Chapter 1

2023 Words
How do you fight the moon? "ARE you okay?" Naramdaman ko ang presensya ng Duke. Lumapit ito sa 'kin habang may dalang kopa na may lamang alak. Inabot n'ya ito at kaagad ko namang kinuha. "I'm okay thank you Duke Maynard." At yumuko ako rito. "Nag-aalala ako sa 'yo Luna. Pagkatapos ng kasalan ay hindi ka na bumalik sa loob para makisaya." Napatahimik ako ng matagal at huminga ng malalim. Natapos ang pag-iisang dibdib ni Liu at Katalina at saksi ang aking mga mata. Mas lalong nag sikip ang aking dibdib sa labis na galit. Galit sa pagkamatay ng nag-iisa naming anak. Nakatitig lamang ako sa alak habang natatanaw ang sariling repleksyon. Napalunok ako at akmang iinom nang magulat ako sa mga susunod na nangyare. Tinabig nito ang hawak kong kopa at hinawakan ang aking pulso. Kaagad kong nilingon ang taong nasa likod nito na siya namang ikinagulat ko. "Your highness." Yumuko rito ang Duke. Nakita ko ang walang kabuhay-buhay na mga mata nitong nagsisimula nanamang maging pula. "My wife is allergic to alcohol." Pabulong na sabi nito sa 'kin. Sino s'ya para umasta na parang walang nangyare?! Kaagad naman itong lumingon sa direksyon ni Duke Maynard at nagsalita. "She's allergic to alcohol." Walang emosyong sabi nito. Pasimple ko namang tinanggal ang aking pulso sa pagkakahawak nito at yumuko tulad ng ginawa ng Duke. "His highness is concern about you." Nakangiting sabi ni Duke Maynard nang umalis agad si Liu. Kinagat ko ang ibabang labi para pigilan ang galit na gustong kumawala. "Hindi ko alam na hindi ka pala umiinom. Mabuti at malakas ang pang-amoy ng kamahalan." Natatawang sabi ng Duke Maynard habang napapakamot sa ulo. Inilingon ko ang paningin sa iba nang magsimulang tumunog ang musika. "The royal ball has begun, may I have your first dance?" Nakita ko ang pag-alok ng Duke sa akin ng sayaw. Nagdadalawang isip ako sapagkat matataas na antas ang nasa gitna ng pagdiriwang. "Duke Maynard…" Bakas sa mukha ko ang pangangamba. "Wear your mask Luna." Nakangiting sabi naman nito at sinuot niya ang kanya. Sa pamamagitan ng kwintas at maskarang ito'y hindi malalaman ang katauhan ko. Sinunod ko ang kanyang inutos at isinuot ang sa akin. Tinanggap ko ang kanyang kamay tsaka nagpadala hanggang sa gitna ng sayawan. "Relax your shoulder." Sabi nito. Hindi ako sanay sa mga matang nakatitig ngayon sa aming kinaroroonan. Nahagip ng aking mga mata ang dalawang maharlika na nakaupo ngayon sa kanilang trono. Nakita ko ang pag takip ni Reyna Katalina ng kanyang kalahating mukha at may ibinulong sa Hari. Nakatitig naman ang Hari sa 'king kinaroroonan. Suot ang kanyang kumikinang na korona at kulay pulang kasuotan na napapaligiran ng ginto. Hindi ko alam ang kanilang pinag-uusapan. Umikot ako dahil sa kamay ng Duke na aking sinusunod. Sa aking muling pag sulyap ay wala na ang mga ito sa kanilang trono at nagsimula nang maglakad patungo sa sayawan. Huminto naman ang musika at nagsimulang magpalakpakan ang lahat nang tumapak na ang kanilang mga sapatos sa entablado. Muling tumunog ang musika, malungkot at malumanay. Hinapit naman ng Duke ang aking beywang at nagsimulang sumunod sa ritmo. Sa bawat pagkumpas ng sayaw ay hindi maiwasang magtama ang aming mga mata. Ang kanyang mga itim na matang hindi pa rin nagbabago. Habang ang Reyna ay sinasamba ang kanyang buong katauhan ay siya namang pagbabaliwala n'ya rito. Maging ako'y hindi na nakikinig sa mga sinasabi ng Duke dahil nilalamon ako ng mga titig ni Liu. Tumuloy ang pag-tugtog ng malungkot na musika hanggang sa magdikit ang aming mga balikat na hindi sinasadya. Huminto kaming apat at yumuko naman ang Duke bilang pag bati sa dalawang royalty. Maging ako'y yumuko at bumati kahit na ang totoo ay gusto ko nang umalis. Ngumiti ang Reyna at ibinalik ang pagbati. Itinaas nito ang kanyang kamay na siya namang inabot ng Duke para halikan sa likod. Nagulat ako nang yumuko ang hari at inalok ang aking kamay para sa susunod na sayaw. Nagtama naman ang tingin naming dalawa ng Reyna at ngumiti ito patunay na walang problema sa kanya ang pakikipagpalit ng kapareha. Tinanggap ko ang kamay ni Liu dahil sa mga matang nakatuon ngayon sa amin. Kaagad namang tinanggap ng Reyna ang kamay ng Duke para sa ikalawang sayaw. Nagsimula namang tumugtog ang panibagong musika na puno ng pag-ibig. Tahimik ako habang nakahawak si Liu sa 'king beywang at magkahawak ang aming kamay. Ang kanyang mga mata ay sa akin lamang nakatuon na para bang kami lamang ang nasa kasiyahan nang mga sandaling iyon. Hindi ako makapag-salita, para bang naputol ang aking dila dahil hindi ko ito pinaghandaan. Ang alam ko lamang ay siya ang pumatay sa sarili naming anak. Maging ang buhay ko'y walang alinlangan niyang winakasan. Parehas kaming walang imik hanggang sa matapos ang musika at ako'y malumbay n'yang binitiwan. Nang maghiwalay ang aming mga katawan ay kaagad akong nagpaalam sa mga ito. "Sumama ang pakiramdam ko." Pabulong na sabi ko sa Duke. Bakas sa mukha nito ang pag-aalala at kaagad na humingi ng paumanhin sa Hari dahil sa aming maagang pag-lisan sa selebrasyon. Muling nagtama ang mga mata namin ni Liu nang akma nitong hinawakan ang aking braso. Nagulat ako at ang ilan sa mga nakakakita. Maging ang Reyna na kakaiba na ang sinasabi ng tingin. "You forgot this." At inilagay sa 'king palad ang kwintas na siyang aking proteksyon. Dali-dali ko naman itong isinuot sa aking leeg bago pa maamoy ng mga bampira ang dugong nananalaytay sa akin. "Thank you your highness." Magalang na sabi ko at saka tuluyang nilisan ang lugar na iyon. …….. RIKU: Nakangisi akong nag-hihintay sa labas ng kapital. Nakita ko naman ang kamahalan habang nakabusangot ang mukha. "Katatapos lang ng kasal mo, tila mukha kang dadaong sa lamay... Kamahalan." Hindi ako sanay maging pormal. "Cut the formality." Bakas ang pagka-bwiset sa pagmumukha nito. "Okay. What happened your highness?" "Ano'ng ginagawa n'ya rito?" Nagsalubong ang dalawang makapal na kilay nito. "What do you mean?" Napalunok ako. Tila sasabak sa gera ang mukha ng kamahalan, si Liu. "Why she's here?" Gigil na tanong nito. "Sino? Alam mong nahuli ang aking pag dating sa kasal mo." Napakamot ako sa 'king ulo. "Dawn. She's here." Nag igting ang panga nito. "What? Akala ko ba pinatu-" itinaas nito ang kanang kamay upang ako'y pahintuin. Ang kanyang mga mata'y nakatuon ngayon sa kinaroroonan ng isang babae. "Dawn?" Mahinang sambit ko sa pangalan nito. Kasama nito ang unang Duke. "Huminga ka kamahalan. Ika'y namumula sa galit." Pagpapahinahon ko. "Do something." Galit na sabi nito hanggang sa makasakay ng karwahe ang dalawa. "Your highness." Napahinto ako sa aking sasabihin dahil sa pagdating ng Reyna. Kaagad akong yumuko nang ito'y makalapit. "Narito ang mga monarkiya. Makakahalata ang mga ito kung hindi natin sila sasalubungin ng magkasama." Nakangiting sabi nito. Katalina, the Empress of Abalon. "Commander Rave." Pag tawag sa 'kin ng Empress. Bilang isang Commander of Royalties at kanang kamay ng Emperor ay tungkulin kong pangalagaan ang estado ng dalawang maharlika. Tumingin sa akin ang kamahalan. Ipinarating nito gamit ang kanyang isip ang aming paglalayag papunta ng Agape, ang lugar na puno ng salamangka. Nang sila'y makaalis at mawala sa 'king paningin ay napasandal ako sa makapal na pader. Malaking problema ito. Hindi pa dapat ngayon ang panahon para magising ang tunay na Reyna. Pero bakit? Bakit kaagad siyang nagising at ano ang ginagawa niya rito? DAWN: NAKATANAW ako sa dungawan habang pinakikiramdaman ang init ng araw at nadidinig ang mga huni ng ibon. Sa ibaba nito'y makikita mo naman ang mga katulong sa mansiyon na abala sa pagdidilig at pag-aayos ng malaking hardin. Huminga ako nang malalim at niyakap ang sarili. Naiinis ako sa 'king sarili kung bakit hanggang ngayon ay nararamdaman ko pa sa aking balat ang mainit na palad ni Liu. Idinilat ko ang aking mga mata at pinilit na kalimutan ang nakaraan. "Kronos?" Kung nasa akin lamang ang medalyon. Alam kong malaki ang maitutulong sa akin ni Kronos. Sa aking pagmumuni-muni ay siya namang pagpasok sa aking isipan ng mga celestial. Isang pag-hinga muli ng malalim. "Papatayin mo ba ang sarili mo Dawn? Anong kahibangan nanaman ba ang pinag-iisip mo? Kung sakaling mag-balik loob ako sa mga celestial ay para ko na ring kinalaban ang sarili kong anak." Kinakausap ko ang aking sarili hanggang sa may katok mula sa pinto na siyang nagpatigil sa akin. "Handa na ang umagahan." Nakangiting sabi ng isang matanda. Tumango naman ako nang ipaalam sa akin nito na pinatatawag na ako ng Duke. Nakangiti ko itong sinalubong at naupo sa babasaging upuan. Sa harap naman namin ay ang mga kumikinang na bulaklak na siyang nagbibigay palamuti sa buong mansiyon. Napansin kong mahilig itong mag-umagahan sa labas mismo ng mansiyon sa harapan ng hardin habang kami ay nasa kristal na hapagkainan. "Kamusta ang lagay mo?" Tanong nito na may bakas ng pag-aalala. "Mabuti naman Duke Maynard." Nakangiti kong sabi nang bigla namang dumating ang isa sa kanyang mga kawal. May ibinulong ito sa Duke na siyang nag-patayo rito sa gulat. "Narito ang mga kawal ng Reyna?" Napakunot noo naman ako sa narinig. "Narito rin ang karwahe ng Reyna, Duke Maynard." Kaagad namang inutusan ng Duke ang kanyang tauhan na mag-handa dahil sa pagdating ng Reyna. Pinunasan ko naman ang aking mga labi at tumayo upang salubungin kasama ng Duke ang karwahe habang papasok na ito sa malaking pintuang-daan. Para sa Reyna ng Abalon ay delikado ang paglabas nito ng palasyo. Yumuko kami ng Duke kasama ang mga katulong. Bumaba ang isa sa mga kawal ng Reyna mula sa kabayo nito at binuksan ang pinto ng karwahe saka ito lumuhod at iharang ang binti upang maging tapakan ng Reyna sa kanyang pag-baba. "Maligayang pag dating Reyna Katalina." Pagbibigay pugay ng Duke at hinalikan ang likuran ng kamay nito. Parehas kaming walang alam kung ano ang sinadya ng Reyna at personal pa itong nagpunta sa mansiyon ng Duke. Mabuti at suot ko pa ang kwintas at alam kong hindi niya ako makikilala dahil sa kapangyarihan ng kwintas na ito. Kaagad na nagpahanda ang Duke ng isa pang gintong plato at kristal na upuan para sa espesyal na panauhin. Matapos nito'y naupo nang malumanay ang Reyna Katalina at binuklat ang pamaypay nitong kulay ginto at masayang pinagmasdan ang kagandahan ng hardin. "Maraming salamat sa pagbibigay pugay sa aking pagdating Duke." Nakangiting sabi ng Reyna. Ako naman ay walang imik na nakaupo sa kabilang dulo at pasimpleng tinitignan ito. Sa kanyang kanang bahagi ay nakatayo ang isa pang guwardiya na agad naman niyang inutusan para umalis. "Maaari ko bang malaman ang inyong sadya Reyna Katalina?" Sabi ng Duke. Matapos namang ilapag ng katulong ang mainit na tsaa ay nagsalita na ang Reyna. "Personal akong pumunta sa mansiyon mo para humingi ng pabor." Sabi ng Reyna. Nagulat naman ako nang tumingin ito sa akin at kinuha ang tsaa saka ito uminom nang malumanay. Yumuko ang Duke matapos magsalita ng Reyna. "Kahit anong pabor para sa aming Reyna." Ngumiti naman si Reyna Katalina at ibinaba ang tasa na may lamang tsaa. "I need her to be my lady-in-waiting." Nagulat ang Duke sa kagustuhan ng Reyna na ngayon ay nakatuon sa akin ang atensyon. "Kailangan ko ng isang noble na magiging katulong ko." Lady-in-waiting, isang tagasunod ng mga dugong bughaw. "Paumanhin Reyna Katalina ngunit hindi ba ito kalabisan para sa nobleng katulad ko?" Sabi ng Duke. Dahil ang kagustuhan ng Reyna ay kunin ako bilang kanyang personal na tagasunod.  ......... RIKU: ISANG buong araw na kaming naglalayag patungo sa Agape. Nakatayo lamang ang hari sa bandang dulo ng aming malaking barko habang nakatitig sa kalangitan. "Hindi ba tayo mahuhuli sa koronasiyon mo?" Nakasimangot na tanong ko. Kung bakit ba naman kasi naibigan niyang basta-basta umalis ng palasyo at magpunta sa Agape. Mukhang malalim ang iniisip nito at alam ko na kung sino ang laman nito. Naupo ako sa gilid kung saan siya nakatayo at inilabas ang tabako tsaka nag-sindi. Sawakas ay nagkaron na ng kaunting liwanang nang magpakita na ang buwan. "How do you fight the moon?" Napatingin ako nang magsalita ito. "What do you mean your highness?" Natahimik nanaman ito at katulad ko ay naupo na rin ito sa kabilang banda ng barko.  Huminga siya nang malalim at sumandal. Bakas sa mukha nito ang ilang araw na walang labis na pahinga at tulog. Napailing na lamang ako at tumayo upang tumingin sa kalawakan. Maya maya lamang ay nagsimula nang tumulo ang aking pawis hudyat na nagbago na ang temperatura ng hangin. Hinubad ko ang ilang kasuotan dahil sa init. "Malapit na tayo." Pag-gising ko sa Hari. Kaagad naman itong tumayo at alertong nakatingin sa daan. Hindi nag laon ay nagsimula kaming makarinig ng ingay na nagmumula sa mga malalaking halimaw na bumubuga ng apoy.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD