Lumipas pa ang ilang araw,at dumating na din ang araw ng finals
"Are we ready everyone?!", biglang sigaw ni Ethan sa loob ng room,natawa na lang kami dahil sa inasal niya,baliw talaga kahit kailan
Para namang kinikilig na kung ano ang mga babae habang nakatingin sa tumatawang Ethan,inlove na inlove nanaman tong mga to sa kaibigan kong to.
"Ok class,take your seats,and you Ethan,lower your voice,dinig kita mula sa lobby",biglang sulpot ni ma'am,agad namang nag sorry si Ethan habang napapakamot pa sa batok. Palihim na lang akong natatawa dito sa tabi,pinanliitan naman ako ng mata ni Ethan ng mapansing tinatawanan ko siya
"Goodluck",ani ni Kayle sabay gulo ng buhok ko bago naupo sa pwesto niya sa harapan,napakunot noo na lang ako habang inaayos ang buhok ko,inaano ba siya ng buhok ko? Pinagwalang bahala ko na lang ito saka na naupo sa pwesto ko
Pinamigay na ni ma'am ang test paper at nagsimula na din kaming mag sagot.
"Musta exam? Madali lang ba?",tanong ni Ethan na titig na titig sa pagkain niya habang nakaupo kami sa canteen,lunch break na kasi namin ngayon
"Kung nakapag review ka,then madali lang talaga,lahat ng tanong dun naituro naman na satin",sagot ko naman habang ngumunguya
"Don't talk when your mouth is full",biglang sabat ni Kayle,na nakatingin sakin,"Oops, sorry",nasabi ko na lang,sabi ko nga bawal magsalita.
"So ano na plano? Tapos na tayo mag exam,gala?",baling samin ni Ethan,napataas kilay naman si Kayle dahil dito,"Anong gala? We're not done yet,may tests pa tayo mamayang hapon",pagsusungit nanaman nito,napasimangot na lang si Ethan dahil dito,"I know,what i mean is,after natin e take itong exams natin, including this afternoon",nakabusangot pading sagot nito,"Gala tayo,gusto kong magpuntang arcade, I've been so stressed this past few months",dagdag pa nito
"Ano Chace? Please?",baling sakin ni Ethan habang nagpapakyut,hindi naman cute. Tahimik naman na nagpatuloy sa pagkain si Kayle,pero sumusulyap sulyap pa ito sakin,"Yeah sure,maybe this weekend?",tanong ko,agad namang nagliwanang ang mukha ni Ethan,"Okey! Sabi mo yan ah? Wala ng bawian",tuwang tuwang ani nito,saka nagpatuloy sa pagkain,napailing na lang ako saka nagpatuloy na din sa pagkain
It was early in the morning ng may biglang kumatok sa pintuan ng kwarto ko,dahan dahan akong napamulat ng mata at inabot ang phone ko sa side table
6:25 am
What the? 6 pa lang? Sino ba tong katok ng katok?!
Tinatamad na bumangon ako sa kama at dahan dahang naglakad patungo sa pinto para pagbuksan ng pinto ang kung sino mang isturbong to
"What?",bungad ko rito,pagkabukas ko ng pinto
"Good morning to you too,Chace!",masiglang bati sakin ni Ethan na,mukhang ang ganda ng gising,katabi nito si Kayle walang ganang nakatayo,"Seryoso kayo? 6 palang ng umaga ah",pagsusungit ko rito saka pumasok ulit sa kwarto at nahiga sa kama,naramdaman ko namang naupo sila sa tabi ko,"Ehhh excited na ko eh",sagot naman ni Ethan,napatingin naman ako agad dito
"Inaantok pako",mahinang sagot ko sabay subsob ng mukha ko sa unan,"Ehhh dali naaa,bangon na jan!",pagpupumilit na nito habang hinihila ako paaalis sa kama,si Kayle naman ayun,tahimik lang na nakaupo sa study table ko,"Kayle,stop Ethan,i still want to sleep",baling ko kay Kayle,pero nagkibit balikat lang ito,"You knew him,hindi yan titigil hanggat di ka sumusunod, I'm also just a victim",sagot pa nito,napabuntong hininga na lang ako,"Fine fine",walang ganang sagot ko,tuwang tuwa naman ang gago,"But",sabat ko rito,natigilan naman si Ethan saka nagtatakang napatingin sakin,"But?",Tanong nito,"Let's eat breakfast muna",tuloy ko sa sasabihin ko,napaisip naman saglit si Ethan,"Ok! Sige sabihan ko na sila manang",ani nito saka lumabas ng kwarto ko,kita niyo yun? Feel at home amp
"Get ready, we'll wait for you downstairs",ani ni Kayle saka bumaba na din,napabuntong hininga na lang ako saka nagtungo sa banyo para maligo at makapag bihis na din.
Bago kami pumunta sa arcade,kumain muna kami ng breakfast,since subrang aga pa naman,ewan ko ba jan kay Ethan,may pagka baliw baliw din eh,pag talaga may gustong gawin kailangan ihanda mo na sarili mo gabi pa lang.
Nasa entrance pa lang kami,para ng bata itong si Ethan,tumatalon talon pa sa excitement,pinagtitinginan tuloy kami ng mga tao,parang ngayon lang nakapunta eh,nakakahiyaaaa!
Lahat na ata ng games sa loob,na laro na namin,and without knowing it,inabot na kami ng gabi,ayaw pa nga umuwi nito eh,buti napilit pa namin,naku naku kung di pa pinagalitan ni Kayle may balak pa atang dito na matulog eh,baliw
"Next time ulit! Tulog ng mahimbing Chace namin,salamat sa oras!",pamamaalam ni Ethan na,parang hindi napagod sa kakalaro namin kanina,bat ang sigla padin nito? Samantalang ako,ito kulang na lang dito na matulog sa harap ng gate eh
"Pasok kana sa loob,mukha ka ng hihimatayin jan",naiiling pang ani ni Kayle,napatango na lang ako,saka sila tinalikuran habang kumakaway. Narinig ko naman na umandar na ang sasakyan nila papaalis,hinatid nga pala nila ako pauwi samin,gladly they did,kasi kung hindi,naku naku
Parang lantang gulay na pumasok ako sa loob ng bahay namin,kung hindi nga ako tinawag nila mama,hindi ko pa mapapansin na nakaupo sila sa dun sa living room, she's with my dad and older brother.
Napakurap kurap ako and then when realization hits me,agad akong tumakbo para yakapin si mama.
"When did you guys arrived?",tuwang tuwang tanong ko habang nakayakap padin kay mama,nakangiti namang napapailing si kuya at papa habang nakatingin samin. My parents are actually rarely home,naka stay sila abroad to manage our company,same with my kuya, he's with them, he's a model there,while me? Ito mas piniling mag stay dito sa pinas,and the reason is obvious,and besides I'm not that lonely naman,kasama ko naman dito sila manang.
My mom kiss me on my cheeks,and then guide me to seat beside her
"So, what's the occasion?",tanong ko sakanila pagkaupong pagkaupo ko. Agad silang napatingin sa isa't isa na nagpakaba sakin, what's with that? Bakit parang may mali?
"Hmm so.. Since you're moving up naman na sa junior high,me and your father decided to..",paunti-unting ani ni mama,habang hawak hawak ang dalwang kamay ko,"Decided to?",tanong ko,"Let you study abroad with us ",tuloy nito,my mind stop working for a moment,"You can't say no,anak,we really missed you,sumama kana samin, please ",dagdag pa ni mama,napakagat labi na lang ako dahil dito
"I'll think about it po",panimula ko,"Ma,pa,kuya,tulog na muna po ako ah? I'm really tired and sleppy na kasi, kakarating ko lang galing gala with Ethan and Kayle eh",dagdag ko pa,napatango naman si mama,"Ok,sleep well honey",ani nito,pilit naman akong napangiti and then went to my room
I took a bath and change into pajamas and then went to bed, I'm too tired para magisip isip ngayon,bukas na lang yun.