Alas kwatro pa lang ng hapon. Pero bihis na bihis na ako. dahil gusto kong maunahan ang lalaking nakakuha ng gamit ko.
Habang nasa harap ako ng salamin. Napadako ang tingin ko sa cellphone kong nasa may gilid ko. Agad ko iyon kinuha at tinipa ko roon ang numero ng cellphone ni Hermes. Nais ko kasing samahan nya akong makipagmeet sa kumuha ng gamit ko. Para incase na budol yon. May kasama akong tutulong sakin.
"Hello Hon." Sabi ko.
"Hi Hon, i miss you. Kamusta kana? Oh bakit ka napatawag?"sagot nya sakin
"I miss you too hon, ahm.. pwede mo ba akong samahan ngayon? May imimeet lang tayo?"
"Nakakalungkot naman Hon. Gusto sana kitang samahan. Kaya lang nandito pa ako sa cebu. Next week pa ang uwi ko dyan sa manila."
Naramdam ako ng lungkot ng marinig ko ang pagtanggi sakin ni hermes. Simula ng umalis ang parents nya hindi na sya nagpakita sakin. Laging marami itong dahilan sakin.
"Ganon ba Hon, sige mag ingat ka dyan ha! Miss you hon,"
"Sorry talaga hon, gusto ko sanang liparin ang manila for you kaya lang hindi talaga pwede."
Huminga ako ng malalim. "It's okay tatawagin ko na lang si Rhina para samahan nya ako. Ingat ka dyan hon. Miss you!"
I ended the call.
Muli akong tumawag ngunit sa pagkakataong yon ang kaibigan ko namang si Rhina ang tinawagan ko.
"I'm sorry Bakla. Alam mo namang may date ako ngayon." Ani Rhina sa kabilang linya.
"Si Alfred na naman ba?"usisa ko.
"Alam mo naman. Ang kulit ng lalaking 'yon eh, naaasar na nga ako don. Gusto mo samahan ka na lang namin?"
"Naku!wag na! Moment nyo yan. Nakakasira pa ako ng moment nyong dalawa.enjoy na lang bakla ha."
"Bye Aceshelle. Pasensya na ha!"huling sabi pa nya
"Ano ka ba wala yon! Basta pagpasok mo sa school mag kwento ka ha!"
"Syempre naman! Bye!"
pailing-iling ako. Buti pa si Rhina may ka date ngayon. Pakiramdam ko tuloy wala akong boyfriend. Aish! Kinuha ko ang bag ko. At mabilis akong lumabas ng kwarto.wala akong makasama eh, di ako na lang mag isa.
Aristokrata Bar
Sa VIP Room daw ako pupunta.sa puntong yon. Nakaramdam ako ng konting ginhawa. Hindi kasi biro ang magpareserve sa isang VIP Room sa aristokrata bar. So ibig sabihin mayaman ang nakakuha ng gamit ko. At hindi budol-budol.
"Hello miss sungit!"kausap nya sakin ng sagutin ko ang tawag nya.
"Yes! Narito na ako sa aristokrata Bar. Anong VIP Room ba?"
"Moonlight, nandoon na ako."
"Okay, bye!" Tipid kong sagot. Ayoko na kasing makipag usap sa Stranger. Agad kong hinanap ang moonlight Room. At ng makita ko iyon. Huminga muna ako ng malalim. Kinapa ko muna ang pepper spray nasa loob ng bulsa ko. At pagkatapos pumasok na ako sa loob.
Salubong ang kilay ko ng makilala ko ang Lalaking natatanaw ko. Ang lalaking nagpabayad sakin sa mamahalin nyang kotse. Napakunot ang noo ko ng mapansin ko ang dalawa pa nitong kasama na nakatalikod sakin. Biglang lumakas ang kaba ng dibdib ko habang papalapit ako ng papalapit. Hindi dahil natatakot ako sa lalaking kaharap ko. Kundi parang unti-unti kong nakikilala ang lalaking nakatalakod sakin. Na walang sawang hinahalikan ang kasamang babae.
"Hi!" Tipid kong sabi. Gusto kong manampal ng tao. Dahil ngayon malinaw na sakin ang lalaking nakatalikod sakin. Pilit kong tinatapangan ang sarili ko. Hindi ako dapat umiyak at magpakita ng pagkatalo.
"Mabuti naman dumating kana miss sungit." Tumayo pa sya.
Tinapunan ko ng tingin ang dalawang nasa harapan ko.na hindi man lang aware kung sino ang nasalikuran nila.
"Akin na ang gamit ko!"
"Hindi ka ba muna uupo? Oo nga pala si hermes at si Elisabeth magjowa yan!"
