I was staring at the ceiling here in my room when I heard a knock at my door. Hindi ako agad gumalaw at wala akong plano na buksan ang pintuan. Patuloy ko lamang tinitigan ang kisame ng biglang bumukas ang pintuan ng silid ko. Agad kong ibinalot sa katawan ang kumot at tumagilid kasalungat sa direksiyon ng pintuan.
“This girl is still sleeping?” rinig ko ang boses ni mom kaya agad akong napapikit dahil kapag si mom na ang pupunta sa kwarto, alam kong galit siya o may seryosong bagay siyang sasabihin sa akin.
“You don’t need to worry Elizabeth. Give our daughter time to rest. You should know how important it is right?”
“But she needs to study Giovanni!” sigaw ni mom. Hindi ako nakagalaw dahil ayoko naman talaga. Bakit kailangan pa nilang pumunta dito sa kwarto ko kung mag-aaway lang din pala sila? Baka marinig pa sila ni Blake dito.
“You heard what her adviser said right? Wala silang pasok ngayon Elizabeth. At least try to consider giving your daughter the time to enjoy her youth. One day, you will then realize that you are being too much for her during this time. And you will surely thank me.”
“Thank you?” tanong niya at tumawa ng malakas. Hindi pa ba sila aalis sa kwarto ko? “Why would I Giovanni? Why would I thank you?” she asked that made my father answer with just a sigh.
“Let’s just head outside Elizabeth. Our daughter is still sleeping, you can talk with her tonight.” my father insisted and then I heard my door closing.
Pero bago man ito tuluyang masira, narinig ko ang mahinang boses ni dad.
“Alam kong gising ka na.” at bigla siyang bumuntong hininga. “Naiipit na rin ako sa sitwasyon ninyong dalawa ng mom mo pero ayokong magreklamo kasi pareho ko kayong mahal pero sana, sana maintindihan mo ang mom mo. I am also trying to talk with her without arguing but it’s also hard for me. Just, understand her okay?” huling sabi niya bago ko narinig ang pagsira ng pintuan.
Hindi ako nakagalaw dahil naisip ko din ang sinabi ni dad sa akin.
Ako lang naman din kasi palagi ang umiintindi kay mom. Bakit hindi niya ako maintindihan at the same time? Kung hindi lang sana siya ang nasusunod sa lahat, mapagbibigyan ko pa sana ang gusto ni dad pero ang hirap naman kasi. Nasa puso ko ang pintura at mga canvas pero nasa isip ko ang pagiging abogada dahil mahal ko din ang pamilya ko, lalong-lalo na si mama. Ayokong maging dahilan ang pagkuha ko ng ibang kurso para kamuhian niya ako at pagalitan dahil mas inuna ko ang kagustuhan ko kesa sa kung ano ang makapagsasaya sa pamilya ko.
Napapitlag naman ako ng biglang tumunog ang cellphone ko na nasa gilid. Umalingawngaw sa loob ng kwarto ko ang tunog kaya agad ko itong kinuha at sinagot ang tumawag sa akin. Ni hindi ko alam kung sino kaya nagtaka ako kung bakit wala akong narinig na boses mula sa kabilang linya.
“Hello?” I asked because I couldn’t even hear a thing. Tanging tunog ng— wait, is that a music?
“Hello? Are you trying to let me hear what music you are listening to? Because honestly, that is also my jam.” saad ko kasi wala talagang nagsasalita sa kabilang linya.
I decided to end the call dahil baka nilalaruan lang ako ng tumawag sa akin. Deretso ako sa banyo at naligo para makalabas na. Baka nandiyan pa sina dad at mom para makausap pa nila ako. Hindi ko alam kung ano na naman ang gusto ni mom mula sa akin pero kailangan ko siyang kausapin dahil mas magagalit iyon kapag hindi niya ako nakausap.
“Wala ka bang pasok ngayon Blake?” tanong ko sa kapatid ko dahil nakaupo lang siya sa sahig habang nakaharap sa laptop niya.
“This afternoon.” he answered without even looking at me. “Dad also told me that he bought a new pack of medicines for you.”
“Where did he bought it?”
“I guess tita Tessi gave it to him yesterday. Nagkita kasi sila kahapon.” tumingin siya sa akin at tumayo dala-dala ang laptop niya. “I need to do something. I’ll be in my room. Dad also told me that tita Tessi will be here this afternoon.” nagsimula siyang maglakad paakyat sa silid niya.
“Wait Blake!” I called dahil may isa pa akong tanong sa kanya.
“I have a class. Tita Tessi can’t be her because I will be at school.”
“Hindi mo ba narinig ang away nina mom sa kwarto mo? Wala kang pasok ngayon at tumawag ang teacher mo kay mom.”
“What?!” napasigaw ako dahil wala na naman kaming pasok ngayon. Paulit-ulit na lang? Why?!
“Yes. You should be happy then sis.” sabi niya at kinindatan ako.
Hindi na ako nagsalita pa at wala sa sariling naglakad papunta sa kusina. Nang makaupo ako sa mesa, inilagay ni manang ang mga pagkain na niluto niya.
“Ano na po ba ang oras manang?” tanong ko sa kanya.
“Alas nuwebe na ng umaga Asher. Matagal ka nga nagising.”
“Pwede niyo po bang ihanda ang pagkain ni Zeus? Pakilagay na lang po sa counter at ako na ang magdadala papasok sa kwarto ko.”
“Sige sige. May tubig pa ba siya doon?” tanong niya habang naglalakad papunta sa cabinet na may nakalagay na pangalan ni Zeus.
“Opo manang.” sagot ko sa kanya.
Mom and dad asked me about the cat last night but Blake explained to them that it was his cat. Alam na siguro ni Blake na magagalit talaga si mom sa akin kapag nalaman niyang nag-aalaga ako ng pusa. Gusto kasi niyang focus lang dapat ako sa pag-aaral at walang kahit ano ang dapat na makapag-abala sa akin.
But then, as what I have said a while ago, Blake saved the day. Alam niyo naman na malakas talaga si Blake pagdating kay mom and that is not a problem for me. I love Blake so much and he is the reason why I don’t want to argue with mom. Ayokong makita niya na hindi maganda ang relasyon naming dalawa. I wanted him to see that we are a happy family. Pero minsan, dahil matalino siya, agad niyang naiintindihan kung ano ang mga nangyayari sa palagid niya. I guess we are a family of geniuses. Lmao.
“Hindi ka ba magpapatimpla ng kape o gatas sa akin Asher?” tanong ni manang sa akin habang kumakain ako sa niluto niyang almusal.
“Huwag na po manang. Iinom lang po ako ng strawberry juice ngayon.” sagot ko at nagpaalam naman si manang na maglilinis pa siya sa kwarto nina mom at dad.
Binilisan ko na lang nag pagkain ko at nagdala ng snacks papasok sa kwarto ko. Dinala ko na rin ang pagkain ni Zeus at nakita kong tulog pa siya ng makapasok ako.
“You’re still sleeping? When are you gonna wake up?” pabulong kong sabi at lumapit sa kanya. Nagising naman ito ng lumapit ako kaya nilagay ko sa lalagyan niya ang pagkain na hinanda ni manang para sa kaniya.
Lumapit si Zues sa akin at humiga sa paanan ko. I smiled because of what he did at kumalma ang sistema ko ng maramdaman ang sweetness ni Zeus sa akin.
“You like me Zeus? Can I be your owner Zeus?” tanong ko sabay hawak sa kaniya gamit ang dalawa kong kamay at niyakap siya. I really live how fury he is and it’s so soft and much more comfortable than my cotton pillow.
“meowwww meow” sagot niya at tumingin sa akin.
Niyakap ko si Zeus at ipinikit ang mga mata ko. I wonder how my life will be if I am a cat. Paano kaya ang magiging takbo ng buhay ko kung pareho kami ni Zeus? Hindi naman siguro ako mamamatay sa gutom dahil maraming tao ang naghahangad na magkaroon ng sarili nilang pusa. At sino naman ang tatanggi sa cuteness ng pusang kagaya ni Zeus?
Bumitaw si Zeus sa akin at pumunta siya sa gitna ng higaan ko. Umupo siya kaya agad din akong napatayo mula sa sahig at sinundan siya sa kama. Nasa tabi niya lang ang phone ko at nakita ko namang may tumatawag dito. Silent na kasi ang phone ko matapos akong magulat sa tunog ng ringtone kanina. Ang lakas pa naman ng volume ng iphone kaya nagulat talaga ako nang marinig ang tunog.
I looked at Zeus and smiled at him.
“You really know huh? You are as clever as me Zeus.” I said before I answered the call.
“Hello Keren!” nailayo ko ang phone mula sa tenga ko dahil sa sigaw ni Mira.
“Ang ganda ng bungad mo sa akin ah?” pilosopo kong sabi at hinawakan si Zeus na nakahiga na ngayon sa kama ko.
“Bakit hindi ka pumunta dito sa campus?” tanong ni Mira na naging dahilan para mapangiti ako.
“Mira, seriously? Walang pasok ngayon yet you are out there? Wala ka bang mga gawain sa bahay o school works? Para ka namang hindi estudyente.”
“Napaka over reacting mo talaga. As if I know there’s no class today, right?”
“The advisers told our parents about it. Duh! What the freaking hell are you f*cking doing there Mira?!” pasigaw na tanong ko kasi alam ko naman talaga na gusto niyang pumunta ako sa campus at samahan siya. Hindi din ito makikinig sa akin kapag sinabi kong kailangan na niyang umuwi.
Mira is really a disobedient one. I mean, she really is a good friend but sometimes, she doesn’t listen to me especially when she knows that she is wrong and she did something wrong. Iyon siguro ang isa sa mga dahilan kung bakit kami nag-aaway ni Mira. Pakiramdam kasi niya ay tama ang ginagawa niya. Tatanungin niya ako kung tama ba ang desisyon niya at kung kailan ako sasagot ng hindi o anumang kasulangat sa tanong ko, magagalit siya o hindi kaya ay magtatampo. Hindi ko na nga alam kung anak ba talaga ‘to nina tito at tita o sadyang may sayad lang talaga sa utak si Mira.
“Okay, alright. Ayokong mag stay sa bahay kaya pumunta ako dito sa school. I told the guard that I left the house early that’s why my parents wasn’t able to tell me about the no classes. Gets mo na?”
“Bakit ka ba kasi pupunta diyan? You can paint inside your house.” I said as I looked at Zeus going out of my room.
Bumaba siya mula sa higaan ko at patakbong pinunta ang pintuan ng silid. Dahil may siwang naman ito, doon siya dumaan at nagkasya naman ang katawan niya.
“I just wanted to meet friends? Or new classmates.”
“You mean Marco?” mahina kong tanong na naging dahilan para tumahimik siya.
“WHAT?! NO!”
“Then what are you doing there?” tanong ko dahil malapit na talaga maubos ang pasensya ko kay Mira.
“You know, boy hunting I guess?” wala sa sarili niyang sabi. Narinig ko naman ang pagkalampag ng trash can kaya malamang, tinulak na naman ito ni Mira gamit ang paa niya. Ganun naman kasi siya palagi. Hindi talaga mako-kompleto ang araw niya kapag wala siyang nagagalaw o nasisira sa unibersidad. Ilang beses na nga siyang tinawag ng disciplines office pero laging nahahantong sa aksidente “daw” ang nangyari.
“Umuwi ka na nga. Ay ewan ko sa’yo. Basta huwag mo muna akong guluhin.”
“Walang pasok ngayon Keren! Sana naman bigyan mo ako ng time bilang matalik mong kaibigan.” she said at rinig ko ang pekeng pag-iyak niya.
“Halos magkapalit na nga tayo ng mukha da—“ but she cut me off.
“You are quite lucky.” she said in response to my statement.
Ipinikit ko ang mata ko dahil halos hindi ko na mapigilan ang sariling ibato ang cellphone na hawak-hawak ko. Sh*t! Nasaan ba ang utak ni Mira at halos kung ano-ano na lang ang mga sinasabi niya sa akin?
“Stop your non sense mindset Mira and f*ck! Bigyan mo ako ng oras na malayo sa’yo!” the last thing that I said before I hang up the phone.
Alam kong tatawag ulit ang babaeng iyon. Kaya ng biglang tumunog ulit ang cellphone ko, sinagot ko ito ay hindi na hinintay pang makapagsalita si Mira.
“F*ck off b*tch! You’re my best friend and I would be very glad if you will give me time for myself. F*ck that new classmate of yours and try to give me my own time Mira. Wala na ba talagang may gusto sa’yo at kung sino-sino nalang ang hinahanap mo diyan sa campus? Kung ako sa’yo, noon ko pa hinalikan si Connor. Punong-puno na ako sa’yo Mira ha! Umuwi ka n—” but then I was cut off by the caller.
Agad kong tiningnan ang naka register na pangalan sa cellphone ko pero tanging numbero lamang ang nakalagay. F*ck! Of all people, bakit siya pa?
“I’ll be there today.” the only thing that he said then dropped the call.
F*ck!