"GISING ka na pala." Sabi ng isang ginang na may dalang pag kain. Napa-upo ako at humawak sa 'king ulo. Ang sakit nito na para bang binibiyak.
"Hija hindi pa lubusang gumagaling ang sugat mo." Nang sabihin niya ito'y naramdaman ko naman ang pag kirot ng aking tagiliran. At nang tagpong iyon ay siya namang pag bagsak ng aking mga luha.
"Hija ano ang masakit sa 'yo? Sandali lamang at tatawagin ko ang mang-gagamot." Hindi ako kumibo hanggang sa ito'y makalabas. Hindi ko ininda ang sakit at kirot dahil mas masakit na ala-ala ang muli nanamang nabuhay.
"Nasaan ako?" Tanong ko nang ito'y makabalik kasama ang isang matanda na tila mang-gagamot.
"Nasa mansiyon ka ng Duke." Nilingon ko ito at doon ko lamang napagtanto ang kakaiba nilang kasuotan. Sinipat ng mapanuri kong mga mata ang bawat sulok ng silid. Malinaw sa akin na wala ako sa mundo ng mga tao.
"Duke?" Takang tanong ko.
"Duke Maynard Hamington." Sabi ng ginang.
Matapos suriin ng espesiyalista ang aking sugat ay nag reseta naman ito ng halamang gamot. Kaagad ding umalis at naiwan kami ng ginang.
"Natagpuan kita sa pusod ng kagubatan. Ano ba ang nangyare sa iyo hija?" Tanong ng ginang. Muling nanakit ang aking ulo. Ang huling naalala ko lamang ay ang pagbaon sa akin ng patalim.
"Hindi ko alam. Gaano katagal na akong natutulog?" Tanong ko.
"Mag dadalawang linggo na nang dalhin kita sa mansiyon ng Duke." Kaagad naman nitong sagot. Tumayo ako kahit na nanghihina pa ang aking mga tuhod. Isang malaking salamin naman ang bumungad sa 'king harapan kung kaya't nakita ko ang kabuohan ng aking pagkatao.
Hinawakan ko ang malaking salamin at pinakatitigan ang aking mukha. Ang mga mata ko na dati ay masaya'y napalitan na ng galit at pagkamuhi. Iisang nilalang lamang ang ibig kong makita. Iisang nilalang na sumira ng buhay ko.
"Maaari mo ba akong dalhin sa Duke?" Tanong ko sa ginang.
Yumuko naman ito at nagpakilala.
"Ako nga pala si Mirasol ang naatasan bilang maging taga-sunod mo. Maaari ko bang malaman ang iyong pangalan bago tayo pumunta kung nasaan ang Duke?" Tanong nito.
Lumingon ako sa kanya at napahinto ng matagal. Malalim ang aking iniisip. Dapat akong maging maingat.
"Hindi ko maalala."
"Ikinalulungkot ko ang pagkawala ng iyong ala-ala." Sabi ni Mirasol at yumuko. Maya-maya nama'y inihanda na niya ako sa pagkikita namin ng Duke.
Isang mahabang kasuotan na may malaking laso at eleganteng puting balabal ang aking isinuot. Marahan kaming naglalakad sa malawak na mansiyon papunta sa hardin kung nasaan ang Duke.
"Duke Maynard. Narito na po ang ating panauhin." Pagkasabi ni Mirasol ng mga salitang iyon ay malumanay itong yumuko at inalalayan akong makatapak sa hardin. Nakita ko ang Duke, printeng naka-upo sa gilid habang umiinom ng tsaa. Tumayo ito at ngumiti sa akin. Inilahad niya ang kanyang kamay upang ako'y alalayan. May mahaba itong buhok na hanggang balikat, mapupungay na mga mata na bumabagay sa makapal nitong kilay. Matangos ang kanyang ilong at manipis ang mga labi. Pantay na pantay naman ang kanyang mga ngipin na nakadagdag sa mala adonis nitong awra.
"Ikinalulungkot kong wala kang maalala." Bungad nito nang magtapat ang aming landas. Nakaupo ito sa sulok ng mesa habang ako naman ay sa kabilang dako. Inutusan naman n'ya gamit ang pag senyas ng kamay na ikuha rin ako ng maiinom.
Huminga lamang ako ng malalim at humawak sa 'king ulo. Sumasakit pa rin ito ngunit hindi na katulad kanina.
"I believe you're from a diffirent kingdom." Nakangiti nitong sabi sa 'kin. Ngumiti rin ako sa kanya at yumuko.
"Luna." Sabi nito.
"Huh?" Napaisip ako sa kanyang sinabi.
"I will call you my Luna." Ngumiti ito sa 'kin. Isang payapang ngiti. May mabuti siyang puso at nararamdaman ko iyon ngunit sa isang iglap ay nabalot muli ng galit ang aking puso dahil sa pangalang iyon. Ang pangalan na minsan na ring sinabi sa 'kin ng isang nilalang. Hindi ko ipinahalata rito ang pag kuyom ng aking palad. Sa halip ay ngumiti ako at nag-salita.
"Kay gandang pangalan Duke Maynard. Salamat sa magandang pangalan." Labag man sa 'king puso ngunit alam kong magagamit ko ang taong ito sa aking mga plano.
Marami kaming napag-usapan hanggang sa may dumating na isang lalaking naka-uniporme.
"Duke Maynard." Yumuko ito at may inabot na isang sobre na nababalutan ng gintong laso.
"An invitation." Nakangiting sabi ng Duke.
"The wedding invitation from Abalon." Hindi ko sinasadyang mabitiwan ang tasang hawak nang marinig mula rito ang lugar na iyon. Nagsimula muling kumabog ang puso ko dahil sa hindi inaasahan. Doon ko rin nakumpirma na maaaring kauri nila ang Duke at nagbabalat-kayo lamang sa umaga.
"Luna are you okay?" May pag-alala sa mga mata ng Duke.
"I'm sorry Duke Maynard." Yumuko ako at inayos ang aking sarili. Nagdali-dali naman ang ilan sa mga tao sa mansiyon upang linisin ang mga bubog na nagkalat.
Gusto kong marinig mula rito kung ano ang napapaloob ang imbitasyong iyon. Gusto kong makumpirma kung tama ba ang gumugulo sa 'king isipan.
"Vincent." Tawag ng Duke sa kanyang alagad at inabot ang imbitasyon.
"We will come." Masayang sabi nito at tumayo na upang ako'y alalayan. Napatingin naman ako sa kanyang kamay na nakalahad sa 'kin. Agad ko itong tinanggap at nagpatangay dito hanggang sa kami ay makapasok ng mansiyon.
SINUSUKLAY ni Mirasol ang aking mahabang buhok. Nakatitig lamang ako sa malaking salamin. Hindi maitatago ng magandang mukhang ito ang galit na nararamdaman ko para sa kanya. Huminga ako ng malalim nang mag-salita si Mirasol.
"Napakaganda mo sa kulay pulang damit na ito Luna." Masayang sabi nito. Ang damit na ito'y ipinasadya pa ng Duke mula sa isang sikat na patahian sa bayan ng Croset. Isang linggo mula ng matanggap namin ang imbitasyon mula sa kaharian ng Abalon.
Ngumiti ako rito at nagsalita.
"Talaga Mirasol maganda ba ako sa kasuotang ito?" Muli kong tanong.
"Hindi lang basta maganda kundi napaka ganda." Masayang sagot naman nito.
"Kung ganon, sino ang mas maganda sa amin ng Prinsesa ng Vertis? Balita ko'y napaka-ganda ng ikakasal sa Prinsipe ng Abalon." Nakangiti kong sabi. Napatigil naman ito na tila may katanungan sa kanyang mga mata.
Tumingin lamang ako ng seryoso sa kanya at naghihintay ng sagot.
"Mas kaibig-ibig ang inyong kagandahan." Yumuko ito matapos niyang sabihin ang bawat katagang iyon. Muli naman akong napatingin sa malaking salamin at napangiti, ang pekeng ngiti na akin ng nakakasanayan.
Matapos ang lahat ay nakita ko ang Duke na naghihintay sa akin sa tapat ng karwahe. Nang ako'y kanyang makita ay natulala ito hanggang sa ako'y makalapit sa kanya.
"May dumi ba ako sa aking mukha Duke?" Nahihiyang tanong ko. Kaagad din itong natauhan at napangiti.
"Napakaganda mo sa iyong kasuotan Luna." At kanyang hinalikan ang likod ng aking kamay. Ngumiti ako habang papasok sa loob ng karwahe.
"Is there something wrong?" Tanong nito nang kami ay nasa kalagitnaan na ng aming paglalakbay. Hindi ko namalayang kanina pa pala ako nakatulala kaya't muli akong ngumiti rito at nag dahilan na lamang.
"Kinakabahan kasi ako." Pag-kukunyari ko. Doon naman ay tumabi sa 'kin ang Duke at may inilabas itong kuwintas. Ang kuwintas na may diyamante na kulay pula at agad niya itong isinuot sa akin.
"Wear this necklace. Isipin mo na lang na ito ang proteksyon mo para mawala ang iyong kaba." Hindi man niya aminin ay alam ko ng isinuot niya sa akin ito upang maitago ang katauhan ko. Sino nga bang tao ang maglalakas loob na tumapak sa teritoryo nila? Muli akong napangiti hindi dahil sa natutuwa ako kundi dahil sa pagkamuhi.
Dumating na ang tamang oras. Ang kalangitan ay biglang kumulimlim nang kami ay bumaba ng karwahe. Ilan sa mga kawal ng Abalon ang umalalay sa amin papunta kung saan gaganapin ang seremonya.
Ito ang araw ng pag-iisang dibdib ng dalawang mag-kauri. Dalawang nilalang na siyang sumira ng buhay ko.
Naupo kami sa harapan malapit sa altar. Tumunog ang kampana at nagsimulang tumunog ang musika. Marami ang nag-tipon tipon sa pagdadalawang dibdib na gaganapin ngayong araw. Lumingon ako nang makita ang babaeng bakatabon ang mukha habang naglalakad sa gitna. Pinilit kong pakalmahin ang sarili hanggang sa ito'y makatapak sa harapan.
"Bakit wala pa ang prinsipe?" Narinig kong bulong-bulungan ng ilan.
"Hindi dapat naunang dumating ang prinsesa. Kabastusan ito sa monarkiya." Dinig ko namang sagot ng isa.
Katahimikan ang bumalot sa buong lugar kung saan gaganapin ang kasal nang may dumating. Doon kumabog nang husto ang aking dibdib. Alam kong makikita niya ako ngayon dahil malapit ako sa altar.
Muli ko nanamang nasilayan ang kanyang buhok na kulay abo. Mga mapupulang mata na walang kabuhay-buhay. Tila ba hindi nasisiyahan sa nangyayari. Ni hindi mo ito kakikitaan ng ngiti at pormal lang na naglalakad sa gitna habang naghihintay ang magiging kabiyak.
Nang ito'y papalapit na hanggang sa ako'y kanyang malagpasan ay tila ba may kuryenteng dumaloy sa buo kong pagkatao. Nagulat din ako sa bigla nitong pag hinto at maya-maya lamang ay nilingon niya ang direksyon kung nasaan ako.
Huminga ako nang malalim. Bakas sa kanyang mga mata ang panandaliang pagkagulat ngunit agad din iyong nawala.
Ngumiti ako sa kanya. Isang ngiti na alam kong hinding-hindi niya makakalimutan.
"Kamusta ka, mahal ko?" Mga salitang kumawala sa 'king mga labi na alam kong siya lamang ang makakarinig. Pagkatapos no'n ay hinawakan ko ang kamay ng Duke na aking katabi at hinalikan ang likod nito.
Bumalik naman ang mga mata ko sa kanya at nasayahan akong makita ang pag igting ng panga nito na tila ba lalabas na ang kanyang matutulis na pangil.