it has been days since my parents told me na i should go with them and up until now i haven't decided if sasama ba ako or dito na lang magaral ng senior high, although i want to be with my family, hindi ko naman gusto na mahiwalay sa mga kaibigan ko rito
"May problema na?",tanong ni Kayle na naupo sa tabi ko,umiling naman ako and just smile at him
"You sure? ilang araw ko na kasing pansin na parang ang dami mong iniisip,ilang araw ka na ding hindi nag sasalita ng maayos",nagaalala pang ani nito
"Hmmm may iniisip lang akong mga bagay bagay",sagot ko na lang,napa tango tango na lang si Kayle at di na namilit na alamin
Nandito pala kami ngayon sa school,since tapos naman na lahat ng exams namin,we're here to finish our clearance,and also pass the final requirements na hindi pa namin napapasa. Ilang araw na lang and mag momoving up na kami,and by that time,i must decide if i want to stay or not.
After finishing all the requirements, we decided to eat outside and also have fun na din sa arcade,na syempre idea nanaman ng isa jan,na sure ako e kilala niyo na.
"Hmmm wala ka padin bang balak?",biglang sulpot ni Ethan sa tabi ko. Taas kilay naman akong napatingin sakanya,"Balak saan?",nagtatakang tanong ko rito
Nginisihan pa muna ako nito bago sumagot,"Umamin",agad naman nanlaki mata ko dahil sa sinabi niya at agad napatingin sa paligid. Napahinga ako ng malalim ng makitang wala dito si Kayle. Agad kong binatukan si Ethan,"Buti na lang wala pa siya dito,ibubuking mo pa ko eh,raulo ka",ikot matang saad ko rito,nakanguso naman itong napapakamot sa part na binatukan ko
"Eh para kasi kayong tanga eh,ako napapagod kakahintay sa aminan niyo eh,kagigil",ani pa nito,habang nakanguso padin,pato siguro to nung past life niya.
"Bakit sinabi naming maghintay ka? Kagagawan mo yan,nanisi ka pa eh,saka bat ba? bat di na lang ikaw umamin sa nagugustuhan mo?",taas kilay na tanong ko dito,nagkibit balikat naman ito,"Sorry pre,wala akong nagugustuhan eh, sa lovelife niyo lang ako umaasa eh",ngiting ngiti namang ani nito
"Lovelife nino?",gulat na napatingin kami sa pinanggalingan ng boses na yun. Kunot na kunot ang noong nakatingin samin si Kayle na tela ba naghihintay ng sagot,pinanlakihan ko naman ng mata si Ethan,baka kung ano pa masabi ng pato na'to eh
"Nothing! tara na laro na ulit tayo"pag-iiba ko ng usapan,kunot noo namang napasunod si Kayle
After playing,kumain na din kami ng dinner,then after eating naisipan na din naming umuwi,since mag-gagabi na din naman eh
Buong byahe pa uwi tahimik lang si Kayle,napagod siguro. On our way home,wala akong iniisip kundi yung naging usapan namin ni Ethan kanina. Maybe he's right,maybe i really should confess,para if ever man na ma reject, atleast i tried right? wala akong pagsisisihan sa huli,kaisa naman itago ko to buong buhay ko,if i got rejected,then I'll move on.
Because of my thoughts, di ko na napansin na nasa bahay na pala ako.
"Ingat sa paguwi",ani ko kay Kayle na tinanguan lang ako. Hindi ko na lang ito pinagtuonan ng pansin,inaantok naman na din ako eh,siguradong ganun din siya.
Napahinga ako ng malalim sabay tingin sa hawak hawak kong maliit na kahon. Yes, I'm planning on confessing today,the program just ended and i think this is the right moment na sabihin na sakanya, although kinakabahan ako , but i still want to do this.
"Have you guys seen Kayle?",tanong ko sa nakasalubong kong mga kaklse ko,nagkatinginan naman ang mga ito,"Hmmm wala eh,kayo ba?",ani ng isa sabay baling sa mga kasama niya,umiling naman ang mga ito.
"Ahh ganun ba? sige hanapin ko na lang siya",nakangiting ani ko,ngumiti naman sila pabalik saka na nagpaalam na mauuna na sila
"Hinahanap mo ba si ano?",biglang sulpot ni Ethan kung saan,agad naman akong napahawak sa dibdib ko dahil sa gulat,hindi lang pala basta basta pato to eh
"Nuh bayan,pag ako atakehin sa puso makita mo",tinawanan naman ako nito","Sorry,sorry, pero hinahanap mo nga si kayle?",natatawang tanong nito,"Yeah,nakita mo ba siya?",tanong ko rito,nginisian naman ako nito habang tumataas-baba pa ang kilay
"Uyyy gagwin mo na ba?",mapang-asar na tanong pa nito,"Yeah,so asan nga siya?",iritadong tanong ko na lang dito
"Nakita ko siya kanina sa room,may kukunin ata",nakangisi pading sagot niya,"Sige na bye",paalam ko saka na siya iniwan dun,baka masapak ko pa yun eh,kawawa naman.
Habang naglalakad papalapit sa room namin ramdam na ramdam ko yung pagbilis ng t***k ng puso ko,kinakabahan talaga ako ng subra!
Napalunok ako when i saw Kayle inside the room,he's facing the other side kaya di niya ako nakita na nakatayo sa labas ng room namin.
Napahinga pa muna ako ng malalim bago napagdesisyunang pumasok na at gawin ang plano kong gawin ng matapos na.
I was about to go inside ng biglang may tumawag kay Kayle,agad naman akong napatago sa gilid ng pinto,"fck,hindi lang pala siya ang tao sa loob!",mahinang bulong ko
"Oh ikaw pala",rinig kong ani ni Kayle
"I... may gusto lang sana akong sabihin",mahinang saad naman nung babae sa loob,wait is that Alice?
"Hmmm ano yun?"
"Kayle I really like you! Nung unang kita ko palang sayo crush na crush na talaga kita eh,and as time goes by mas nagugustuhan pa kita lalo!",napakagat labi na lang ako when i heard those words
"I also--",hindi ko na pinakinggan ang sunod na sasabihin ni Kayle dahil mukhang alam ko na 'i also like you' im sure he'll say that, and im not strong enough to hear that...
"Hey hey hey, Chace my friend,how did it go?",biglang akbay sakin ni Ethan,"Kayo na ba--- wait, umiiyak ka ba?",gulat na tanong nito sabay pinaharap ako sakanya
"What happened?",nagaalalang tanong nito,umiwas naman agad ako ng tingin saka tinanggal ang hawak niya sa balikat ko,"Wala,sorry but i have to go",ani ko saka na umalis,narinig ko pa ang pagtawag nito sakin pero di ko na ito pinag-tuonan ng pansin at tuloy tuloy na sa paglalakad pauwi.
On my way home i dial mom's number,"Yes baby?",tanong ni mama sa kabilang linya,"What's wrong baby?",tanong pa ulit nito when i didn't say a word
"Mom,payag na po ako, I'll transfer there".