Ace
AiTenshi
Jan 16, 2017
Nagulat kami ni kuya Sam sa aming nakita. At panandalian kaming nawalan ng kibo. Hindi namin akalain na umabot na sa ganito ang tuklas ng kompanya. Ito na yata ang kapangyarihan ng tinatawag na sining ng teknolohiya.
Part 6: Arkitekto
Dito ay nakita namin ang hilera ng mga robot na may anyong tao. Ang bawat isang makina ay armado ng dekalidad at kakaibang armas sa kanilang mga kamay. Iba iba ang desenyo ng mga ito at kung iyong pag mamasdang mabuti ay para kang naka kita ng hukbo ng mga android sa telebisyon at pelikula. "Sa mga susunod na taon ay hindi na kailangan ng mga sundalo o pulis sa bansa. Dahil ang mga makina na ang siyang mag tatanggol at mag aayos ng ating mga seguridad. Ang mga ito ang pinaka malakas na sandatang pandigma na maaaring dumepensa sa atin sa mga labanan at tangkang pananakop ng ibang lugar." ang wika ng kaibigan ni papa.
Mas lalo pa kaming natahimik ni kuya habang naka tingin sa mga ito. Hindi namin akalain na umabot na sa ganitong lebel ang ginagawang pag dedevelop ng buong kompanya. "Wow ang daming katulad kong robot na mandirigma kuya ohhh!" ang pag basag ko sa katahimikan bagamat alam kong seryoso si Kuya Sam at hindi ko alam kung ano ang kanyang iniisip.
"Hindi kayo mag katulad iho. Ang mga makinang ito ay gawa lamang sa puro bakal at metal. Ang kanilang circuit ay nakalaan lamang sa pakikidigma. Nakaka detect lamang sila ng panganib at otomatikong lalabanan nila ang mga ito. Ang kanilang program ay naka laan para sa pakikipag laban at hanggang doon lamang iyon. Ngunit ikaw? Iba ka sa lahat Ace, napaka espesyal ng iyong katawan. Ang iyong emosyon ay katulad na katulad ng sa isang nabubuhay na tao. Ilang beses ko na ring sinubukang gayahin ang komposisyon ng inyong katawan at iapply ito sa mga clone na aking ginagawa ngunit napaka imposibleng magawa ko ito. Nag iisa ka lamang hijo. Ang iyong kakayahan at abilidad ay hinding hindi mapapantayan." ang wika ng kaibigan ni papa habang naka tingin sa aking mata.
"Ano yung clone kuya? Robot din ba iyon katulad ko?" ang tanong ko naman habang naka kapit sa kanyang kamay.
"Hindi tol, ang issue ng cloning ay hindi pa tinatanggap dito sa bansa. Sensitibo ito lalo't hindi pa ganoon kalawak ang ating pag intindi sa ganitong bagay. Ito ay pag gawa ng kopya ng isang nabubuhay na tao o hayop na eksaktong eksakto." ang sagot ni kuya.
"Tama ka iho. Ang cloning ay proseso ng pag likha ng isang organismo na katulad ng genetic copy ng iba pang organismo. Ang ibig sabihin nito ay bawat dna cells at tissue sa kanilang katawan ay mag kamukhang mag kamukha ayon sa bilang at sa dami. Ito ang arkitekto ng siyensya na hinding hindi mapapatayan. Isang malaking kontrobersya ang nilikha nito noon pa noong ilabas ng proseso ng SCNT o Somatic Cell Nuclear Transfer. Ito ay unang ginawa sa isang tupa na ang pangalan ay Dolly. Ang Somatic cell ay isang cell mula sa kahit na anong bahagi ng katawan, liban sa mga reproductive cell. Samantalang ang tinatawag na Nucleus naman ay bahagi ng cell na nag tataglay ng DNA, ang mga DNA ay ang dahilan kung bakit ang bawat nabubuhay na nilalang sa mundo ay walang kawangis. Ito ang dahilan kung bakit lahat tayo ay tinatawag na unique. Sa SCNT ay nililipat ang somatic cell sa isang donor egg. Sa pamamagitan nito, nakakalilikha ng isang embryo na inilagay sa sinapupunan ng isang babaeng tupa. Pag katapos ng ilang buwan ay ipinanganak si Dolly, ngunit sa kasamaang palad ang clone na tupa ay namatay rin matapos ipanganak.
