"Don't run away from fate..."
"THAT'S treason!" Hindi napigilan ni Riku ang sarili nang malaman ang binabalak ng Hari. Nakarating na sa kanyang kaalaman ang aksiyon ng Reyna patungkol kay Dawn.
"Gusto mo bang makulong sa Saint Hall?" Galit na sabi ng kanang kamay ni Liu dahil sa plano niyang pakikipag kita kay Dawn ng palihim. Ang Saint Hall ang kulungan na malapit sa kapital.
"There are prisons for royalties like me." Napailing na lamang si Riku sa sarkastikong sagot ng Hari.
"That's dangerous. Pardon me your highness." Ibinaba ni Riku ang panulat. Nasa loob sila ng silid-aklatan sa loob ng palasyo.
"Please gusto ko siyang makausap." Si Riku lamang ang maaaring makagawa ng paraan upang mawala ang mga mata sa Hari. Ang plano ay gaganapin pagkatapos ng koronasyon.
Nasa silid si Dawn matapos nitong ilagay ang ilang mga bagahe. Kanyang isinuot ang nararapat na kasuotan ng isang taga-sunod. Hindi niya alam ang maaaring mangyare nang malaman niyang siya ang gagawing taga-sunod ng Hari. Bagsak ang kanyang katawan nang maupo sa malambot na katre. Malalim ang iniisip na may halong takot. Marami pa ring katanungan ang nabubuo sa kanyang agam agam. Ang nakaraan... nakaraang kanyang hindi pwedeng makalimutan.
Humigpit ang pagkakahawak nito sa kuwintas na ibinigay ng Duke habang unti-unti nanamang nanunumbalik ang ala-ala nang paslangin ni Liu ang sariling anak.
Ilang pagkatok sa pinto ang nagpabalik dito sa katinuan. Inayos niya ang sarili at binuksan nang marahan ang malaking trangkahan.
"Naabala ko ba ang iyong gabi?" Isang nakangiting babae ang nasa kanyang harapan.
Umiling si Dawn at pinatuloy ito ngunit nag alinlangan ang babae at may pinarating lamang na mensahe.
"Pinapatawag ka ng Commander." Kunot-noo si Dawn nang kunin nito ang isang papel na tila naglalaman ng liham. Pagkatapos ay kaagad na nagpaalam ang babae at iniwan na ito. Pagkasara ng pintuan ay binuksan niya agad ang liham. Sumulat sa kanya ang Commander at pinatatawag nga ito sa Saint Hall.
Mabilis na nagbihis si Dawn at sumunod ito sa utos. Sa likod ng palasyo ang daanan papunta ng Kapital kung nasaan ang Saint Hall. Ang lugar na ito ay kilalang kilala dahil dito ibinibilanggo ang mga bampirang sumusuway sa batas.
Madilim ang daan at malamig ang paligid. Ramdam ni Dawn ang mga matang sumusunod sa kanya kaya't ito'y napapalingon kung saan saan. Nang makumpirmang walang sumusunod ay binilisan na niya ang paglalakad hanggang sa makarating sa Saint Hall. Nang siya ay nasa tapat na ng kapital ay kaagad itong sinundo ng isang lalaking nakatakip ang mukha.
"Narito na tayo sa Saint Hall. Hanggang dito na lamang ako." Sabi ng lalaki at siya ay iniwan sa higanteng pintuan. Bumukas naman ito at lumabas ang dalawang kawal para papasukin sa loob si Dawn. Itinuro ng isa ang kanyang dadaanan papunta sa liblib na bahagi ng Saint Hall. Sinunod niya iyon at nang makarating ay kaagad niyang natagpuan ang Commander na naroon at nakasuot ng mahabang itim na balabal.
Inayos ni Dawn ang sarili. Alam niyang si Riku ang nasa harapan at hindi siya dapat mahalata nito.
"Luna." Nakangiting sabi ng Commander nang ito'y makalapit.
"Ano ang aking maipaglilingkod Commander?" Nakangiti ng malaki si Riku at tinanggal ang itim na balabal.
"Bukas ang koronasyon ng Hari. Huwag kang mawawala. Kailangan kita sa oras na matapos ang seremonya. Ang kailangan lamang ay ang presensya mo. Huwag kang hihiwalay sa Reyna hanggang sa matapos ang seremonya. Mag iiba ka lamang ng landas kapag isinuot na ang korona sa Hari." Hindi malaman ni Dawn kung bakit sinasabi ni Riku sa kanya ang mga bagay na ito.
"Sorry ang dami ko pang pinag sasabi. Pumunta ka sa ibabang bahagi ng Kapital pagkatapos ng koronasyon. Sikapin mong walang makakasunod sa iyo Luna." Nakangiti nitong sabi.
"Bakit ko kailangang gawin ito?" Pagtataka na tanong ni Dawn.
"Malalaman mo rin." Isang tapik sa balikat at nauna nang umalis si Riku. Lihim lamang ang kanilang pag uusap dahil maraming mga mata ang nagbabantay sa loob ng palasyo.
DUMATING ang araw na pinakahihintay. Dumating ang mga monarkiya na siyang mag babasbas sa Hari ng Abalon. Makulimlim ang kalangitan at hindi nasisikatan ng liwanag ang bahagi ng Abalon. Isang malalim na pag hinga at sunod sunod na pag lunok ang ginawa ni Dawn habang inaayos ang sarili. Siya ang naibigan ng Reyna upang pumili ng susuotin nito. Nang makarating sa silid ay kaagad na nag salita ang babaeng nasa labas ng pintuan.
"Mahal na Reyna narito na ang taga-sunod."
"Papasukin ito." Utos ng Reyna Katalina. Nang makapasok ay bumungad kay Dawn ang hubo't hubad nitong katawan na nakatingin lamang sa napakalaking salamin.
"Ipili mo ako ng masusuot." Utos nito at itinuro ang gintong lagayan ng mga damit.
"Masusunod kamahalan." Kaagad na ginawa ni Dawn ang inuutos nito at pinili ang napakagandang bestida na may mga bulaklak na nakaburda.
Sinuri ng mabuti ng Reyna ang bawat kurba ng bulaklak na nakaburda roon.
"Maganda. Isuot mo sa akin." Nang suotin ay tinulungan si Dawn ng dalawang taga-sunod dahil sa haba ng damit. Matapos ay huminga nang malalim ang Reyna at tinignan ang kabuohan sa salamin.
"Luna maaari ka bang pumili ng laso para sa aking kasuotan?" Ang laso na siyang isinusuot ng Hari sa bewang ng Reyna bago isagawa ang pagsasalin ng korona. Dalawang maliit na kahon ang nasa harapan ni Dawn. Ang kahon na naglalaman ng mamahaling laso na ipinagawa pa ng Reyna sa bayan kung saan naroon ang mga sikat na botika na nagtatahi ng mga kasuotan ng mga maharlika.
Isang pula at kulay luntiang laso ang naroon. Lumapit ng bahagya si Dawn upang mas masilayan pa nito ng husto. Kinuha nito ang kulay luntiang laso na sa palagay niya ay babagay sa bulaklaking damit ng Reyna.
"Hmm maganda ang napili mo. Mukhang magugustuhan ito ng Hari." Nakangiting sabi ng Reyna. Walang imik si Dawn habang pinagmamasdan lamang nito si Reyna Katalina na nakatingin sa malaking salamin. Manghang-mangha ang Reyna sa kanyang kagandahan na mas lalo pang lumitaw dahil sa kasuotan.
Nang matapos ang mahabang proseso ng pagbibihis at pag-aayos ay inutusan ng Reyna si Dawn na sumama sa kanya bilang maging escort nito papuntang kapital kung saan gaganapin ang koronasyon.
Maaliwalas ang umaga nang sila'y lumabas ng palasyo. Ang Hari ay nauna nang umalis kasama ang kanyang kanang kamay. Naroon na rin ang mga monarkiya na siyang magbibigay basbas sa koronang isusuot sa hari ng Abalon. Malaki ang pagkakangiti ng Reyna habang sakay ng karwahe. Hindi maalis sa isip kung ano ang magiging reaksyon ng Hari kapag nakita nito kung gaano siya kaganda.
"Luna." Tawag ng Reyna rito.
"Mahal na Reyna." Nakayukong sagot ni Dawn.
"Narinig ko na magaling kang mag burda ng disenyo sa panyolito... alam mo ba na nalalapit na ang kaarawan ng Mahal na Hari? Nais ko sanang igawa mo ako nito at itatak mo ang simbolo ng kanyang Imperyo." Mahabang hiling dito ng Reyna.
Hindi kaagad nakasagot si Dawn sa pakiusap ng Reyna.
"Nais kong maging maganda sa kanyang paningin."
"Masusunod Mahal na Reyna." Sagot nito.
Malayo ang nilakbay ng pag-iisip ni Dawn. Gustong-gusto niyang sumbatan ang Hari dahil sa ginawa nito sa kanya at sa kanilang anak ngunit hindi pa ito ang tamang panahon.
Nakarating ang sinasakyan nilang karwahe sa kapital kung saan gaganapin ang seremonya. Kaagad na pinag tinginan ang gintong karwahe hanggang sa mauna nang lumabas si Dawn at sumunod ang Reyna.
"Napaka ganda talaga ng Reyna." Bulong-bulungan ang kagandahang taglay nito. Normal para sa Reyna ang purihin dahil sa angking ganda. Ang gusto lamang niyang marinig ay manggaling mismo sa Hari ang papuring iyon na ni minsan ay hindi pa nito narinig.
Tumunog ang kampana nang malakas sa pagdating nito at kaagad na binigyang daan papasok ng kapital. Ang mga kawal ay naka-protekta sa Reyna para sa kanyang seguridad. Nang makapasok sa loob ay makikita ang tatlong monarkiya na nasa harapan at ang Hari na nakaupo sa gintong trono. Naroon ang mga gwardiya sibil at mga saksi sa pagsasalin ng korona.
Nagtama ang mga mata ng Hari at Dawn nang makapasok na sila ng Reyna. Kahit gaano pa kaganda ang nasa harapan ng Hari na ang Reyna ay sa iisa lamang naka pokus ang kanyang mga mata. Tumikhim naman ng pasimple si Riku na nasa kabilang banda upang hindi mapansin ng iba ang kakaibang titig ng Hari para sa isang taga sunod ng Reyna.
Nagtuloy-tuloy sa paglalakad ang Reyna hanggang sa maabot ng mga paa nito ang harapan. Tulad ng Hari ay naupo na rin ito sa gintong trono at hinihintay na lamang na mag simula ang pagbabasbas.
Tulad ng napag-usapan ay naroon lamang si Dawn habang isinasagawa ang mahabang talumpati ng isa sa tatlong monarkiya. Nang matapos ang pagsasalaysay ay tumayo na ang Hari at lumapit kay Dawn upang kunin sa kahon na hawak nito ang luntiang laso.
Hindi makatingin ng tuwid si Dawn sa pagtitig na ginagawa ni Liu. Kung apoy lamang ito ay kanina pa siya natunaw dahil hindi tinatanggal ni Liu ang kakaibang pagtitig sa kanya.
Nagkatinginan ang mga bampira maging ang mga monarkiya na naghihintay. Ang Reyna ay napahawak sa kanyang kasuotan nang mahigpit at nag pipigil ng galit dahil sa ginagawa ng Hari.
"Ano'ng ginagawa mo?" Pabulong na sabi ni Riku nang maglakad ito ng pasimple sa direksyon nila. Hindi na nagsalita pa si Liu at kinuha na ang laso. Doon ay nakahinga nang maluwag si Dawn nang bumalik ito sa kanyang trono at lumuhod sa Reyna. Isinagawa na ang pagkakabit ng laso sa beywang nito. Hindi malaman ni Dawn ngunit hindi nagugustuhan ng kanyang mga mata ang paglapat ng mga kamay ni Liu sa beywang ni Katalina.
ITUTULOY...