DAWN:
The raging war...
"Victory!" Sigaw ng lahat nang matalo ang kampon ng mga bampira. Nalilito ako sa aking nakikita. Inangat ko ang dalawa kong duguang kamay... nagugulumihanan, naririnig ko pa ang mga kalansing ng espadang patuloy sa pakikipag laban. Tumingin ako sa kalangitan at nasaksihan ang mga dragon na bumubuka ng apoy sa buong emperyo. Nasaan ako?
"Finish it..." Isang boses na nagpabalik sa aking magulong isipan. Bumulwak ang napakaraming dugo sa kanyang bibig habang nakangiti.
Liu...
Nakahiga ito sa kapatagan. Suot ang itim na kasuotang pang digmaan. Hawak hawak ang espadang nakabaon sa kanyang dibdib.
"Y-You... won the battle." Hirap na pagsasalita nito. Napaluhod ako nang masilayan ang duguan nitong katawan.
"I still love you Dawn..." Pagbigkas nito ng mga katagang iyon ay bumuhos ang maraming luha sa 'king mga mata.
Kasabay na nag awitan ang mga anghel. Awit ng pagdurusa sa gitna ng giyera.
"N-No... no!" Sigaw ko. Hindi ako makapaniwalang ang espadang nakabaon sa kanyang dibdib ay aking pagmamay-ari.
Lumakas ang ihip ng hangin kasabay ng mga abo na galing sa mga bampira. Nakita ng aking dalawang mata ang unti-unting pagka agnas ni Liu... hindi mawaglit ang ngiti nito hanggang sa tuluyan siyang naging abo.
"No!" Sigaw ko nang magising.
Isang bangungot. Isang napakapangit na panaginib. Pawis na pawis ako nang bumangon sa aking katre. Kaagad kong tinungo ang paliguan at naghilamos. Mabilis pa rin ang kabog ng aking dibdib.
"Kronos?" Kaagad ko itong naalala. Ang aking pulang medalyon. Kailangan ko ng kasagutan kronos.
Nang ako'y bumalik sa ulirat ay siya namang pagliwanag ng aking paligid. Nasilaw ako rito at siya'y lumabas.
"Aking kamahalan." Lumuhod ito sa akin. Kay tagal bago nagpakita ang medalyon, si Kronos.
"K-Kronos!" Hindi makapaniwalang tugon ko sa kanyang pangalan.
"Maligayang pagbabalik kamahalan." Sabi nito.
"Tumayo ka, harapin mo ako. Marami akong katanungan kronos." Sabi ko. Sinunod naman ng babaeng nasa aking harapan ang utos ko.
"Nasaan ang anak ko?" Unang katanungan ko."
"Ang mahal na prinsipe ay narito rin sa mundong ginagalawan mo kamahalan."
"Nasaan siya? Kronos marami akong katanungan sa 'yo." Nakikita mo ang nakaraan dahil iyon ang kapangyarihan mo. Kaya mo akong ibalik sa nakaraan hindi ba? Alam mong pinatay ni Liu ang aming anak at tinangka rin nitong kunin ang aking buhay hindi ba?" Lumakad ito papalapit sa akin.
"Hindi iyon ang aking nakikita kamahalan." Namuti muli ang pares ng kanyang mga mata at hinawakan ako sa aking noo.
Bumalik ang lahat. Bumalik ang oras kung saan ay nasa mundo ako ng mga tao. Kaagad kong natanaw si Liu at Riku na nag uusap. Sila ay may pinagtatalunang dalawa.
"Hindi maisasalba ang buhay ng mag-ina kung puro pag-ibig ang iisipin mo Liu. Think about the spell that i gave to you. Paniwalain mo si Dawn na pinatay mo si Sean at pinagtangkaan mong kunin ang buhay n'ya gamit ang mahikang binigay ko. Kailangan mabuhay ang galit sa puso ni Dawn upang maisakatuparan mo ang pagbabalik ng Abalon at pagpigil sa mga celestial. Ito lang ang paraan, ibigay mo ang pinaka masakit na ala-ala kay Dawn... ang pekeng ala-alang ito ang mag-sasalba sa mag-ina mo." Mahabang ani ni Riku.
Huminga ng malalim si Liu. Sapat na iyon para malaman kong isang mahika lamang ang ginawa n'ya. Isang pekeng ala-ala ang ibinaon n'ya sa aking utak upang kamuhian ko siya.
Naging malabo ang mga ito sa aking paningin at bumalik sa kasalukuyan. Napaupo ako't napahawak sa aking dibdib.
"Ano'ng ginagawa mo Liu? Bakit mo sinasarili ang lahat ng suliraning ito?" Mahinang bulong ko sa aking sarili.
"Ang anak ko kronos, gusto kong makita si Sean."
"Kamahalan, malakas ang kapangyarihan ng prinsipe kaya't nararamdaman ko ang kanyang presensya. Ngunit ikinalulungkot ko sapagkat hindi ko matiyak kung nasaan ito." Sabi nito.
Matagal akong hindi nakapagsalita, unti unting naging malinaw ang ilang bahagi ng aking ala-ala. Sumagi muli ang panaginip na iyon at alam kong parte ito ng nawawala kong memorya. Ako ba ang nagwakas ng buhay ni Liu daan taon nang nakalipas?
Tumayo ako't humawak nang mahigpit sa kawayang gilid ng bintana.
"Gusto kong mahanap ang ilang parte ng aking memorya." Sabi ko kay Kronos.
"Kamahalan hindi pa nagaganap muli ang pagsasanib ng buwan at araw kung saan kaya kong dalhin ka sa iyong nakaraan." Sabi ni Kronos. Natapos ang aming pag-uusap nang may kumatok. Ang taga-sunod ng Reyna. Kaagad na naglaho si Kronos at inayos ko ang aking sarili. Pag-bukas ko ng pinto'y laking gulat ko nang makita siya sa labas ng aking kwarto.
"Mahal na Hari." Kaagad akong yumuko. Hindi pa ako nakakabawi nang nagtuloy tuloy ito sa loob at sinara ang pintuan. Napaatras lamang ako at napaawang ang mga labi sa labis na pagkagulat. Paano kung makita kami ng mga tauhan sa loob ng palasyo? Paano kung malaman ng Reyna na nasa chamber ko ang Hari?
"I can hear everything you think Dawn." Sabi ni Liu. Hindi ko alam ang isasagot ko. Ano bang plano n'ya? Bakit gusto niyang kamuhian ko siya nang husto?
Nang ako'y makabawi ay hinawakan ko ang kanyang mukha.
"Ako ang pumaslang sa 'yo daan taon ng nakalipas, hindi ba?" Mapait na tanong ko. Hindi mawaglit sa aking isipan ang kanyang ngiti sa maiksing ala alang iyon. Ngiti na may bahid ng dugo.
Tumitig lamang ito sa akin at hinawakan ang aking kamay. Hinalikan n'ya ito. Doon ko muling naramdaman ang malamig nitong mga labi.
"NASAAN ang Hari?" Tanong ng prinsesa ng Bermunt na si Katalina. Hindi niya ito nasilayan at hindi sumabay sa hapagkainan. Ilang gabi siyang nag hintay na tabihan siya nito ngunit kahit isang beses ay hindi pa sila nagtatabi sa pagtulog.
Naroon si Riku ang commander. Tahimik lamang ang binatang bampira habang nakikinig sa mahabang pagdadrama ng Reyna.
"May mga layunin ang Hari para sa emperyong ito aking Reyna, hindi mo ba naiintindihan na nag aaral ito at ayaw niyang magambala nino man?" Sambit ng binata.
Parang nagiging isip-bata ang Reyna. Hindi nito maiwasang hindi mag isip na baka may ibang hudyong kinawiwilihan ang Hari.
"May mga harlot na dumating mula sa ibang bansa mahal na Reyna." Sambit ng isa sa kanyang taga-sunod. Kunot noong napatingin si Katalina. Ang harlot ay isang uri ng mga kababaihan na bayarin. Mga mataas na antas ng prostitusiyon sa kanilang lugar upang pag silbihan ang mga dugong bughaw.
"Ano'ng ibig mong sabihin? Magkakaroon ng Harem ang Hari?!" Hindi maiwasang magalit ng Reyna. Harem ang tawag sa babaeng kinagigiliwan ng Hari maliban sa asawa nito.
Napakamot sa ulo si Riku dahil siya naman talaga ang nagpatawag ng mga Harlot upang bigyan siya ng kasiyahan. Magsasalita na sana ang binatang bampira ngunit naisipan n'yang lokohin ang Reyna. Ano kaya ang magiging reaksyon nito kapag nalaman niyang ibang babae ang gustong maikama ng Hari? Napapangisi ang binata sa mga naiisip.
"Ano ang nakakatawa Commander?" Pigil ang galit ni Katalina.
"Wala mahal na Reyna. Hindi ka pa ba sanay sa tradisyon? Alam mong maaari pa ring magkagusto ang Hari sa ibang bampira maliban sa sariling asawa tama ba?"
Nag igting ang pangil ni Katalina, umagang-umaga ay sinira ni Riku ang maganda niyang araw. Paano magagawa iyon ni Liu? Sa isip isip nito. Alam ng Reyna ang tradisyong iyon at alam din niyang si Liu ang klase ng bampira na walang panahon upang mag hanap ng harem.
"Dalhin mo ako ngayon sa kinaroroonan ng Hari." Utos nito sa commander.
"Kinalulungkot ko aking Reyna ngunit mas mapanganib ang galit ng Hari kapag akin itong sinuway."
Sa kabilang banda ay naroon parin si Liu sa piling ni Dawn. Unti-unti ng bumabalik ang memorya ni Dawn na siyang pinakahihintay ni Liu.
"Sagutin mo ako, ako ang pumaslang sa iyo?" Tanong muli ni Dawn. Ngumiti lamang si Liu bago nagsalita.
"Welcome back, my Queen..."
ITUTULOY...