Bakas ang kalungkutan nami ni Rhina habang binabagtas namin ang daan pauwi ng bahay, kagagaling lang naming sa hospital. Ang daming nangyari sa dalawang araw na kasama namin si Ally. From Puerto galera, bumalik kami ng Manila para sa big celebration ng debut birthday party ni Ally at Wedding proposal ng sikat na casanova ng Saint Paul International Academy. Saksi kami sa labis na pagmamahal ni Frits kay Ally, ngunit ang masayang araw din na iyon ang naging mitsa ng kalungkutan nilang dalawa. Bago kasi matapos ang pagdidiriwang na iyon kinidnap si Frits ng babaing may galit sa kanya. Itinaya ni Ally ang buhay niya para sa pinakamamahal niyang lalaki. Ang pagsasakrispisyo niyang iyon ang naging dahilan para ma-comatose siya ngayon. Malungkot ang nangyari sa kanilang dalawa pero humanga ako s