Part 5: Sining ng Teknolohiya

3361 Words
PAUNAWA:   "Hindi lang ikaw ang manunulat sa mundo. Ang ano mang pagkakahawig ng tauhan, lugar at pangyayari sa totoong buhay ay hindi sinasadya ng manunulat. Ang mga nilalaman ng akdang ito ay pawang kathang- isip lamang. Kung hindi mo gusto ang iyong binabasa maaari mong lisanin ang pahinang ito. Maraming salamat po."     Ace AiTenshi Jan 12, 2017   "lub dubb!" isang malakas na t***k pa ang aking napakinggan hanggang sa unti unting nawala ang mga imahe sa aking isipan at doon ay biglang umusok ang aking katawan, unti unti akong nawalan ng ulirat.   "Tol, anong nangyari sayo?! Ace!!" ang narinig kong sigaw ni kuya.   wala na akong natandaan pa..     Part 5: Sining ng Teknolohiya   Noong imulat ko ang aking mata ay natagpuan ko ang aking sarili na naka higa sa kama, dito ay nakabantay sa akin si Kuya Sam at si papa. Bakas na bakas sa kanilang mukha ang matinding pag aalala. Halos sariwa pa rin sa aking isipan ang mga imaheng nakita ko kanina habang naka yakap kay kuya Sam. Sa kada pintig ng puso niya ay parang nag dadala ito ng kakaibang larawan sa aking isipan na hindi ko naman maunawaan. Basta ang alam ko lamang ay kusang nag shut down ang aking katawan at gayon din ang ilang bahagi ng aking ulo.   "Tol, ayos ka lang ba? Ano bang nangyari sa iyo?" ang tanong ni kuya habang hawak ang aking kamay.   "Ayos lang ako kuya. Sorry kung nag alala ka. Baka nag karoon lamang ng kaunting problema sa program ko kaya't kusa akong nawalan ng malay." ang tugon ko naman sabay bitiw ng isang hilaw na ngiti.   "Paano kaya nangyari iyon, parati namang maayos ang kondisyon mo hijo. Siguro ay kailangan mo lang mag relax at mag libang sa labas. Ang mabuti pa ipapasyal kita sa kompanya namin." ang naka ngiting wika ni papa.   "Talaga po papa? Teka baka bawal naman yung katulad ko doon? Pag pumapasok kami ni kuya sa mall ay laging tumutunog yung metal detector sa mga botika. Ang akala tuloy nila ay may dala akong mapanganib na sandata." ang wika ko na may halong pangamba.   "Syempre ay hindi. Isa tayo sa nag mamay ari ng kompanyang iyon kaya't  magiging maayos din ang lahat." ang naka ngiting wika ni papa.   "Saka nandito ako tol, kasama mo akong papasyal doon sa kompanya nila papa. Maraming mga bagong gadget doon na dinedevelop pa lamang at mga malalaking imbensyon na masusing pinag aaral para sa mga susunod na henerasyon. Im sure na mag eenjoy ka doon." ang masaya ring wika ni kuya habang inaalalayan ako sa pag bangon.   Edi ayun nga ang set up, kinabukasan maaga kaming umalis ni kuya Sam upang puntahan si papa sa kanilang kompanya. Katulad ng dati ay binihisan nanaman ako ni kuya ng short at rubber shoes na parang isang bata. Sinuotan din ako ng cap upang hindi raw mainitan ang aking ulo. Mas na c-cutan daw kasi sa akin yung mga tao kapag ganito ang itsura ko. Kaibahan naman sa kanya na nakasandong itim lang at pantalon na pakat sa kanyang hita. Hindi ko tuloy maiwasang tumingin sa kanyang bilugang braso habang abala ito sa pag ddrive.   "Kamusta ang pakiramdam mo tol?" ang tanong ni kuya.   "Mabuti naman kuya, ang himbing nga ng tulog ko kagabi, effective yung music na pinatugtog mo." ang sagot ko naman.   "Mga instrumental iyon ng classic songs na paborito ni papa. Noong bata ako ay parati iyong pinapatugtog doon sa bahay kaya't ang ibang musika doon ay naging pampatulog ko na rin."  naka ngiting sagot ni Kuya.   "Salamat sa pag bahagi sa akin mga ganoong bagay kuya. Ang ganda talagang pakinggan at nakakadala." ang tugon ko.   "Oo naman, heto nga ang paborito kong kanta oh. Para sa iyo to tol. Sana magustuhan mo. May katandaan na ang kantang ito mga year 90’s pa na nakita ko sa files ng mga classic songs sa internet. Pinakinggan ko at nagandahan ko ito. Medyo low quality ito noong nakuha ko siguro ay dahil sa katandaan na nga, inayos ko lang kaya nagging malinaw at parang bagong record." ang wika ni kuya Sam sabay pindot ng play button sa sterio ng sasakyan. Dito ay tumugtog ang isang kanta na inaalay raw niya para sa akin.   Tumahimik naman ako at doon ay ninamnam ko ang bawat salita sa naturang kanta. Pinamagatan itong 214 na inawit ng rivermaya.   214 Rivermaya   Am I real? Do the words I speak before you make you feel That the love I've got for you will see no ending? Well if you look into my eyes then you should know That you have nothing here to doubt nothing to fear And you can lay your questions down cause if you'll hold me We can fade into the night and you'll know CHORUS: The world could die and everything may lie Still you shouldn't cry 'Cause time may pass But longer than it'll last I'll be by your side I want you to know The world could lie And everything may die Still you shouldn't cry 'Cause time may pass And everything won't last I'll be by your side Forever by your side Forever by your side So you won't cry   "Kahit anong mangyari ay parati lamang akong nasa tabi mo tol at hinding hindi ako aalis, pangako iyan. Ang lahat ay maaaring mag tapos, ang lahat dito sa mundo ay maaaring mawala, pero ako ay mananatili lang sa tabi mo kaya’t huwag kanang iiyak ha? Kung sakaling isang araw ay makalimot ako sa pangako ko ay suntukin mo ako at ipaalala sa akin itong mga salitang binitiwan ko." ang wika ni kuya habang naka titig sa aking mata   "Hahalikan nalang kita kuya, kesa suntukin pa kita." biro ko naman dahilan para matawa ito.   "Basta tol, seryoso ako sa mga sinabi ko kaya't huwag kang malulungkot. Nandito lang ako parati para sa iyo." dagdag pa niya sabay tapik sa aking balikat.   "Salamat kuya, ganoon din ako para sa iyo" tugon ko sabay bitiw ng matamis na ngiti.   Makalipas ang ilang minutong byahe ay narating namin ang kompanya nila papa. Isa itong mataas na gusali napapaligiran ng mga salamin. Hindi ko tuloy maiwasang ilabas ang aking ulo sa bintana ng sasakyan at sulayapan ang kabuuan nito na nakikipag patayugan sa mga karatig gusali. Samantalang si kuya natatawa lang dahil sa aking pagiging inosente na animo isang batang namamangha sa mga bagay sa aking paligid.   Pag pasok namin sa loob ng gusali ay bumulaga agad sa aking harapan ang aking larawan noong tournament ng combot kung saan naka combat stand ako ng pasuntok. Sa aking pag kakatanda ito yung eksenang ginamit ko ang aking kamao upang gapiin ang dating kampeon. Iyon nga lang ay naka ngiti ako sa larawan at mukhang enjoy na enjoy sa aking ginagawa. Halos kasing laki ng dalawang pinag tabing pintuan ang naturang larawan  kaya naman sa  labas pa lamang ay nasisilayan na ito ng mga taong dumaraan.   "Ikaw iyan tol, ginawang modelo ng kompanya ang iyong larawan noong nakaraang tournament. Malaking sponsor kasi ang kompanya sa pacontest na iyon kaya't hindi na sila nag dalawang isip na ikaw ang gamitin bilang mukha ng buong organisasyon. Kaya't huwag kang mag tataka kung sikat ka dito." ang naka ngiting wika ni kuya sabay akbay sa akin.   Pag pasok namin sa lobby ng kompanya ay nag kagulo na ang mga receptionist. Para akong artistang pinag kaguluhan at syempre ganoon din si kuya na umagaw ng eksena sa mga babaeng empleyado. Lahat sila ay may hawak na kamera o cellphone para mag pakuha ng larawan kasama ako. "Ang cute cute mo sa personal Ace! Ayyyyy!!" ang wika ng mga babaeng lumalapit sabay halik sa aking pisngi na parang isang batang nilalaro. Samantalang kay kuya naman ay ibang klaseng tili ang ibinibigay nila na para ba hihimatayin sa matinding pag ka kilig ang mga ito.   "Aba't ang aga niyo yata?" ang bati ni papa habang lumalakad patungo sa  amin. "Eh eto kasing si Ace madaling araw palang ay gising na, excited na raw kasi siyang mag libot dito." wika ni kuya.   "Paano naman kasi papa ang lakas ni kuya mga hilik. Hindi ako makatulog ng maayos." ang pag rereklamo ko naman.   "Kaya nga dapat ay unahan mo siyang matulog para hindi mo na marinig ang pag hilik niya." natatawang biro ni papa. "Tayo na sa itaas. Nandoon ang mga kasama ko sa pag papatakbo nitong negosyo. Apat na palapag ang gusaling ito, nasa ikatlong palapag ang aming opisina. Sa ikalawang palapag naman ay ang lugar kung saan nag dedevelop ng mga bagong kagamitang pang teknolohiya. Dito sa palapag na ito ay ang tanggapan ng mga bisita at sa ground floor naman ay ang laboratoryo ng mga organic at inorganic na eksperimento. Sa ngayon ay doon muna tayo sa aming opisina." ang wika ni papa habang pumapasok kami sa elevator.   Napa "wow" na lamang ako sa laki at lawak ng kompanya nila papa. Kaya naman pala maganda ang pamumuhay namin ay dahil sipag at pag sisikap niya. Parati ngang binibiro ni papa si kuya Sam na sa kanyang ipapamana ang negosyong ito. Ayaw naman ni kuya dahil wala raw siyang hilig sa science at sa teknolohiya kaya't kadalasan ay umiiwas siya kapag papunta na roon ang usapan.   Makalipas naman ang ilang sandali ay narating namin ang opisina nila papa. Syempre katulad ng inaasahan ay katakot takot na papuri ang aming narinig. "Iyan na pala ang anak mong si Samuel. Napaka gwapong binata na pala at napaka tangkad pa. Baka naman mag artista na lamang iyan o modelo sa telebisyon kaysa maging scientist." ang biro ng mga business partners ni papa.   "Pwede naman maging modelo si Samuel dito sa kompanya. Sa gwapo niyang iyan, tiyak na bebenta ang mga produkto natin." sabad naman ng isa.   "Mabenta naman ang produkto natin ngayon. Pumalo nga sa 90% ang sales ng ating bagong mobile phone at mas tumaas pa ito dahil ang naka modelo ay si Ace. Sino ba naman ang makatatanggi sa isang cute at gwapong combot champion!" ang papuri naman ng isa dahilan para mapangiti ako.   "Mabuti at magkasundo sina Samuel at Ace. Karaniwan kasi sa dalawang lalaking mag kapatid ay hindi nag kakaisa." pag tataka naman ng isang matandang babae.   Natawa naman si papa. "Bata pa kasi itong si Ace at alagain pa. Saka si Samuel ay mahal na mahal iyan, kulang nalang ay isilid sya sa bulsa niya at huwag nang ilabas. Anyway, narito na si Odesa ang mag g-guide sa inyo sa pag ikot dito sa mga building facilities. Mas mabuting habang maaga ay maging familiar kayo sa mga research laboratory natin upang pag dating na araw ay kayo naman ang hahawak nitong kompanya." ang wika ni papa.   Tumayo kami ni kuya at nag pasalamat sa mga business partners ni papa. Katakot takot na papuri ang ibinigay nila sa amin kaya naman tila lumulutang kami ni kuya sa ikapitong alapaap. At hindi lang iyon dahil bago kami umalis ay nag bigay pa sila ng pahintulot na maaaring kong kuhanin ang ano mang gadget o laruan na maibigan ko bilang pasasalamat sa pag eendorso ko sa kanilang kompanya.   Agad kaming sumunod sa guide at nag tungo kami sa ikatlong palapag kung saan naroon ang research facilities kung saan dinedevelop ang mga gadgets at iba pang bagay katulad ng appliances, laruan at maging mga bagong applications sa mga smart phone. Kulay puti ang buong paligid, pati sahig at kisame ay ganoon din. Pakiwari ko ba ay nasa ibang dimensyon kami dahil sa anyo kanilang unique na pasilidad.   GUIDE: Supercomputing applications ang tawag ng kompanya sa pag dedevelop ng mga gadgets at appliances. Ang mga innovative designs ng mga ito iniimprove upang mas maging competitive sa market lalo't dumarami ang kalaban. Our company champaign has an international reputation for innovative applications in high-perpormance computing, visualization, and deskstop software. Ang lahat ng ito ay masusing inaapply upang maging dekalidad ang isang product. Malaki ang pakinabang ng mga smart phones sa buhay ng tao kaya't nonstop ang pag innovate nito. Sa mga susunod na taon ang mga smart phones ay magiging mas makapangyarihan dahil makokontrol na nito ang lahat ng bagay sa paligid katulad ng mga sasakyan at appliances sa bahay.   Ang mga kagamitan sa bahay ay mayroon na ring mga applications katulad ng "smart fridge" na hinaluhan ng high technology design. Nag bibigay na ito ng intructions at cooking recipe na maaari mong sundin depende sa laman ng iyong fridge.   Sa susunod na taon ay ilalabas din ang tinatawag na "home clothing printer" hindi mo na kailangan bumili ng damit sa market dahil mismo ang makapag dedesenyo ng iyong kasuotan. Para itong isang printer sa mga computer. Ilalagay mo lamang ang damit sa makina at pipili ng desenyo na gusto mo, iyon ang lalabas na produkto. Ang desenyo ay nakadepende pa rin sa iyo kaya't tiyak na mag eenjoy ang mga bata at mga fashionista sa bagong product na ito.   Narito rin ang tinatawag na "aerial cars" katulad ng desenyo ng mga eroplano, ngayon ay inapply na  rin ito sa mga sasakyan upang mabawasan ang lumalalang trapik. Sa susunod na dalawang taon ay sisimulan na ang pag gawa ng literal na "sky way" ito ay matatas na kalsada para sa mga lumilipad na sasakayan. Mas madali ang pag punta natin sa ibang lugar kaya't mas magiging magaan sa ating buhay.   Narito rin ang tinatawag "super virtual games". Kung dati ay nag lalaro lamang tayo sa smart phones at laptop upang maka experience ng MMORPG o Massively Multiplayer Online Role Playing Game. Ngayon ikaw mismo ang maaaring gumanap sa sarili mong laro. Maaari kang mag transform bilang isang magaling na player ng sports, fighter o kahit ano pang iyong naisin. Ang virtual reality room na ito ay may simulation kung saan maaari kang maging character sa sarili mong laro." ang wika ng guide habang isa isang pinakikita sa amin ang mga nadevelop na kagamitan sa pamamagitan ng talino at teknolohiya.   At ang pinaka mabentang produkto ng ating kompanya ang tinatawag na “Super AAC Mobile phones” Ngayon hindi mo na kailangan pumindot pa ng keypad o screen sa iyong mobile phone dahil ito direkta nang magagamit through voice command. Sasabihin mo lang ang nais mong itext, o tawagan ay kusa nang mag poproseso ang program ng mobile na ito, kahit huwag kana gumalaw ang iyong boses ang sisilbing go signal sa pag poproseso ng command. Para kang may sariling assistant dahil ang bagong AAC mobile na ang bahala sa lahat.   Marami pang ipinakitang gadget sa amin, kahit ako na isang makina ay manghang mangha sa talino ng tao. Sino ba naman ang mag aakala na aabot sa sukdulan ang walang hanggang talino nila sa pag gawa at imbento ng mga bagay bagay. "Ngayon naman ay pupunta po tayo sa ground floor upang ipakita sa inyo ang sikretong pasilidad ng kompanya. Ang lugar na iyon ay restricted at hindi basta basta nakakapasok ang mga empleyado maliban sa inyong ama at sa mag business partner nito. Bago tayo mag tungo doon ay nais kong pong isuot nyo ang mga eye protection at laboratory gown upang makaiwas sa mga kemikal." ang dagdag ng guide.   Edi ayun nga ang set up, agad kaming nag suot ni kuya ng mga bagay na kailangan sa pag pasok sa sikretong pasilidad ng kompanya. At noong makababa kami doon ay agad kami sinalubong ni papa at ng kumpare niyang doktor na madalas nag ccheck up sa akin. "Hanggang dito nalang po ako Sir Samuel at Sir Ace. Sana po ay naaliw kayo sa ating pag t-tour." ang naka ngiting wika ng guide.   "Teka, bakit hindi ka pa sumama sa loob? Tara na doon!" ang pag yaya  ko naman.   "Im sorry po sir Ace pero hindi na ako pinapayagan pumasok sa loob. Kinigagalak ko po kayong makilala." ang wika nito at muling sumakay sa elevator pataas.   "Pa, ano ba ang lugar na ito? Saka bakit kailangan pang isekreto?" ang pag tataka naman ni kuya habang lumalakad kami sa loob.   "Samuel, ang lugar na ito ay ang pinaka sentro ng talino ng buong kompanya. Dito nag mumula ang mga ideya ng ating mga produkto kaya hanggang ngayon tayo pa rin ang nangunguna pag dating sa innovation at pag gawa ng high tech na kagamitan." ang sagot ni papa.   Matindi ang security ng naturang silid. Yung tipong may finger print, eye scanner at password pa. Makapal din ang pinto nito na yari sa baka. Talagang napaka importante siguro ang laman ng naturang silid kaya't ganoon na lamang ito kung pag ingatan.   Tahimik..   Noong makapasok kami sa loob nito ay tumambad sa aming harapan ang katakot takot na aparato. Nag lalakihang mga salamin na animo garapon at mga kagamitan pang laboratoryo. Pakiwari ko ba ay mayroon silang pinag eeksperimentuhan kung ano. "Pa, anong ibig sabihin nito?" ang tanong ulit ni kuya Sam na hindi maitago ang pag kalito.   "Ito ang pinag mumulan ng ating yaman, ng ating talino at kakayahan." ang wika ni papa sabay bukas ng ilaw at dito nga tumambad sa aming harapan ang isang malaking sasakyang hindi mo mawari ang anyo. Ang hugis nito ay kuwadrado na animo kahon ng posporo ngunit purong itim nito na kumikisap ang mga bakal sa paligid. Maliit lamang ito na parang kamang double deck ang laki.  "Ito ay isang UFO o sasakyang pang kalawakan na nag mula sa ibang planeta. Natagpuan ko ito noong ako ay kakasal pa lamang sa iyong ina. Bigla na lamang umilaw ang kalangitan at bumagsak sa aking harapan ang bagay na iyan." ang wika ni papa.   "Kung gayon, sino ang naka sakay diyan? Anong klaseng nilalang ang gumagamit ng ganyang uri ng sasakyan?" ang pag tataka pa rin ni kuya.   "Pasensya na anak ngunit noong matagpuan ko ito ay walang laman maliban sa mga aparatong punong punong ng advance technology. Narito ang mga kasagutan sa pag gawa ng mga matataas na kalidad ng mga kagamitan, sasakyan at kung ano ano pa. Mahirap ipaliwanag ngunit unti unti na  akong naniniwala na ang mayroong isang nilalang sa likod ng talino ng mga tao. Katulad na lamang ng mga batikang scientist sa kasaysayan. Sina Tesla, Da Vinci at Einstein, kung paano sila nakakapag iisip ng malawak hanggang sa umabot na ito sa hinaharap na hindi na kayang marating ng tao. Ang kanilang mga desenyo patungkol sa hinaharap ay talagang kahanga hanga.   Katulad na lamang ni Nikola Tesla na father of electricity, Serbian-American inventor, electrical engineer, mechanical engineer, physicist, and futurist at mas kilala sa kanyang contributions sa mga design ng mga modern alternating current electricity supply system . Noong kayang kapanahunan ay nag binalak niyang mag patayo ng mga tore na tatawaging "tesla tower" gamit ang kidlat ay makapag kakalat siya ng enerhiya sa ibang bahagi ng daigdig. Ngunit sa kasamaang palad ay hindi ito sinuportahan ng gobyerno kaya't hindi natapos ang pag papagawa ng mga tore. Ang vision at mission ni Tesla ay gawing high technology ang buong planeta at sisimulan niya ito sa mga sasakyang lumilipad na pinapagana lamang ng elektrisidad. Kung ito ay natuloy, malamang napaka husay na nating sibilisasyon sa ngayon.   Bakit ko ito sinasabi? Napag isip isip ko lamang na maaaring mayroong isang talino sa likod ng kanilang utak at ang malawak na kaalamang iyon ay maaaring nag mula sa itaas o sa kalawakan." ang seryosong paliwanag ni papa.   "Kung gayon ang mga teknolohiyang ginamit sa mga kasapangkapan sa itaas ay galing dyan?" ang tanong ni kuya.   "Oo anak. At hindi lang iyon dahil ang pinaka main part ng aming tuklas ay ang mga ito." ang pag mamalaki ni papa sabay bukas ng ilaw sa ibang parte ng silid.   Nagulat kami ni kuya Sam sa aming nakita. At panandalian kaming nawalan ng kibo. Hindi namin akalain na umabot na sa ganito ang tuklas ng kompanya. Ito na yata ang kapangyarihan ng tinatawag na sining ng teknolohiya.   itutuloy..
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD