I am still bothered until now. I'm very certain na si Connor talaga ang nakita ko last week sa library.
I wanted to ask the librarian pero hindi ko nagawa dahil baka iba ang isipin niya sa gagawin ko. So, I just settled with not knowing anything. Pabalik-balik pa rin ako sa library dahil tambayan ko naman talaga iyon pero ngayon, I have other reasons to stay there.
I won't deny the fact that I am waiting for someone. Someone na hindi ko naman talaga kilala. I am always bringing the painting with me kasi pamilyar talaga sa akin ang babae.
"Ms. Cy?" I snapped out from my thoughts nang marinig ko ang proctor namin na tinatawag ang pangalan ko.
"Are you even listening?" she asked me.
I nodded in response.
"This is the first time that you are not giving your full attention to my class Ms. Cy. I am expecting so much from you and even the other professors are expecting so many things from you." mahabang sabi niya sa akin.
I didn't even know what to say.
I was really bothered by Connor and the other reader of that book. There's something that I wanted to know pero hindi ko naman alam kung ano talaga.
Naramdaman ko naman na medyo gumalaw ang inuupuan ko. It was obviously Connor kicking it para mabalik na naman ang atensyon ko.
I stood up and look directly at my proctor. I bowed and ask for her forgiveness.
"I'm sorry Ms. I promise to never do that again." I said.
Hindi ako umupo hangga't hindi siya sumasagot.
"It's okay Ms. Cy. You know that I am doing this for you. You should know why." she simply said at bumalik na sa pagtuturo.
Tumingin ako kay Connor pero hindi man lang niya ako tinapunan ng tingin nang mahina kong sinabi sa kanya ang katagang "thank you".
I really think that's who Connor is.
He's smart and it's really visible pero walang may gustong lumapit sa kanya kasi hindi naman talaga siya approachable. He always had that seriousness on his face o minsan naman ay naka-poker face lang talaga siya.
Umupo ako at ngayon ay nakinig na talaga sa proctor namin. Mahirap na at baka pagalitan na naman ako. Nakakahiya kaya lalo na at nakita pa iyon ng mga kaklase ko.
Matapos ang klase namin ay deretso ang labas ko papuntang library. I need to check something. Last week ang huling punta ko sa library dahil hindi pa ako handa sa anuman ang makikita ko pero sana naman ngayon ay may makuha ako.
Nag check-in agad ako pagdating ko at pumunta sa aisle na pinaglagyan ko ng libro last time.
I checked page 143 at tiningnan kung nandun pa ba ang note na iniwan ko.
After looking and searching for the page, napahinto ako at mistulang napako sa kinatatayuan ko.
Wala na.
Wala na ang note na binilin ko dito. I knew that notel didn't mean anything pero bakit kinuha niya pa rin? Parehong tao lang ba ang kumuha ng note at ang nagsauli ng libro?
Binalik ko ang libro sa shelf nito at hinanap ang note sa baba kasi baka nalaglag lamang ito ng kung sino man ang pumunta dito. I almost checked out everything sa aisle pero wala namang yellow sticky note akong nakita. So, kinuha nga niya ang note na nilagay ko? Bakit wala siyang reply? Bakit hindi man lang niya nilagyan ng kahit na ano para man lang malaman ko na nag e-exist pala siya or kung sino siya? Pero what if ang nakakuha ng note ay hindi ang kasabayan ko sa pagbabasa ng libro?
Napasabunot ako sa sarili ko at nag-desisyon na lumabas na lamang sa library at pumunta sa cafeteria para kumain.
Wala akong kasama ngayon dahil busy si Mira. Hindi ko nga alam kung anong nangyayari sa babaeng iyon na kakasimula pa lang naman ng semester at kahit na busy iyon minsan, sinasamahan talaga niya ako kapag pagkain na ang usapan.
Mabilis ang paglalakad ko papuntang cafeteria dahil pinagtitinginan ako ng ibang estudyante. Bumati ang karamihan pero ang iba naman ay matulis at mapanakit na talaga ang tingin sa akin. May mga estudyante ring walang pakialam sa mga nangyayari sa paligid nila.
Deretso lang ang lakad ko ng may biglang humablot sa kamay ko.
"Ano ba ang prob—" hindi ko natapos ang gusto kong sabihin dahil sa dalawang tao na kaharap ko ngayon.
"Hi!" bati ng lalaking may pilyo ang ngiti sa akin.
Hindi ko alam kung ano ang isasagot ko sa kanya. Medyo pressured ako dahil masyado siyang malapit kung bumati.
"Hello?" pagdadalawang-isip na sagot ko sa kanya.
