chapter 2

2168 Words
"Sa kulungan ang bagsak ng isang lalaki pagkatapos niyang pagnakawan at pagtangkaan pang gahasain ang isang disiotso anyos na dalaga. Ayon sa biktima, kapwa-pasahero niya ang suspek. Una siyang bumaba mula sa sinasakyan nitong dyip, nang una ay hindi niya pinansin na bumaba din ang suspek sa nasabing lugar. Habang tumatagal ay napapansin niyang sinusundan na siya nito, hindi rin niya napapansin na nasa isang madilim na parte na sila ng lugar at doon tinutukan siya ng balisong sa kaniyang tagiliran. Dahil sa takot ay hindi niya magawang manlaban. Hanggang sa napansin sila ng isa sa mga taong dumadaan sa lugar at doon ay kinuyog ang suspek ng mga lokal at sila mismo ang nagdala sa pinakamalapit na Pulisya. Nabawi ng biktima ang mga gamit na ninakaw sa kaniya, tulad ng kaniyang cellphone at pitaka. Sa ngayon, itutuloy pa rin ng biktima ang pagsampa ng kaso sa suspek. Balik sa iyo, Nida." inilayo ko na din ang mikropono at tinanggal ko na din ang earpiece. "Good job, Shantal!" pagpuri sa akin ng mga kasamahan ko pagtapos kong maghatid ng balita. Umalis ako sa harap ng camera, pagkatapos ay nagpasalamat. Dumiretso ako sa silong para magpalipas ng oras kahit sandali. Inalis ko ang hood ng kapote. Inilabas ko din ang cellphone ko. Pasado alas siete na ng gabi. Malapit na din ako makaalis sa lugar na ito para makauwi dahil aasikasuhin ko naman ang trabaho ko sa bahay. Iyon ay makapagsulat ng balita para maipasa ko kay Mr. Molina, tutal naman ay siya ang editor-in-chief. Ilang saglit pa ay inayos ko na din ang sarili ko, naghahanda na upang umalis. Kumuha ako ng sundo sa pamamagitan ng grab dahil ang sasakyan ko ay sa casa pa. Isang buwan na nakalipas ay may bumangga sa akin nang gabing 'yon. Ang mahirap pa ay malakas ang ulan kaya hindi ko naaninag ang plate number nang bumangga sa akin. Malaki na din ang pasalamat ko dahil bumangga ako sa puno. Minor injuries lang ang natamo ko sa aksidente. Sanay na ako sa ganito. I know it may sounds ridiculous, I'm not scared in death. Matagal ko nang tanggap na mamamatay ako. Ang mga tulad ko na kasapi ng press, iisa lang ang pagtutunguhan—kamatayan. Dahil sa inilalabas namin kung ano ang totoo. Kung ano talaga ang dapat paniwalaan ng publiko. Hindi ako ang tipo na magpapauto sa pangako ng mga politiko. Kahit na bayaran nila ako ng malaki, hindi maaalis sa akin kung ano ang gusto ko. Ang maghatid ng totoong balita. "Mauuna na ako." paalam ko sa isa sa mga kasamahan ko. "Pakisabi sa kanila na umalis na ako." Nagthumbs ito sa akin at ngumiti. "Sige, sasabihan ko nalang sila." Alam naman nila kung ano ang routine ko sa oras ng trabaho, maliban nalang sa personal kong buhay dahil privacy ko na din 'yon. Naglakad na ako paalis sa lugar na iyon. Dumiretso ako sa waiting shed para hintayin ang grab. Ang sabi ay paparating na daw ito tutal naman ay malapit lang siya dito mula sa kinalalagyan ko. Humalukipkip ako habang nakatayo. Dinaan ko nalang sa panonood ng mga sasakyan na dumadaan sa harap ko. Mga tao na abala sa kani-kanilang ginagawa. Minsan napapaisip ako, ano ang ginagawa nila para makasurvive? Ang sabi nila, lahat ng tao, may mga pinagdadaanan, pero bakit ang galing natin magtago? Bakit ang dali para sa atin na hindi ipakita kung ano ang problema natin sa buhay? Bakit palagi nalang dinadaan sa ngiti at tawa kahit nangingitngit ka na sa galit, kahit ang totoo ay gusto mo nang umiyak? Na gusto mo nang sumuko? Iyan ang mga naging katanungan ko labing isang taon nang nakalipas na hanggang ngayon ay wala pa rin ako matagpuan na kasagutan. Kahit na ibang tao na ang nakakasalamuha ko, kahit anong karanasan nang dumaan sa buhay ko, hindi ko pa rin makuha ang tamang sagot na hinihingi ko. Ilang beses ko na din naisip na tapusin ang buhay ko, pero bakit sa huli ay buhay pa rin ako? Bakit narito ako ngayon at nakatayo? Bakit pinili ko paring mabuhay? Sa anong dahilan? Umangat nang kaunti ang paningin ko nang may tumigil na sasakyan sa harap ko. It's a luxury sports car. Hindi ito ang grab na nakausap ko kanina. Nanatili lang akong nakatingin sa sasakyan hanggang sa nagbukas ang pinto. Tumambad sa akin ang bulto ng isang lalaki na dahilan para umawang nang bahagya ang aking bibi. Nakasuot siya ng itim na amerikana. Mapapansin pa rin ang pagiging elegante at pormal sa hitsura niya. Humakbang siya papalapit sa akin hanggang nasa harap ko na siya. Nanatili ang mga tingin ko sa kaniya. Isang seryosong tingin ang iginawad ko sa kaniya. "What are you doing here?" iyan ang mga salitang lumabas sa aking bibig. Gumuhit ang ngiti sa kaniyang mga labi pero nanatili din siyang nakatingin sa akin nang diretso. "Sinusundo ko ang mapapangasawa ko." "Talagang in public ang gusto mo sa pagitan nating dalawa?" sunod ko pang tanong, nanatiling blangko ang ekspresyon sa aking mukha. "It doesn't matter if I want this private or public. Ang importante lang naman ay tayo." he said. "May tinawagan na akong grab para sunduin ako." sabi ko. "Ako na ang humarang sa susundo sa iyo. Ano na ang nagbayad ng fare." bigla niyang hinubad ang kaniyang amerikana at ipinasuot niya sa akin 'yon. "Let's go." iginiya niya ako palayo sa waiting shed. He lead me to his car. Siya ang nagbukas ng pinto sa passenger's seat. Kusa nalang ako sumunod sa kaniya. Nang isinara niya ang pinto at umikot para marating niya ang driver's seat ay ikinabit ko na ang seatbelts sa katawan ko. Pareho kaming tahimik nang nakaalis sa lugar na 'yon. Kahit sa byahe ay tahimik kami. Nakadungaw lang ako sa bintana ng sasakyan, ang tanging musika mula sa stereo ang nagsisilbing ingay sa pagitan naming dalawa. Wala rin akong narinig sa kaniya na kung anuman, wala din siyang itinanong sa akin. Sa hindi malaman na dahilan, nakaramdam ako ng kapayapaan kahit papaano dito sa loob ng sasakyan ni Vander Hochengco. Isinandal ko ang aking ulo sa head rest ng passenger's seat. Marahan kong ipinikit ang mga mata ko, sa puntong ito, mukhang hinihila na din ako ng antok. ** "Shan? Wake up, we're here." rinig kong boses ni Vander. Dahan-dahan kong idinilat ang mga mata ko. Kahit hindi pa ako tuluyang nagising ay nagaw ako pa ring igala ang mga mata ko sa paligid. Hindi pamilyar sa akin ang lugar na ito. "Where are we?" namamaos kong tanong. "Sa bahay ko." Tila nagising ang diwa ko sa naging sagot niya. Muli ko iginala ang paningin ko sa paligid. Dahil may ilaw sa labas ng bahay ay kita ko ang mga halaman na harap ng bahay! Ang gate naman niya ay yari sa kahoy ng narra! Ang mas hindi ko inaasahan ay may lakeside pool sa hindi kalayuan! Ibinalik ko kay Vander ang tingin ko na nanlalaki ang mga mata. "B-bakit dito mo ako dinala?" hindi makapaniwala kong tanong. "Masasagot ko 'yan kapag lumabas ka na d'yan." natatawa niyang sagot. So I did. Lumabas ako mula sa sasakyan. Pero hindi ko pa rin mapigilang mapatingin sa paligid. Ang disenyo ng bahay na ito ay malalaman chinese ang nakatira o hindi kaya hapon. Base na din sa bubong na ito may mga matutulis sa dulo. Kahit nandito lang kami sa garahe ay may hardin na malapit lang sa lakeside pool. "Come, pasok tayo sa loob." nakangiti aya niya sa akin. Kusang sumunod ang katawan ko sa utos niya. Pagpasok namin sa loob ay tumambad sa amin ang magandang interior, kahit ang mga kagamitan dito sa loob ay sumisigaw ng karangyaan! May mga malalaking paintings din na nakasabit sa pader na tingin ko ay mamahalin iyon! May mga plorera din dito. Natawag ng pansin ko ang mababang drawer na punung-puno ng mga medalya, mga litrato pati na din ng mga trophy. Napalunok ako. Bigla ako nakaramdam ng kaba. Hanggang narating namin ang isang pinto. Siya ang nagbukas n'on. Tumambad sa amin ang loob ng silid na mukhang nakahanda na sa gagamit. "This will be your room." bigla niyang sabi. Tumingin ako sa kaniya na may pagtataka sa aking mukha. "W-what?" para akong nabingi. "Your room." kaswal niyang sagot. Huminga ako ng malalim. "What I mean is, what do you mean na magiging kuwarto ko 'yan? Ang akala ko, ihahatid ko ako sa apartment ko, Mr. Ho." kalmado kong sambit. "Galing na ako sa apartment mo." sagot niya. Kumunot ang noo ko, mas lalo ako naguguluhan. May itinuro siya sa loob. "Nariyan na ang mga gamit mo sa kuwartong ito. You can do whatever you want here. If you got bored, may entertainment room ako dito. Kung gusto mong nakafocus sa pagtatrabaho ko, you can occupy the study room if you want." Kumurap ako. "Sandali," pigil ko sa kaniya. Tumitig siya sa akin. "Bakit inilipat mo ang mga gamit ko dito?" Tumaas ang isang kilay niya. "Tulad ng usapan natin, pagbibigyan kita na mainterview mo ako. I want to show you what am I. The real me." ngumiti siya. "Hindi ba, ang sabi ko, bukod sa pamilya at sa angkan, ang mapapangasawa ko ang bibigyan ko ng karapatan para panghimasukan ang buhay ko?" Lumunok ako. Pilit kong maging kalmado. Umiwas ako ng tingin. "Pero ipapahayag ko din kung ano ang natuklasan ko, Vander. Ibig sabihin, malalaman din ng iba ang personal mong buhay..." "At least, ikaw ang unang nakaalam." Natigilan ako sa naging pahayag niya. Ibinalik ko ang tingin ko sa kaniya. "Vander..." wala na akong ibang salita na masabi kungdi ang pangalan nalang niya. "For now, rest or shower ka muna. I'll go downstairs and prepare our dinner. Okay lang ba kung grilled salmon ang ang main dish natin? May gusto ka bang iluto ko?" Dumapo ang tingin ko sa sahig. "I'm good with that." mahina kong sagot. "Alright, my cold lady. Tatawagin nalang kita kapag luto na ang pagkain." "O-okay..." Then he leave. Tumapak na ako sa silid. May dalawang malalaking box na nakapatong sa sahig. Binuksan ko ang isa. Nag-umpisa na din akong mag-ayos ng mga gamit. Pagkatapos ko nalang kumain ay uumpisahan ko na ang trabaho ko. Siguro ay kailangan ko lang talaga palagpasin ang kalokohan ng Vander na iyon ngayong gabi. Sinet up ko ang laptop ko. Bukas ko nalang aayusin ang mga damit at mga sapatos ko. Hindi talaga sumagi sa isipan ko na magagawa ng lalaking iyon na kunin ang mga gamit ko sa apartment para lang ilipat dito sa bahay niya. Baliw nga talaga siya. Kung ano talaga ang maisipan, iyon yata ang gagawin. Pagkatapos ko mag-ayos ay sunod ko naman ginawa ay nagshower ko. Hot shower dahil malamig ngayon at tag-ulan pa man din. Medyo nawindang ako dahil kumpleto ang mga gamit dito sa loob ng vanity mirror. Mukhang may alam ang isang 'yon pagdating sa gamit ng mga babae. Maliban nalang kung playboy siya. Itinapat ko ang sarili ko shower. Binuksan ko 'yon hanggang sa naramdaman ko ang tubig sa aking balat. I feel refresh. Mabango din ang shower gel na pinahid ko, maski ang shampoo. Ilang saglit pa ay lumabas na ako habang nakatapis. Nakapatong naman ang mga damit pamalit ko sa kama ng guest room. Nagbihis na ako pero bago ko man suotin ang tshirt ay biglang nagbukas ang pinto ng kuwarto na ito. Windang akong bumaling sa pinto. Bumungad sa akin si Vander na nakatayo habang hawak niya ang tray na naglalaman ng pagkain. Napasinghap pa ako nang makita ko siyang topless! What the heck?! "Oh!" bulalas niya. "Sorry, hindi ako sanay kumatok. The dinner is ready." Namilog ang mga mata ko. Hindi pa rin ako makapaniwala sa naging pahayag niya! Anong pinagsasabi niya na hindi siya sanay kumatok?! Nahihibang na ba talaga ang isang ito?! Ang malala pa, naabutan pa niya akong naka-under garments pa! "Wow, ang seksi pala ng fiancee ko." sabi pa niya saka dumiretso siya sa mababang mesa para ipatong ang tray doon. "Mas sasarap ang kain natin nito." Sa hindi ko malaman na dahilan ay ramdam ko ang pag-iinit ng magkabilang pisngi ko dahil sa kahihiyan! Ano bang pinagsasabi ng lalaking ito?! "What the hell, Mr. Ho?!" bulalas ko pero patuloy parin nag-iinit ng magkabilang pisngi ko. Ngumuso siyang humarap sa akin. Nakapameywang siya. "Why? Ngayon palang ipinapakita ko na kung ano ako, hindi ba?" Umawang ang bibig ko. "A-anong..." Masyadong mabilis ang pangyayari, nagtagpuan nalang ang sarili ko na nakahiga na sa malapad at malambot na kama. Ang mas malala pa ay nasa ibabaw ko si Vander Hochengco! Nanlaki ang mga mata ko. Pero siya, sumeryoso ang ekspresyon ng kaniyang mukha. "Pero malalaman mo din kung papaano magmahal ang isang Hochengco, my cold lady." namamaos niyang sabi. Dumapo ang tingin niya sa aking mga labi. Tumindig na naman ang balahibo ko sa naging presensya niya. "From now on, I'm starting to flirt with you, because you are the hottest woman that I laid my eyes on." Damn, why the hell this guy is so pushy?! 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD