CHAPTER 1

1263 Words
Nagmamadali ako'ng maligo at magbihis ng damit, kailangan ko'ng makarating sa mall bago mag eleven am, magkikita kasi kami ng boyfriend kong si hermes, kailangan ko'ng wag malate dahil ipapakilala nya ako sa parents nya, "Mama!!!!"sigaw ko, nang matapos ako'ng maligo, Nagmamadaling tumakbo si mama sa loob ng kwarto ko, "Nasaan!! Nasaan!! ang mag nanakaw, habang may hawak ng walis tambo, kasama pa nito si yaya edith, Sumimangot ako, "mama wala naman pong magnanakaw! Sino ba naman ang magtatangkang mag nakaw dito satin. bago pa sila makapasok dito sa gate natin na baril na sila," Binababa ni yaya at mama ang tambong hawak nila, "Eh, kung makasigaw ka naman daig mo pa wangwang ng bombero. Kaya nataranta kami," Sinuot ko ang hikaw ko at kinuha ko ang bag ko, hindi ako pwedeng magtagal, "Mama, pupunta po dito ang parents ni hermes, susunduin ko po sila sa mall ngayon,.please po mama..pwede nyo po bang ipagluto ipaghanda sila," sabi ko, "Aysus! 'Yon lang ba ang dahilan ng pagsigaw mo?" Tumango ako, "Opo mama!" "Yun lang pala e, kailangan pang isigaw. Pwede mo namang itext sa'kin kung nagmamadali kana talaga!" Niyakap ko si mama, "Sorry mama. Nagmamadali lang talaga ako. Alis na po ako bye mama!" Tapos nagmadali akong lumabas ng bahay, dahil nineteen na ako. Pinayagan na ako nila mama na gumamit ng kotse pero may limit at curfew. Bawal lumampas ng ten ng gabi sa kalsada, okay lang naman sa'kin 'yon, Maya-maya biglang tumunog ang cellphone ko, si hermes, "Hon, where are you?kanina pa kami dito ni mommy at daddy," "Nasa byahe pa ako,"saglit ko'ng sinipat ang wrist watch ko, ten pa lang ng umaga hon, kabubukas palang ng mall diba?"sabi ko, "Oo nga! Eh, kasi si mama nagmamadali may flight kasi sya sa london mamayang twelve ng hapon, kaya maaga kami, malapit ka na ba?" Bigla tuloy ako'ng nakaramdam ng stress, kung pwede lang liparin ang kalsada ginawa ko na, "Sige-sige! Fifteen minutes nariyan na ako!" Sabi ko, "Okay hon, take care, bye!" Tapos narinig nya ang pag off ng tawag, Pagkatapos no'n, mabilis nyang pinatakbo ang sasakyan nya. First time nyang mag patakbo ng mabilis, "guide me lord!"dasal ko, Sa bilis ng takbo ko sampung minuto lang mahigit ang tinakbo ko, nakahinga ako ng maluwag noong pinapark ko na ang kotse, ngunit kung kelan nag mamadali ako saka naman may nasagi ako'ng isang red na kotse, dahil hindi ko namalayan sa pag atras ko, agad ako'ng lumabas upang tingnan, "s**t! Nayupi yung unahan ng kotse na nabangga ko, at dahil walang tao, umalis na lang ako, mamaya na lang nya aasikasuhin 'yon, nag mamadali lang talaga sya, Pagpasok ko sa loob. Agad nyang natanaw ang mommy ng boyfriend ko. Habang papalapit ako ng papalapit, Nakita naman ako ni hermes at sinalubong ako ng yakap, "Hon, ang bilis mo ah!"sabi nya, "Nakakahiya kasing pag-antayin ang mama mo." Lumapit kami sa mama nya, "Mama, si Aceshelle po girlfriend ko," ani ni hermes, Bigla ako'ng nahiya ng tinitigan ako ng mama nya. Mula ulo hanggang paa, yumuko ako, "Kamusta na Iha?"tipid na sagot ng mama nya, "O-okay naman po tita!" "Let's eat! May flight pa si mama mamaya eh,"ani hermes, "Pasensya na Aceshelle ha! Hindi tayo makakapag-usap ng maayos, pakisabi narin sa parents mo na hindi na ako makakapunta sa bahay nyo, importante kasi yung pupuntahan ko sa london," Ngumiti ako. "Okay lang po!" Saglit lang ang naging bonding namin ng mama ni hermes, hindi naman ako, nailang sa mama nya kasi hindi naman ito tulad ng iba'ng mayayaman na matapobre o masungit, "Aceshelle iha, pag-uwi ko galing amerika magbonding ulit tau ng anak ko ha!" Ani ng mama ni hermes, habang papalabas na kami ng mall, Tumango ako, "sige po." Tipid ko'ng sagot, "Oh! Pano, aalis na ako ha! Ingat sa pag-ddrive," "Opo!"sagot ko, Nagbeso-beso kami ng mama ni hermes, pagkatapos lumapit sa'kin si hermes, "Hon, hahatid ko muna si mama sa airport ha!" "Sige hon, ingat kayo!" Saglit ako'ng niyakap at dinampian ng halik ni hermes, pagkatapos tinanaw ko na lang sila habang papalayo, Pagkatapos nagtungo ako sa parking lot, uuwi na kasi ako. Gusto ko kasing matulog ulit, Ngunit pagpunta ko sa parking area, nagulat ako dahil wala roon ang kotse ko, nagtanong ako guard na nagbabantay roon, "Manong, nasaan po yung kotse ko?" "Ah, 'yung kotseng ferrari kulay itim?" Tumango-tango ako, "opo yun nga po, "Ah! Punta po kayo sa office namin, hinila po kasi 'yung kotse nyo. May natamaan po yata kayong kotse kanina. Nagreklamo po yung may-ari ng nabangga nyo,"mahabang paliwanag ng guard, "sige po salamat," pagkatapos agad ako'ng nagtungo sa offie nila, pagpunta ko roon nakita ko na agad sa labas ang kotse ko, agad ako'ng pumasok sa loob, "Sir, kukunin ko na po yung kotse ko," sabi ko, "Ah, miss hindi nyo po makukuha ang kotse nyo kung hindi po kayo makikipag usap sa may-ari ng nabunggo nyo," "Ganon ba? Nasaan po ba sya?" "Ayun po oh!" Nilingon ko ito, isang 6ft ang height na morenong lalaki. Chinito na may mahabang pilik mata, salubong ang kilay habang nakacross arm ang mga kamay, Sa itsura nito basketball player ng isang school at hindi lang basta school. Sikat na sikat na school, ang saint paul international academy, "Magkano ang damage ng kotse mo?" Tanong ko, bahagya pa akong tumingala dahil sa mataas sya sa'kin, "Damage? Fifty thousand pesos," tumaas ang kanang kilay ko, "Nayupi lang naman ang kotse mo. Sa presyo mo parang gusto mo ng papalitan ng bago!" Inis ko'ng sabi, Ngumisi ito, "Hindi mo ba alam ang halaga ng kotse ko mas mahal pa sa presyo ng buhay mo?" "Aba't letche 'to ah! Ang yabang!" Bulong ko, "Kakaunting damage lang yan! Kaya tama na one thousand," sabi ko pa, Bigla nya ako'ng pinagmasdan,tapos ngumisi pa ito sa'kin, "Sige papayag ako'ng one thousand lang ibabayad mo sa'kin pero makikipag date ka sa'kin miss beautiful," tapos kinindatan pa nya ako, "Ang kapal mo! ASA ka!" Inis ko'ng sabi, Tumawa ito sa'kin, "Bakit ayaw mo? Gwapo naman ako ah!" Saglit ko syang pinagmasdan ko, hindi maikakaila na gwapo nga sya. Kaya lang parang nakalunok ng Aircon. "Pinaglihi ka ba sa Aircon?" Tanong ko, "Huh? Bakit naman?" "Ang lakas ng hangin mo e," "Totoo lang ang sinasabi ko, so ano makikipagdate ka ba sa'kin?" "Hindi!! Never!!"mariin ko'ng sagot, "Fine, eh, di bayaran mo ako ng fifty thousand, or else ididemanda kita!" Gigil na gigil ako'ng nagbukas ng wallet, binilang ko ang laman ng wallet ko, five thousand pesos lang ang cash ko, kailangan ko pang mag widraw para sa manlolokong 'to, "Oh! Yan five thousand. Magwiwidraw lang ako,para sa kulang!" Inis na inis ko'ng sabi, Ngumiti ito. Habang inaabot nya ang perang binigay ko, "Mabilis ka naman palang kausap eh, let's go!" "Anong let's go?' Sabi ko, "Let's go at sasamahan kitang magwidraw ng fourty five thousand pesos, alam mo na ngayon, maraming mga kawatan. Sasamahan na kita para hindi mawala ang pera mo!" Inirapan ko sya, "naloko na nga ako eh, sayo! Mandurugas!" "May sinasabi ka?" "May narinig ka ba?" Pagtataray ko, "Parang me narinig ako'ng binubulong mo eh," "Bahala ka sa buhay mo! Bwiset!"inis ko'ng sabi, Nauna ako'ng mag lakad para magwidraw. buti na lang at walang pila sa Atm machine at nakapag widraw agad ako ng pera. Agad ko'ng iniabot ito sa kanya, "Thanks, nga pala! Ako si nikko madrigal, ikaw?" Hindi ko sya sinagot dirediretso akong nag lakad. Upang makuha ko na ang kotse ko, ayoko ng makausap ang mandurugas na 'yon, sayang ang fifty thousand pesos ko, kainis! "Bye miss sungit!" Narinig ko pang sigaw nya,
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD