Chapter 2

1707 Words
ANG HARI ng Abalon ay nasa dulo lamang ng napakalaking barko. Ang mga kawal na isinama nito sa kanyang paglalayag at maging ang kanang kamay ay naghahanda sa pagsalakay ng mga halimaw. Hindi nila alam kung ano ang naghihintay sa likod ng makakapal na ulap. Painit nang painit ang temperatura habang sila ay papalapit sa kanilang destinasyon. Muling sumilip ang haring buwan. Ang suot ni Liu ay yari sa pilak kaya nang tamaan ito ng sinag ay kumislap ito. Nakakabulag kapag natamaan ang iyong mga mata dahil sa lakas ng ilaw. Isang malakas na ugong ang umalingaw-ngaw sa kalangitan. Mga malalaking pagaspas ng pakpak ang iyong maririnig. Katahimikan ang namayani sa barko habang ito ay patuloy na lumulusong papunta ng Agape. Ang kanang kamay na si Riku ay nakahanda nang bumunot ng kanyang espada. Bigla na lamang nawala ang malakas na pagaspas. Ilang segundo nang isa sa mga kawal ang nawala nang parang bula. Sa bilis ng mga mata ni Liu ay nakita nito ang hugis ibon. Malaking mga paa ang siyang kumuha sa kanyang kawal at ito'y inilipad nang malayo. "Protect the King!" Sigaw ng Commander of Royalties na si Riku. Pinaligiran naman ng mga kawal ang kanilang hari. Ilang saglit pa at may bigla na lamang lumitaw sa kalangitan na isang malaking ibon. Ang mga balahibo nito'y kulay itim at may ulo ng dragon. Kakaiba ang anyo ng halimaw na nagpakita sa kanila. Ang mga mata'y kulay pula na nanlilisik. Ang buhok ng hari ay nagsimula ng maging kulay abo. Ang mga mata nito'y naging pula na tila handang-handa na sa pag salakay ng kalaban. Ngayon pa lamang sila nakarating ng Agape at mapanganib ang rutang kanilang nilakbay. Pumagaspas ang malalaking pakpak ng halimaw na siyang nag iba ng direksyon ng hangin. Kumukulo ang tubig ng dagat. Waring nasa kalagitnaan sila ng impiyerno. Sasalakayin ng malaking ibon na may ulo ng dragon ang malaking barko. Lahat ng kawal ay nagliparan nang tamaan ng matutulis nitong mga pakpak. Bumunot na ng espada si Riku at pinang sangga sa malalaking ngipin ng ibon. Ang hari ay kalmadong nakatingin lamang at nanonood. Isa pang maling galaw ng nilalang na ito'y malalagot sa mga kamay niya. Sumilip muli ang buwan at ang sinag nito ay tumama sa pilak na kasuotan ni Haring Liu. Ang malaking ibon ay tila nabulag sa lakas ng ilaw nito at mabilis na umurong. Lumilipad-lipad ito sa himpapawid habang galit na bumubuga ng apoy. Papalapit ito muli sa barko upang sadyain ang hari na nagpabulag sa kanan niyang mata. Pabilis nang pabilis ang kanyang paglipad at nagliliyab ang bibig sa galit. Ulo ng hari ang kanyang pakay kaya naman nang ito'y makalapit na'y ibinuka niya ang malaking bibig. Wala namang pag aalinlangan si Liu. Nakatayo pa rin ito sa dulo ng malaking barko at hinihintay ang sagupaan nilang dalawa. Bakas sa mga mata ni Riku ang pag-aalala aa hari ngunit nasaksihan nito ang kapana-panabik na parte ng laban. Mabilis ang mga pangyayare nang dukutin ni Liu ang lalamunan ng kakaibang ibon. Hinugot nito palabas at napag tagumpayan niyang nakuha ang buto nito na pumuprotekta sa utak. Lumagapag ang malaking katawan sa dagat, tumutulo ang dugo sa matutulis na kuko ni Liu. "What was that thing?" Tanong niya sa kanyang kanang kamay na si Riku. Umiling ang komander dahil maging siya ay walang alam na nabubuhay pala ang ganong klase ng halimaw sa ka kanilang mundo. Mukhang umatras ang ibang mga ibon nang umalingawngaw naman sa kalangitan ang ungol ng isang aso. Isang lobo na tila hinihigop ang lakas na nang gagaling sa kabilugan ng buwan. Hindi na sila ngayon nag-iisa dahil huli na nang kanyang malaman na napapaligiran na sila ng malalaking lobo. "The Lycans." Sabi ni Riku. Mas malakas ang mga ito sa uring bampira dahil sa buwan. Mga mapupulang mga mata ang kanilang natanaw sa kabundukan habang patuloy ang pag abante ng barko. Nag aabang lamang si Liu sa pagsalakay ng malalaking aso ngunit pinigilan ito ni Riku. "Hindi natin sila kakayanin ngayon." Paalala nito dahil marami ang sugatan sa kanyang mga kawal na kailangan ng dugo. Hindi sila lalaban sa araw na ito dahil iba ang pakay ng hari sa pag punta ng Agape. Kanya ibinahagi ang sariling dugo sa mga kawal na nasasakupan. Maya maya lang ay nakalagpas na sila sa teritoryo ng mga lobo at isang tribo ang sumalubong sa mga ito. Ang mga hukbo ng lobo rin na naninirahan sa Agape. "Ano'ng ibig sabihin nito?" Tanong ni Liu. Napatingin siya kay Riku. Ngayon lamang niya napag-alaman ang kasunduan sa pagitan ng mga lobo at bampira. "This is forbidden!" Sigaw ng hari. "Liu kumalma ka. Walang ibang tutulong sa atin kundi ang hukbo ng mga lobo. Sila ang may alam kung sino ang nagpagising kay Dawn mula sa mahabang pagkakatulog." Huminga nang malalim si Liu. Isang maliit na bayan lamang ang Agape na pinamumunuan ng mga lobo o tinatawag nilang Lycans. Ibinigay ang isang mapa sa hari. Mapa na magtuturo ng lugar kung nasaan ang kanyang mga katanungan ay masasagot. "Liu, bakit hindi mo na lang tikman ang dugo ni Dawn para makita mo ang nangyare sa kanyang nakaraan?" Suhesiyon ni Riku nang sila'y makabalik ng barko. Sa isip nito'y hindi na nila kailangan pa ang mapa dahil mas malakas ang kapangyarihan ng mga bampira. Binuksan ni Liu ang mapa. Alam niyang may iba pa itong pag gagamitan kaya't itinago niya ito. Napahilamos siya ng mukha. Ano bang ginagawa niyang pagpapahirap sa sarili? Tama nga naman si Riku, isang patak lamang ng dugo at makikita na niya ang nakaraan. "Dahil ba ito sa Reyna?" Tanong ni Riku. Natawa ito dahil sa hindi makapag salita si Liu. Kumpirmadong iniiwasan niya si Katalina kaya't nag-layag ito upang makalayo ng kahit salit. "I want to breath. Hindi ako makahinga sa imperyo." Sagot ni Liu. Tama nga naman ito. Sa kanyang pagbalik ay gaganapin ang koronasiyon at pagsanib ng kanilang dugo ni Katalina. Masasaksihan ng mga bampira ito. Ayaw niyang makita ni Dawn ang bagay na iyon. "Matatapos din ang lahat." Tinapik siya ni Riku sa balikat. Kung ito lamang ang paraan para ma proteksyonan ng hari ang kanyang mag-ina laban sa mga Celestial ay gagawin niya. Kailangan niyang dumistansiya habang inihahanda nito ang kanyang hukbo sa pag lusob. Matagal na panahon niyang pinag-isipan ang planong ito. Maraming sakit at hirap ang kailangan niyang malampasan upang matagumpayan niya ang kanyang pamilya. Matagumpay silang bumalik ng Abalon isang araw bago ganapin ang koronasiyon. Nang malaman ng Reyna ang pagbalik ng Hari ay agad itong sumalubong. "Pagod ako." Tinanggal ni Liu ang mga kamay ni Katalina na pumulupot sa batok nito. Napangiti na lamang ito at naupo sa tabi ng asawa habang ito'y nagpapahinga sa malaki nilang kama. "Kailangang mabigyan na natin ng anak ang monarkiya." Sabi ni Katalina. Sinamaan naman siya ng tingin ni Liu dahil wala ang anak sa kanilang kasunduan. Kasal lamang ang kanyang sinang-ayunan. Tumayo si Katalina at umikot sa kabilang bahagi ng kama bago nag salita. "May regalo ako sa 'yo aking hari." Masaya niyang sabi kay Liu. Hindi naman ito nag-salita pa at nakinig lamang kay Katalina. Napapaisip siya kung ano ang binabalak ng babaeng ito. "I want to have some rest. Leave." Utos nito. Bumakas ang pagka-inis ni Katalina. Kahit ano'ng klaseng pang-aakit ang kanyang gawin ay tila hindi tumatalab sa hari. Lumabas ito ng kanilang silid at pinaalis ang mga kawal. Ayaw ni Liu ng kahit sinong bantay kapag siya ay nagpapahinga. Ilang araw na siyang hindi makatulog ng maayos. Kailangan niya ng lakas sa gabi kaya't ito ay nahimlay sa umaga. "Prepare a bath." Utos nito sa kanyang taga-sunod at hinubad ang damit. Ilang sandali pa at naihanda na ang pang-ligo nito ng apat niyang taga-sunod. Ang mga kawal na bantay ng Reyna ay nasa labas ng malaking pinto na gawa sa matibay na kahoy. Kaagad na inilublob ni Katalina ang makinis niyang hubad na katawan sa may katamtamang init na tubig. Gusto niyang mawala ang init ng ulo sa hari dahil sa patuloy nitong pag tanggi sa kanya. Dumating naman ang isa nitong taga-sunod na may dalang kopa na naglalaman ng pulang likido. Habang kinukuskos ng kanyang alalay ang likod ay lumulipad ang diwa ng Reyna. "Tiyak na magugulat ka sa regalo ko sa 'yo mamayang gabi." Bulong nito at ininom ang pulang likido. Ipinikit niya ang kanyang mga mata at sa pag-bukas nito'y naging kulay pula ang mga iyon. Puot at galit ang nananalaytay sa kanyang ugat. Galit dahil siya ang tunay na nakatakda kay Liu ayon sa propesiya, ngunit ang kapalaran na dapat ay para sa kanya ay hindi naging madali dahil sa maling pag-ibig ng hari sa para sa iba. KUMAGAT na ang dilim at ang pinaka hinihintay na panauhin ng Reyna ay dumating na. Isang simpleng puting bestida na may makapal na pang-lamig ang suot nito habang dala-dala ang maliit na bagahe. Sakto naman ang gising ng hari nang kanyang marinig ang pag-alis ng karwahe. Tumayo ito at tumingin sa bintana, nangunot noo siya nang makita ang karwaheng papalayo sa kanyang palasyo. Iyon lamang ang kanyang nakita. "Finally you're here. Ihanda niyo siya ng makakain." Agad na inutos ng Reyna sa kanyang taga-sunod. Tinanggal naman ng panauhin ang malaking sombrero at inilapag sa kanyang binti habang pormal na naka-upo sa hapag-kainan kasama ang Reyna. Maya maya lamang ay dumating na ang ipinahanda nito. Mga sariwang dugo na isinalin sa mamahaling kopa. Napalunok ang bisita nang makita ang dugo sa kanyang harapan. "Let's have a toast" Sabi nito at itinaas ang kanyang kamay. "Bakit? Wag mong sabihing hindi mo gusto ang dugong ipinahanda ko sa 'yo?" Magkasalubong na tanong ng Reyna. Iinumin na nito ang dugo. Wala na siyang magagawa kundi ang gawin iyon dahil mabubuking siya ng Reyna. Natigil lang ito sa pagdating ng Hari. Kaagad nitong kinuha ang baso at malakas na binasag. Nag salubong ang kanilang mga mata ni Katalina at napatayo ito. "Mahal na hari, hindi mo ba naibigan ang regalo ko sa 'yo?" Nakangiting tanong nito. "Leave us." Utos ng Hari sa mga kawal na naroon. Silang tatlo na lamang ang tanging natira nang sandaling iyon. "Bakit ka nagagalit? Siya ang kinuha ko para maging taga-sunod mo..." "Siya si Luna." ITUTULOY... VOTE AND COMMENT FOR THE NEXT UPDATE!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD