"Oh, bakit nakasimangot ka na naman d'yan, aceshelle?"tanong ng mommy nya isang umaga, habang nakaupo s'ya sa may sofa, kagigising nya lang ng mga oras na iyon,
"Wala po ito ma,"sagot nya,
"Sigurado ka Aceshelle?"muling tanong ng mama nya,
"Opo,"
"Oh, s'ya ikaw ang bahala, kumain kana ng almusal ha!"
"Mamaya na lang po mama,"sagot nya,
Maya-maya lang biglang bumalik ang mama nya sa harapan nya,
"Oo nga pala Aceshelle, Saan mo ginamit ang fourty five thousand na winidraw mo sa banko? Nag message sa'kin ang banko kahapon. nag widraw ka daw ng ganun kalaking halaga,"
"Na denggoy ako ma. Kahapon ng umaga,"sagot nya,
Tumaas ang kilay ng mama nya at nag umpisa na itong magduda sa kanya,
Sumimangot s'ya, "Mama, may nabangga ako'ng sobrang sosyal na kotse sa parking lot ng isang mall. Nayupi ang unahan ng kotse nya kaya pinagbayad ako ng fifty thousand pesos for the damages,"
"Huh? Baka naman second hand lang ang kotse. Tapos hininingian ka ng malaking bayad, nadenggoy ka nga,"
"Ma, lamborgini ang kotse, millions ang presyo,"
"Wag ka nang magtaka, sa susunod mag-ingat ka sa pag d-drive ng kotse, pag naulit pa 'yan kukumpisin ko na yang kotse mo," ilang minuto din s'yang pinagmasdan ng mama pagkatapos, tumalikod na'to,
"Aalis na ako! See you later anak."
"Ingat mama,"tipid nyang sagot,
Pagkatapos namalayan na lang nya na umalis na ito, humiga s'ya sa sofa nila at naglaro ng coc.
"Oo nga pala may war kami. Maka-attack na nga!" Habang pinipindot nya ang attack! Halos naibaba na nya ang lahat ng mga troops nya, nakangiti s'ya ng mapansin nyang kaya nyang maka3star. Pero biglang nagvibrate ang cellphone nya at lumipat sa calling. May tumatawag kasi sa kanya,
"s**t!"bulong nya,
Inis nyang sinagot, "SINO 'TO?"inis nyang tanong sa tumawag.
"Helooo!! Mis sungit."tapos narinig nya ang pagtawa ng kausap,
Nakaramdam s'ya ng inis sa frank caller. Nakakagigil nang peste ng araw. Ang masaklap pa. Kung kelan umaattack s'ya saka pa ng bwiset! Siguradong wala s'yang nakuhang star sa war,
"Baliw ka ba? Kung wala ka'ng magawa bumili ka ng lubid. Magbigti ka! Bwiset!!"sabay off nya sa tawag,
Halos salubong na ang kilay nya sa taong tumawag sa kanya. Lalo tuloy s'yang nasira ang araw. Hindi nya mabuksan-buksan ang coc nya dahil tawag ng tawag ng frank caller nya, hindi nya ito pinansin inilapag nya ang cellphone nya sa may sofa nila at iniwan doon upang kumain ng almusal. Ilang minuto din s'ya bago matapos kumain ng almusal. Muli nyang kinuha ang cellphone nya, tapos napansin nyang may 15 missed call s'ya mula sa frank caller nya, "makapagpalit na nga ng number bukas!"bulong nya,
Agad nyang sinilip ang CoC Game nya at sinilip nya ng war attack nya, napangiti s'ya. Dahil na three star parin nya kahit may epal na nang istorbo sa kanya buti na lang matagal na nyang naiibaba lahat ang troops nya bago may tumawag sa kanya. Sinilip nya din ang inbox nya sa cellphone at napaangat ang kilay nya ng mabasa ang text ng frank caller.
Miss Aceshelle ayaw mo bang makuha ang student id mo? Student license mo! At higit sa lahat ang pitaka mo?"
Napatakbo s'ya sa papunta sa loob ng kwarto nya at agad na hinanap ang pitaka nya. Nanlumo s'ya ng makumpirmang wala doon ang pitaka nya. Agad nyang tinawagan ang frank caller nya.
"Ibigay mo sa'kin ng gamit ko. Kung ayaw mo'ng ipasalvage kita!!"galit nyang sabi,
"Whoaa! Easy lang miss sungit. Wala ako'ng balak itago ang mga gamit mo. Kaya nga ako tumatawag sayo para ibigay s'ya sayo eh,"
"Kung ganon ibigay mo na sa'kin."
"Sure, magkita tayo sa aristokrata bar."
Napaangat ang kilay nya. "Pano ako makakasiguradong hindi ka mandurugas! Hindi ka budol-budol?"
Narinig nya ang pagtawa ng nasa kabilang linya. Lalo tuloy s'yang nakaramdam ng inis sa kausap nya. Kung nakikita lang s'ya nito makikita ang pag angat ng kilay nya sa sobrang inis,
"ME? Mandurugas? Budol-budol? What the fuckin hell. Sa gwapo ko'ng ito. Mangdedenggoy! Miss sungit nakakainsulto naman yata ang sinasabi mo."
"Wag ka'ng magpakasantito. Hindi ako nadadala sa spell mo."
"Ganon?sige wag na tayong magkita. Bahala ka sa buhay mo!"
"T-teka!teka lang!awat nya sa pagputol ng tawag nya sa frank caller nya,"Nagbibiro lang ako. I mean hindi ko sinasadyang sabihin 'yon sayo, sorry!!"
Kailangan nyang magpakabait at kontrolin ang inis at galit sa taong hindi nya pa nakikita. Kailangan nyang makuha ang student license nya. At ang school I.D nya.
"Fine.. see you later miss sungit. Aristokrata bar by 7pm."tapos pinutol na nito ang tawag nya.
Inis na inis s'ya habang kausap nya ang taong nakadampot ng walet nya at mga i.d nya kapag mukhang sanggano ang pagmumukha hindi s'ya lalapit doon. Ipapakuha nya ito sa mga bouncer ng bar. Pero kapag yummy at may face value. S'ya na lang ang lalapit dito.
****
Nakangiti si nikko.habang nakatingin sa kawalan. Parang nakikinita na nya ang magiging reaksyon ng babaeng nag ngangalang aceshelle. Kapag nalaman nyang s'ya ang nakadampot sa gamit nito.
"Brad, hindi ka ba sasama sa'min mamaya?" Tanong ni hermes kay nikko.
Nasa loob sila ng silid ni nikko. Si hermes ay kaibigan nyang matalik. Sila ang magkasama simula pa noon.
Nilingon nya ito.
"Hindi may date ako eh,"
huminto si hermes sa pag lalaro ng x box at tumingin sa kanya.
"Sino namang malas na babae ang magkikipagdate sayo?"usisa ni hermes.
Ngumiti lang sya. "Isang magandang babae. Sexy at masungit."sabi nya.
"Aish, kawawa naman ang babaing yon."
"Eh, ikaw hermes. Saan ang date mo?"tanong nya.
Ngumisi si hermes. "Yung classmate ko idadate ko. Nakangisi nyang sagot.
Nagsalubong ang kilay nya. "Pag nalaman ng girlfriend mo yang ginagawa mo. Naku! Paniguradong hiwalay na kayo."
"Hayaan mo sya. Hindi ako no'n iiwan. Patay na patay sakin yon eh, may naisip ako. Ano kaya kung group date tayo mamaya. Para kapag ayaw mo sa ka date mo change partner tayo!" Ani hermes.
Tumawa sya ng malakas. "Wag na dahil siguradong ayaw non. Napipilitan lang naman yung Makipagdate sakin dahil sa mga personal things nya na naiwan.
"So, hindi totoong kusang lumapit sayo ang kadate mo. Hahaha! kawawa ka naman brad mukhang nawawala na ang appeal mo talaga,"
"Well, malalaman natin yan mamaya." Malay mo maging kami mamaya." sagot nya.
"Haha! Tingnan natin, oh, Basta mamaya groupdate tayo.wag mo na lang sabihin sa ka date mo na may kasama ka."
Saglit syang napaisip. Sabagay minsan lang naman mangyari 'yon, "sige na nga!"
Ngumisi si hermes. At nagpatuloy sa paglalaro ng xbox.
Samantalang sya. Pinagmamasdan ang larawan ng babain masungit na si Aceshelle.