PROLOGUE
HATAINGGABI na ay hindi pa rin siya dalawin ng antok. Ilang beses na niyang sinubukan na alisin sa isipan ang mukha ng dalaga habang nangungumpisal ito. Ngunit parang nananadya lang dahil habang sinisikap na kalimutan ay lalo namang nagsusumiksik sa alaala ang luhaan nitong mukha. Kaya ang ginawa niya ay lumabas na lang sa pasilyo. Baka sakaling ibaling sa ibang bagay ang kaniyang isipan. Ngunit natigilan siya sa paghakbang dahil sa isang tao na nakatayo sa gilid ng wall.
“Anong ginagawa mo riyan sa ganitong oras ng gabi?”
Subalit sa halip na sumagot ay malalaki ang hakbang na lumapit ito sa kaniya. Iiwas sana siya ng walang babala siyang hinawakan sa magkabilang gilid ng ulo at siniil ng makapigil hiningang halik. Ang plano na itulak ang babae ay nawalan ng saysay dahil sa biglang init na lumukob sa kaniyang kabuuan. Ang mabango nitong hininga na tila nagpapa limot sa kaniyang katinuan.
“I want you Nick.” Sa narinig ay tuluyan ng sumiklab sa init ang kanyang pakiramadam mabilis ang kilos na hinila papasok sa loob ng kwarto ang babae. Pagkapasok ay walang babala na sinibasib ng halik, wala siyang alam sa gano'ng bagay subalit kusa niyang natotonan.
"Ooh, Nick take me... aah!"
At sa narinig ay tuluyan na siyang nakalimot at nangyari ang hindi inaasahan. Tuluyan na siyang lumusong sa kasalanan at buong gabi silang nagtatampisaw sa tawag ng kamunduhan.
“I love you Nick, kahit alam kong kailanman ay hindi pwede na maging tayo.”
Hindi na siya nakasagot dahil inagaw na siya ng kadiliman at tuluyang nakatulog. Kinabukasan ay nagising siya sa kakaibang lamig. Kaya naman pala ay wala siyang kahit isang saplot sa katawan. At nang lingunin niya ang kabilang gilid ng higaan ay malinis na iyon at walang kahit konting bakas na may nahiga roon. Agad na tumayo siya at naglinis ng katawan saka nagmamadaling lumabas.
“Magandang umaga Father.”
“Magandang umaga naman sister.” subalit nakaramdam siya ng pagka ilang. Ngayon ay wala na siyang karapatan na tawaging Priest. Isa na siyang makasalanang nilalang na walang karapatang manatili sa tahanan ng Diyos. Dapat na siyang umalis sa lugar na iyon dahil pag nanatili pa siya ay lalo siyang mababaon sa kasalanan. Kaya’t nag send siya ng email sa head ng parokya at sinabing iiwan na niya ang kaniyang propesyon. Tinawagan rin niya ang mga magulang para ipaalam sa mga ito ang kaniyang desisyon. At habang lumilipas ang mga araw ay para na siyang mababaliw sa kakaisip sa babaeng nagpadama sa kaniya ng nakakabaliw na ligaya. Sapagkat matapos ang mainit na tagpo na namagitan sa kanilang dalawa ng gabing yon ay bigla na lang itong naglaho na parang bula.
“Anak, talaga bang final na ang desisyon mo? Babae ba ang dahilan kung bakit biglaan ang pag labas mo rito?”
“Nagkasala po ako Dad Mom, kaya kailangan kong gawin ito at sana po ay maintindihan nyo ako.”
“Nickolas, kailanman ay hindi namin kinuntra ang mga gusto nyong magkakapatid. Lahat ay sinuportahan namin ng Mommy nyo. Ngunit hindi ka ba nanghihinayang sa propesyon mo? Alam naming iyan ang pangarap mo ngunit dahil sa isang babae ay bigla mong tatalikuran?”
“Ilang beses ko naman pong pinag isipan ito ngunit habang tumatagal ay para akong unti unting mababaliw. At kung hindi ko ito agad gagawin ay baka tuluyan akong magkasala sa Diyos.”
“Sigurado ka ba na mahal ka ng babaeng yon?”
“H-hindi ko pa alam, ngunit handa naman po akong maghintay.”
“Sino ba ang babaeng yon Nickolas?” seryosong tanong niya sa anak.
“Kilala nyo siya Dad Mom, kaya alam ko na magugustuhan nyo rin siya.”
“Kung hindi ka na mapipigilan ay ibinibigay na namin ng Mommy mo ang blessing.”
“Salamat po.”
Makalipas ang isang buwan ay tuluyan na siyang lumabas ng simbahan. Napaka aliwalas ng paligid kaya agad na sumakay sa kaniyang kotse at masayang nilisan ang lugar. Pagdating niya sa mansyon ng mga magulang ay napakaraming tao. Nagtataka siya kung anong okasyon meron doon ngayon.
“Welcome back Nickolas, talagang isa kang Montemayor. Hindi mo talaga maaaring talikuran ang kamanyakan ng lahi natin.”
Napahinto siya sa pagpasok, sino ba ang pinsan niyang walang preno ang bibig. At nang lingunin niya ay ang pinsan niya na may pinakamalawak na ngiti. Walang iba kundi ang notorious babaero at famous Atty. Lath Montemayor.
“Lanya ka! Makasigaw ka ay parang tayong dalawa lang ang tao rito.”
“Hayaan mo sila, tara sumama ka sa akin at nang mapabinyagan ka na sa pagiging inosente mo.”
“Pinsan kalalabas ko lang ng simbahan baka naman gusto mong mag pahinga muna ako?”
“Ano na namang kalokohan ang sinasabi mo kay Father?”
“Isa ka pa Jade! Palibhasa mga babaero kayo!”
“Aba! Pinsan baka kakainin mo yang sinasabi mo huh! Pag nakatikim ka ng luto ng Diyos ay siguradong babalikbalikan mo.”
“Huwag nga ninyong isali sa usapan ang pangalan ng Diyos, palibhasa ay hindi yata kayo marunong magsimba.”
“Joke lang naman yon, pasensya na pinsan ikaw naman hindi na mabiro.”
“Pero walang halong biro pinsan, sino ba ang chicks na yon na nakapagpabago ng panuntunan mo sa buhay?”
“Wala! Saka kilala nyo siya.”
“Gano’n? Ibig bang sabihin ay nakakahalubilo ng pamilya ang magpapatiklop ng tuhod mo?”
“Anong magpapatiklop? Ako magpapa under?”
“Hindi iyon ang ibig naming sabihin, ibang pagpapa tiklop ng tuhod yon.”
Malakas na binatukan niya ang dalawang pinsan ng maisip ang mga pinagsasabi sa kaniya ng mga ito.
“Anong okasyon at maraming tao?”
“Okasyon ng paglaya mo?” biro niya sa pinsan na napaka seryoso.
“Brother? Welcome back.”
“Kuya Nikolai, ano ba ang okasyon?”
“Wala naman, naisipan lang mag party ng mga yan dahil sa wakas raw magkakaroon ka na rin ng lahi mo.”
“Langya kayo, pati yon ay pinagka abalahan nyo?”
"Aba, bakit ganyan ang tono ng salita mo pinsan? Hindi mo ba alam na masayang masaya kami dahil sa wakas ay makakasama ka na namin kahit saan?”
Matapos ang maingay na party ay agad na umakyat siya sa kaniyang kwarto. Na miss niya ito sa mahabang panahon na kung saan saan siya nadistino ay hindi na yata siya sanay matulog sa ganito ka rangya na higaan. Nakatitig siya sa kisame nang may pumasok na alaala…
“Kuya, tandaan mo isa sa mga araw na ito ay lalapit ka para humingi ng tulong.”
“Para saan naman?”
“Para sa babaeng mahal mo….”
Napabangon siya ng maalala ang pinsang si Laurice. Ito lang pala ang sagot sa kaniyang problema. Kaya't nagmamadaling bumaba at tinungo ang garahe. Ngunit bigla rin hinto sa paghakbang na gagawin sanang paglabas. At nang tingnan ang relong pambisig ay almost midnight na. Ano bang nangyari sa kaniya at sa ganitong oras ay bubulabugin niya ang pinsan. Isa pa baka wala ito sa bansa dahil laging umaalis. Kinabukasan ay maaga pa rin siyang nagising kahit ilang oras pa lang ang kaniyang tulog.
“Anak, maaga pa ay naka bihis ka na saan ba ang lakad mo?”
“Dad, si Laurice hindi ba lumabas ng bansa?”
“Not sure anak, laging wala ang pinsan mong yon at kahit ang Uncle Lance mo ay hindi na yata alam kong saan nagpupunta si Laurice. Ang mabuti ay tawagin mo ang pinsan mong si Lath. Sigurdo may alam iyon dahil siya ang inatasang magbantay sa batang yon.”
“Hindi na ho pupuntahan ko na lang.”
Nag motor na lang siya dahil nasa loob lang naman ng Forbes ang bahay ng pinsan niya.
“Pasok ka pinsan?”
“Hindi na, tatanong ko lang kung si Laurice ba ay narito sa Pilipinas?”
“Nasa penthouse niya pinsan, pero ang alam ko ay aalis iyon this weekend.”
“Sige, salamat tutuloy na ako.”
“Hindi ka na ba mag almusal?”
“Hindi na.” Pinasibad niya ang motor pabalik ng mansyon at lumipat sa kaniyang sports car. Matagal na niyang hindi iyon nagagamit kaya na miss na niya.
Samantala ay nagluluto si Laurice ng almusal dahil plano niyang magtungo sa Gym. ilang araw na siyang walang exercise nang biglang may nag doorbell. Kaya patakbo na lumapit sa pintuan at nagulat pa siya kung sino ang nasa labas.
“Magandang umaga Father, pasok ka po.” biro niya sa pinsan.
“Busy ka ba?”
“Hindi naman, bakit anong kailangan mo mangungumpisal na ba?”
“Puro ka kalokohan, saan pala ang lakad mo at maaga kang nagluluto?”
“Sa Gym dahil wala na akong exercise.”
“Who’s with you?”
“Alone, bakit gusto mong sumama?”
“Nasaan ang kaibigan mo bakit mag isa ka?” panghuhuli niya sa pinsan.
“Wala ang bestfriend ko, kaya mag isa na lang ako.”
“Bestfriend?”
“Naku pinsan ako ay tigilan mo sa pagkukunwari. Alam kong siya ang sadya mo kaya ka naririto.”
“Talas ng pang amoy mo.”
“Sabi ko naman sayo na lalapit ka rin sa akin eh.”
“Kung gano’n ay nasaan siya?”
“Hindi ko alam pinsan, matagal ng wala sa bansa ang babaeng yon. At kahit ang mga kapatid niya ay wala raw alam kong nasaang lupalop ng mundo ang bessy ko.”
Nanghina siya sa kaalamang hindi niya makikita ang dalaga.
“Huwag kang magpanggap na nalulungkot riyan, para kang hindi Montemayor. Wala namang nakakatakas sa angkan natin kahit saan pa magtago ay matutunton rin.”
Natatawa na lang siya sa pinsan, kahit kailan talaga itong pinsan niya ay inuunahan agad siya. Kumusta pala si Engr? Gusto ko sanang magpagawa ng plano sa kaniya.
“Nasa isla pinsan may mga inaasikaso doon pero kung nagmamadali ka ay kontakin mo na lang sa cellphone niya.”
“Okay sige salamat.”