itong nag ring. Pangalan ni Mira ang lumabas at nagdalawang-isip ako kung sasagutin ko ba o hindi. Sinabihan na kaya siya ni Josh sa nangyari sa aming dalawa kagabi? Hindi naman talaga iyon importante pero alam kong nasaktan ko ang damdamin ni Josh. He did all of his best to make me happy but I declined his interets in me. Matagal bago ko sinagot ang tawag at galit kong tinanong si Mira kung ano ang kailangan niya. “Bakit ba?” bungad ko sa kanya. “I just want to say hi.” she said and I know, she’s smiling widely. Ano pa ba ang bago kay Mira? Wala. Hindi na talaga magbabago itong kaibigan ko. “Ano na naman?” saad ko sa kanya ng matamlay. Bakit ko ba pag-aaksayahan itong babaeng ‘to? “I told you. I’m just dropping by to say hi.” malambing niyang sabi at narinig kong tinawag niya si Yaya Penny para hugasan ang pinagkainan niya. “Thank you yaya Penny.” she said on the other line. “Are you sure about that?” sabi ko at sumimangot dahil sa tanong niya. Ang aga-aga pa pero nambubulabog na siya ng kaibigan. “Mamaya mo na ako kausapin Mira dahil nagagalit ako sa boses mo.” “Hoy ba—” hindi ko na siya pinakinggan pa at pinatay na ang tawag. Mas lalalim lang ang galit ko kay Mira kapag kinausap niya ako palagi. Tsk. Deretso ang tayo ko at punta sa banyo para makapaghanda at magbihis. Sinuot ko ang magma cropped blazer at high waist wide leg dress pants. Puting sapatos at puting bucket hat. Nagdala din ako ng itim na men’s shoulder bag. Hindi ako masyadong mahilig sa gamit ng mga babae dahil nakasanayan ko ang gamitin ang mga gamit ng lalaki. I looked at the mirror and I think I am all set. Kinuha ko ang cellphone ko mula sa higaan at lumabas na ng kwarto. Nasa mesa na si mom at dad at nag-aalmusal. Humalik ako sa mga pisngi nilang dalawa bago umupo sa tabi ni dad. “You’ll be going to church in an hour?” tanong ni dad sa akin at tumango naman ako. “Gusto mo ba na samahan kita?” pangalawang tanong niya at umiling naman ako. “Hindi na po kailangan. Para naman akong five years old na bata nito.” natatawa kong sabi. Binigyan ako ni manang ng plato at kubyertos kaya nagpasalamat ako sa kanya. “May ibibigay pala ang mommy mo sa’yo.” nagulat ako ng sabihin iyon ni dad. Mabuti at hindi pa ako nagsisimulan kumain dahil kung hindi ay kanina pa ako nabilaukan matapos marinig ang sinabi ni dad. May ibibigay si mom sa akin? “Elizabeth?” tawag ni dad sa kanya. Tumingin siya sa akin bago niya kinuha ang isang paper bag na nasa tabing upuan lang niya. She really knew that I won’t be sitting beside her. Ibinigay niya sa akin ang paper bag at nagulat ako ng makita kung ano ang laman nito. It’s another paper bag but I already knew what’s inside. Paper bag lang naman kasi na may tatak ng apple sa harap. Is this a phone? “What is this?” natatawa kong tanong kay mom. “Just open it.” saad ni dad at ngumiti lang si mom sa akin ng maliit. Well at least she smiled, right? Nang makuha ko ang box mula sa loob ng paper bag, napasigaw ako dahil sa gulat. What the f*ck? “Is this? Oh my god! This is an iphone 12 pro max! Ang mahal po nito!” sigaw ko dahil hindi ako makapaniwalang binilhan ako ni mom ng ganito. Hindi naman ako materialistic at hindi ko rin hiningi sa kanya ang phone na to. I mean, I have my macbook pro there but that laptop is with me since five years ago, I think? Gift iyon nina mom at dad sa akin sa birthday ko. And I can’t believe they gave me the latest model of iphone today. Wait, birthday ko ba ngayon? “Birthday ko po ba ngayon?” tanong ko kay mom. “Nothing special. I saw that when I was looking for Blake’s PS5.” wika niya. Oh. So it was Blake after all. No, no. Wake up Asher! Huwag kang magselos sa kapatid mo. At least naisip din ni mom na bilhan ako since binilhan niya din si Blake sa gusto niya. “Thank you mom.” I said and smiled at him. Ngumiti lang din siya at nagpatuloy na sila sa pagkain. Kumuha na din ako ng pagkain ko at nagpaalam na si mom sa akin ng matapos sila. Nang matapos din ako, bumalik ako sa kwarto at binigyan ng pagkain si Zeus na naglalaro sa higaan niya. Hindi ko alam kung lalabas ba si Zeus mula dito sa kwarto ko pero hindi ko naman sinasara and pintuan ko tuwing aalis ako. I went upstairs to check if Blake is awake but he is still sleeping. Nagpaalam ako kay manang at kinuha ang motor ko sa garahe. Nag-insist si manong Oscar na ihatid ako pero wala siyang nagawa dahil kinuha ko na ang motor ko. Baka may biglaang lakad si Blake at walang makakahatid sa kanya. O baka naman ay bigla siyang tawagan nina mom at dad dahil kailangan siya. And besides, ilang araw ko na rin itong hindi nagagamit. I have mentioned before that this motorcycle was given to me during my debut but I never said about the model and the color. So my motorcycle is a Ducati Panigale V4 and it’s color black. Hindi ko sana siya gagamitin because it’s worth almost two million but I can’t just let the dust have its own way to my ducati. Hindi ko rin ito hiningi sa mga magulang ko but dad knew how in love I am with motorcycles that’s why they gave me this one when I turned to my legal age. Mabilis ang takbo ng kotseng ito pero hindi ako lumalampas sa bilis kapag nasa daan ako. Ayokong sabihin ng iba na abogada ang mom ko at law din ang inaaral ko tapos hindi ako marunong makinig sa batas. Baka ipakulong ako ni mommy kapag may nabangga ako o ano. I took off my bucket hat and put it on my only bag. Isinuot ko ang itim na helmet at dahan-dahang lumabas ng bahay. Nagpasalamat ako kay manong dahil siya na mismo ang nagsara ng gate at hindi na ako bababa pa. Tinahak ko ang daan papunta sa simbahan at nakarating naman ako ng walang problema. One thing that I also like about having a motorcycle is that I can’t be stuck with the heavy traffic. Ayoko pa naman ang pinapahintay ako kaya mas mabuti sa akin ang may motorsiklo. I parked my motorcycle on the small parking lot of the church. This church is the nearest one from our place so mom and dad also comes here every time. Binati ako ng matandang lalaki na siyang nagbabantay dito palagi sa simbahan. Tuwing makikita niya kami, ngingiti talaga siya at babati sa amin. “Magandang umaga ma’am.” bati niya ng makalapit ako sa kung nasaan siya. “Good morning din po manong. Nag start na po ba ang last mass ngayong umaga?” “Hindi pa ma’am. Hindi pa naman kasi alas onse ng umaga.” saad niya. Nagpasalamat ako sa kanya at nagpaalam. Pumunta muna ako sa mga bilihan ng kandila para makapagdasal ako. Nang natapos ako sa pagdadasal, pumasok na ako sa loob ng simbahan. Hindi masyadong marami ang mga tao at ang iba sa kanila ay nakaluhod pa at nagdadasal. Napadako ang tingin ko sa lalaking naka bucket hat din kagaya ko at nakaluhod. Nakayuko ang ulo niya at tinatabunan ito ng mga kamay niya kaya hindi ko makita kung sino siya. Ang tanging alam ko lang ay lalaki siya. Nasa kanang bahagi siya ng mga upuan kaya umupo na lang ako sa tabi niya. Wala lang, feel ko lang talagang tabihan ang lalaking ito. Tahimik akong umupo at ni hindi siya gumalaw ng marinig ang pag-upo ko. Baka bingi ang lalaking ito? Hm. Malayo pa ang alas onse ng umaga kaya tahimik lang akong nakaupo. Kaming dalawa lang ng lalaking hindi ko naman kilala ang nakaupo dito sa aisle na ito. Hindi din naman kasi karamihan ang tao at napakalaki ng simbahan kaya baka six feet apart pa kaming lahat. Nabigla ako ng tumayo ang lalaki at mahinang nag bow. Wait, what the hell? I mean, I’m sorry. Alam kong nasa simbahan ako pero ano ang ginagawa ng lalaking ito dito sa simbahan? Paano siya nakapasok? Ang taas ng sungay niya. Paano nakalampas sa pintuan ng simbahan? What the. . . “Connor?!” sigaw ko at napapitlag naman siya dahil sa pagtawag ko. “What the f*ck?!” pabulong niyang sigaw at tinuro ko naman ang altar na nasa harap namin. “You just cursed! Kakagaling mo lang sa pagdadasal tapos ngayon ay masasama ng mga salita ang lumalabas sa bibig mo.” I crossed my legs at sumandal sa upuan namin. I raised my brows at him because he seems to be a little bit scared and shocked at the same time. “Anong tinitingin mo diyan?” tanong ko sa kanya. Umupo siya at tinitigan ako mula ulo hanggang paa. Na conscious naman ako sa pagtitig niya kaya humarap ako sa kabilang direksiyon. “Why are you staring at me?” nanginginig kong tanong sa kanya. “Wow.” he said in amusement and he slowly clapped his hands. Napatingin ako pabalik sa kanya dahil sa pagpalakpak niya at tinaasan siya ng kilay. “Who would have thought that satan will allow you to visit here?” “Pardon?” tanong ko dahil hindi ko maintindihan ang sinabi niya. “What? You don’t know who your master is? That’s kinda disappointing for me. You should know hi—” I threw my bucket hat directly to his face. Wala akong pakialam kung mapatingin man sa amin ang ibang mga tao na nandito basta ako, nagagalit na sa mga pinagsasabi niya. “Shut up Connor. Hindi ko alam kung hanggang saan ang pasensya ko sa’yo.” sabi ko. May sasabihin pa sana siya ng tumunog ang kampana ng simbahan. Lahat kami napatayo at nagsimula na ang misa. Kahit galit ako kay Connor, kinalimutan ko lahat at nakinig ng mabuti sa mga salita ni Father. Nang dumating na ang Our Father, lahat ng mga tao dito sa simbahan ay naghawak ng mga kamay at itinaas nila ito. Wala akong katabi at ganun din si Connor kaya hindi ko inalok ang kamay ko sa kanya. Instead, I raised my hand on my own at nagsimulang magdasal. Hindi pa nakakalahati ng maramdaman ko na may humawak sa kamay ko. Ano sa tingin niya ang ginagawa niya? I tried to get out from his grip but he held it out very tightly. I was angry and confused at the same time. I am angry because Connor kept doing things that I can’t predict. And I hate having things that are unexpected for me because I know that I am knowledgeable about everything. Galit ako kasi hindi ko alam kung ano itong mga ipapakita niya sa akin at kung bakit iba ang nararamdaman ko pagdating sa kanya. Na hindi ko nga makilala ang sarili ko kapag kasama ko siya. Ano ba ang nangyayari? Nang matapos ang Our Father, uupo na sana ako ng bigla akong hinila ni Connor. Hindi ko kayang tumanggi at sumigaw dahil nasa loob kami ng simbahan. Saan niya ba ako dadalhin? “Connor.” I tried to call his name out but he did not even respond. What the hell is he doing?!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD