Chapter- 5

1827 Words
DUMAAN lang siya sa mansion ng mga magulang bago tumuloy sa kanyang destinasyon. Cathedral De San Sebastian Church, naninibago siya sa bagong kapaligiran. Hindi lang sa mga makakasama kundi dahil napakalaki ng simbahan. Sinadya niyang gabi dumating upang tahimik siyang makapaglibot siya sa kabuuan ng lugar. May paisa-isang tao siyang nakikita ang taga linis at guwardiya. Magalang siyang binati ng mga ito nang magpakilala siya bilang bagong priest. Subalit nang tumalikod siya ay naulinggan niya ang boses ng mga ito. “Siguradong mas maraming babae ang magtutungo dito sa simbahan. ‘Di hamak na mas magandang lalaki ang bago nating Pari, at iyang mga malalanding babae for sure marami na namang kababalaghan ang mangyayari sa loob ng simbahang ito.” “Ang boses mo Mang Gustin, baka may makarinig sayo.” “Totoo naman ang sinasabi ko, iyong priest na umalis ay lahat yata ng mga babae dito ay nakuha niya ang atensyon. Ano pa kaya ngayon baka mas dumami pa ang araw-araw na pangungumpisal ng mga kababaihan. Kung bakit naman magagandang lalaki ang pumapasok sa pagpapari huh! Kaya ngayon siguradong mas lalong dadami ang mga babaeng makasalanan.” Sa naririnig ay nahulog siya sa pag-iisip, ‘di yata’t mali ang naging desisyon niyang magpalipat ng parokya? Sunday, simula pa lamang ng mass ay malakas na ang bulungan pagka kita sa kanya bilang bagong Pari ng parokya. Ngunit medyo sanay na siya sa mga ganitong reaksyon ng tao, kaya naman ay binabalewala na lamang niya. Matapos ang isang oras na pagpapahayag ng salita ng Diyos, ay pumasok na siya sa kanyang silid, magpapahinga lang siyang saglit at kakain ng lunch. Pagkatapos ay haharapin ang lahat ng miyembro ng simbahan upang formal na magpakilala sa lahat. Past one in the afternoon, nakatayo siya sa malawak na hall ng cathedral. Ang lahat ng staff ay naroon. Nagpakilala siya sa lahat at dama niya ang mainit na pagtanggap sa kanya. Ngunit kaakibat ang mga matang mapanuri sa physical appearance niya. Hindi rin nakaligtas sa mga mata niya ang kakaibang tingin ng mga kababaihan sa kanya. Maraming babae ang nakipag kamay na hindi naman na kailangan ngunit nakakahiya naman kung hindi niya iyon tatanggapin. Ilang babae rin ang naghatid sa kanyang pakiramdam ng kakaibang init. Siguro dahil sa hantarang pagpapakita sa kanya ng interest mula sa mga ito. Alam na niya ang mga susunod na mangyayari kaya naman ay ngayon pa lamang dapat magawa na niyang dumistansya sa mga kababaihan. Or else baka dito na matapos ang profession bilang Pari. Sa araw-araw ay sinisikap niyang umiwas sa mga mapanuksong tingin mula sa mga babaeng nagsisimba. Upang maisalba ang sarili at hindi tuluyang matanggalan ng lisensya. Sa oras ng kumpisalan ay hindi siya tumingin sa mga tao lalo na sa mga babae. At napagtagumpayan naman niya. Hindi na rin niya namamalayang umabot na pala siya ng halos isang taon doon. “Padre, may isang babaeng naroon sa confession room. Sa palagay ko ay kailangan niya ng makakausap, dahil mula pa kanina ay iyak siya ng iyak. Mukhang mabigat ang problemang dinadala niya.” “Sige, guard susunod na ako.” “Sige po, Padre.” Subalit nang makita ang luhaan mukha ng babae ay hindi siya makapaniwala. Ilang beses pang kinusot ang mga mata dahil baka nag-hallucianate siya. Ngunit kilala niya ang dalaga, walang iba kundi si Amirah. Tumikhim siya upang ipaalam na naroon siya at handa na sa pakikinig kung anuman ang iku-kumpisal ng dalaga. “G-Go ahead at nakikinig ako.” “P-Padre, n-nagkasala po ako.” “Kailan ito nangyari at ano ang kasalanang nagawa mo?” “Years ago, nang unang makita ko ang lalaking iyon. Magmula noon ay hindi na siya nawala sa aking isipan. Hanggang nabalitaan ko na isa na pala siyang Pari, sa kagustuhan kong hindi magka sala ay umalis ako ng bansa upang makaiwas at kalimutan siya. Subalit sa paglipas ng mga araw, buwan at hanggang nitong nakaraang taon. Hindi ko mapigilan ang sarili ko, siguro naging obsessed na ako sa kanya. Pinuntahan ko siya sa parokya niya at nangyari ang hindi ko inaasahan. Nang gabing ‘yon ay tinutugunan niya ang kapangahasan ko at buong gabing inaangkin namin ang isa’t-isa. Sobra ang kaligayahan ko ng mga oras na iyon, subalit kailangan na putulin ko iyon dahil malaking kasalanan ang nagawa namin lalo na sa parti niya--ahm… “Y-yes go ahead… “S-Sinikap ko siyang kalimutan, ngunit hindi ko nagawa, nitong nakaraang taon ay muli kaming nagkita. Gustong gusto ko siyang yakapin at muling magpa angkin sa kanya subalit hindi kami nagkaroon ng pagkakataon. Hanggang hindi ko na siya nakita pa, gusto kong puntahan ang bahay nila ngunit ano ang sasabihin ko sa kanyang ina?” “Ahm…. anong gusto mong ipanalangin natin?” “P-Padre, please tulungan mo akong makiusap sa Diyos.” “Anong p-pakiusap ang gusto mong hilingin natin sa Kanya?” “I-I want him, na kung maaari ay pag kaloob na lang niya sa akin ang taong iyon. M-Mababaliw ako kung hindi ko siya makakasama sa buhay ko.” “K-Kung sakaling pagbibigyan ka ng Diyos, sa iyong kahilingan. Nakakasiguro ka ba na liligaya kayong pareho, kahit alam mong ikaw ang dahilan nang pagkasira ng mga pangarap niya?” “Ibibigay ko sa kanya ang lahat ng alam kong makakapag pasaya sa kanya.” “Paano kung hilingin niya na ang profession niya bilang Pari, ang tanging nakakapagbigay ng ligaya sa buhay niya, ano ang gagawin mo?” “Aagawin ko siya sa Diyos, malubog man ako sa kasalanan.” nakaramdam si Nickolas, ng kirot sa dibdib at the same time ay kasiyahan na ipinag taka niya. “I-Ipagdarasal natin ang iyong kahilingan, ngayon ay umuwi ka na at magpahinga. Huwag mong pagurin ang puso at isipan mo sa kakaisip sa mga bagay na maaaring makapagbigay sa’yo ng kalungkutan. Magdasal ka ng taimtim at isang araw ay magugulat ka na lang na natupad na ang iyong kahilingan.” “Salamat po, Padre.” Nang makitang tumayo ang dalaga ay gusto niya itong pigilan ngunit anong sasabihin niya? Magpapakilala siya dito na siya si Padre Nickolas? Magmula ng araw na iyon ay hindi na nawaglit sa isipan ang mga sinabi ng dalaga. Ngunit isa siyang Pari, kailangan niyang panindigan ang pagiging alagad ng Diyos. Kahit alam niyang matagal na siyang lubog sa kasalanan. Isang gabi ay ginising siya ng sunod sunod na tawag mula sa kanyang private number. At nang sagutin niya iyon ay nabosesan agad ang pinsang si Princess Laurice. “Ano’t napatawag ka ng ganitong oras?” “Pinsan, help me hindi ko kaya itong kaibigan ko.” “Tawagan mo ang kuya mo dahil hindi ako maaaring umalis sa ganitong oras ng gabi.” “Hindi ko makontak kahit isa sa mga kapatid ko, lahat yata ng cellphone nila ay naka off kaya nga ikaw ang tinawagan ko.” “Nasaan ba kayo at maingay diyan?” “Naririto kami sa isang bar at hindi ko mapigilan si Amirah… “W-What happened to her?” kinabahan agad siya at hindi makapag hintay ng isasagot mula sa pinsan. “Lasing na lasing siya at umiiyak, kaya puntahan mo kami dito, i-send ko sayo ang address, hurry!” Sasagot pa sana siya ng mawala sa linya ang pinsan. Agad na nag bihis at dinampot ang jacket. Halos takbuhin ang kinapaparadahan ng kanyang sasakyan. At habang nasa kahabaan ng highway ay nag ilaw ang kanyang cellphone. Pumasok pala ang pinadala ng pinsan na address ng bar na kinaroroonan ng mga ito. Pagdating doon ay nakaramdam siya ng inis nang abutan ang dalawa sa hindi kaaya-ayang tanawin. May lalaking nakahawak sa braso ni Amirah, habang ang pinsan ay nakikipagtalo sa isa pang lalaki.” “Let her go!” agad na pinasan niya ang lasing na dalaga at hinila ang pinsan palabas ng bar. “Bakit kayo nag pakalasing ng ganyan, wala man lang kayong kasamang lalaki?” “Kaya ko naman silang bugbugin eh, inaalala ko lang itong si Amirah.” Nang mailagak niya sa hulihang upuan ang lasing na dalaga ay hinintay niyang sumakay ang pinsan ngunit hindi nito ginawa. Bagkus ay mapalad ang ngiti na kumay sa kanya palayo. Hindi niya alam kung saan dadalhin ang dalaga, kaya naisipan dalhin sa mansion ng ama. At gulat na gulat ang ina nang nakasalubong siya na may buhat buhat na babae. “Son? Sino ang babaeng ‘yan at bakit mo siya dinala dito?” “Kasalanan ni Laurice, ginising ako ng tawag dahil dito. Pakikuhaan na lang po siya ng damit at sumuka sa loob ng sasakyan.” saka tuloy tuloy na dinala sa loob ng dati niyang kwarto. Samantala ay hindi magawang humakbang ni Nicole, na siyang inabutan ng asawang si Lander. “Anong nangyari sayo, honey at nariyan ka?” “S-Si Nickolas may iniuwing babae… “What are you talking about? Paano napunta dito ang anak natin ay nasa parokya iyon at sinong babae ang sinasabi mo?” “Naroon sa kwarto niya, tinawagan raw ni Laurice at pinasundo ang kaibigan niyang lasing na lasing at dito dinala ni Nickolas.” “Finally,” at naglakad na patungo sa kwarto nila. Kunot-noo na sinundan ang asawa at hindi nakatiis ay sinita ito dahil huling huli niya ang pasimpleng ngiti nito. “At bakit masaya ka yata?” “Dahil sigurado akong umiiral na ang dugong Montemayor, ng anak natin at ang babaeng iyon ang magiging ina ng ating magiging mga apo.” “What do you mean?” at nanlalaki ang mata sa iniisip. Saka lumabas ng kwarto at iniwan ang asawa. Tulad ng bilin ng anak ay kumuha ng damit pantulog saka dinala sa kwarto nito.” “Tatawagin ko lang si Manang, upang mabihisan siya.” “Ako na lang anak.” “Sige po, salamat.” Subalit lumipas na ang ilang minuto ay walang dumarating, kaya sandaling iniwan ang tulog na dalaga at pinuntahan ang ina. Ngunit nakalock ang pintuan ng kwarto at walang palatandaan na may gising pa na kasambahay. Wala siyang pagpipilian kundi siya ang gumawa ng bagay na iyon. Pagpasok sa kwarto ay ini-lock niya ang pinto, binuhat ang dalaga, dinala sa loob ng banyo binuhusan ng malamig na tubig. Panay ang salita nito na hindi naman niya maunawaan. Minadali na niya ang ginagawa dahil para na siyang lalagnatin sa sa init na dumadaloy sa kanyang kalamnan. Matapos ay binalot ng malaking towel ang katawan nito at dinala sa ibabaw ng kama. “N-Nick, i-i miss you… P-Padre Nick… Nanigas siya sa narinig, ang boses nito at paraan ng pagtawag sa kanya ay narinig na niya. At parang agos ng tubig ay tuloy tuloy na bumalik sa alaala ang unang gabi na lumusong siya sa kasalanan. Mabilis na inalis ang towel na nakabalot sa katawan nito at hindi napigilan amoyin ang buong katawan nito. Saka niya na kumpirma na ito ang babaeng nakaniig niya sa England. Ang babaeng sumira sa kanyang profession at nagdala sa kanya sa tinatawag na kamunduhan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD