Chapter 9: Visit

2523 Words
“Come in. Maiintindihan mo naman siguro kung magsasalita ako ng tagalog noh?” sabi ko at binuksan ng malaki ang gate namin. Wala siyang sinabi at naglakad nalang siya ng deretso papasok sa bakuran namin. Nakita ko si manong Oscar na nakatingin sa akin at ngumiti lang ako sa kanya. He has the rights to look at me every time I invite someone over our house because mom told him to do so. He never wanted to upset my mom and I don’t want him to upset her boss as well. Parang pamilya ko na din sina manong Oscar at ang mga kasama namin dito sa bahay kaya mahalaga sa amin ang magawa nila ng maayos ang mga trabaho nila. “So, what brought you here? I mean, bakit ka nandito sa bahay ko at paano mo nalaman kung nasaan ang bahay ko?” tanong ko kahit na nakatalikod siya sa akin. Sinusuri niya ang mga halaman na nasa harapan ng bahay namin. “Instinct.” sagot niya ng hindi man lang lumilingon sa akin. Instinct lang ba ang alam niyang salita? Noong unang beses ko rin kasi siyang tinanong ay instinct din ang sagot niya. Baka naman bobo talaga ang isang ‘to? “Pwede mo pa akong deretsuhin sa kung ano ang ginagawa mo dito sa bahay ko? And it’s school hours yet you are not wearing the school’s uniform.” I said and pointed at what he’s wearing. A white v-neck style shirt and a black jeans. Saan ba ang lakad ng isang ‘to? “Then look at you.” sagot niya at hinarap ako sabay tiningnan mula ulo hanggang sa paa ko. Bigla akong nahiya sa pagtitig niya sa akin kaya tumalikod ako at nagsimulang maglakad papasok ng bahay. “Aren’t you going to invite me?” tanong ni Connor na naging dahilan din para mapahinto ako sa paglalakad. That was long! Ang daming words ng sinabi niya at hindi ko alam kung bakit nagwawala ang sistema ko dahil sa haba ng sinabi niya. Tumingin ako sa kanya pabalik at hindi pa rin siya nakatingin sa akin. Bulag ba ang isang ‘to? “What?” the only word that came out of my mouth after hearing what he just asked me. “I’m here to do our research thingy. Aren’t you going to let me in?” he said in a low voice. Hindi ko alam kung ano ang nangyari kay Connor ngayon o kung ano ang nakain niya dahil palagi siyang nagsasalita. Hindi naman kasi pasalita ang taong ‘to. Well, hindi ko pa talaga alam kasi ilang araw pa ba kami magkakilala? Less than a week? Not yet sure. But, based on how Connor treated me the past few days, hindi talaga mahilig magsalitang si Connor. But what happen now? “Naka drugs ka ba?” “What the hell?!” sigaw niya at napaatras pa siya sa sinabi ko. Tumawa ako ng malakas at hinampas ang paa ko. Para siyang bata na inaaway at napikon. “Nothing. Pumasok ka na nga.” sabi ko at binuksan ang front door namin. Pumasok naman si Connor at walang sabing umupo sa sofa ng living room. Hindi ako masyadong tumatambay dito dahil mga bisita nina mom at dad ang palaging nandito. Doon kami lagi ni Blake sa family lounge na agad na makikita pagbaba mula sa second floor. Sakop namin ang buong bahay dahil may ibang quarter sina manong Oscar at manang na nasa labas. Pagpasok mula sa front door, makikita ang receiving area o ang living room namin for guests, then hallway tapos ang family lounge. Makikita mula sa family lounge and hallway sa taas dahil half glass wall lang ang interior nito. Pagkatapos sa family lounge ay ang kitchen, laundry area sa labas at may isang powder room din. May bath for the guest at powder room din sa loob. Ang kwarto ko naman ay katabi lang ng kitchen dahil nga, dito lang ako sa baba dahil bawal akong mamalagi sa taas. So sa taas, may tatlong kwarto. Kay Blake, kay mom and dad at guest room. May isang guest room din dito sa baba na magkatabi lang ng pintuan sa kwarto ko. So that’s the interior of our house and my dad planned everything. May kaibigan siya na architect so silang dalawa nag nagplano ng lahat ng ito. My mom helped with the planning and arrangements kaya agree talaga silang dalawa sa lahat. Wala pa kami ni Blake noong naitayo ito kaya hindi ko alam kung ganito na ba talaga ito noon o may binago ba. “So this is your house?” biglang tanong ni Connor kaya napatango ako. Biglang namayani sa aming dalawa ang katahimikan at nakita kong inilabas ni Connor ang laptop niya mula sa bag na dala-dala niya. Napatitig ako sa kanya at hindi ko alam kung magagalit ako sa nangyari kahapon. He