Bagamat ang issueng iyon ay noon pa, nakakatitiyak ako na sa uri ng teknolohiyang mayroon tayo ngayon ay makakagawa tayo ng mga clone ng tao o kahit ng mga namatay na ay maaari natin ibalik kung ating nanaisin." ang paliwanag ng kaibigan ni papa.
"Masyado nang malawak ang kaalamang iyan. Sa tingin ko ay hindi na ito akma sa edad ni Ace." ang wika ni Kuya.
"Matalinong bata si Ace, tiyak na nauunawaan niya ang aking mga sinabi. Hindi ba hijo?" ang tanong naman ng kaibigan ni papa sabay gusot sa aking buhok.
"Pa, saan niyo naman balak gamitin ang katakot takot na robot na iyan? At isa pa ay hindi na sakop ng kompanya ang pag gawa ng clone isang bagay. Huwag niyo na itong ituloy." seryosong wika ni Kuya Sam.
"Anak ang bawat robot na ito ay maaari ibenta sa malaking halaga. Sila ay maaaring gamitin upang gampanan ng mas maayos ang trabaho ng mga tao. Katulad na lamang ng mga pumapalyang security guard sa malalaking gusali. Maging trapik enforcer sa kalsada. O maging guro na hindi napapagod mag turo sa mga paaralan. Pwede rin silang maging sundalo o alagad ng batas. Sa ganitong paraan ay maiiwasan natin mabibigat na trabaho at mag kakaroon tayo ng sapat na oras sa ating mga pamilya." ang paliwanag ni papa.
"At sa ganyang paraan din ay tiyak na aalisan nyo ng trabaho at kabuhayan ang mga tao sa buong siyudad. Hindi ko ipag kakatiwala ang aking sarili sa mga ganyang makina." ang wika ni kuya.
"Hijo, sa ngayon ay hindi mo pa nauunawaan ang lahat ngunit batid kong pag namana mo na ang kompanyang ito 6 na taon mula ngayon ay mamahalin mo ang kada isang aparato dito sa laboratoryong ito." ang wika ng kaibigan ni papa.
Samantalang ako naman ay naka tingin lang at pilit na inuunawa ang kanilang pinag uusapan. Maraming impormasyon na naka stock sa aking utak, ngunit ang ganitong uri ng konbersasyon ay hindi ko maproseso ng maayos kaya't naguguluhan pa rin ako. "Pa, ang mabuti pa ay mauuna na kami ni Ace, sa tingin ko ay hindi makabubuti sa kanya ang ganitong uri ng usapan." ang wika ni Kuya sabay hatak sa aking braso.
"Teka kuya, okay naman ako." ang tugon ko naman. "Hindi ka okay tol. Halika na.. Aalis na tayo!" ang pag mamatigas ni kuya sabay labas sa pinto ng laboratoryo.
"Ayan umalis tuloy si kuya." ang nasabi ko nalang habang hinahabol ito ng tingin.
"Pasensya kana sa kuya Samuel mo hijo. Hindi lang talaga siya mahilig makinig sa issue ng teknolohiya kaya kadalasan ay nabubugnot na lamang ito. Kahit noong kasi edad mo siya ay ayaw na ayaw nitong nanonood sa telebisyon ng mga palabas tungkol sa pag babagong dala ng industriya. Marami siyang bagay na pinaninindigan kaya't minsan ay talagang matigas ito." ang wika ni papa habang lumalabas kami sa naturang silid.
"Ayaw ni kuya ng cloning at ng mga robot na papalit sa trabaho ng tao papa." tugon ko.
"Marahil ay ganoon na nga iyon anak. Teka, ikaw ba pabor ka sa nais naming maganap sa hinaharap?" tanong niya.
"Kapag ayaw ni kuya Sam ay ayaw ko rin. Kampi kasi kame eh." ang naka ngisi kong sagot dahilan para matawa ni papa.
"Iyan ang epekto kapag lagi kayong mag kasama, parang mag karugtong na rin ang iyong mga pusod. Oh siya, babalik na ako sa opisina. Nandoon ang kuya Samuel sa lobby."
"Bye papa.. Bilhan mo ako ng chocolate cake mamaya ha. Yung maraming topings! Saka ice cream!" ang pahabol ko pa habang pumapasok ito sa elevator.
Agad akong lumabas at doon nga ay nakita ko si kuya Sam na naka upo lang sa waiting area at tila malalim ang iniisip. Noong makita niya akong palapit sa kanya ay tumayo ito at sinalubong ako. "Uwi na tayo tol." ang wika niya sabay hawak sa aking kamay.
"Kuya galit ka ba kay papa?" pang uusisa ko naman.
"Hindi ako galit kay papa. Sadyang hindi ko lamang nagustuhan ang sikretong operasyon ng kompanya. Hindi magiging magandang ang dulot ng pag gamit ng makina bilang pamalit sa mga taong nais mag trabaho. Minsan ay lumilikha ito ng malaking gulo lalo't kapag nasira ang program nila. Katulad na lamang noong nakalaban mo sa bayan. Ang na TP 1073 na agawa ng Blue Chip Corporation. Naging depekto ito at nakapaminsala ng daan daang tao sa kanyang paligid." ang paliwanag ni kuya.
"Ang arkitekto ng TP 1073 na iyon ay hindi pulido. Gawa lamang ito sa mga pinag pira pirasong bakal na pinag dugtong-dugtong upang makagawa ng panibagong katawan. Ang mga ganoong klaseng makina ay malaki ang tiyansang makapanira sa kanyang paligid. Delikado." ang saad ko pa.
"Salamat sa pag intindi tol. Ayokong ipag katiwala ang buhay ko sa mga basurang robot na gawa ng kung sino sino. Hindi bale sana kung lahat ay kagaya mong kakaiba at mataas na uri ang pag kakalikha. Kahit ngayon ay pwede na nilang idominate ang buong siyudad." ang biro niya.
"Gusto mo ba kuya mag pumasok akong guard sa kompanya ni papa?" ang biro ko rin dahilan para matawa ito. "Tado, hindi ganoon ang ibig kong sabihin. Kulit kulit kulit mo talaga..." ang tugon niya habang hinahalikan ang aking pisngi. "Alam ko na tol, para di naman masayang ang ating lakad ay mag libot tayo at kumain ng ice cream doon sa parke. Ayos ba iyon?" naka ngiting tanong pa niya.
"Talaga kuya?" natutuwa ko ring tanong.
"Oo naman tol. Basta masaya ka ay masaya rin ako. Alam mo naman na mahal na mahal kita. Ang totoo nun ay bored na bored ako doon sa kompanya, hindi kita masolo eh. Ang dami pang lalaking yumayakap ang humahalik sayo. Nakakainis lang! " tugon niya dahilan para mapangiti ako.
Ibang klaseng saya ang aking naramdaman noong mga oras na iyon. Ang akala ko ay matatapos na lamang sa ganoon ang pamamasyal namin ni kuya Sam ngunit hindi pala dahil naging instant date ito pag sapit ng hapon. Namasyal kami sa iba't ibang lugar dito sa siyudad, paikot ikot lang habang nakahawak naka hawak ako sa kanyang kamay. Ni hindi rin naalis ang ngiti sa aking labi habang pinag mamasdan ang gwapong mukha ni kuya na naka ngiti habang naka pako ang tingin sa magandang tanawin sa paligid. Kahit sa simpleng bagay lamang basta mahal mo ang iyong kasama ay tiyak na magiging espesyal nito. Yung tipong sasabog ang iyong dibdib dahil sa matinding saya habang pinag darasal mo na sana ay hindi na matapos pa ang araw na iyon.
itutuloy..