Nagkamot siya ng ulo niya at dahan-dahang ngumiti sa akin.
"You're Mira's friend right?" nahihiyang tanong niya.
I nodded as a response.
"Do you need anything to her? I think she's busy right now."
"No." deretsong sagot niya sa akin.
"No?" hindi ko alam kung matatawa ako sa itsura niya.
Para kasi siyang natatae na ewan. Hindi siya mapakali na parang may ginawa siyang napakalaking kasalanan.
"I mean yes." then he smiled.
"Now you're saying yes. What do you really need Mr.?" I asked him habang naka-cross ang braso sa dibdib ko.
"Marco. My name is Marco." he said as he offered his hand to me.
"Asher, my name is Asher. But you can call me Keren if my first name will make you feel uncomfortable." I said dahil parang napahinto siya ng marinig ang pangalan ko at tumitig pa talaga siya sa kasama niya.
I looked at the man beside him pero parang wala itong narinig at nakita dahil panay pindot lang ito sa cellphone niya habang nakikinig ng music sa earphones niya.
"I'm sorry he was just —" I cut him off.
"Trying not to hear anything or maybe he was just like that, ignoring all the people." I said.
Napanganga naman siya sa sinabi ko.
I was also shocked by what I just said. Kung naririnig lang sana ako ni Connor ngayon ay baka ano na ang ginawa nito sa akin.
"You may not know dahil wala naman sigurong pakialam ang kaibigan mo but yeah, he’s my classmates on all subjects. So we know each other. I mean, I know him. Hindi ko lang alam kung kilala ba niya ako." I explained to him.
Napatango naman siya sa sinabi ko.
"So, you were saying?" I asked.
"Oh! I was thinking that maybe you could help me look for Mira? Kasi may gusto lang talaga akong sabihin sa kanya." pagmamakaawa niya sa akin.
I looked at his eyes and it looks like a puppy's eyes that no one will ever dare to say no.
Nabigla ako ng lumapit siya sa akin at hinawakan ang kamay ko. Napatingin sandali si Connor sa amin pero parang wala naman itong nakita dahil agad niya ring binawi ang tingin.
"Please Keren. I badly need to tell her something." Marco said.
"Diba transferee ka?" I asked first.
Tumayo ito ng matuwid at umayos na tayo.
"Yes. Classmate ko si Mira."
"Oh. Ano pala ang kailangan mo sa kanya?" curious kong tanong.
Madalas na akong pagtanungan ng mga lalaki kung saan si Mira pero lahat naman sila ay kakilala ko dahil pinakilala sila ni Mira sa akin. Marco, he's different.
"I just need to tell her something."
"Importante ba talaga ang sasabihin mo? Busy pa kasi talaga si Mira ngayon. Hindi ako sure kung mai-istorbo mo talaga siya." I explained to him.
Iyon naman talaga ang totoo.
Kapag nakapagsimula ng mag painting si Mira, hindi na iyan titigil at ayaw niya iyong pinakikialaman kapag may ginagawa siya.
"Dude," tawag niya kay Connor na wala pa ring pakialam hanggang ngayon.
Sinundot-sundot niya ito sa tagiliran at hindi siya tumigil hanggang sa tumingin na talaga ito.
"Pwede mo bang samahan si Keren sa pagpunta kay Mira?" he asked.
I almost run out of air nang marinig ko ang tanong niya kay Connor. Me and him together? No freaking way. Hindi kami pwedeng magsama. Magkaiba kami. I mean we consider each other as mortal enemies lalo na kapag discussion and recitations sa klase, lagi kaming nag-uunahan dalawa. We're in a cold war right now kaya hindi pwedeng magsama kami.
Agad akong nagsalita para tanggihan ang ideya ni Marco.
"No." at sabay pa talaga kaming tumanggi.
Nagkatinginan kaming dalawa pero ako ang agad na bumitaw ng tingin sa hindi ko malamang dahilan.
Buti naman at alam ni Connor na hindi talaga kami okay dalawa.
"What do you mean by no? I was just asking you two na puntahan si Mira. Importante lang talaga. Text niyo ako kapag nakita niyo siya." saad niya sa amin.
Tumalikod si Marco at nag-wave sa aming dalawa.
"Marco!" tawag ko sa kanya.
Tumingin siya sa amin at napahinto sa paglalakad.
"Yes?" he asked in a loud voice.
Nagtinginan sa aming tatlo ang mga kapwa estudyante namin na dumadaan sa hallway.
"I hate you!" I shouted.
He smiled at me at nag flying kiss pa ang loko.
Hindi kami close at ngayon lang kami nagkita ng malapitan at nag-usap pero kung makapag-asta ang lalaking iyon ay parang bestfriend ko siya.
At ano ba ang kailangan niya kay Mira?
Napatingin ako sa lalaking nasa harap ko at nag decide na mag-isa ko nalang hahanapin si Mira. Ang tanong ay kung paano ko ete-text si Marco kung wala naman akong number niya?
Ang talino ko nga naman.
Tumalikod na ako at nagsimulang maglakad ng mapahinto ako dahil may humablot sa akin.
I looked at him directly into his eyes but he looked away.
He handed me his phone at nilampasan ako.
So he also don't like the idea of us looking for Mira together? He handed me his phone which means that he wanted me to look for Mira alone and text Marco.
Great.
He's really smart. Great idea Connor.
I half smiled and started to walk para puntahan kung saan man ang babaeng iyon. I know where she is right now kapag sinabi niyang may tatapusin siyang painting, sa art room.
Pagbukas ko ng pinto, hindi man lang humarap si Mira sa akin. She's still painting something on her canvas kaya dahan-dahan akong lumapit sa kanya.
She's listening to a music on her phone kaya hindi niya namalayan na papalapit ako sa kanya.
I hugged her as I reached her place.
Nabitawan niya ang brush niya at humarap siya akin. I laughed after seeing her face. Ang raming pintura sa mukha niya at iba't-ibang kulang pa talaga ang mga ito.
"What are you doing here Keren? Wala ka bang klase?" she asked me smiling.
I sat down at the chair in front of her and looked at her intimately. That may sound weird and cringe but I really did that.
"Do I look ugly? Is there something on my face that seems unusual or what?" she continuosly asked me at parang hindi mapakali sa inuupuan niya.
"May hindi ka ba sinasabi sa akin Mira?"
"What? Saan mo naman nakuha ang ideya na iyan?" awkward niyang tanong.
"I just want to know. Hindi ko naman sinasabi na sabihin mo sa akin ngayon kung ano. I just want to know if may pinagdadaanan ka ba, that's it." I explained to her.
I just want to know kung may problema ba si Mira.
At kung bakit interesado si Marco sa kanya. May relasyon ba silang dalawa na hindi ko nalalaman? What if kapatid ni Mira si Marco kasi diba parehong M ang first letter ng names nila?
Baka step-brother ni Mira si Marco at nais nito na kunin si Mira. Ano ba itong mga pinag-iisip ko? Hindi naman talaga iyon nangyayari sa reyalidad. Sa pocketbooks, dramas at mga nobela lamang masasaksihan ang ganung mga pangyayari.
Nabalik ako sa reyalidad ng pinitik ni Mira ang noo ko.
"Ano na naman ang mga iniisip mo?" she asked.
"Nothing. I was just wondering, you know me."
"Exactly. I know you kaya alam kong marami na namang tumatakbo diyan sa utak mo."
I sighed and looked at her.
"Mira," I called.
"Yes? May kailangan ka ba at pinuntahan mo pa talaga ako dito?" bumalik siya sa harap ng canvas at pumili ng kulay na isusunod niyang ilalagay sa painting niya.
"By any chance, do you know Marco?" I directly asked her.
"You mean the transferee guy sa department namin?" then she continue brushing the canvas.
"Yes."
"No. I don't know him." then she looked at me and smiled.
I sighed.
I know she's hiding something and I can't force her to say anything to me yet as long as nakikita kong kaya naman niya ang sarili niya.
I stood up and got my bag from the floor.
"You're leaving already?" tanong niya habang hindi pa rin makatingin sa akin.
"Yes. I remember na kakain pala dapat ako yet here I am, nakikipag-chikahan sa iyo." then I laughed.
Tumawa siya ng mahina sa sinabi ko.
Nagsimula na akong maglakad palabas at wala man lang akong narinig na salita mula kay Mira hanggang sa makalabas ako.
Kinuha ko ang cellphone ni Connor mula sa bag at nag text kay Marco.
To: Marco
From: Connor
She's at the Art Studio. First floor, third room.
Iyon lang ang message ko sa kanya at nagpasyang ipagpatuloy ang pagpunta sa cafeteria bago kumain.
Ngayon ko lang naramdaman na gutom nga pala ako pero heto at kagagaling lang sa inutos ni Marco sa akin. Ano ba ang nakain ko at sinunod ko yung lokong iyon? Wala nga pala akong kinain.
I never thought that mauutusan lang ako ng isang lalaking hindi ko naman talaga kilala at lalong-lalo ng hindi ko na-imagine ang sarili kong nakahawak ng cellphone ng iba.
I swear, mag-iisip na talaga ako ng ideya kung paano ko ito isasauli kay Connor. Ang snob pa naman nung taong iyon at mukhang ang yaman dahil latest iphone pa talaga ang cellphone niya.
Pagdating ko ng cafeteria, maliit na lang ang bilang ng mga estudyante dahil malapit na kasing matapos ang break. Nag-order ako ng usual na kinakain ko at umupo sa table na malapit sa bintana.
Kita ko mula rito ang field na ngayon ay wala pang nag p-practice na mga athlete students. Syempre, they still need to focus on their studies dahil mga first year college na sila.
The school is offering sports for fun and mapagkakaabalahan ng students. For now, the school is not open for competitions and challenges with other schools except for academic-related competitions.
And yes, kahit college na kami. We still have that. On a different level naman. More like higher and harder than the lower grade levels.
Hindi pa ako tapos kumain ng may biglang umupo sa harapan ko. Nabulunan ako ng makita siyang nakatingin sa akin. Hindi ako makagalaw ng maayos at tagos ang titig niya na parang kinikilatis nito ang buong pagkatao ko. Nilapag niya ang kamay niya sa mesa na parang may hinihingi mula sa akin.
Oh!
I looked for it and then handed him his phone. Agad naman niya itong tiningnan at tumayo agad. Hindi ko napigilan ang sarili ko at tinawag ko siya.
"Connor." he stopped.
Napahinto siya sa tawag ko pero nakatalikod na siya sa akin ngayon. I know he is still listening to me.
"I already know that you are snob and that we are both academic enemies pero sana naman ay maging civil tayo sa isa't-isa kasi we are still classmates after all, seat mates actually pero hindi tayo nagkikibuan. I approached you first kasi ayoko talagang may na o-out of place sa klase pero you never said anything. Pwede ko bang malaman kung bakit ayaw mo akong maging kaibigan?” I said to him.
Naghintay ako ng matagal sa sagot niya. Hindi siya humarap sa akin at wala siyang sinabi. Sa hinaba-haba ng sinabi ko, tanging paglakad paalis niya lang ang naging sagot niya.
Great! He's really a snob.
Tinapos ko nalang ang pagkain ko kahit na parang nawalan ako ng gana dahil kay Connor. Hindi ko alam ang problema niya sa akin. Hindi naman namin kilala ang isa't-isa at hindi ko pa siya nakikita simula noon kahit na pamilyar siya sa akin.
I really hate what I am feeling right now.
Ramdam kong may kasalanan ako kahit wala naman. I hate you Connor. I swear, I really do.
Tinapos ko na ang pagkain ko dahil malapit na talaga matapos ang break. Nagmadali akong bumalik sa classroom at nakasabayan ko pa talaga sa pagpasok si Ms. Reyes. Buti nalang at siya ang proctor namin ngayon dahil baka sinabihan na ako ng late kahit on time naman ako.
I settled myself in front katabi si Connor na ngayon ay naka-headset pa rin kahit na nasa harap na si Ms. Reyes.
"Mr.?" tawag niya sa katabi ko.
Umangat naman ang tingin nito at tiningnan si miss.
"Can you please keep your headset? We will start the class." she asked Connor.
Kinuha ito ng huli at nilagay sa bag niya. After that, Ms. Reyes started to discuss about different cases.
I tried to focus on her dahil baka magaya na naman ako last time na nawalan ng atensyon sa klase niya and I don't want that to happen again.
"Okay so I will be pairing you up for your research this month. I know this may sound out of place but I will be away for a month for deliberation and seminars. I was chosen by the school to participate and I can't do anything about it." she said as she sat down on her chair in front of all of us.
My classmates cheered but here I am, devastated and heartbroken. Why should it be a month? Okay lang sana kung a week or two pero bakit usang buwan pa?
"So how would you like to be paired up?" Ms. Reyes asked.
One of my classmates raised her hand for suggestion.
"Yes Ms. Lim?" at tumayo ito at lumapit ng kaunti sa upuan ni Samantha.
"Pair us up in a manner that we can do the research together." she directly said.
Everyone agreed to it. Wala akong sinabi dahil kahit sino naman ang pair ko, ako pa rin ang gumagawa sa final research paper and even the presentation.
"Everyone!" sigaw ni Ms. Reyes kaya nakuha niya ang atensyon naming lahat.
"So I decided how will I be pairing you up." she quickly said.
Naghintay kaming lahat sa sasabihin niya at ng masabi niya ito, para akong tinabunan ng langit. Sana naman ay kainin na ako ng lupa ngayon.
Anong gagawin ko?