f*cking tricked me with just calling me bloody mary! But if I look on a different angle, he helped me by letting me hold his bag. Nagdadalawang-isip ako kung magagalit ako sa kanya o magpasalamat. Bakit kasi hindi niya sinabi na may tagos pala ang palda ko? That would make my life at peace and I would not be embarrassed with some of the students and to the guy who tried to help me as well. “You still have my bag with my other laptop right?” tanong niya. Umupo ako sa single couch na medyo malayo sa kanya at kinuha ang phone ko. I tried to type something on my keyboard to make Connor think that I am busy. Hindi ko alam kung bakit pero hindi ako makagalaw ng maayos dahil nandito siya sa bahay namin. We’re not even close and I don’t know him yet. Argh! “Ma’am Asher?” sabay kaming lumingon ni Connor sa pinanggalingan ng boses at napahawak nalang ako sa sintido ko dahil Asher nga rin pala ang pangalan ng lalaking kasama ko dito. “Manang! Nandito po ako.” tumayo ako at tumingin kay Connor na napakamot lang sa batok niya. “Excuse me.” sabay lakad papunta sa kusina kung nasaan si manang. “Po?” tanong ko kay manang at nakita ko siyang nakatingin kay Connor kahit na nasa malayo lang ang kaklase ko. “Hindi mo ba hahandaan ng pagkain ang kasama mo? Manliligaw mo ba iyan ma’am?” tanong ni manang sa akin na parang na-curious pa talaga siya kay Connor. Bigla naman kaming napatingon ng bumukas ang pintuan sa likod at pumasok si manong Oscar na may hawak-hawak na malalaking mga box. “Sino iyang bisita mo ma’am Asher?” tanong niya matapos ilagay ang dalawang box sa counter top ng kusina. “Kaklase ko lang po. Partner kasi kami sa research kaya kailangan naming gawin ng sabay ang project namin.” hinawakan ko ang mga box at nagtanong kay manong kung ano ang mga ito. “Ano ba ang laman ng mga box na ‘to manong Oscar?” “Pinadala iyan ng kaibigang architect ng papa mo. May ilan pa nga sa labas na kailangan ko pang kunin.” “Alam na po ba ni dad na dadating ang mga ito ngayon?” “Hindi pa siguro. Wala kasi siyang binilin sa akin tungkol dito.” “Okay manong.” lumabas naman si manong kaya pumunta muna ako sa pantry para tingnan kung ano ang pwede kong ihanda para sa aming dalawa ni Connor. Gutom din kasi ako at ayoko namang kumain mag-isa. “Manang, wala na po ba iyong bake cookies na ginawa ko kagabi?” tanong ko. Kapag kasi may dalawa ako, palagi talaga akong nag b-bake ng cookies kasi mawawala ang sakit ko kapag uminom ako ng napakalamig na soda at kumain ng matamis. That’s what I always do because I always get cramps and dysmenorrhea. “Mukhang inubos ni Blake kagabi. Matagal din kasi iyong natulog at nakatambay lang siya sa kusina habang kinakain ang itinabi mong cookies.” wika niya. Tinanong niya ako kung magpapahanda daw ba ako ng pagkain pero sinabi kong ako na ang maghahanda. Nagpaalam naman si manang na maglalaba pa daw siya sa labas at nagpaalam siya sa akin. I decided to go with baked cookies and a very cold soda. Hindi ko alam kung ano ang gusto ni Connor kaya gumawa nalang din ako ng cupcakes at naglagay ng iba’t-ibang chips sa mga bowl na hinanda ko. Nagtimpla ako ng pure juice kasi bak ayaw ni Connor ng may halong chemical, tsk. Maarte pa naman iyon. While waiting for the cupcakes to finish, I went to my room and grabbed his bag. Hindi ko nagawa kagabi ang research naming dalawa dahil buong magdamag akong namimilipit sa sakin ng puson ko. Dad even tried to ask me that he will bring me to the hospital but I told him that I am good. Mom just gave me the medicine that tita Tessie recommended for me and I ate lots of sweets last night. Hindi rin kasi maka pokus ang isip ko dahil palaging nakatatak sa utak ko ang nangyari kahapon. Hiyang-hiya ako dahil wala akong kamalay-malay na tinatawanan na pala ako ng mga tao. Nang dalhin ako ni manong Oscar sa loob ng bahay, agad niyang tinawag si manang para alalayan ako. Nahihilo ako at hindi ko kayang buksan ang mga mata ko dahil sa sakit ng puson ko. Natakot si manong Oscar sa nangyari sa akin kaya agad din niyang tinawagan sina mom and dad. Unang nakauwi si dad kaya tinulungan niya ako sa mga kailangan ko. Mom went home by around midnight and she went into my room. I acted like I was sleeping so she just went near me and put the medicines on my bed side table. I was so happy last night