Napangiwi ako't hinilot-hilot ko ang magkabilang sentido ko pagkatapos kong itype ang report. Idinerekta ko din 'yon sa email ni Mr. Molina. Sila na bahala sa edit kung sakali. Tamad kong isinandal ang aking likod sa headboard ng kama. Idinikit ko naman ang likod ng aking ulo sa pader, tumingala ako sa kisame ng silid na ito. Kumawala ako ng isang malalim na buntong-hininga. Umayos din ako ng upo. Sumulyap ako sa oras na nakasabit sa pader. Pasado alas dos na ng madaling araw. Hanggang ngayon ay hindi pa ako dinadalaw ng antok. Nagpasya akong umalis sa ibabaw ng kama para maghanap ng maiinom dahil naubos ang tubig sa water jug ko.
Sinuot ko muna ang fluffy slippers bago ako lumabas ng kuwarto. Tumingin ako nang kaliwa't kanan. Iniisip ko kung saan ako dadaan. Tinandaan ko din kung anong direksyon ang tatahakin ko dahil habang papunta kami kanina ni Vander sa kuwarto. Sinundan ko ang daan sa malawak na corridor. Bukas pa naman ang mga ilaw kaya hindi rin ako nahihirapan na hanapin kung nasaan ang Kusina nila. Ayaw ko naman abalahin si Vander dahil paniguradong mahimbing ang tulog niya sa mga oras na ito. Tulad ko ay may trabaho pa siya mamaya.
Bumaba ako sa grand staircase ng mansyon na ito. Kahit na nadaan ko na ito kanina ay hindi ko pa rin maiwasan na hindi mamangha. Mukhang detalyado ang pagkagawa ng bahay na ito. Umaagaw ng pansin ko ang magandang desensyo at malapad na carpet, pati na din ang malaki at magandang chandelier na tingin ko ay hindi basta-basta ang pagkabili nito. May sumagi sa isipan ko, mukhang pinag-igihan ni Vander Hochengco ang pagpapagawa ng bahay na ito. Handang-handa na siya sa pag-aasawa sa lagay na ito. Sa tingin ko din ay magbubuhay-reyna ang mapapangasawa niya sa laki ng lugar na ito.
Pinutol ko ang pag-iisip ko ukol sa bagay na iyon. Kumawala ako ng malalim na buntong-hininga. Ipinagpatuloy ko pa ang paglalakad ko upang hanapin ang Kusina dahil nakaramdam na din ako ng uhaw.
Ilang saglit pa ay narating ko ang Kitchen. Agad ko hinahap sa cupboard ang baso na maaari kong gamitin. Sunod kong ginawa ay dinaluhan ang ref para buksan iyon. Inilabas ko ang isang pitsel na may lamang tubig. Isinalin ko 'yon sa hawak kong baso. Nang napuno ko na ito ay ibinalik ko ang pitsel sa ref at isinara ko ito. Uminom ako hanggang sa maubos ko ito. Pagkatapos ay hinugasan ko at ibinalik sa cupboard. Nakahinga ako ng maluwag na napawi ang uhaw ko na kanina ko pa iniinda. Umalis na ako sa Kusina para bumalik na sa kuwarto nang napansin ko na may nakaawang na pinto, nakabukas din ang ilaw mula doon.
Bumuhay ang kuryusidad sa aking sistema. Hindi ko alam kung ano ang nagtulak sa akin upang lapitan ang naturang pinto. Maingat akong sumilip doon para makita kung anong meron sa loob. Umawang nang bahagya ang aking bibig nang madatnan kong gising pa si Vander. Naririto siya ngayon sa Study Room. Hinilot-hilot nya ang kaniyang sentido habang may binabasa siyang mga dokyumento at bukas pa ang kaniyang laptop. Bakit gising pa siya ng mga ganitong oras? Ang akala ko pa man din ay tulog na siya.
Humakbang din ako paatras. Pinili ko nalang na umakyat na para makatulog na.
**
Hindi ko pa sinasabi kay Mr. Molina na maiinterview ko na si Vander Hochengco. Mas hindi ko sinasabi na may kapalit ang pag-unlak niya sa interview. Kaya sa tuwing tatanungin niya ako sa kung anong process sa interview ay hindi ko muna sinasabi ang buong detalye. Mukhang naiitindihan niya, lalo na't ilag talaga ito pagdating sa panghihimasok sa personal nitong buhay.
Blangko ang ekspresyon sa aking mukha habang nakikipagtitigan ako sa screen ng computer. Ni hindi ko rin magawang igalaw ang mga kamay ko. Blangko ang pahina ng pagsusulatan ko. Papaano ko ba uumpisahan kung ano ang nalalaman ko sa isang Vander Jeras Hochengco? Ano bang natuklasan ko? Anong klaseng tao siya sa kapag hindi nakatutok sa kaniya ang mga camera? Lingid sa kaalaman ng press?
Marahan kong ipinikit ang mga mata ko. Sumagi sa isipan ko ang mga eksenang nakaengkuwentro ko siya ng mga ilang araw nang nakalipas. Damn it, hindi ko naman pupwedeng sabihin sa madla na malandi siya dahil nilalandi niya ako! That was inappropriate for everyone! Hindi ko rin masabi na baliw siya! At isa pa, hindi ko rin alam kung ano siya sa tuwing kasama niya ang pamilya niya. O hindi kaya ng mga kapatid o mga pinsan niya.
"Ayos ka lang ba, Shan?" biglang sumulpot si Kathleen sa tabi ko.
"Ayos lang." seryoso kong tugon.
"Kanina ka pa kasi nakatitig d'yan sa harap ng computer mo. Nag-aalala lang ako na baka masama ang pakiramdam mo." dagdag pa niya.
"I'm fine." giit ko. Napatingin ako sa aking cellphone na bigla ito umilaw. Agad ko binalingan si Kathleen na baka napansin din niya ang cellphone ko dahil nakatanggap ako ng mensahe mula kay Vander Ho! Good thing, ibinaling niya ang kaniyang atensyon sa kaniyang computer at ipinagpatuloy niya ang kaniyang trabaho. Kumunot nang kaunti ang aking noo nang mabasa ko ang nilalaman ng mensahe niya.
FROM VANDER HO :
Supposed to be I'll drop you off to your work. Naabutan kitang umalis na ang bahay, my cold lady.
Pinili kong huwag na sagutin ang kaniyang mensahe. Ipinatong ko ang cellphone sa aking tabi. Ibinalik ko ang aking atensyon sa computer. I clicked the minimize button ng MS Word. I searched something else on the internet. Marami pa namang oras akong para makuha ko ang panayam ni Vander lalo na't nasa iisang lugar naman kami nakatira. Madalas naman kami magkikita n'on.
Bumungad sa homepage ang isang balita. Hindi ako nagdalawang-isip na iclick iyon. Binasa ko ang article hanggang sa hindi ko na namamalayan na kinuyom ko na ang aking kamao, bumubuhay ang galit at poot sa aking sistema. Ayon sa ulat, isang batang babae ang nawawala. Hindi matukoy ng mga pulis kung sino ang primary suspect sa pagdukot sa kawawang batang. Nasabi daw na nasa labing-pitong taong gulang ang edad ng biktima. Ilang araw na daw ito nawawala. Lihim ko kinagat ang aking pang-ibabang labi. Sumagi na naman sa aking isipan ang mga mapapait na naalala mula sa nakaraan. Tanda ko pa rin ang boses ng lalaki habang tinatawag niya ang pangalan ko. Kahit na hindi nakasulat kung sino ang tinutukoy na dumukot sa nawawalang menor de edad, may ideya na ako kung sino ang utak nito.
Humugot ako ng isang malalim na buntong-hininga. Dahan-dahan ko ito pinakawalan, sa ganitong paraan man lang ay maging kalmado na ang sistema ko.
Walang sabi na bigla akong tumayo na dahilan para mapatingin sa akin si Kathleen na may pagtataka sa kaniyang mukha. "Oh, saan ka pupunta?"
"May importante lang akong pupuntahan." seryoso kong tugon sabay isinuot ko ang sling bag at kinuha ang aking cellphone na nakapatong lang sa aking desk. Hindi ko na hinintay pa ang susunod niyang sasabihin. Nagmamadali akong umalis sa Opisina hanggang sa marating ko ang labas ng gusali. Tutal naman ay lunch break na.
Tumigil lang ako sa paglalakad nang makita ko si Vander na kakalabas lang mula sa kaniyang sasakyan. Gumuhit ang pagtataka sa aking mukha. Anong ginagawa niya dito?
Balak ko sanang magtago o hindi magpakita sa kaniya dahil may importante akong gagawin ngayon pero bigo ako. Naunahan niya ako. Nakita niya ako saka tinawag ang pangalan ko. Wala akong magawa kungdi tumingin sa kaniya at hinihintay ko ang tuluyan niyang paglapit sa akin.
"M-Mr. Ho... What are you doing here?" pormal kong tanong. Damn, I need to deal with him first!
"Lunch break ngayon, syempre, narito ako para ayain kang kumain." nakangiti niyang sagot.
Natigilan ako. Huwag ngayon, Vander. Wala akong panahon para makisakay sa mga kabaliwan mo! "May importante akong pupuntahan ngayon..." mahina kong turan.
Kita ko kung papaano umukit ang pagtataka sa kaniyang mukha sa naging pahayag ko. "Why? Saan ka pupunta?"
Kinuyom ko ang aking mga kamao. Hindi ko pupuwedeng sabihin sa kaniya kung saan ako pupunta. Hindi niya pupwedeng malaman kung ano ang gagawin ko ngayon. Ayaw ko siyang madamay dahil siya ang susi ng promotion ko! Tumalikod ako sa kaniya. Pumikit ako ng mariin. I was torn right now. Wala na akong maisip na solusyon o palusot upang makalayo sa kaniya.
"My cold lady?"
Humarap ako sa kaniya. "Fine, sasabay na akong kumain sa iyo." seryoso kong wika. Umalis ako sa harap niya't nagmartsa ako papunta sa kaniyang sasakyan. Hinabol niya ako at siya ang nagbukas ng pinto. Inaalalayan niya akong makapasok sa loob hanggang sa nakaalis na kami.
**
Tumigil kami sa Man Ho Chinese Restaurant, isa sa mga resto sa Marriott Hotel here in Pasay. Nasabi sa akin ni Vander na nakapagreserve na daw siya kaya madali kaming nakarating sa mesa na nakareserve para sa amin. Hinila ni Vander ang upuan para makaupo na ako. Inabot sa amin ng waiter ang menu. Binuklat ko ito at tahimik na binabasa ang mga nakasulat. Wala pang limang minuto ay itiniklop ko ito. Napatingin sa akin ang kasama ko. Bumaling ako sa waiter na walang emosyon sa aking mukha. "Steamed rice roll with barbeque pork, beef fillet with black pepper sauce and Fuji Can fried rice." pormal kong sabi.
"How about dessert and drinks, ma'm?" tanong ng waiter.
"Mango pudding with soy and pomelo for dessert and orange juice please." sabay ibinalik ko sa kaniya ang menu.
Bumaling ang waiter sa kasama ko. Ganoon din ako. Kita ko ang pagkamangha sa kaniyang mukha. "How about you, sir?" sa kaniya naman nagtanong ang waiter.
Tila nanumbalik ang ulirat ni Vander. Ibinalik na din niya ang menu sa lalaki. "Ganoon na din ang order ko." sabi niya.
Nagsabi ang waiter na hintayin lang daw namin ang pagkain. Tumayo ako ng tuwid saka tumingin sa paligid. Ngumuso ako kung ano ang naobserbahan ko sa lugar na ito. This place were high-ceilinged and with playful texture combinations and Chinese influences. It's muted earthy colour palette, meanwhile evokes a calmness with a contemporary perspectives. Pansin ko din na kakaunti palang ang mga guest dito. Kumsabagay, anong oras palang naman at mas active at dadami ang tao kapag gabi na. Hanggang sa napako ang tingin ko kay Vander na nakatitig sa akin. Tumalikwas ang isang kilay ko dahil sa pagtataka.
"Mukhang wrong move ang pagpunta natin dito." sabi niya bigla.
"What do you mean?" kaswal kong tanong, naroon pa rin ang pagtataka.
"I must give you a show off especially in Chinese cuisine." he said. "Pero mukhang nakarating ka na sa lugar na ito."
"Nope. This is my first time." sabi ko.
Bakas ang pagkagulat sa naging sagot ko. "Really? Bakit parang kabisado mo kung anong pagkain na meron dito?"
Imbis sagutin ko ang tanong niya ay binigyan ko siya ng kibit-balikat. Mas pinili ko nalang na tumahimik.
**
Nanatili akong tahimik habang nasa loob kami kaniyang sasakyan. Pagkatapos namin maglunch ay bumalik na kami sa gusali kung nasanan ang work place ko. Mabuti nalang ay nakatiis ako sa pagiging madaldal niya. Wala naman akong pakialam kung may ibang makakita sa amin. May maisasagot naman ako sa oras na tanungin nila ako kung ano ang meron sa pagitan naming dalawa: Trabaho lang at walang personalan. Iyon lang at wala nang iba.
Sumulyap ako sa kaniya. "Thanks sa treat, Mr. Vander Ho." pormal kong sabi.
Lumapad ang ngiti na iginawad niya sa akin. "No problem, my cold lady." bakas sa boses niya ang kagalakan dahil napagbigyan ko siya sa kaniyang gusto. "Later, we can discuss about our business, you as my fiancee."
"I understand."
Hindi mabura ang ngiti sa kaniyang mga labi. I could see how genuine he is.
"Vander," seryoso kong tawag sa kaniya.
"Hmm?"
"Pagpapanggap lang naman ang maging fiancee mo, hindi ba? Pinagbigyan lang kita dahil pinagbigyan mo din ako. Give and take."
Umiba ang ekspresyon ng kaniyang mukha nang nabanggit ko ang bagay na 'yon. "Pagpapanggap?" ulit pa niya, para bang naguguluhan siya.
"Yeah, magiging effective lang naman na maging fiancee mo sa oras na tapos na din ang trabaho ko." diretso akong tumingin sa kaniyang mga mata. Isang blangkong tingin ang iginawad ko para sa kaniya. "You said, you started to flirting with me, right?"
Tumango siya pero nagtataka pa rin.
"Just don't fall in love with me, Vander Ho." diretsahan kong sabi. Kita ko na natigilan siya sa sinabi ko. "Don't fall inlove with me because I'm different and I am hard to be with. So I'm warning you, I have walls greater than that of China with large blocks of everything."
Ilang segundo pa siyang nakatitig sa akin. Mas sumeryoso ang mukha niya. "Hindi pa ako nag-uumpisa, Shantal. Pero kahit gaano katatag ng pader para harangan ako,wala akong pakialam. Gagawa at gagawa pa rin ako ng paraan." ngumisi siya. "Just watch, but if you do love me the way I am, I'll promise to love you with every single day of forever."