Chapter 6

1489 Words
The moon is beautiful but lonely. Mula sa malaking salamin ay seryosong pinagmamasdan ni Katalina ang kanyang kabuohan. Kinuha nito ang gintong suklay at itinapat sa kanyang taga-sunod na at inataasan itong suklayin ang kanyang kulay dilaw at mahabang buhok. Ito'y bumuntong hininga na tila ba'y malalim ang iniisip. Tuloy lamang ang kanyang utusan sa pagsuklay ng mahabang buhok nito habang siya'y nasa kawalan ang sistema. Maya-maya pa ay nagsalita na si Katalina. "Nakahanda na ba ang aking kasuotan?" Tanong nito dahil balak niyang mag tungo sa bayan para mamili ng kanyang mamahaling alahas. Tumugon naman ang kanyang taga-sunod at tuloy muli sa pag suklay sa Reyna. Ini-angat ni Katalina ang kanyang kamay upang patigilin ito. "Tama na, ihanda mo na ang aking kasuotan at ipatawag mo si Luna upang ako ay samahan." "Ngunit aking Reyna si Luna ay abala kasama ng Hari ngayon sa plaza." Kumunot ang noo ni Katalina at ito'y napalingon sa kanyang taga-sunod. "Ano'ng ibig mong sabihin?" Yumuko ang taga-sunod at muling nag salita. "Sa aking pag-kakaalam ay siya rin ang naatasang taga-sunod ng mahal na Hari... aking Reyna." Natahimik si Katalina, muli itong kumalma at huminga ng malalim. Kanyang inayos ang magandang postura at naglakad patungo sa malaking bintana. "Kung gano'n ay tawagin mo ang ilang mga kawal at ipahanda ang karwahe, nagbago na ang aking gusto. Ibig kong mag tungo sa plaza upang surpresahin ang aking Hari." Nakangiting sabi nito. "Masusunod kamahalan." Lumabas na ng kanyang silid ang isang taga-sunod na kanyang inatasan. Pagkatapos ay ipinahanda nito ang simpleng itim na kasuotan na kanyang gagamitin. Lumabas na si Katalina nang ito'y matapos at balak nang mag punta sa plaza. Nagkataon na nakasalubong pa nito ang kapitan na si Riku na mukhang galing sa pangangaso. Suot suot ang itim na guwantes at hawak ang ulo ng isang tigre na wala ng buhay. "Mahal na Reyna." Nakangiting bati nito at akmang hahalik sa likod ng kamay ni Katalina. "Ika'y mag tigil. Ayokong mabahiran ng dugo ang aking balat." Ngumisi naman ng nakakaloko ang kapitan. "Saan ang iyong punta?" Tanong nito. "I want to see him." Simpleng sagot ni Katalina. Tumawa lamang si Riku dito. "Katalina, ikaw ang Reyna ng Abalon. Anong saysay ng imperyong ito kung pati ikaw ay nasa labas?" Kumunot noo si Katalina at namula ang magkabilang tainga sa labis na inis. "Tawagin mo akong Reyna. Huwag kang hangal." "Oh, I'm sorry your highness." Pilosopong sagot ni Riku at tumingin sa malaking orasan. "Tila hinahanap ka na ng iyong guro, mabuti pa'y mas pag tuonan mo ng pansin ang pag aaral ng kasaysayan kung ibig mong mapansin ng Hari sa pamamagitan ng talino at hindi sa pisikal na ganda lamang." Ito'y umalis na ng hindi man lang hinihintay ang sagot ni Katalina na siya namang galit na galit dahil sa sakit na pananalita ni Riku. Patabog na pumasok si Katalina ng kanyang silid. Galit na galit ito dahil sa labis na pamamahiya sa kanya ng kapitan. "How dare you!" Pag sisisigaw nito. Tahimik lamang ang kanyang taga-sunod. Wala nang nagawa pa si Katalina at nagtungo sa aklatan. Naroon ang kanyang guro at naghihintay sa kanya. "I admire you for being firm." Sabi nito dahil malumanay lamang ang kanyang guro sa bawat kilos nito. "I'm sorry I'm late..." kaagad na naupo si Katalina. "Would you like some tea?" Tanong ng guro nito na nagmula rin sa isang mataas na antas na klase ng mga bampira. "No, I more prefer to drink a glass of wine... wine of blood." Habol pa nito. Kaagad namang pinaanyayahan ng guro ang kanyang kagustuhan. Sa kabilang banda, kasama ni Dawn ang hari sa Plaza. Ayon sa Mayor ay may isang lupain na hindi kalayuan sa Abalon ang kinakailangan ng tulong. Napag alaman nilang tag-gutom ang mga taong naninirahan roon na hindi nila kalahi. Nagkatinginan ang dalawa nang malaman ang sistema nang pamamalakad ng dating hari. Nangunot noo na lamang si Liu dahil hindi agad nakarating sa kanya ang suliraning iyon. Tahimik ang dalawa nang nilalakbay ang daan papunta sa nasabing lugar sakay ng isang karwahe. Tila mailap pa rin si Dawn kay Liu kahit na sila na lamang dalawa ang nasa loob. Naiintindihan naman ito ng hari dahil kailangan muna nilang isang tabi ang kanilang relasyon sa pag tuklas kung nasaan ang kanilang anak. Tumikhim si Liu upang basagin na ang katahimikan. Kanyang tinitigan si Dawn na seryoso lamang ang mga mata sa daan. Sa katahimikang iyon, hindi na napansin ni Dawn ang pag tabi sa kanya ni Liu. Nang maramdaman nito ang pag lapat ng labi sa kanyang leeg ay doon na lamang siya natauhan. "Ano'ng ginagawa mo?" Tanong nito at mabilis na umiwas. "Are you sick to my presence?" Kunot noong tanong ni Liu rito. Napakagat labi si Dawn at hindi alam kung ano ang isasagot. Maski ito'y pinipigilan lamang ang sariling mayakap at mahagkan ang pinakamamahal niyang hari. Hindi na nakasagot pa si Dawn nang kaagad na huminto ang karwahe sa nasabing lugar. Kaagad na bumaba ang mga kawal sa unahang karwahe at gumawi sa kanilang kinaroroonan. "Mahal na hari narito na tayo." Tumango naman si Liu at lumabas. Si Dawn naman ay kaagad na sumunod at sila'y nag obserba sa nasabing lugar. Hindi iyon ang kanilang natagpuan kundi isang abandonadong bayan na walang kahit ano'ng bakas ng tao. Ang mga kawal ay isa isa nang naglakad upang tignan ang mga kabahayan. Ilang minuto ang nag daan ngunit walang anumang nakita ang mga ito. "Mukhang kailangan na nating bumalik." Ani ng isang kawal sa kasamahan nito nang bigla na lamang umihip ang hangin. Malakas na malakas at nakaka puwing sa mga mata ang alikabok na dulot ng pinong buhangin. Kaagad na niyakap ni Liu si Dawn at kanyang iniharang ang kasuotan upang hindi matamaan ito. Nang matapos ang malakas na hangin ay laking gulat ng mga kawal sapagkat bigla na lamang tumumba isa-isa ang mga nasa harapan nila. "Ang mga Warlord!" Sigaw ng isa bago naging abo sa hangin. Nag kuyom ang palad ni Liu at ang itim nitong buhok ay naging kulay abo. Ang kanyang itim na mga mata'y nag mistulang dugo at ang kanyang mga pangil ay sadyang nang gigigil at handa nang pumatay. Ang mga alagad ng Celestial kung saan nabibilang si Dawn. Tila naglalaro lamang ang mga Warlord nang kanilang daanan ang mga kawal na nagiging abo lamang. Sila ay mga tao tulad ni Dawn at ang kanilang mahika ay sadyang napaka lakas. Umilaw naman ang kwintas ni Dawn. Siya parin si Luna sa paningin ng lahat dahil sa proteksiyon ng kwintas. "Mahal na hari." Bati ng isa sa mga Warlord. Ito ay nakakabighani ang kagandahan na hindi mo kakikitaan ng lakas ngunit mabibigla ka sa angkin nitong abilidad. "What do you want?" Tanong ni Liu at humigpit ang pagkakahawak nito kay Dawn na kanyang pinoprotektahan. "I want that woman." Kaagad na sabi ng magandang mandirigma. Gusto niyang kunin si Dawn para gawing laruan. "If you want her you have to kill me first." Alam nila kung gaano kalakas si Liu. Nagmistulang ginto ang buhok ng babae dahil sa labis na galit. Gusto niyang makuha si Dawn upang maging isa sa kanyang koleksyon. Siya ay sumasaya kapag nakakakita ng babaeng pahihirapan niya. Lumabas ang mga pangil ni Liu bilang pag hahanda sa anumang posibleng gawin ng babaeng iyon. Natauhan lamang si Liu ng hawakan siya ni Dawn. "Tama na. Huwag kang mag aksaya ng lakas para lamang sa walang kwentang nilalang na ito." Nag pintig ang pandinig ng babaeng mandirigma at gusto nang patayin si Dawn nang bigla na lang tanggalin ni Dawn ang kanyang kwintas. Nakakabulag ang liwanag na iyon at napapikit ang lahat. Nang ito'y mawala na ay siya namang asik ng babae na kanina pa gigil na patayin si Dawn. Halos mangatog ang kanyang mga tuhod. Nang laki ang mga mata at ang iba pang mga Warlord ay hindi makapaniwala sa kanilang nakita. Lahat sila'y nag sipag luhuran ng makita ang isa sa mga Celestial, si Dawn. Nag lakad si Dawn ng dahan-dahan. Manghang mangha ang mga kawal sa kanilang nasilayan. Sa paglalakad ng Celestial ay nagsalita ito. "Ano'ng karapatan mong kausapin ang tulad ko ng matinik mong mga salita?" "Pa-patawad kamahalan." Nanginginig sa takot ang babae. Kinuha ni Dawn ang isang mahabang latigo mula sa isang kawal at kanyang dinampian nang malakas na hampas ang babae. Ibang-ibang Dawn ang nasaksihan ni Liu sa kanyang mga mata. "Hangal." Malumanay ngunit mapanganib ang tono sa nag babagang awra ni Dawn. "Hindi ko sinabing sumagot ka!" At isa pang malakas na hampas mula sa latigo nito ang dumampi sa pisngi ng babaeng mandirigma. Napalunok ang dalawa pang kasama nitong Warlord sa pagmamalupit ng kanilang sinasamba. Daang libong taon nang mawala si Dawn sa tuktok ng mesa. The high table kung tawagin ng iba. Isa siya sa doseng Celestial, na kilala bilang taong walang puso. Galit na galit ang mga mata ni Dawn nang mabuhay muli sa kanyang dugo ang kasamaan... Itutuloy...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD