NANG maitali ang laso sa beywang ng Reyna ay doon na nagsimula ang karugtong ng seremonya. Nabasbasan ng monarkiya bilang Hari at Reyna ng Abalon ang dalawang magkatipan at isang munting regalo ang naghihintay dito. Tumayo ang isa sa monarkiya na nagmula pa sa malayong bansa. May inabot itong isang munting regalo na nakapaloob sa isang maliit na kahon. Ang Reyna ay nananabik at inutusan ang isa sa kanyang tagasunod na nasa likuran nito.
"Tanggapin mo ang aking munting handog." Ani ng ginoo. Kaagad na dinala ng tagasunod palapit sa Reyna ang maliit na kahon at yumuko.
"Buksan mo, nananabik na akong makita ang nakapaloob dito." Labis na kasiyahan na sabi ng Reyna. Kaagad namang binuksan ang maliit na surpresa para rito. Isa itong maliit na bote na naglalaman ng likido.
"Ang likido na 'yan ang siyang magpapasabik ng gabi niyong mag-asawa." Nakangiting ani ng ginoo. Namula ang dalawang pisngi ng Reyna at napatingin sa gawi ng Hari. Hindi naman kakikitaan ng emosyon ito.
Napalunok ng ilang beses at binasa ang nanunuyong mga labi bago nagsalita. "Mukhang mapapalaban ang mahal na hari ngayong gabi." Pabirong ani ng Reyna.
Dahil sa pagbibiro nito'y natuwa naman ang buong angkan ng mga bampira. Itinago na ng Reyna ang bote na may likido sa maliit na kahon at inutusan ang taga-sunod nitong itabi.
Natapos ang pagdiriwang at masayang nairaos ang koronasyon. Kasabay ko sa karwaheng pang maharlika ang Reyna habang mas pinili ng Hari ang sumakay sa kanyang itim na kabayo. Palubog na ang araw at pasikat na ang buwan. Nakatanw lamang ang Reyna sa labas ng bintana at malalim ang iniisip.
"Luna, kailan mo balak simulan ang panyotilyong aking ipinapagawa saiyo?" Maririnig sa kanyang tinig ang iritasyon. Nanatili akong kalmado at sumagot dito.
"Mahal kong Reyna, kung kailan n'yo maibigan ay aking sisimulan." Yumuko ako bilang pag galang. Huminga siya ng malalim. Tila kanina pa ito hindi nasasayahan dahil malungkot ang kanyang mga mata.
"Ibig kong simulan mo ngayong gabi." Agad akong napatingin dito at hindi nag bago ang landas ng kanyang pagtanaw sa matayog na bundok.
"Narinig mo ba ang aking sinabi?" Pag-uulit nito.
"Masusunod mahal kong Reyna." Sa aking pagtugon ay hindi na muli pang nasundan ang aming pag-uusap. Sa isang iglap lamang ay tila naging malamig ang kanyang pakikitungo sa akin. Nang makababa ng karwahe ay nakita naming kararating lang din ng Hari. Kaagad na lumapit ang Reyna at ipinulupot ang dalawang kamay sa makisig nitong braso.
"Tayo na sa ating silid, ako'y labis na napagod ngayong araw." Malumanay na sabi ng Reyna. Hindi naman nag salita pa ang Hari at sila'y naglakad na papalayo sa amin ng mga taga-sunod.
Kabilugan ng buwan, nagsimula akong mag tahi ng gabing iyon. Ang tela na siyang yari sa mamahaling materyales ay kay sarap hawakan. Dumudulas ang aking mga daliri sa labis lambot nito. Sinunod ko ang utos ng Reyna na iburda ang simbolo ng Imperyo. Iyon ang kanyang gusto para sa Hari.
Bumuntong hininga ako at napatingin sa kawalan.
"Ano'ng ginagawa ko?" Bakit ako pumayag na magpaalipin sa dalawang nilalang na iyon? Hindi ko rin lubos maisip ngunit, kapag aking naaalala ang nangyare kay Sean ay doon nagkakaroon ng kasagutan kung bakit ko ito ginagawa. Ang dami kong tanong, mga katanungan na si Liu lamang ang makakasagot.
Ipinikit ko ang aking mga mata at isinandal sa pader ang ulo. Minulat muli ang sarili nang maalala ko ang sinabi sa akin ni Riku.
Hindi, hindi na mahalaga pa kung ano man ang mayroon ngayon. Minabuti ko na lamang na ituon ang sarili sa aking tinatahi. Ramdam ko ang pagsakit ng aking likuran dala ng pangangalay. Mano-manong proseso ang pagbuburda ko kung kaya't pati ang aking mga kamay ay nakakaramdam na rin ng pag sakit.
Labis na pagkapagod at antok na ang nararamdaman ko ngunit nagpatuloy pa'rin.
Nagulat ako nang matusok ng karayom at agad na pumatak ang dugo sa tela ng panyotilyong aking binuburdahan. Hindi maaari ito. Kaagad kong kinagad ang daliri at tinignan ang mantsa ng dugo. Paano ko tatabunan ito? Hindi ko maaaring basain ng tubig dahil mababasa rin ang sinulid. Masisira lamang ang disenyo.
