"Eh? Did you cry? Namamaga mata mo",biglang sulpot ni Ethan kung saan. Napakunot noo na lang ako dahil dito,"Hindi lang ako nakatulog ng maayos,napuyat ako eh",pagdadahilan ko
Lies Lies Lies
"Hindi bagay sayo ang magsinungaling", biglang seryosong ani nito,sabay upo sa upuan niya,"Don't tell me... did he rejected you?",tela di makapaniwalang tanong nito
"What? No!",depensa ko,napatango tango naman ito,"Yeah, impossible nga yun",ani nito
"But what's the reason nga? Do you have problems ba? Family? Friends? Ay wait kami lang pala friends mo,hindi din naman lovelife,wala ka din nun eh",aktong sasapakin ko na sana ito,pero agad agad niyang hinarang ang bag niya sa ulo niya,"Joke lang,mananakit agad eh,child abuse yun hoy!"
"What are you doing? Mukha kang tanga",sabat ni Kayle na kakarating lang,taas kilay namang napatingin sakanya si Ethan,"Dun ka nga sa upuan mo,papansin to",but Kayle didn't pay attention to him and look at me instead,"Why didn't you wait for me? Sabi ko sabay tayo eh",parang nagtatampong ani ni Kayle sakin,"Kala ko kasi tulog ka pa hehe", awkward na sagot ko,but it's a lie,nahihiya lang ako after nung nangyari kahapon. Napabuntong hininga na lang si Kayle
"LQ ?kawawa ka naman",pang-aasar ni Ethan dito,inikutan lang ito ng mata ni Kayle,sabay punta sa upuan niya sa harapan,natawa na lang ako sakanila,mga baliw talaga
"Ano tuloy tayo sa weekends?",tanong ni Ethan na nakaakbay sakin habang papalabas kami ng gate,kakatapos lang ng klase namin,and we're about to go home
"San punta?",nagtatakang tanong ko,"Group study! Duh,malapit na kaya finals, didn't i already tell you kahapon na,mag group study tayo sa bahay?",nanliliit ang matang ani nito. Ack-- I totally forgot about it
"Yeah sure,but before that,get off",biglang ani ni Kayle,sabay hila ng kamay ni Ethan na naka-akbay sakin,"Tsk,bwesit talaga to,kala mo naman siya inaakbayan eh",bulong ni Ethan bago hinila ang kamay pabalik,"Seloso,torpe naman",dagdag bulong pa nito,pero di ko narinig sa subrang hina
"Ah basta kita na lang tayo sa weekends!",pagpapaalam ni Ethan habang kumakaway kaway pa,ibang way kasi yung papunta kasanila,kaya hindi kami sabay umuuwi,and besides,hatid sundo din yun
"Sabay na tayo pumunta sakanila ha? Sunduin na lang kita sainyo",ani ni Kayle habang naglalakad kami pauwi,"Wag ka nanaman tatakas",pagbabanta pa nito
"Hindi ako tumakas,baliw",sagot ko naman rito,he just stared at me
Tahimik lang kami habang naglalakad pauwi
"Don't forget to eat dinner,Chace,see you tomorrow",paalam ni Kayle pagdating namin sa tapat ng bahay,tumango na lang ako sabay kaway sakanya hanggang sa hindi ko na siya makita
"Paano nga e solve to?",tanong ni Ethan sabay bigay ng notes niya,napailing naman si Kayle,pero tinuro padin sakanya kung paano e solve yun,"Kasali sa honor list,hindi naman marunong mag solve",saad pa ni Kayle,agad naman siyang sinimangutan ni Ethan,"eh hindi ako nakinig sa lesson eh,saka kasali ka din sa honor list,raulo to",ganti naman ni Ethan,and yes they're both,i mean WE are both in the honor list,hindi lang halata
Nandito pala kami ngayon kila Ethan,since gusto niya daw mag group study kami for our upcoming finals,and ayaw daw niyang mag aral mag-isa.
"Chace ikaw na nga lang magturo sakin,demonyo yang isa jan eh",baling nito sakin,sabay lapit at akbay pa sakin. I was about to teach him ng bigla siyang hilain ni Ethan papalayo sakin,"I'll teach you,don't disturb Chace.Hindi kasi nakikinig eh",ikot matang ani ni Kayle, attitude talaga ng lolo niyo
Napapailing na lang ako habang pinagmamasdan ko silang nag aaral, I'll really miss this if ever na hindi kami paripariho ng pupuntahang university
"Should we eat lunch? Sabihan ko sila manang",pag-aaya ni Ethan,",Gutom na kasi ako",dagdag pa nito
"Geh,almost 12 na din naman na",sagot naman ni Kayle,agad agad namang nagliwanag ang mukha ni Ethan saka dali daling lumabas ng kwarto,napailing na lang ako dahil dito,basta talaga pagkain ang bilis nun
"Are you ok?",baling sakin ni Kayle habang titig na titig ito sakin,napaiwas tingin na lang ako at nagkunwaring may ginawa sa phone ko,nahiya ako bigla,grabe naman makatingin to
"Yeah,why did you ask? Mukha ba kong hindi ok?",natatawang tanong ko rito,natahimik naman ito saglit
"Chace,I... I like someone",biglang ani nito,pagkalipas ng ilang minutong pananahimik,gulat naman akong napatingin sakanya
"But I'm not sure if that person likes me too",dagdag pa nito
"Do.. do i know this person?",tanong ko rito,tela nagulat naman ito sa tanong ko,"N-no",sagot nito,napatango na lang ako dahil dito. He was about to say something but the door suddenly open revealing Ethan
"Tara,kain na muna tayo,bago i continue yan,nagrereklamo n tyan ko eh",bungad nito,"Uh did i miss something? Why does the atmosphere feels so weird?", biglang tanong nito
We didn't bother answering him and just went downstairs
"Eh? Anyari?",rinig ko pang tanong ni Ethan
So.. Kayle have someone he likes huh? Buti na lang hindi ako umamin
"Hoy ok ka lang?",nagaalalang tanong ni Kayle sakin,agad naman akong napatingin sakanya,"Huh? Yeah",sagot ko rito
"You sure? You've been spacing out kasi since kanina habang kumakain tayo until we return to studying",mahabang saad nito,"What is it? You know that I'm always here for you right? I might not be of great help,but I'm willing to do anything to help",dagdag pa nito,napangiti na lang ako dahil dito, he's such a sweetheart
"No,wala akong problema,napagod lang siguro ako",sagot ko rito,napatango naman ito,"Sabagay,but if ever na, you're having a hard time or facing some problems,feel free to tell us,me"
"Oo naa,oo na"
"Goodnight,Chace,see you tomorrow",paalam nito,while showing that sweet smile of his,napangiti na lang ako ng wala sa oras,tsk
"Oo na,ingat",sagot ko rito,"Where's my goodnight?", tanong pa nito,"Parang bata naman to,sige na goodnight",pagtataboy ko rito,"How about the kiss?",dagdag pa nito,agad namang nanlaki mata ko dahil dito,"W-what?",nauutal na tanong ko rito,"Kidding!",nakangising ani nito sabay gulo ng buhok ko at naglakad na papaalis
My heart almost stop,gago yun ah