Chapter 10 Nakapangalumbaba ako habang ang isang kamay ko ay hawak ang ballpen na ilang beses kong pinapa-ikot sa daliri ko. Nakatutok ang mga mata ko sa professor naming tinatalakay ang philosophy. Sa tuwing napapadako ang tingin niya sa’kin siniseryo ko ang tingin ko upang isipin niyang nakikinig ako sa kanya kahit ang totoo malapit ng bumigay ang talukap ng mga mata ko. Mahirap kasing mahalatang hindi nakikinig kay Sir Bobilia, baka patayuin ako sa gitna at ipa-explain ang lecture niya ngayon. Ilang saglit pa tumunog ang bell na ang ibig sabihin ay Break time. Pakiramdam ko nagising ako mula sa mahabang paglalakbay sa kawalan. Well, ito naman ang paborito ng ibang estudyante lalo na ang mahilig kumain. Iniligpit ko na ang mga gamit ko pagkatapos hinintay kong umalis si Sir Bobilia n