When you visit our website, if you give your consent, we will use cookies to allow us to collect data for aggregated statistics to improve our service and remember your choice for future visits. Cookie Policy & Privacy Policy
Dear Reader, we use the permissions associated with cookies to keep our website running smoothly and to provide you with personalized content that better meets your needs and ensure the best reading experience. At any time, you can change your permissions for the cookie settings below.
If you would like to learn more about our Cookie, you can click on Privacy Policy.
KINABUKASAN, napabalikwas ng bangon si Amirah, palinga linga siya sa paligid. Hindi familiar ang kwarto na kinalalagyan niya. Nang biglang bumukas ang pintuan ay napayuko na lang siya sa sobrang kahihiyan ng makilala ang ginang. “S-Sorry po, Tita Nicole.” ang tangi niyang nasabi sa nakangiting ginang. “Bakit ka nagsosorry, Hija? Wala ka naman ginagawang masama. Naparami yata ang nainom mo kagabi kaya hinatid ka rito ng anak naming si Nickolas.” Sa narinig ay lalo nang napayuko sa kahihiyan. Grabe na talaga ang kagagahan na pinaggagawa niya. Ano na lang ang iisipin ng mga magulang ni Padre Nick, na dinadawit niya sa kalokohan ang anak ng mga ito na isang alagad ng Diyos? “Come with me.” Wala siyang nagawa kundi sumunod dito palabas ng kwarto. Ang akala niya ay bababa na sila ng hagdan