"Uh oh. Embrace yourself for here comes the most annoying person that has ever existed in my life."
That's what Mira whispered na rinig ko pa rin naman. Who's the annoying? Pareho ba kami ng iniisip?
Hindi ako tumingin sa likod or sa entrance ng cafeteria. Bakit naman tahimik ang mga tao? Nakakita ng anghel ganun?
"Bakit ang tahimik ng mga tao sa cafeteria Mira?" tanong ko kay Mira na ngayon ay galit na galit na ang mukha.
"Kasi alam nilang anumang oras ay babatiin na sila ni Satanas." gigil niyang sabi sa akin.
What's wrong with her?
"Mira, I am asking you seriously. Don't answer me informally." I said to her.
I am trying to be serious here tapos patawa-tawa lang itong kausap ko.
"Guess what?" biglang tanong niya at tumingin sa akin.
"What?" I asked.
"May kaibigan pala ang mukhang palaka na iyon?" she mockingly said.
"Palaka? At sino na naman ang tinatawag mo na ganyan?" tanong ko sa kanya at medyo napataas ang boses ko kaya may ibang estudyante na tumingin sa direksiyon namin.
"The transferee guy. He looks like a frog honestly. And he's very talkative." walang gana niyang sabi sa akin.
Wala akong nagawa kung hindi tumingin sa counter dahil hindi na magkamayaw ang mga tao.
Then I saw him, Connor.
And who's with him? Sino ang kasama niyang lalaki? I have never seen him before.
"Mira." tawag ko pero parang walang narinig si Mira.
"Mira, Mira." tawag ko ulit sa kanya na may kalakasan na.
"What? May kailangan ka?" matamlay niyang sabi.
"Bakit matamlay ka? Kanina lang ang hyper mo tapos ngayon nama'y para kang namatayan ka diyan." sabi ko sa kanya.
"He's the guy I've been talking to you." she simply said.
Sino? Wala naman kasi siyang tinuturo. Paano ko naman malalaman diba?
"Yung lalaking kadadating pa lamang." at tinuro niya ang kasama ni Connor.
So he's the other transferee guy and obviously a close friend of Connor. Kita naman kasi sa mga kilos nila na magkaibigan nga sila. Hindi man kumikibo masyado si Connor sa kanya, I know that kaibigan pa rin ang turing niya sa kasama niya dahil sa tingin niya rito.
Don't be too judgemental guys. What I am trying to say is that makikita sa mata ni Connor na importante ang kasama niya.
I don't know kung bakit nasabi ko ito. I think there's something in Connor's eyes that made him look innocent and pure.
"Huy natameme ka? Anong ginagawa mo?" I snapped out after hearing Mira's words.
Agad ko siyang hinarap at nginitian.
As I looked at Mira's eyes, I knew that there will be a good connection with her and the new transferee on her department.
I can see a great future for the both of them.
"Bakit ka naka-smile diyan. Hoy Keren! Huwag mo akong tinatawanan, sinasabi ko sa'yo. Naku." gigil na sabi niya sa akin habang nakaturo ang tinidor sa akin.
"What's the name of that transferee guy Mira?" I asked.
Ibinaba niya ang kutsara't tinidor na hawak niya at humarap sa akin.
"Remember this girl, don't ever make me mention the name of that guy. I don't know him okay? Always remember that." that's what she told me.
"Mira you can't always deny the fact that the two of you are classmates in most or maybe all—" bago ako matapos ay pinutol na niya ako.
"All. All subjects Keren and I hate it." she sound serious.
"He's just a transferee Mira. It's not his fault na ayaw mo pala sa kanya. Sana sinabihan mo agad para naman makaalis siya ng maaga." I told her.
"This is not my school Keren. Kung ako lang sana ang nagmamay-ari ng paaralan na ito, hindi ko na siya hinayaan nung nag-enroll pa lang siya." she said.
Ngayon, alam ko ng seryoso ang pag-uusapan namin ni Mira.
She's never been too serious like this before at lalaki pa talaga ang pinag-uusapan namin ngayon. May hindi ba ako nalalaman tungkol kay Mira?
She will tell me everything, I know and I trust her. Alam ko ang lahat sa kanya and she also knows everything about me. We've been friends for years and we trust each other.
Alam kong may mali kay Mira ngayon.
She doesn't have transferee issues at ngayon na nga lang niya pinagtuunan ang isang transferee, isang baguhan sa department niya.
"But how come that you don't like him? Bakit ka nagagalit sa kanya?" I was really curious kung ano ang meron kay Mira at sa lalaking yun.
"I hate him. I hate his guts and I hate how he make me feel useless and unreasonable." she said and frustration is visible on her face.
"What happen? May nangyari ba sa inyong dalawa? Wait, what's his name? Hindi mo pa sinasabi sa akin." I looked at the table at paubos na ang pagkain naming dalawa.
"Don't make me mention his name Keren." she said firmly.
I knew it!
Feeling ko talaga may something sa new guy and Mira. They had a connection and they are related to each other. But, in what way? Paano at bakit sila magkakilala?
"You knew him, aren't you?" I asked.
She sighed and nodded in respond to my question.
"Is it a good thing or not?" tanong ko sa kanya just to make sure that I am not pushing off my limits.
"It's the worst Keren." malungkot niyang sabi.
"Are you somewhat related to him Mira? I know this is pushing off from my limits but I can't just sit here looking at you sad and down." pagpapaliwanag ko sa kanya.
I have never seen Mira like this before.
She always looks happy and shining. Palaging may ngiti sa mga mata niya. Yes, I've seen her depressed and crying pero iba yung ngayon dahil lalaki ang pinag-uusapan namin.
"I will tell you everything once na okay na. I'm sorry Keren, I'm trying my best to tell you pero hindi ko pa talaga kaya." she said.
"I understand. I'm sorry Mira if I am pushing you to the limit."
"No you're not. I know that you're just trying to know things to help me out. I know you." at natawa siya sa sinabi niya.
I smiled after hearing her laughed.
Mira is back to her usual self. Bumalik kaming dalawa sa pagkain at nagplanong uubusin nalang lahat ng inorder ni Mira upang makapunta muna kasi sa likod ng school.
Doon kami madalas tumambay sa likod.
Hindi naman kami yung mga binully kaya kami doon tumatambay. It's just that we're comfortable when we have each other. Hindi na namin kailangan ng sampid sa aming dalawa.
Marami kasing mga babae ang gustong makisabay sa amin and I hate the attention. Kinakausap lang naman nila kami dahil may kailangan sila at dahil matalino kami.
"Mira, I was gonna tell you something earlier but it seems like your mood changed kaya nakalimutan kong isingit yung sasabihin ko." I said matapos naming makain lahat and drinks nalangang uubusin namin.
"I'm sorry. Nadamay ka pa." she apologetically said.
"No. I was gonna tell you about the other transferee guy." dahan-dahan kong sabi dahil ayoko namang mawala ulit ang good mood ni Mira.
"Yung sinasabi mo kanina na snob? Where is he?" she asked at nilibot ang paningin sa buong cafeteria.
"Yung kasama nung transferee guy sa department niyo." I told her.
"Si Connor?" deretso niyang sabi sa akin at may shock pa siyang mukha.
She laughed so hard at pinalo-palo pa niya ang table namin.
"Wait, how come that you know him?" I asked.
She stopped laughing.
"I happened to bump at him kaninang umaga. I was late kaya takbo agad ang ginawa ko pagbaba ng kotse. Sakto namang pa check pa lang siya ng ID niya ay dumaan ako sa gilid niya pero bigla siyang humarap kaya natamaan ako sa braso. I looked at his ID and nakita ko ang name niya. You have the same first names." he explained.
Ang taas naman ng sinabi niya na wala akong masabing iba.
"So you happened to know his name because you bumped at him this morning? Ang imposible naman yata." sabi ko sa kanya.
"Girl, that scene is very common. Marami namang nangyayari na ganyan."
"Yes. Very common pero sa novels. Sa libro lang makikita ang ganyang eksena Mira."
"You're so negative Keren. Nangyayari din yan sa reality. Nangyari nga sa akin diba?"
"Fine. Maniniwala nalang ako." I sighed.
Wala naman akong magagawa kapag si Mira na ang nagsimula ng argumento. Gusto niyang palagi siyang nananalo.
"Tapos ka na bang kumain?" tanong ko sa kanya.
Kanina pa kasi kami dito sa cafeteria. But I still have an hour para pumunta sa next class ko.
"Yeah. Busog na ako. Sa likod ba tayo pupunta?"
Napaisip naman ako sandali bago sumagot kay Mira.
"Malapit lang naman ang library dito sa caf, doon na lang muna ako Mira. Ikaw ba, sasama ka sa akin?" tumayo na ako at niligpit ang mga gamit ko.
Tumayo na rin si Mira at inubos ang natitirang fries na nasa tray niya.
"No thank you beb pero may painting pa kasi akong tinatapos. Sa studio na lang siguro ako." she said.
Kakabalik lang ng klase at may painting project na agad sila? Wala man lang lectures muna?
"Agad-agad?" I asked.
"Yes. I'm sorry hindi na muna kita masasamahan ngayon. Just text me kung may kailangan ka ha?" sabi niya habang nagsisimula na kaming maglakad papalabas.
Nadaanan naman namin ang table nina Connor at tahimik lang talaga siya habang yung transferee guy sa department nina Mira ay todo kung magsalita sa harap niya.
Hindi niya ba napapansin na wala namang pakialam si Connor sa mga pinagsasabi niya? Or talagang sanay na siya na kumausap sa mga taong katulaf ng kaibigan niya?
Napailing-iling nalang ako at mahinang tumawa sa sitwasyon niya.
Hindi ko pa rin pala alam ang pangalan niya pero baka mamaya'y malalaman ko rin. Hindi rin naman magtatagal ay mag o-open up na itong si Mira sa akin.
"Keren, una na ako ha? Basta text mo lang ako kung may kailangan ka or kung may nangyari man, okay?" she shouted dahil medyo nakalayo-layo na siya sa akin.
I just nodded in respond to her question.
Sa kaliwang daan ang tinatahak na daan ni Mira at ako nama'y pakanan.
I think I need to refresh my mind para sa susunod na subject namin. Matalino pa naman yun si Connor at baka mas lalala ang pagka-snob nun pag alam niyang siya ang pinaka-matalino sa klase.
Bago ako pumasok sa library ay may mga nakapaskil na posters sa bulletin board na nasa labas lang nito.
Ano bang bago ngayon? Wala pa namang activities ang school dahil kakabalik lang ng klase.
I scanned every poster at mga nakapasok pala sa try out ang nandito.
Aalis na sana ako ng mahagilap ng mata ko ang pangalan ni Connor sa basketball team. I knew it! Dahil may mga pictures naman, I scanned the posters sa basketball at nahanap ko rin yung pinag-uusapan namin ni Mira kanina.
He's Marco.
Ngayon ay matatawag ko na talaga siya sa pangalan niya. But I have to make sure na hindi maririnig ni Mira kasi feel ko talaga ay may something sa dalawang ito pero hindi ko lang matukoy kung ano.
Pumasok na ako sa library at nag check in tapos pinakita ang ID ko. By department kasi ang mga library dito since iba't-ibang books ang hanap ng mga students kaya imbes na sa iisang library ilalagay ang mga books, minabuti nilang e by course ang libraries. We still have our main library naman where we can find the history of the school or mga dictionaries and encyclopedias.
I think this is much better para hindi mahirapan ang students sa paghahanap at hindi rin masyadong crowded ang lugar since hindi naman masyadong marami ang students per department.
Matapos e check ng librarian ang ID ko, agad akong dumeretso sa fifth aisle para kunin ang librong hindi ko natapos basahin bago pa man mag semestral break.
Pero nabigla ako ng hindi ko ito mahanap. Saan ko ba yun nalagay the last time na pumunta ako dito?
Hindi naman kasi iyon binabasa ng iba at ako lang talaga ang nagkaka-interes na bumasa. It was all about war and the law during the pre-colonial period.
The contents are very detailed kaya siguro ayaw ng iba na magbasa. The dates, happenings and the people were all mentioned in that book kaya nakakasira ng utak.
Noong una kong basa, gusto ko ng mag give-up pero I can't because I was interested sa kung ano ang sunod na nangyari kaya pabalik-balik ako dito sa library noon at hinihiram ang book na iyon.
Wala akong ibang ginawa kundi ang pumunta sa ikawalong aisle at kinuha ang libro para sa susunod na subject namin.
Umupo lang ako sa sahig at sinandal ang ulo ka sa dingding since nasa last aisle naman ako at dingding na ang katapat ng shelves.
Matapos ang halos kalahating oras ay tumayo na ako at pinagpagan ang sarili ko. Binalik ko ang libro at inayos ang bag.
Bumalik ako sa fifth aisle at nagba-baka sakaling naibalik na ang libro doon. Hindi naman ako nabigo dahil nakita ko nga ang hinahanap ko.
But who brought this back here?
Hindi ko alam kung bakit pero gusto kong malaman kung sino pa ang may interes sa librong ito. What if babae? Then I would love to talk to her about this book. Baka magka-parehas pa kami ng insights about dito.
Tumakbo ako palabas ng aisle at nakita ko ang pigura ng isang lalaki na papalabas pa lamang ng library.
Nakasabit sa likod niya ang kanyang bag at may hawak siyang libro sa kanang kamay niya.
Hindi ko maaninag ng maayos ang mukha niya dahil tanglaw ito ng ilaw na nagmumula sa sinag ng araw.
Nakalabas na siya at hindi ko alam kung saan siya papunta dahil pati ako ay natulala ng makita ko siya.
Wait, bakit nga ba siya ang tinitignan ko? I'm supposed to be looking for someone na nagsauli ng book na ito.
Napabuntong-hininga na lamang ako at bumalik sa shelves at kinuha ang libro.
Naglakad ako papunta sa counter ng librarian at ipapa-check ko sana kaso may naisip akong ideya. Hindi ko alam kung aayon ba sa plano ko ang ideyang ito para sana naman talaga ay mapansin niya.
I went to the librarian and she greeted me with a soft smile. That's enough para magkusa akong magtanong sa kanya.
"May I ask something?" tanong ko sa kanya.
Binaba naman niya ang ballpen na hawak-hawak niya at tinggal ang eyeglasses niya sa mata.
"Yes? Do you need anything or baka may books ka na hindi nakita?" she directly asked me.
She's indeed approachable.
"No. I already read the book that I was looking for. Thanks, by the way. I just want to ask about this book." at tinaas ko ang libro na hawak ko.
"Oh that." napa-smile naman siya ng makita niya ang libro.
"Gusto ko lang po sanang magtanong if may iba pa po bang tao na bumabasa nito? Can you remember?" I asked with puppy eyes.
I just want to know. Wala naman sigurong masama doon.
"Of course I remember. Dalawa lang naman kayong bumabasa sa libro na iyan. Noong una ay ikaw lang, ngayon ay may kahati ka na sa librong iyan." she explained.
So ako lang talaga ang bumabasa nito simula pa noong una pero sino ang bagong bumabasa nito.
Hindi ko naman kasi namataan kanina na may pumasok pala sa aisle 5. Kung sana nakita ko ay nilapitan ko na agad.
"Can I ask the name of the other person po?" sana naman ay pagbigyan niya ako.
I badly want to know.
"Okay wait, let me check the list. Kakasauli lang kasi niyan ngayon pero hindi ko matandaan yung pangalan nung nagsauli." sabi niya sa akin.
Kinuha niya ang listahan ng mga pangalan sa tapat ng counter at tininingnan kung saan nakapangalan ang libro.
Tumingin siya sa akin at mapait na ngumiti.
"I'm sorry pero wala kasi siyang nilagay na pangalan niya."
"How about his or her section po? Or anything. Any informations tungkol sa kanya."
"Nilagay niya yung ID number niya but the rules of the school is to never give the ID numbers of the students kung hindi naman school-related ang pag-gagamitan. I'm really sorry." she apologetically said.
"It's okay po. I understood. Thank you so much for your help." at ngumiti ako sa kanya.
"You're welcome." at bumalik na siya sa ginagawa niya kanina.
Tumalikod na ako sa kanya at nagdesisyon na ibalik nalang ang libro sa shelves.
I still have 20 minutes before magsimula ang klase at hindi ko alam kung ano ang gagawin ko sa nalalabi kong oras.
Five minutes away lang naman ang lalakarin ko papunta sa room kaya wala akong problema.
Nang itaas ko ang libro, may nahulog na note mula doon.
Nakatupi ang kulay puting papel sa harap ko. This is a sticky note. Kinuha ko ito at binuksan, may theme itong books at may painting ng isang babae.
Tanging ilong at ang bibig lang ang na paint at mukhang hindi pa ito tapos.
Napatitig ako sa mukha ng babae. I'm a hundred percent sure that this is a girl dahil sa lips neto at sa jawline, babaeng-babae talaga.
This girl is so familiar for me.
Nakita ko na ba ito noon?
Malalim kong inisip kung saan at kung kailan ko nakita ang babaeng nasa larawan pero bigo ako.
Tumingin ako sa oras at halos sampung minuto rin akong nakatayo dito.
Binalik ko nalang ang libro sa shelves at nilagay sa bag ang painting ng isang babae. I still want to remember kung saan ko nga ba nakita ang mukhang ito.
Nag check-out ako at nginitian lang ako ng librarian.
Lumabas ako ng library na nakakunot ang noo kakaisip sa kung sino ang babaeng nasa painting at sa nakita ko kanina. Ang pigura ng lalaking papalabas ng library.
I have a guess pero hindi pa ako sigurado kung siya ba talaga.
Did I just saw Connor going outside the library? If yes, then anong ginagawa niya doon?