that I could not even sleep very well. “Here’s your bag. Hindi ko ginalaw ang mga laman niyan kagabi and I’m sorry if I ran away with that.” I said then handed his bag towards his direction. “Dito lang ba tayo gagawa ng research? I mean, I have a room?” I said and pointed out the door near the kitchen area. Tinaas ni Connor ang ulo niya at tiningnan ako na may nakataas na kilay. He look confused and bothered by what I just said. “Are you nuts?” “What?” hindi ko naman alam kung ano ang ibig niyang sabihin dahil wala naman sigurong masama sa sinabi ko. Meron ba? “How can you invite a guy to come in to your room without even a single doubt?” tanong niya habang nililigpit ang mga gamit. “Do you have a study area of a library in here?” he said as he roam his eyes around the house. “We. . .” tumingin si Connor sa akin at hinihintay niya ang kasunod na mga salita na sasabihin ko. “actually don’t have rooms for that. But I have a library and my own study area at my room.” I said. Nakita kong ipinikit ni Connor ang mga mata niya at huminga ng malalim. He bit his lip and sighed again. May masama ba talaga sa sinabi ko? “I told you not to invite a guy directly in to your room! How could you?! Are you a fool?” sigaw niya. Nasaktan naman ako sa sinabi ni Connor at napayuko nalang ako. Hindi ko naman kasi maintindihan kung bakit siya galit. Dapat nga ay grateful pa siya dahil mabait ako sa kanya ngayon. “Ano bang problema mo? You should be grateful becasue I gave you what you want. A study room? Then I have! A library? I also have one! Ano ba ang kinagagalit ng butchi mo?!” buti nalang at kaming dalawa lang ni Connor dito sa bahay dahil nakakahiya kung may makakita sa amin na nag-aaway dahil lang sa maliit na bagay. “You don’t get me, do you?” tanong niya. “Ano ba kasing ibig mong sabihin?! Ikaw iyong pumupunta dito tapos ikaw lang din ang nagagalit diyan. Problema mo?!” “Forget it. Where’s your room?” tanong niya at biglang nag-iba ang mood niya. Parang from tiger Connor to just a dog one. May sayad ba sa utak si Connor? Ay ewan ko na lang. Itinuro ko na lang sa kanya ang kwarto ko at sabay kaming pumasok. I’m glad that I am here dowstairs because I have my own basement. That’s actually one of the reasons why I choose this room instead of the other one beside this. Dad designed this one for me and he made sure that I approved the whole design. May basement na talaga dito noon dahil office to nina mom at dad noon pero they redesigned it to be my bedroom at mas nilakihan nila ang basement. Nang makapasok kami ni Connor sa loob, nagpaalam muna ako sa kanya na kukunin ko ang pagkain na hinanda ko. Natagalan ako dahil kinuha ko pa ang cupcake mula sa oven at nilagay sa lalagyan. Bumalik ako sa kwarto at hindi ko nakita si Connor sa loob. Tumingin ako sa pintuan papunta sa basement ko at bukas ito. Did he went down? Bumaba ako at inilagay sa mesa ang tray. Bumalik ako sa taas at kinuha ang isa pang tray. Nagpaalam ako kay manang na nasa basement ako kasi baka may kailangan siya sa akin. Pagbaba ko, nakaharap na si Connor sa laptop niya at nakabukas na rin ang isa pa. “I hope you don’t mind me bringing you a lot of foods. This is actually my first time having a visitor. Well, except for Mira.” inangat niya ang ulo sa akin at tinitigan lang ako. “My best friend.” huling sabi ko at umupo sa tabi niya kung saan nakalagay ang isa pang laptop. Tumingin ako sa screen niya at nagbabasa siya ng iba’t-ibang rrl. “Did you decide on that one already?” “No.” simple niyang sagot at nag click ng isa sa mga article. Hindi nalang ako nagsalita at nag desisyon na gumawa ng hypothesis at objectives namin sa project. Halos isang oras din ang tinagal naming dalawa sa trabaho bago ko naisipang kumain ng hinanda ko. Bigla kasing kumirot ang puson ko at bigla kong naramdaman ang pagkahilo. Tumayo ako para sana pumunta sa taas at kunin ang gamot ko pero biglang sumakit ang ulo ko. Akala ko ay muntikan na akong matumba sa sahig pero sinalo ako ni Connor na naka headset pa at may pag-aalala sa mukha niya. Hindi ko na kaya pang magsalita kaya ipinikit ko nalang ang mga mata ko habang unti unti namang lumalabo ang mga salitang sinasabi ni Connor sa akin. “Hey Keren. Hey wake up! Dahdbdjndjdndndndnjs. . . .”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD