“ARE YOU OKAY?”
Mula sa pagkakapangalumbaba sa gilid ng mesa ay tumuwid si Sakura sa kaniyang pagkakaupo at bago sagutin ang tanong sa kaniya ni Marya, nagpakawala siya nang malalim na paghinga.
Inilapag naman ni Marya sa tapat niya ang isang tasa ng black coffee na in-order niya ’tsaka ito umupo sa silyang nasa kaibayo ng kaniyang puwesto. “Is there a problem?” Kunot ang noo na muling tanong nito.
Malamlam na tingin naman ang ipinukol niya sa kaibigan. “I... I don’t know,” kibit-balikat na sabi niya ’tsaka dinampot ang tasa ng kaniyang kape at hinipan iyon bago siya sumimsim.
May dalawang oras na simula nang umalis siya sa condo unit ni Sebas at umuwi siya sa kaniyang bahay para maligo at magbihis ng damit, pagkatapos ay nagtungo na rin siya sa Albatross Café na pag-aari ni Marya dahil may usapan sila na magkikita sila sa araw na iyon. Kaninang umaga pa sana ang meet up nila, pero tinanghali na siya ng dating sa coffee shop na iyon dahil nga sa nangyari sa kanila ni Sebas kagabi at kaninang umaga pagkagising niya. Ngunit hanggang ngayon ay hindi pa rin mawala-wala sa isipan niya ang naging pagtatalo nila ng binata kanina. Naglalaro pa rin sa kaniyang isipan ang mga sinabi ni Sebas sa kaniya at aminado siyang naroon pa rin sa puso niya ang kirot, kagaya sa kirot na nararamdaman niya sa pagitan ng kaniyang mga hita. Oh, damn! Until now, she still can’t believe that something happened between her and Sebas last night; na naisuko na niya sa binata ang pinakaiingatang puri niya. Pero gaya kagabi nang magpaubaya siya kay Sebas, wala siyang makapang pagsisisi sa puso niya dahil sa naging desisyon niya. Pero hindi niya pa rin matimbang kung alin sa kaligayahan at lungkot ang labis niyang nararamdaman sa mga sandaling ito. She’s happy but yet she felt sad.
“Hey, if you have a problem, you know I’m always here to listen.” Anang Marya nang mapatulala na siya.
Muli siyang nagpakawala nang banayad na paghinga. “Marya,” aniya. Oh, God! Ano ba ang gagawin niya ngayon? Sasabihin ba niya rito ang nangyari sa kanila ni Sebas, para lang gumaan ang pakiramdam niya? Well, Marya has been her best friend simula nang maikasal ito sa best friend niyang si Judas. Isa na si Marya sa mga taong pinagkakatiwalaan niya sa mga sikreto niya at napapagsabihan niya kapag may problema siyang iniinda.
“Yeah? Spell it, amiga. Maybe I can help.” Anito.
“It’s... it’s about Sebas and I.”
May maliit na ngiting sumilay sa gilid ng mga labi nito dahil sa sinabi niya. Oh, alam na niya kung ano ang ibig sabihin ng ngiting iyon. Manunukso na naman ito sa kaniya. Simula no’ng araw na magkasama sila sa Isla Ildefonso at nalaman nitong crush nga niya si Sebas, lagi na siya nitong tinutukso lalo na kapag nariyan ang bayaw nito.
“Oh, please Marya, do not smile at me like that.” Tila naiiritang saad niya at pinaikot pa niya ang kaniyang mga mata.
Bahagya namang humagikhik ang huli. “E, alam mo naman kapag nakarinig ako ng chismis about you and your labidabs, automatic napapangiti ako.” Anito.
Napaismid lamang siya.
“So, what about you and your Ai?” tanong pa nito.
Muli siyang napahigop sa kaniyang kape pagkatapos ay lihim na napabuntong-hininga ulit. “Some... something happened between us last night.” Aniya habang seryoso siyang nakatitig sa mukha nito.
Saglit na nagsalubong ang mga kilay nito pagkuwa’y nanlaki rin naman ang mga mata pagkarinig sa sinabi niya. “What?” Napalakas pa ang boses nito na siyang naging dahilan upang mapatingin sa direksyon nila ang ibang customer na naroon sa coffee shop.
“Hey, just lower your voice.” Saway niya rito matapos ilibot ang paningin sa paligid.
“I’m sorry,” sabi nito at napatikom ng bibig, ngunit may malawak pa ring ngiti sa mga labi nito. Mayamaya ay dumukwang ito palapit sa kaniya. “You mean, you... you slept together?” bulong na tanong nito sa kaniya.
Kagat ang pang-ilalim na labi ay nagbaba siya ng tingin kasabay niyon ang pagtango niya bilang sagot sa katanungan nito.
“Oh. My. God!” Sambit nito. “Really? What happened? I mean, what... how did it happened?”
“Last night, he was at Judas’ bar. Tapos tinawagan ako ng asawa mo para sunduin siya roon kasi lasing na raw siya. And...” saglit siyang huminto sa pagsasalita habang nilalaro-laro ng daliri niya ang rim ng kaniyang tasa.
“And?”
“Inihatid ko siya sa condo niya. He was so drunk. And before I leave his condo, I decided na punasan at bihisan muna siya para kahit papaano ay maging presko ang pakiramdam niya. But... I mean, suddenly an idea appeared in my mind. I... I just wanted one kiss, Marya. Para lang matupad ko ang isang pangarap ko dati pa man. Para lang ma-experience ko ang mahalikan ng lalaking mahal ko. But, bigla na lang siyang nagising tapos...” muli siyang huminto sa pagsasalita. “Then he kissed me again and he said he wants me. Hindi na rin ako nakapag-isip ng maayos dahil... nag-iba na ang pakiramdam ko. Nilamon na ng kakaibang init at pakiramdam ang buong katawan ko. God, the way he kissed me, nakakawala sa katinuan, Marya, I promise.” Pagkasabi niya niyon ay muli siyang napabuntong-hininga nang malalim at pabagsak na napasandal sa kaniyang puwesto. Muli na namang naglaro sa isipan niya ang mainit na tagpong nangyari sa kanila ni Sebas kagabi.
“Oh, I’m so happy for you, Sakura,” nakangiting sabi ni Marya. “I mean... mas importante pa rin ang kasal muna bago ang kama, pero, in your situation, I know how much you love Sebas kaya naiintindihan kita.” Anito. “Pero, ano ang problema bakit mukha kang malungkot ngayon? I mean, you should be happy right now, right?”
“Sana,” sabi niya at muling tinapunan ng tingin si Marya. “Pero nagkasagutan kami kaninang umaga nang magising din siya at nakita niya akong nasa kusina ng condo niya.”
Biglang nagsalubong ang mga kilay ni Marya. “What? Why?”
You know that I don’t want anything to happen between the two of us, right?
I was drunk, Sakura, for Christ’s sake!
This is probably your plan, am I right?
Ikinuwento naman niya kay Marya ang naging sagutan nila ni Sebas kaninang umaga.
“Oh, God! Sira ulo talaga ang Sebas na ’yon!” Anang Marya at napailing pa kasabay nang pagpapakawala nito nang malalim na paghinga. Tila hindi makapaniwala dahil sa mga sinabi niya. “Nako, kung sa akin ginawa ’yon ni Judas noon, hindi lang sampal ang ibibigay ko sa kaniya. Napakababaero talaga ng lalaking ’yon.”
“ALONE?”
Napalingon si Sebas sa kaniyang tabi nang may babaeng umupo sa high chair na naroon. Maputi, straight at blonde ang naka-ponytale nitong buhok. She’s wearing red and fitted dress kaya bakat na bakat ang magandang kurba ng katawan nito. Makapal din ang make up nito sa mukha.
Ngumiti siya sa babae kasabay niyon ang pagkilos niya sa kaniyang puwesto upang humarap dito. Ipinatong niya sa bar counter ang isa niyang braso.
“Hi!” Bati niya sa babae.
Bigla rin namang sumilay ang matamis na ngiti sa mga labi ng babae. “Hi.”
“What’s your name?” Tanong niya.
“Kissa.” Tipid na sagot nito.
“Wow! Hot name, just like you.” Ano pa nga ba ang technique ng mga kagaya niyang babaero? E ’di makipagbolahan sa babae para makuha agad ito. “I’m Sebastien, baby for short.” Pagpapakilala niya nang ilahad niya rito ang kaniyang kamay.
Tinanggap naman iyon ng babae habang may mapang-akit na ngiti sa mga labi nito.
“Nice meeting you, girlfriend.”
“My pleasure!” Anito at sinuyod siya ng tingin mula sa kaniyang mukha pababa sa kaniyang mga hita. Kinagat pa nito ang pang-ilalim na labi nang muling magtama ang kanilang mga paningin.
Oh, damn she so hot! Sa isip-isip niya nang pasadahan din niya ng tingin ang katawan nito. Nakaupo man ito kagaya niya, pero sigurado siyang mas magandang tingnan ang katawan nito kung nakatayo. Sobrang kinis ng mga hita nitong mahaba at bilogan. And her butt, wow!
“What do you want to drink?” tanong niya rito mayamaya.
“Tequila sunrise is fine.” Anito.
Kaagad naman siyang sumenyas sa bartender ni Judas. “One tequila sunrise, please.”
“Right away, Señorito Sebas.” Anang lalaki at kaagad na tumalima.
“Lagi kitang nakikita rito, are you friend of Judas?” Tanong ng babae sa kaniya.
“He’s my cousin actually,” aniya.
“Really?”
“Do you wanna go somewhere else after this? In my condo, for example!” Sa halip ay saad niya at dahan-dahang gumapang ang kamay niyang nasa ibabaw ng counter, hanggang sa mahawakan niya ang kamay ng babae na nasa ibabaw rin ng counter.
Hindi naman umangal ang babae nang hawakan niya ito, sa halip nga ay ito pa ang nakipag-holding hands sa kaniya.
“How about in my place?”
Mas lalong lumapad ang ngiti sa mga labi niya dahil sa sinabi nito. “I like that.”
“Who is this guy?”
Napalingon sila ng babae sa lalaking nagsalita sa harapan nila na hindi nila napansing nakalapit na pala sa kanilang puwesto.
Bigla namang nagulat ang babae nang makita nito ang galit na hitsura ng lalaki. “B-babe?” Usal nito.
Napatingin si Sebas sa babae. “Babe? Is he your toy?” takang tanong niya.
“I’m not her toy. I’m her boyfriend.”
Pagkasabi niyon ng lalaki ay bigla siya nitong sinuntok sa kaniyang mukha na siyang naging dahilan upang mahulog siya sa kaniyang kinauupuan.
Naagaw agad ang pansin ng mga taong naroon at nagkakasiyahan.
“Oh, my God! Babe, no! Please!” Sigaw ng babae nang yumuko ang lalaki at hinawakan sa kwelyo si Sebas at sapilitang itinayo.
“You are flirting with my woman!” Galit na saad nito at walang kahirap-hirap na itinapon siya sa mesang naroon sa gilid.
Nagkagulo na ang mga taong naroon.
“Oh, s**t!” Tanging nausal niya nang tumilapon siya sa gilid ng pader. Nahulog pa sa kaniya ang mga bubog ng nabasag na baso at bote. “I thought she’s single.” Saad pa niya.
Akma na sanang lalapit ulit ang lalaki sa kaniya para sundan agad ang pagbalibag nito sa kaniya, pero mabuti na lamang at biglang nagdatingan ang mga bouncer at security guard ni Judas at napigilan agad ng mga ito ang lalaking nanuntok sa kaniya.
Nagmamadali rin namang lumapit si Judas sa nanggugulong lalaki. “Ilabas ’yan!” Mariing utos nito sa mga tauhan nito pagkuwa’y nagmamadaling dinaluhan ang pinsan na ngayon ay nakahiga pa rin sa sahig; sa gilid ng pader. “Hey, are you okay?” tanong nito at inilahad ang kamay sa kaniya upang tulungan siyang makatayo.
“I think, my back is broke.” Saad niya.
Natawa naman ng pagak si Judas dahil sa sinabi niya. Napailing pa ito. “Bakit kasi kung sinu-sino na lang ang nilalapitan mo? Nabugbog ka tuloy.”
“Hindi ako ang lumapit sa kaniya, she approached me,” sabi niya nang makatayo na siya. Pinagpagan pa niya ang kaniyang damit at pantalon. “At alam mo naman tayong mga gentleman Ildefonso, hindi tayo nangtataboy ng chikababe.”
“Ikaw na lang ’yon... tapos na ako sa level na ’yan.” Tumatawang saad pa ni Judas at malakas na tinapik ang kaniyang likod na nasaktan kanina nang ibalibag siya ng lalaki sa mesa.
“f**k, that’s hurt bro.” Tiim-bagang na reklamo niya.
“Let’s go to my office para magamot ’yang pumutok na labi mo.”
Kaagad naman niyang kinapa ang gilid ng kaniyang labi, roon lamang niya napagtanto na pumutok nga ang gilid niyon.
“f**k!” Nausal niya ’tsaka napasunod na lamang sa kaniyang pinsan.