Saka lang lumingon ang dalawa sakin. Nakita ko ang pagkagulat ni Hermes ng makita ako. Tinitigan ko sya ng matalim. Kung nakakamatay lang ang titig ko. Malamang sinusukatan na yan ng kabaong.
"A-aceshelle?" Pautal na bigkas ni Hermes.
Tinitigan ko sya ng tingin.
"Nice meeting you guys!" Fake smile.
"Magkakilala kayo?" Tanong ng lalaking may hawak ng gamit.
Blessing in diaguise din pala ang pangyayaring ito sakin. Dahil nalaman ko na manloloko pala ang hayop kong boyfriend!
"Yah! Where friends.. diba? Hermes? Matalim ko syang tinitigan. "Akala ko nasa cebu ka!"
"A-aceshelle.. I-im–––
"Ibigay mo sakin ang gamit ko!" Utos ko sa lalaki.
Nagtataka man ito ngunit agad naman nya ibinigay sakin ang gamit mo. "THANKS! By the way what is your name again?" Tanong ko.
"Nikko madrigal!"
"Maraming salamat sa pagsave mo ng gamit ko. At sa pagsave mo ng Future ko." Muli ko pang tinitigan si Hermes na nakayuko sakin. Taas noo akong tumalikod at naglakad palabas. Hindi ako dapat umiyak sa harapan nya. Hindi sya karapatdapat iyakan.
"Aceshelle!!!"narinig kong sigaw ni hermes. Huminto ko at humarap sa kanya.
"Bakit friend?" Sarkastikong tanong.
"Hindi totoo ang nakita mo it's just for Fun!"
Isang malakas na sampal ang pinadapo ko sa mukha ni Hermes.
"Tang *na ka! Hayop ka! Nasa cebu ka pala! Bwiset ka! "Sigaw ko.
"I'm sorry..ikaw lang ang mahal ko."
Mag asawang sampal ulit ang pinadapo ko sa kanya. Kung pwede nga lang patayin ginawa ko para mabawasan ng manloloko sa mundo. " Tapos na tayo!! Ang kapal ng mukha mong itanggi ang kasalanan mo eh, kulang na lang magpalit kayo ng nguso ng babaing yon! Letche ka! Mamatay ka na sana manloloko!" Sabay talikod ko. At dire-diretso akong lumabas ng Bar. Pagpasok ko ng kotse agad akong huminga ng malalim. Hindi ako dapat umiyak kahit sobrang sakit. Mabilis kong pinaharurut ang sasakyan ko. At naghanap ako ng Bar na pwedeng paglabasan ko ng inis at galit ko.
"Ma'am, lasing na po kayo!" Sagot ng Bartender sakin.
Tatlong oras na ako dito. At nakailang shot na ako ng tequila. Mapait ang alak.pero wala ng papait sa sakit na nararamdaman ko ngayon.
"Hhindi pa akoo lashingg!! Bigyan mo pa akoo ng ishaa pa.. magbabayad akoo.. Give me one more..." sabi ko sa bartender.
"Pero po ma'am,"
"Give one more!!"sigaw ko.
"Wag mo na syang bigyan. Ako ng bahala sa kanya. I'm his boyfriend."narinig kong sabi ng baritonong boses mula sa harapan ko.
Inangat ko ang mukha ko. At kahit nagdidilimang at umiikot ang paningin ko nakilala ko sya.
"Oh it's you again!"
Binuhat nya ako. "Ano ba! Bakit mo ako binubuhat gusto ko pang uninom.. one more please!!"
Pero hindi ako pinakinggan ng bartender. Tapos naramdaman ko na parang nakalutang ako. Umiikot ang paningin ko. unti-unti ng lumalabo ang paningin..
Nagising ako na parang mabibiyak ang ulo ko sa sobrang sakit. Damn! Sinilip ko ang paligid ko. Nagtaka ako kung bakit iba ang kulay ng dingding ng kwarto ko. Hindi ko naman favorite ang kulay blue. Bakit blue ang kulay ng dingding ng kwarto ko si mama talaga nakialam na naman sa gusto ko.
Ouch! Bakit ba ako nagkaroon ng ganitong kalalang hang over??" Bigla akong natigilan. Bigla ko kasing naalala ang mga nangyari. Sobrang lasing na lasing ako dahil sa hayop kong boyfriend na Ex ko ngayon. At ngayon hindi ko alam kung nasaan ako. Sinilip ko ang suot kong damit. Kinabahan ako ng makita ko ang suot kong damit. Damit kasi ng panlalaki ang suot ko. Saglit akong pumikit at pinakiramdaman ko ang sarili ko wala naman akong nararamdamang sakit o kakaiba sa katawan ko. Maliban sa sakit ng ulo ko gawa ng hang over.
Mayamaya biglang bumukas ang pintuan ng silid. Napakapit ako sa kumot na nakataklob sa katawan ko.
"Kamusta ang lasinggera?" Tanong sakin ng lalaking nagngangalang Nikko. Nakatayo sya sa harapan ko. Habang nakapamulsa ang dalawang kamay nya. Napansin kong bagong paligo sya dahil basa ang buhok nya at na aamoy ko ang pabango nya. Bigla tuloy akong nahiya sa itsura ko. baka madami na akong morning star sa mata ko. I'm sure cant take ng amoyin ako dahil wala pa akong sipilyo. Mula ng lumabas ako ng bahay kagabi. ang baho na siguro ng hininga ko dahil sa alak at matagal kong pagtulog.
"Salamat sa pagtulong mo sakin,"sagot ko.
"Walang anuman. Na konsesya lang ako sa ginawa sayo ng pinsan kong si hermes."
Nagsalubong ang kilay ko.
"So nasa balwarte pala ako ng mga manloloko!" Tumayo ako at lalabas na sana. Pero mabilis nya akong pinigilan. Lumapit sya sakin na halos ten inches. Nahiya tuloy ako. Wala pa akong toothbrush.
Tinulak ko sya. "Wag kang lalapit sakin!" Sabi ko.
"Bakit?hindi naman kita sasaktan?" He said.
"Alam ko! Wag kang lumapit dahil–––?"
"What?"
Namula ako. Hindi ko alam kung dapat ko bang sabihin sa kanya. Pero kailangan para maging handa sya. Sabi nga honesty is the best policy. Tiningnan ko sya.
"Dahil may bakas pa ako ng kahapon. I mean.. wala pa akong ligo at toothbrush. Hindi ako sanay makipag usap pag ganon ako ka dirty!" Sabi ko.
Pinagmasdan nya ako. At ngumisi. At tumalikod sya sakin at humakbang sya patalikod sakin. Pero huminto din sya sa dulo ng pintuan ng silid na. muling humarap sya sakin. "Iiwanan mo na kita para maayos mo ang sarili mo. Lahat ng kailangan mo nasa loob ng banyo. Naroon din ang suot mong damit kagabi bagong laba yon. Oo nga pala! Ang katulong namin ang nagpalit sayo kagabi. At lalong wala ka sa balwarte ni hermes dahil malayong-malayo ang lugar nila sa mansyon namin. Bumababa ka na lang pagkatapos mo mag ayos ng sarili. Aantayin kita para sabay tayong kumain ng tanghalian." tumalikod sya sakin at tuluyan ng lumabas.
Tanghalian? Agad kong sinipat ang wrist watch ko. Eleven thirty a.m na pala. Ang tagal ko pa lang nakatulog. Bumangon ako upang maligo. Pagpasok ko doon. Naroon na nga lahat ng kailangan ko. Nagbabad ako sa jacuzzi. Feeling nasa bahay lang ako. Susulitin ko na ang pang iistorbo ko sa nikko na yon. Tutal naman nagbayad ako sa kanya ng malaki. Isipin ko na lang kasama ang lahat ng ito sa binayad ko.
***
"Salamat sa pagtulong mo sakin kagabi?"bungad ko sa kanya ng nasa harap kami ng hapagkainan.
"Okay, next time wag na wag kang maglalasing na wala kang kasama.yan ang ikapapahamak mo. Kung gusto mong magpakalasing doon ka sa bahay nyo."
Umarko ang kilay ko. Habang nakikinig sa sermon nya. Daig pa si mama kung manermon. Tss! Sa kabilang banda. Tama rin naman sya. Pano nga naman kung hindi ang katulad nya ang tumulong sakin. Baka palutang-lutang na ang katawan ko sa ilog pasig O kaya sa laguna bay na walang saplot. Mabait parin sya. At sobrang thankful parin ako kay God dahil hindi nya ako pinabayaan.
"Salamat. Pero hindi na yon mauulit."
"Very good. Ihahatid na kita sa bahay nyo!"
"Salamat." Yumuko ako. Hindi ako natingin sa kanya. Bakit pakiramdam ko kinakabahan ako at yung kaba na natatakot kundi yung kaba na naranasan ko noong naramdaman kong inlove ako kay hermes dati. Parang naging gwapo na sya sa paningin ko.
"Tutulungan kitang maka move on."
Inangat ko ang mukha ko at humarap sa kanya. "Anong sabi mo?"
"Tutungan kitang makamove on.
Pumapayag na akong maging boyfriend mo?" He said.
Tumaas ang kilay kong tumingin sa kanya. "Teka! May sinabi ba akong gusto ko s'yang maging boyfriend? Wala naman akong tinatanong?"bulong ko.
"Okay, deal!"sagot ko.
Bakit ko sinabi yon..urgh!"
–––––––––––––––––––––––––