CHAPTER 7

2856 Words
“GOOD MORNING!” Bati ni Sebas sa kaniyang kapatid na si Gawen nang pagkapasok niya sa dining area ay nadatnan niya ito roon na nasa hapag na. May hawak-hawak pa itong news paper. “Morning!” Tipid na bati rin nito sa kaniya pero hindi manlang nag-abalang tapunan siya ng tingin. Nang makalapit siya sa mahabang mesa ay umupo siya sa isang silya na nasa tabi ng kabisera. Sumenyas naman siya sa isang kasambahay nila na naroon at nakatayo sa gilid. “Manang, ipagtimpla mo nga ako ng kape, please. Thank you!” “Sige po, señorito!” Anang babae ’tsaka ito tumalima at pumasok sa kusina. “How was your work?” tanong niya sa kaniyang kapatid nang tapunan niya ito ulit ng tingin. Saglit na itiniklop ni Gawen ang hawak na news paper ’tsaka dinampot ang tasa ng kape at humigop ito roon bago siya tiningnan. Bigla ring nagsalubong ang mga kilay nito nang makita ang pasa at sugat sa gilid ng kaniyang labi. “What happened to you?” Tanong nito. Bumuntong-hininga siya. “Nothing.” “Nothing?” Ulit na tanong ng nakatatanda niyang kapatid. “Nakipagbasag ulo ka na naman ba?” Bigla naman siyang natawa ng pagak. “Na naman? What kind of question is that, bro? Ano ang akala mo sa akin, basagulero? Of course not—” “Kitang-kita ang pasa at sugat sa mukha mo pero nagde-deny ka pa.” Seryosong saad nito at nagsimulang maglagay ng pagkain sa plato nito. “Kapag makita ni mama ang hitsura mong ganiyan, sigurado akong tatalakan ka na naman niya.” “Hindi ako nakipag-away. Ako ang inaway—” “Because of your flings!” Muling pinutol ni Gawen ang kaniyang pagsasalita. “I know you well, Ezio. When will you change? How many times have mama and papa talked to you about that matter, but until now—” “Please, Gawen, don’t preach to me about that now. I’m done being preached to by mom the other day.” Aniya. Dumating naman ang kasambahay na inutusan niyang ipagtimpla siya ng kape. Nang mailapag nito sa tapat niya ang tasa ay kaagad niya iyong dinampot at hinipan iyon bago siya humigop doon. “And what do you want me to do? Condone what you are doing?” Tinapunan pa nito ng seryosong tingin ang kapatid. “Hindi ka pa rin ba nagsasawa sa mga babae mo?” tanong nitong muli. Nang tapunan niya ulit ng tingin ang kaniyang kapatid, nakita niyang seryoso itong nakatitig sa kaniya. Malinga-lingang sabihin niya tuloy rito na kaya ito nagsasalita ng ganoon sa kaniya ay dahil hindi pa naman nito nararanasan ang magkaroon ng girlfriend. Hindi ito maka-relate sa kaniya at sa pambababae niya dahil masiyado itong pihikan pagdating sa babae kaya hanggang ngayon ay hindi pa rin nagkakaroon ng nobya. “You’re not getting any younger, Ezio. Kaya sana, maging seryoso ka na sa buhay mo. Kung ayaw mo pang pagbigyan sina mama at papa na mag-asawa ka na, mag-focus ka na lang sa trabaho mo. Huwag puro babae ang inaatupag mo.” Lihim na lamang siyang napabuntong-hiningang muli dahil sa mga sinabi ng kaniyang kuya. Kahit kailan talaga ay hindi siya mananalo rito. Nagmana talaga ito sa mama nila, hindi nagpapatalo kapag may gusto itong sabihin sa kaniya o sa iba nilang kapatid. Palibhasa’y nakatatandang kapatid niya ito kaya hindi niya magawang sumagot-sagot dito ng pabalang. “Don’t worry bro, darating din ako riyan!” Sabi na lamang niya at nagsimula ng kumain. Napailing na lamang si Gawen dahil sa mga sinabi niya. “How about you? How was your work in City Hall? Tatakbo ka ba ulit bilang Mayor sa susunod na eleksyon?” mayamaya ay pag-iiba niya ng kanilang usapan. “I’m still thinking about it.” “Bakit hindi mo na lang tapusin ang last term mo? I mean, isang eleksyon na lang naman ’yon. I’m still here to support you and your campaign. I mean, we, still here to support your candidacy.” “Mag-re-resign na si papa sa trabaho niya next year, wala namang ibang hahawak sa kumpanya dahil hanggang ngayon ay wala pa ring plano na bumalik dito si Pablo. And I’m sure hindi pa rin sila magkaayos ng papa kaya hindi ko na aasahan na tatanggapin niya ang pamamahala sa kumpanya.” “How about Goran?” tanong niya na ang kaniyang tinutukoy ay ang nakababata nilang kapatid na kakambal ni Uran. “He’s still in Germany. We haven’t talked yet. But knowing him, alam mo naman na mas gusto pa ng isang ’yan na naroon siya malapit sa fiancée niya.” Napatango-tango na lamang siya at hindi na umimik at itinuon na ang kaniyang atensyon sa pagkain. Pagkatapos ay nagpaalam na rin siya sa kaniyang kapatid. Kailangan niyang maagang pumasok sa kaniyang trabaho dahil may meeting siya mamaya kasama ang dalawa niyang pinsan, sina Octavio at Esrael. “WALA KA BANG pasok sa trabaho mo?” Mula sa pagkakatayo sa gilid ng swimming pool ay nilingon ni Sakura ang kaniyang ina nang marinig niya ang boses nito. Naglalakad na ito palapit sa lounge chair at doon pumuwesto. Nagpakawala naman siya nang malalim na paghinga ’tsaka muling itinapon ang paningin niya sa dulo ng swimming pool. It was sunday morning at mamayang hapon pa naman ang pasok niya sa trabaho kaya umuwi na muna siya sa kanila para kahit papaano ay makapag-relax siya ng ilang oras lang. It’s been two days simula nang may mangyari sa kanila ni Sebas. At simula no’ng umagang magkasagutan sila, hindi pa ulit sila nagkikita at nagkakausap, bagay na labis na nakakapagpalungkot sa kaniya. “Are you okay, hija?” Muli niyang narinig ang tanong ng kaniyang ina. Laglag ang mga balikat ay naglakad na rin siya palapit sa isang lounge chair at umupo siya roon. “Okay lang po ako, ma.” Aniya. Mataman naman siyang tinitigan ng kaniyang ina. Tila binabasa nito kung ano ang iniisip niya sa mga sandaling iyon. “Is there a problem, Sakura?” When her mom called her name, napatingin siya rito. Pinilit niyang ngumiti. “Okay lang po ako, ma. Wala po akong problema. I mean, medyo napagod lang po ako sa trabaho ko kahapon. Ang dami po kasing pinagawa sa akin na trabaho si papa.” Pagdadahilan na lamang niya rito. Nagtatrabaho siya sa kumpanya ng papa niya. Ayon sa kaniyang ama, training na raw niya iyon para kapag dumating ang araw na magretiro na ito sa trabaho ay marunong na siyang mamahala ng negosyo nila. Wala naman ibang puwedeng pumalit sa pwesto nito bilang CEO ng Yamanagi Shipping Lines kun’di siya lamang dahil iba naman ang interest ng kaniyang ate, at ang nakababata niyang kapatid ay hindi pa tapos sa pag-aaral ng koliheyo. “Why didn’t you ask your papa for a brief vacation? After all, you’ve been working for the company for a year and you never had an off.” “Ma, alam mo naman po si papa, wala sa dictionary niya ang day-off. Sasabihin na naman niya sa akin na imbes kikita ako ng salapi sa isang araw, magbabakasyon tuloy ako.” Aniya sa ina bago humiga sa lounge chair. Kilalang-kilala niya ang ugali ng kaniyang ama. Simula no’ng magkaisip na siya at magkaroon na ng kaalaman tungkol sa mga bagay-bagay sa paligid niya, mabibilang lamang sa mga daliri niya sa kamay kung ilang beses pa lamang itong nagbakasyon. At kahit naroon sila sa bakasyon, lagi pa rin nitong kasama ang trabaho. “I’ll talk to him.” Anang kaniyang ina. “Huwag na po, ma. Kaya ko naman po. Siguro napagod lang po ako masiyado kahapon dahil marami din kaming inasikaso ni Marya no’ng isang araw kaya hindi ako nakapagpahinga nang maayos.” Pagdadahilan niyang muli. Narinig naman niyang nagpakawala ng buntong-hininga ang kaniyang ina. “Alright. Basta huwag mong pababayaan ang sarili mo. Huwag kang magpapakapagod at baka magkasakit ka pa niyan.” Anito. “And by the way, nagkita kami ng Tita Cattleya mo kahapon. It’s her birthday next week.” Mula sa pagkakatitig sa kulay asul na kalangitan ay nilingon niya ang kaniyang ina nang marinig niya ang pangalan ng mama ni Sebas. Oh, she almost forgot. Oo nga at birthday na ng ginang sa susunod na linggo. Taon-taon ay invited sila sa party na laging idinadaos sa malawak na garden ng mansion ng mga Ildefonso sa Bulacan. “You should be there too. Hindi puwedeng wala ka dahil sigurado akong magtatampo ang tita mo.” “Um,” bahagya siyang napatikhim upang tanggalin ang bolang biglang bumara sa lalamunan niya. Oh, God! Pupunta ba siya roon? E, malamang na magkikita sila ni Sebas sa araw na ’yon! Ano na lamang ang gagawin niya? Sigurado siyang hanggang ngayon ay galit pa rin sa kaniya ang binata. Paano naman niya ito pakikiharapan o kakausapin kung galit ito sa kaniya? Sigurado rin siyang magtataka ang mga pamilya at kaibigan nila kung makikita ng mga ito na hindi sila okay ng binata. “I... I’ll check my schedule that day, ma.” Aniya. Kunot ang noo na napalingon din sa kaniya ang kaniyang ina. “What? Hindi ka pupunta?” “E, m-marami po kasi akong gagawin that day.” Pagdadahilan pa niya. “Hindi puwedeng hindi ka pupunta, hija. Alam mo namang isa ka sa hinahanap ng Tita Cattleya mo kapag may mga okasyon sa kanila.” “I’ll talk to her na lang po, ma. Puwede naman pong sa susunod na birthday niya na lang ako pupunta roon.” “I’m sure hindi papayag ’yon. Magtatampo lang ’yon sa ’yo.” Lihim siyang napabuntong-hininga. Sigurado ngang magtatampo sa kaniya ang ginang kung hindi siya dadalo sa birthday nito. Ano na lamang ang gagawin niya? She needs to talk to Sebas again. Yeah, iyon nga ang dapat niyang gawin. Para kahit papaano ay hindi naman sila mag-iwasan kapag magkasama ulit sila. “Madam, nariyan na po si Sir Itsuki at hinahanap po kayo.” Naputol ang pag-uusap nilang mag-ina nang dumating ang isa nilang kasambahay. Kaagad namang tumayo sa puwesto nito ang kaniyang ina. “Aalis ka ba agad, hija?” tanong pa nito sa kaniya. “Um, I don’t know, ma.” “Dito ka na mag-lunch at magluluto ako ng paborito mong ulam. Tutal at maagang dumating ang papa mo.” Ngumiti na lamang siya at tumango bilang sagot sa sinabi ng kaniyang ina. “Okay. I’ll leave you here. Enjoy your swimming.” At saka ito tumalikod na at naglakd pabalik sa kabahayan. Muli siyang nagpakawala nang malalim na paghinga at saglit na napatingala sa kalangitan. Pagkalipas ng ilang segundo ay tumayo na rin siya sa kaniyang puwesto at muling naglakad palapit sa gilid ng swimming pool at nag-dive siya roon. “GOOD AFTERNOON, MA’AM SAKURA!” Nakangiting bati ng babang empleyado ni Sebas na nasa front desk nang makalapit siya rito. “Hi, good afternoon!” ngumiti rin siya rito. “Is Sebas still in his office?” she asked. “Yes po ma’am,” wika ng babae at kaagad na itinaas ang braso nito upang tingnan ang suot nitong wristwatch. “Actually, patapos na po ang meeting ni sir.” Muli siyang ngumiti. Timing lang pala ang pagpunta niya roon. “Um, wala ba siyang ibang lakad ngayon? Can I go to his office? Kailangan ko lang sana siyang makausap, e!” Aniya. “Sure po, Ma’am Sakura. Wala na pong ibang schedule ngayon si Sir Sebas,” sabi ng babae. “Pasasamahan ko na lang po kayo sa guard—” “No need, kaya ko na. Thank you!” Aniya hindi pa man tapos sa pagsasalita ang babae. “Okay po, ma’am.” “Thank you, again.” Pagkasabi niya niyon ay kaagad siyang tumalikod at naglakad papunta sa kinaroroonan ng elevator. Kaagad niyang pinindot ang button niyon. At ilang segundo lamang ay bumukas ang pintuan niyon. Nagpakawala pa siya nang malalim na paghinga bago siya humakbang papasok doon. Kinakabahan lamang siya sa kung ano ang maaaring mangyari mamaya kapag magkaharap na sila ni Sebas. Sana lang ay hindi na ganoon kagalit sa kaniya ang binata. Habang lulan ng elevator, hindi pa rin niya mapakalma ang kaniyang sarili. Panay pa rin ang pagpapakawala niya nang malalim na paghinga, hanggang sa muling bumukas ang pintuan niyon. Saktong pagkalabas niya sa elevator, kaagad naman niyang nakita ang binata na pakay niya. Kalalabas lamang din nito sa isang pinto na nasa dulo ng pasilyo. Saglit siyang napahinto sa paghakbang niya habang nakatingin lamang siya sa direksyon ng binata. Oh, damn! From the first day she saw Sebas, until that moment, she was still amazed by his handsomeness. His handsome and perfect looks, his physique, the way he walks—he really is like a Greek God who came down to earth. Sakto nang mag-angat ng mukha si Sebas, biglang nagsalubong ang kanilang mga paningin. Kagaya niya ay natigilan din saglit ang binata sa paglalakad nito nang makita siya. Nangunot pa ang noo nito habang nakatingin sa kaniya. Mayamaya ay nagpatuloy ito sa paghakbang papunta sa direksyon niya. Muli siyang nagbuntong-hininga at pilit na sinupil ang kaniyang sarili. Napalunok din siya ng kaniyang laway kasabay nang pag-iwas niya ng tingin sa binata. “What are you doing here?” malamig ang boses na tanong nito sa kaniya. Ewan, pero mas lalong kumabog ang kaniyang puso. May tinig ang bumubulong sa tapat ng tainga niya at sinasabing mag-angat siya ng mukha upang muling salubungin ang mga mata ng binata, pero hindi naman niya magawa. Natatakot siya na makita ang galit nitong hitsura. “I said what are you doing here, Sakura?” Sa pagkakataong iyon ay hindi na niya napigilan ang kaniyang sarili na mag-angat ng mukha upang tingnan ito. “Um,” damn! Nawala bigla sa isipan niya ang gusto niyang sabihin dito, kung bakit siya nagtungo roon sa opisina nito. The way he stared at her, nakapanghihina ng mga tuhod niya. Muli siyang nagbaba ng mukha. “C-can we talk?” utal na tanong niya rito. Narinig naman niyang nagpakawala ito nang malalim na paghinga. “I can’t,” wika nito ’tsaka naglakad na ulit at nilampasan siya. “I have important meeting to attend to.” Wala sa sariling napasunod naman siya rito. “But... your employee at the front desk said that your meeting is over and—” “I said I have meeting to attend to, Sakura. I don’t have time to talk to you.” “Sebas please!” Aniya at hinawakan na niya ang braso nito upang pigilan ito sa paglalakad. Lumingon naman ito sa kaniya. Mas lalong naging seryoso ang mukha nito ngayon. Damn, he’s still handsome kahit pa halos mag-isang linya na ang mga kilay nito. Nang makita niya ang pag-igting ng panga nito ay napabitaw rin siya bigla sa braso nito. “I... I just wanted to talk to you. Please!” Mahinang sabi niya rito at mabilis na kinagat ang pang-ilalim niyang labi nang maramdaman niyang nag-init ang sulok ng kaniyang mga mata. Nagyuko siya ng kaniyang ulo. Ilang segundong katahimikan ang namayani sa pagitan nila. Mabuti na lamang at silang dalawa lamang ang tao roon sa pasilyong iyon. Dahil kung may ibang tao roon, baka bigla siyang umalis at hindi na lamang kausapin ang binata. “If you came here today to talk about what happened to the two of us that night... please, I don’t want to hear it now. Or better yet, let’s just forget about it. I mean, yeah, I was your first, but I have no responsibility to you because you knew from the beginning that I didn’t like you, Sakura.” Fuck! Ang sakit naman ng mga sinabi nito sa kaniya. Siya na nga itong nawalan tapos magsasalita pa ito ng ganoon sa kaniya? Walang-hiya naman! Muli niyang kinagat ang pang-ilalim niyang labi upang pigilan ang mga luha niyang mas lalo pang nagbanta sa sulok ng kaniyang mga mata. Humugot siya nang malalim na paghinga at pinakawalan iyon sa ere ’tsaka siya nagtaas ng kaniyang mukha at seryosong tiningnan ulit ang binata. “Hindi naman ako nagpunta rito para sabihin sa ’yong panagutan mo ako, Sebas!” Mahina man ang kaniyang boses, ngunit diniinan niya ang mga katagang iyon. Muling nagtagis ang bagang ni Sebas. Ilang saglit pa siya nitong pinakatitigan bago ito tumalikod at muling ipinagpatuloy ang paglalakad hanggang sa marating nito ang tapat ng opisina nito. Kaagad nitong binuksan ang pinto at pumasok doon. “Please, Sebas! Talk to me.” Aniya habang nakasunod pa rin siya rito. “Hindi ko naman hinihiling sa ’yo na panagutan mo ako dahil sa nangyari sa atin no’ng gabing ’yon. Gusto ko lang na huwag kang magalit sa akin dahil sa mga nangyari sa atin. Ayoko na magalit ka sa akin at iwasan mo ako. So please—” “What do you mean?” Sabay pa sila ni Sebas na napatingin sa taong nagsalita sa harapan nila. Ganoon na lamang ang labis na pagkabog ng kaniyang dibdib nang makita niya ang babaeng nakaupo sa mahabang sofa na nasa gilid ng opisina ni Sebas.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD