"Good morning po Tita." Bungad kong bati sa Mama ni Rhina. Huminto siya sa pagtatanggal ng mga dahon sa mga halaman niya at gulat na gulat nang makita ako. "Good morning Aceshelle, napadaan ka?" Ngumiti ako sa kanya. "Susunduin ko lang po si Rhina. May two nights out of town po kasi kaming pupuntahan debut po ng classmate namin ng elementary." Kumunot-noo ang Mama ni Rhina. "Ngayon ba iyon? Hala! Umaga ng umuwi si Rhina. Lasing na lasing. Pinagalitan ko nga dahil nagdrive ng lasing." Pigil na pigil ang inis ko kay Rhina. Maaga akong nagising para makasabay kami sa mga kaibigan namin. Tapos ngayon mukhang mahuhuli pa yata kami dahil sa bruhang iyon. "Gano'n po ba Tita? Pwede po ba'ng puntahan ko siya sa kwarto niya?" "Siya sige, puntahan mo. Lintek na batang iyon. May lakad pala kayo