Kaagad kong ginawan ng paraan. Ayokong mapahiya sa mga mata ng Reyna.
Tirik na ang araw at maaga akong nag ayos ng aking sarili. Naihanda ko na ang panyotilyo at nagawan ko na rin ng paraan na matakpan ang marka ng aking dugo.
Sunod-sunod ang pagkatok sa aking silid.
"Luna, pinapatawag ka ng mahal na Reyna." Kaagad kong binuksan ang pinto at aking naabutan doon ang isa pa nitong taga-sunod. Dala ko sa maliit na kahon ang panyotilyo.
Sinamahan ako nito hanggang sa makarating sa chamber kung saan nag hihintay ang Reyna.
Nakangiti agad itong bumungad sa akin habang sinusuklayan ng isang taga-sunod ang kanyang mahabang buhok. Lumapit ako rito nang ako'y tawagin at ibinigay sakanya ang isang kahon.
Namangha naman ang Reyna nang makita ang aking pagkakaburda.
"Napakaganda." Sabi nito at pinatigil ang pagsusuklay sa kanyang buhok. Inutusan n'yang ilipat ang panyo sa isang mamahaling kahon.
"Dahil napakaganda ng iyong pagkaburda mayroon akong munting handog sa iyo." Nakangiti nitong sabi. Ibinigay naman ng isang taga-sunod ang isang maliit na bagay na kumikinang.
"Mahal na Reyna, paumanhin ngunit labis labis na ang inyong kabutihan sa akin. Hindi ko ito matatanggap." Ani ko dahil isa itong mamahaling singsing na yari sa ginto.
"Ibig kong tanggapin mo ang aking munting handog para saiyo Luna. Mas matutuwa ako kung ito'y susuotin mo." Masayang sabi n'ya.
"Ngunit..." Hindi na niya ako hinayaan pang makapag salita.
"Tanggapin mo na ito, maaari ba Luna?" Hindi na ako nakaatras pa. Tinanggap ko ang kanyang handog at aking isinoot. Pina-upo lamang n'ya ako malapit sa kanya at inutusan ang isang taga-sunod na mag handa ng mesa at abig nitong mag tsaa na kasama ako.
"Luna, maaari mo bang masahihin ang aking balikat? Napagod ako." Hindi naman ako nag atubili at sinunod ko ang utos ng Reyna. Minasahe ko ng dahan-dahan ang kanyang makinis na balikat habang ito'y nakapikit at dinadamdam iyon.
"Magaling ka rin palang mag masahe." Nakangiting sabi nito. Ngumiti na lamang ako bilang tugon. Agad din niya akong pinatigil nang dumating ang mesa at pinagsilbihan kami ng ibang taga-sunod.
"Masarap ang tsaa sa umaga." Sabi ng Reyna.
Nang matapos humigop ay kanya namang itinaas ang dalawang paa sa kabilang upuan na parang nangangalay.
"Mukhang pagod kayo mahal na Reyna." Sabi ko.
Tumawa ito ng mahinhin at pinamulahan ang magkabilang mukha.
"Pinagod ako ng Hari." Doon ay tumawa rin ng mahina ang ibang mga taga-sunod. Hindi naman ako nakapag salita pa, ano bang sasabihin o magiging reaksyon ko sa sinabi nito?
Tumikhim ang Reyna nang mapansin ang aking pagmumuni-muni.
"Napagod ka rin ba Luna?" Sa totoo lang ay labis labis ang pagkapagod ko habang binuburda ang imperyo ng Hari sa panyotilyo. Habang silang dalawa naman ay sa ibang bagay nagpakapagod.
"Ayos lang ako mahal na Reyna. Siguro ay nanibago lang ako sa oras ng aking pag tulog." Sabi ko rito.
Bakas ang pagalala at gulat sa kanyang mga mata.
"Patawarin mo ang pangungulit ko Luna. Kung hindi lamang ako naging mainipin ay hindi ka sana napagod ng husto. Hayaan mo, makakabawi rin ako sa'yo."
Hindi naman nagtagal at nagpasama ito sa labas ng palasyo upang makita ang Hari na naglalaro ng golf. May ganitong laro rin pala sa mundo nila at kapanahunan.
Suot ang makapal na kasuotan at malaking sumbrero na siyang pang proteksiyon mula sa araw ay nanonood lamang ang Reyna. Hinintay nitong matapos sa paglalaro ang Hari at saka lumapit dala dala ang panyotilyong aking binurda.
Natatanaw ko ang kagalakan ng Reyna sa magiging reaksyon ng Hari. Walang pag aanlinlangang inabot nito ang panyo.
"Sana magustuhan mo ang aking regalo para saiyo."
Hindi nagsalita ang Hari at binuksan ang kahon. Doon bumungad sakanya ang sarili kong burda. Kinuha nito ang panyo sa loob at pinagmasdan ito.
"You made this?" Tanong ng hari. Hindi naman nag atubili ang Reyna at kaagad na sumagot.
"Yes. Sana magustuhan mo."
Sa hindi inaasahan ay inilapit ni Liu ang panyo sa kanyang ilong at ito'y napakunot noo. Kumabog ang puso ko sa kaba nang tumingin ito sa aking direksyon.
ITUTULOY....