Ace
AiTenshi
Jan 12, 2017
Napatingin ako kay Kuya Sam noong mga sandaling iyon. Tila panandalian huminto ang mundo noong mag tama ang aming mga mata at kasabay nito ang isang katanungang bumasag sa lahat. "Umiibig ka sa akin tol?" ang seryosong tanong ni kuya Samuel dahilan para matahimik nalang ako at mapako ang tingin sa sahig kung saan ako naka salampak.
Part 4: Ang Pag bibinata ni Ace
"Nakaka inis kaaa!" ang sigaw ko kay kuya Mark sabay takbo palabas ng bahay.
Pakiwari ko ba ay para akong double dead na baboy. Napahiya ng maraming beses ngayong buong mag hapon. Hindi ko rin akalaing mag t-traydor sa akin ng ganoong si Kuya Mark. Ang nararamdaman ko ay ginawa niyang biro at katawa tawa. Anong mukha ang ihaharap ko kay kuya Samuel ngayong nalaman nya na may gusto ako sa kanya? Nakaka hiya.. Mag kapatid kami at hindi dapat iyon ang naramdaman ko. Isa pa ay asa pa akong mag kakagusto rin siya sa akin eh isa akong robot.. Hindi tao at walang pag asang mahalin ng normal na nilalang sa aking paligid. Ibayong lungkot lamang ang nararamdaman ko kapag sumasagi ito sa aking isipan.
Habang nasa ganoong pag takbo ako ay biglang huminto ang sasakyan ni kuya Samuel sa aking harapan at dito ay bumaba ito. "Tol ano ba? Bakit hindi tayo mag usap? Bakit takbo ka ng takbo?" ang wika nito sabay hawak sa aking braso.
"Oo nga naman Ace, ang bilis mong tumakbo, kailangan pa naming gumamit ng sasakyan para mahabol ka." ang sabad naman ni kuya Mark.
"Ayokong umuwi. Dito nalang ako! Pabayaan nyo na ko." ang sigaw ko naman.
"Tol, huwag matigas ang ulo mo. Pumasok kana sa loob ng sasakyan at mag usap tayo pag dating sa bahay." ang tugon ni kuya Samuel at muli akong hinatak nito para ipasok sa loob ng kotse niya. "Hindi naman masosolusyunan ang mga problema at hindi pag kakaunawaan kung patuloy kang iiwas at tatakbo palayo sa mga ito." dagdag pa niya.
Wala naman akong nagawa kundi ang sumampa sa sasakyan at manahimik nalang sa isang sulok. Si kuya Mark ang driver habang si kuya Sam naman ay naka tabi sa akin at hawak pa rin ang aking braso. "Takbo ka ng takbo tol, tingnan mo yang sapatos mo naka nga-nga naman." ang puna ni kuya sabay alis ng naturang sirang rubber shoes sa aking paa. Pero hindi naman ako kumibo, naka tuon lamang ang aking atensyon sa labas ng bintana at kunwari pinag mamasdan ang bawat bagay na aming madaanan.
Mag buhat noong gabing iyon ay naging iwas na ako kay kuya Samuel. Nahihiya na akong lumapit sa kanya at makipag usap. Kahit sa pag tulog ay nakalayo ako o kaya ay nabalot ng kumot ang buong katawan upang hindi niya ako masilayan. Hindi na rin ako nag papakita sa kanya ng naka hubot hubad katulad dati na wala akong paki alam kung yumakap pa ako kahit walang saplot. Wala na ring halik sa pisngi o sa noo. Basta hindi na ako nag lalambing sa kanya.
Kahit sa harap ng hapag kainan, naka layo ako ng upuan kay kuya. Dati kasi ay parati kaming mag katabi sa pag kain ngayon ay kay mama ako naka siksik at sa kanya ako nag papahimay ng manok. Napapakamot nalang ng ulo si Kuya Sam kapag nakikita akong umiiwas sa kanya. Wala itong magawa kundi ang tingnan ako sa kanyang maamo at nangungusap na mata.
"Maayos naman ang kondisyon nitong si Ace. Wala namang problema ang kanyang joints at circuit. Sa palagay ko ang kanyang nararamdaman ay dala lamang ng pag mamature ng human cells na naka halo sa kanyang katawan. Ibang klase ang arkitekto ng isang ito, para siyang pinag halong makina at tao. Napaka superyor ng pag kakagawa sa kanya, at sa tingin ko ay maraming taon pa ang gugugulin ng mga siyentipiko upang maabot ang ganitong uri ng sining. Ang kanyang katawan ay parang sa tao, ngunit ang mga buto at ibang lamang loob ay gawa sa espesyal na makina. Ngayon lamang ako naka kita ng ganito uri ng modelo sa 56 na taong pag aaral ko sa teknolohiya. Karaniwan ang pangunahing parte ng mga cyborg o robot ay ang mga joints, cpu, sensor power, led, mga motor at binubuo ito ng maraming kable na dinadaluyan ng enerhiya. Pero itong si Ace ay dinadaluyan ng dugo, at ang pintig ng kanyang circuit sa dibdib ay parang isang normal na puso rin. Nakaka mangha talaga ang isang ito." ang wika ng kaibigang scientist papa na tumingin sa aking kondisyon.
"Salamat kumpare. Maaasahan ka talaga. Narinig mo iyon anak? Wala naman palang problema sa loob ng iyong katawan. Nasa mabuting kondisyon ka at normal naman ang lahat." naka ngiti wika ni papa habang isinasara ang aking dibdib. "Nga pala, mag usap na kayo ng kuya Sam mo. Huwag mo na siya iwasan dahil nalulungkot siya. Alam mo namang mahal na mahal ka noon. Naging matamlay tuloy siya nitong nakakaraang araw, maging sa practice ng basketball at swimming ay hindi na ito umattend. Iyang nararamdaman mo para sa kuya mo ay natural lamang dahil sya ang nag aalaga sa iyo. Hayaan mo lang na yumabong ito at maging mas matibay pa." dagdag pa ni papa.
Habang nasa ganoong posisyon kami ay siya namang pag bukas ng pinto ng laboratoryo at dito ay pumasok si kuya Sam hawak ang isang lobong pula at tsokolate na naka lagay sa kahon. "Pa, kamusta ang check up kay Ace?" tanong nito.
"Nasa magandang kondisyon naman si Ace, tamang tama ang dating mo at kanina ka pa hinahanap nito kapatid mo." ang wika ni papa sabay kindat sa akin.
Hindi ko naman alam ang isasagot ko dahil muli nanaman akong nakaramdam ng kakaibang kabog ng aking dibdib lalo't nandito si kuya Samuel sa aking harapan. Pinilit kong umarte ng normal sa pamamagitan ng pag ngiti sa kanya bagamat parang hindi naman ito convincing dahil nga nakikita pa rin sa aking mga mata ang pag kailang. "Very good naman pala. Oh para sa iyo baby bro. Peace na tayo ha. Huwag mo na akong iiwasan ulit. Masakit eh.." ang wika ni kuya habang inaalalayan ako sa pag tayo.
"Hindi ka galit sa akin kuya?" ang tanong ko.
"Bakit naman ako magagalit?" ang sagot niya.
"Dahil mahal kita at iyon ang nararamdaman ko. Sino ba naman ang mag aakala na ang kapirasong bakal sa aking dibdib ay titibok para sa iyo." ang tugon ko naman.
"Tanggap ko ang pag mamahal mo tol, at hindi mo alam kung gaano ako kasaya noong malaman ko ito. Naunawaan ko kung bakit ganoon na lamang ang ikinilos mo nitong mga nakakaraang araw dahil alam kong bago sa iyo ang pakiramdam na ito. Batid kong naiilang ka lamang dahil sa ngayon ay hindi mo pa kaya kontrolin ang iyong emosyon. Ngunit sa kabila ng lahat ng iyon, asahan mong nakasuporta lamang ako sa iyo sa lahat ng oras." ang naka ngiting wika ni kuya Sam sabay patong ng kamay sa aking dibdib. "Ingatan mo ito, dahil ito ang kaisa isang nag papatunay na ikaw ay espesyal na tao. Hindi ka kaiba sa akin o sa ibang nabubuhay dito sa mundo. Huwag mo sanang tingnan ang mga bagay ayon sa pinag iba nila sa iyo bagkus tingnan mo ito ayon sa kagandahang maidudulot nito sa iyong pag katao. Huwag kang matakot mag mahal at mahalin tol.." dagdag pa niya sabay upo sa aking tabi.
Maya maya ay lumingkis ang kanyang kamay sa aking likuran at inilapit niya ang kanyang mukha sa aking tenga. Ramdam na ramdam ko ang kanyang mainit na hininga habang dumadampi ito sa aking balat. "Mahal din kita tol, huwag ka sanang mag babago." ang bulong pa niya sabay kabig sa aking mukha at doon ay hinalikan niya ako sa labi.
Mistulang suspended animation ang pang yayaring iyon. Tila sasabog ang aking dibdib sa matinding saya at excitement. Unti unti kong nakalimutan ang dahilan ng pag iwas ko kay Kuya Samuel at napalitan ito ng hindi mapantayang kaligayahan. Pakiwari ko ba ay lumulutang ako sa ika pitong alapaap at ayaw ko nang matapos pa ang mga sandaling ito. Kung maaari kong pahintuin ang kamay ng oras para tumigil nalang ang lahat sa ganitong posisyon ay gagawin ko talaga.
Halos ilang minuto rin kami sa ganoong posisyon ni kuya. Pag katapos niya akong halikan sa labi ay muli niya ako ginawaran ng isang mahigpit na yakap. Napasubsob na lamang ako sa kanyang matipunong dibdib habang ang kanyang baba naman ay naka patong sa aking ulo at paminsan minsan ay hinahalikan ito. "Nag bibinata ka na tol, iyan ang pag babagong nararanasan ng mga lalaking kasing edad mo. Masaya ako dahil nagaganap ito sa iyo." ang bulong pa niya.
Ninamnam ko naman ang pag yakap niya sa akin habang nakikinig sa pintig ng kanyang puso. Maigi kong pinakinggan ito na para isang musikang tumutunog sa aking tenga. Nakaka giliw at nakaka libang kaya naman ipinag patuloy ko lamang ang aking ginagawa.
Tahimik..
Habang nasa ganoong pag nanamnam ako ay parang dumilim sa aking paligid. At kada t***k ng puso ni kuya ay may nakikita akong imahe sa aking isipan..
"lub dub..!" imahe ng isang kulay pulang planeta na papalibutan ng ulap. Malaki ito at parang kayang kayang abutin ng aking mga kamay.
"dubbb!" nakita ko rin ang isang lalaki at isang bata na katayo sa isang mataas na bahagi ng anyong lupa habang pinag mamasdan ang pulang planeta sa kalangitan.
"dubbb!" isang t***k pa ng puso ni kuya Sam at doon ay nag flash sa aking isipan ang mukha ng isang lalaking naka ngiti habang inilalahad ang kanyang kamay sa aking harapan..
"lub dubb!" isang malakas na t***k pa ang aking napakinggan hanggang sa unti unting nawala ang mga imahe sa aking isipan at doon ay biglang umusok ang aking katawan, unti unti akong nawalan ng ulirat.
"Tol, anong nangyari sayo?! Ace!!" ang narinig kong sigaw ni kuya.
wala na akong natandaan pa..
itutuloy..