PAROO’T parito ang lakad ni Sakura habang nasa kusina siya ng condo ni Sebas. Hindi niya alam kung ilang minuto na simula nang lumabas siya sa silid ng binata at halos malibot na niya ang buong sala at kusina kakalakad niya ngunit hindi pa rin siya mapakali at ang kaniyang puso ay malakas pa rin ang pagkabog. Nababahala siya kung ano ang mangyayari mamaya kapag nagising na si Sebas at makita siyang naroon sa condo nito. Hindi lamang iisang beses na sumagi sa isipan niya na umalis na lamang siya roon at huwag ng hintayin na magising si Sebas, but she wants to talk to him about what happened to them last night.
Muli siyang nagbuntong-hininga at sumandal sa lababo habang tina-top ng mga daliri niya ang gilid niyon.
“Ugh, bahala na nga! Gusto ko siyang kausapin mamaya kaya hihintayin ko na lamang siyang magising.” Aniya sa sarili at muling humugot nang malalim na paghinga at pinakawalan muli iyon sa ere. Mayamaya, nang mahagip ng kaniyang paningin ang tinapay na nasa ibabaw ng kitchen counter, biglang pumasok sa kaniyang isipan ang isang ideya. “Ipagluluto ko na lang siya ng almusa,” aniya at ngumiti.
Bago umpisahan ang pagluluto, saglit niyang ipinusod ang kaniyang buhok. Inayos niya rin ang damit na suot niya. She’s wearing Sebas round neck t-shirt na halos hanggang sa kalahati ng kaniyang mga hita ang haba. Magbibihis sana siya kanina, kaso nakita naman niyang warak pala ang kaniyang blouse. Sinira pala iyon ni Sebas kagabi, kaya nagpasiya na lamang siyang kumuha ng damit nito sa closet.
Naghalungkat siya ng pagkain sa refrigerator ’tsaka inumpisahan ang pagluluto. It’s one of her favorite, ang magluto. Iyon ang namana niya sa kaniyang mama. Kahit naman kasi lumaki siyang marangyang buhay ang kinamulatan niya at maraming kasambahay ang nakapalibot sa kaniya ay marunong naman siyang gumawa ng mga gawaing bahay, lalo pa at pagtuntong niya noon ng twenty years old ay bumukod na siya sa magulang niya. Wala na siyang kasamang kasambahay kaya kailangan niyang matutunan kung paano ang maging independent.
Nakatuon ang kaniyang buong atensyon sa pagluluto nang makarinig siya ng boses mula sa kaniyang likuran.
“s**t!”
Bigla siyang napalingon at doon ay nakita niya si Sebas na nakatayo sa gitna ng pintuan habang magkasalubong ang mga kilay at seryosong nakatingin sa kaniyang direksyon.
“What are you doing here?” nagtatakang tanong nito.
“Um,” kagaya kanina, muling kumabog nang malakas ang kaniyang dibdib lalo pa at nakikita niya kung gaano kaseryoso ang mukha ng binata ngayon. Damn! As she expected. Oh, it seems she suddenly rans out of words to say at hindi agad siya nakasagot sa tanong nito.
For a few seconds, she was just staring at him, lalo na sa katawan nito. He was half naked, nakasuot lamang ito ng black boxers kaya kitang-kita niya ang maganda nitong katawan and his... big friend that bulging inside his boxer. Damn it, umagang-umaga nagkakasala na ang kaniyang isipan habang pinagmamasdan niya iyon. Hindi niya tuloy mapigilan ang sarili na mapalunok at muling naglaro sa kaniyang isipan ang mainit na tagpong pinagsaluhan nila sa nagdaang gabi.
“I said what are you doing here, Sakura?”
Sebas’ angry voice brought her back to her trance.
“And why are you wearing my shirt?” nag-umpisa itong maglakad papasok sa kusina.
Nataranta naman siya. Mabilis siyang nag-iwas ng tingin dito. “Uh, um, s-sorry,” aniya. “I... I’m just making your breakfast.”
Oh, seriously Sakura? Maniniwala ba si Sebas sa mga sinabi mo? Na kaya ka narito sa condo niya ay dahil nagluluto ka lang ng almusal niya? Sa hitsura mo ngayon? What an excuses!
Malinga-lingang batukan niya ang kaniyang sarili dahil sa mga sinabi niya sa binata.
Huminto si Sebas ilang hakbang mula sa kaniya. Pinakatitigan siya nito habang hindi pa rin siya makatingin ng diretso sa mga mata nito. Mas lalong nangunot ang noo ng binata nang suyurin nito ng tingin ang kabuuan niya.
“Tell me, did something happen to us last night?” tanong nito.
Muling napalunok ng laway niya si Sakura bago siya nag-angat ng mukha at tinapunan ulit ng tingin ang binata. “Um,” tumikhim pa siya upang tanggalin ang bolang nakabara sa lalamunan niya. Holy lordy! Nanglalambot ang kaniyang mga tuhod dahil sa klase ng titig ni Sebas sa kaniya ngayon. Dahil sa napakaseryoso nitong titig sa kaniya. “W-wala ka bang maalala sa... sa nangyari sa atin kagabi?” sa halip ay balik na tanong niya rito.
Mas lalong nagsalubong ang mga kilay ni Sebas dahil sa tanong niya. “You mean, something happened to us last night? Here in my condo? In my room?” sunod-sunod at hindi makapaniwalang tanong nito sa kaniya.
Bahagya siyang nagbaba ng mukha at pagkuwa’y tumango bilang tugon sa tanong nito.
“f**k!” Ang tanging nanulas sa bibig ni Sebas pagkatapos ay bumuntong-hininga ito nang malalim at wala sa sariling naglakad palapit sa refrigerator upang kumuha ng malamig na tubig. Pakiramdam ng binata biglang nanuyo ang lalamunan nito dahil sa nalaman ngayon. Nagmamadali nitong kinuha ang pitcher na naroon at tinanggal ang takip. Doon na ito mismo uminom at hindi na nag-abalang kumuha ng baso. Halos matapon pa sa katawan nito ang laman niyon. Mayamaya ay muli nitong tinapunan ng seryosong tingin si Sakura na nakatingin na sa direksyon nito. “What happened? Bakit may nangyari sa atin kagabi? What did you do?”
Bahagya naman siyang napamaang at pagkatapos ay nagsalubong ang kaniyang mga kilay dahil sa naging tanong ng binata. What did she do? Bakit parang pakiramdam niya isinisi nitong bigla sa kaniya kung bakit may nangyari sa kanila kagabi? Oh, alright! At some point, may kasalanan din naman siya. Siya itong nasa matinong kaisipan kagabi samantalang lasing ito, pero hinayaan niyang may mangyari sa kanila. Pero may kasalanan din naman ito, a! Dahil kung hindi siya nito hinagkan ulit at sinabi nitong I want you ay hindi naman siya magpapatangay rito. Hindi niya hahayaan na may mangyari sa kanilang dalawa kahit pa iyon talaga ang gusto niya. Isang halik lamang ang intensyon niyang mangyari sa kanila kagabi. She just wants to grant her wish that she has wanted to happen for a long time.
“You know that I don’t want anything to happen between the two of us, right?”
Oh, damn it! Parang feeling niya biglang binato nito ng kutsilyo ang dibdib niya at bumaon iyon sa puso niya. Ang sakit naman n’on! Talaga bang ganoon katindi ang pag-ayaw ni Sebas sa kaniya para magbitaw ito ng mga ganoong salita sa kaniya?
“But... h-hindi ko naman intensyon na mangyari ang nangyari sa atin kagabi. I-ikaw ang nag—”
“I was drunk, Sakura, for Christ’s sake!” Galit na sabi nito kaya bigla siyang napahinto sa pagsasalita niya.
Kitang-kita niya kung paano umigting ang bagang nito at padaskol na inilapag sa kitchen counter ang hawak nitong glass pitcher.
“Ikaw ang nasa matinong kaisipan bakit hindi mo ako pinigilan na gawin ’yon sa ’yo?” Galit pa ring tanong nito sa kaniya. “Oh, yeah! This is probably your plan, am I right? Because—”
“Of course not.” Mariing sabi niya rito dahilan upang maputol ang iba pa nitong nais sabihin sa kaniya.
“Really?”
“I also did not expect what happened last night, Sebas,” aniya. “I mean, yes, I admit I kissed you. But that’s all. I only wanted one kiss to happen to us last night but,” sabi niya at napahinto sa pagsasalita. Mabilis na kinagat niya ang pang-ilalim niyang labi nang bigla niyang maramdaman ang pag-iinit sa sulok ng kaniyang mga mata. Walang-hiya! Iiyak pa ata siya ngayon sa harapan ng nakakainis na lalaking ito! And her heart, it’s pounding too fast right now. “H-hindi ko rin lang napigilan ang sarili ko.” Dagdag niya at saka bahagyang nag-iwas ng tingin dito.
Muling nagpakawala nang malalim na paghinga si Sebas ’tsaka inis na ginulo nito ang buhok nang mapatingala ito sa kisame. Mayamaya ay napailing ito nang muling tapunan ng tingin ang dalaga.
“Damn it!” Anito at tinalikuran ang dalaga at muli itong pumasok sa silid nito.
Humugot din nang malalim na paghinga si Sakura at saglit iyong inipon sa kaniyang dibdib bago niya iyon pinakawalan sa ere. Mabuti na lamang at hindi sumabay roon ang kaniyang mga luha.
“Kuso ~tsu!” Mayamaya ay nausal niya nang maamoy niyang nasusunog na pala ang bacon na niluluton niya. Nang lingunin niya ang kalan at frying pan, umuusok na iyon. Dahil sa pagkataranta niya, nang hawakan niya ang handle niyon ay dumikit din ang daliri niya sa gilid n’on kaya napaso siya at nabitawan niya iyon. “Oh, s**t! Ang tanga mo naman, Sakura!” Panenermon niya sa kaniyang sarili at dali-daling kinuha ang oven gloves at isinuot iyon. Kinuha niya ulit sa kalan ang frying pan ’tsaka dinala iyon sa lababo. Binuksan niya ang gripo at hinugasan na rin ang daliri niyang napaso. “s**t naman! Ouch, ang sakit!” Kagat ang pang-ibabang labi na daing niya habang masuyong hinahaplos ang namumula niyang daliri.
SAKTONG PAGKALABAS ni Sebas mula sa kaniyang banyo ay ’tsaka naman pumasok sa kaniyang silid si Sakura. Pareho pa silang natigilan nang magtama ang kanilang mga mata. Pero ilang segundo lang ay kaagad ding nag-iwas ng tingin sa kaniya si Sakura.
“Um, k-kukunin ko lang ang d-damit ko.” Anito habang nakayuko at hindi makatingin sa kaniya. Naglakad ito palapit sa kaniyang kama at dinampot doon ang mga saplot nito pagkatapos ay walang salita na muling lumabas sa kaniyang silid.
Tiim-bagang na nagpakawala siya nang malalim na paghinga habang nakatingin siya sa pintuan ng kaniyang silid. Mayamaya ay naglakad na siya papunta sa kaniyang closet at kumuha roon ng damit na isusuot niya. Damn, male-late pa siya sa trabaho niya dahil sa mga nangyari.
Pagkatapos niyang magbihis, inayos niya ang kaniyang higaan. Pero ganoon na lamang ang pangungunot ng kaniyang noo nang may mapansin siya roong blood stain.
“Holy s**t!” Wala sa sariling nasambit niya at naiinis na binitawan ang comforter na hawak niya. Napahilamos pa siya sa kaniyang mukha at muling napabuga nang malalim na paghinga. “f**k, Sebas! What did you do? What went through your mind and you let something happen to you and Sakura last night?” Galit na panenermon niya sa kaniyang sarili nang magparoo’t parito siya ng lakad sa gilid ng kaniyang kama at pagkuwa’y sinipa ang single couch na nasa tabi ng kaniyang bedside table. Pabagsak siyang umupo roon pagkatapos at iritadong ginulo ang kaniyang buhok na katatapos niya lamang ayusin kanina. “She is still a virgin?” Hindi niya tuloy malaman kung ano ang dapat niyang maramdaman sa mga sandaling iyon. Siya ang nakauna kay Sakura? Damn!
Ilang beses na niyang tinanggihan ang mga confessions ng dalaga sa kaniya simula pa man, at ilang beses na rin niyang sinasabi rito na kahit ito na lamang ang natitirang babae sa mundo ay hindi niya ito papatulan, pero ano ang nangyari sa kaniya? Dahil sa alak, nawala na siya sa katinuan niya. Hindi niya napanindigan ang mga salita niya kay Sakura.
“f**k!” Muli siyang napamura nang mariin.