Pinili ko nalang na huwag na pansinin ang mga pinagsasabi ni Vander. Wala naman akong balak patulan. Kahit na sabihin nating ginagawa niya ang kaniyang sinasabi, hahayaan ko lang siya pero hinding hindi ko bibigyan ng kasagutan ng bawat galaw at salita na bibitawan niya. Kung papatulan ko pa 'yon, paniguradong hahaba lang ang usapan. Basta nagbigay-babala na ako na hinding hindi siya pupuwdeng mahulog sa isang tulad ko.
Nakatanggap ako ng text message kay Vander na susunduin daw niya ako pero ako na mismo ang tumanggi. Alam kong nagiging harsh na ako sa mga ipinapakita ko sa kaniya. Para sa akin, mas maigi na din na makikilala niya din ang isang tulad ko. Hindi ako tulad ng ibang babae na magkakandarapa sa isang tulad niya. Na hindi ako lumapit sa kaniya upang makipaglandian. Lumapit ako para sa trabaho. Hindi ko na rin pinapansin pa ang mga susunod na mensahe niya, hindi naman siya makatawag sa akin dahil alam niya kung anong oras ang trabaho ko. Halos hindi ko na nga mahawakan ang cellphone ko pagkabalik ko kanina sa Opisina dahil ang sinunod kong ginawa ay gumagawa ako ng sarili kong imbestigasyon ukol sa dalagita na nawawala.
Hinintay ko na din ang out ko. Tiyak nasa labas na ng gusali na ito ang grab car. Dahil hindi ako sa mismo sa mansyon ni Vander ako didiretso dahil may pupuntahan pa akong iba. Inisip ko din na bukas ko nang kakausapin si Mr. Molina tungkol sa scoop na hinihingi niya. Ang importante lang sa akin sa ngayon ay mapuntahan ang lugar, may kutob ako na doon dinala ng dumukot sa dalagita.
Nang nakalabas na ako ng gusali ay sakto na naroon na din ang grab car. Nagmamadali akong lumapit sa sasakyan at pumasok. Sinabi ko sa kaniya ang address kung saan niya ako ibababa. Sinunod naman ng grab driver ang sinabi ko.
**
Tumigil ang grab car sa isang eskinita. Nagbayad ako at bumaba. Pinili ko na dito ako ibaba para safe na din. Ang tanging gagawin ko lang naman ay kumpirmahin kung tama ba ang hinala ko kung dito nga ba dinala ang dalagitang nawawala. Humigpit ang pagkahawak ko sa aking bag. Dumaan ako sa masikip na daanan na ito hanggang sa narating ko ang pinakadulo ng daan na ito. Sumilip ako. Sakto na may paparating na isang truck na papasok ng isang mansyon. Napadpad ako sa isang probnsiya. Pinagbuksan ng gate ang sasakyan ng mga lalaking naka-amerikana. Gumuhit ang galit nang makita ko iyon. Inabangan ko ito hanggang sa tuluyang nakapasok ang truck sa loob.
Kumawala ako ng malalim na buntong-hininga. Kinagat ko ang aking labi. Kinuyom ko ang aking kamao. Nag-ipon ako ng lakas ng loob. Pumikit ako ng ilang segunda. Nang maikalma ko na ang sarili ko, dumilat ako at humakbang palapit sa gate ng naturang mansyon. Alam kong napapaligiran ng cctv camera ang lugar na ito kaya kahit anong gawin ko na palihim na papasok ay mahuhuli at mahuhuli ako. Nanatili akong nakatayo sa harap. May lumapit na dalawang lalaki na kanina na nagbukas ng gate para sa truck.
Nang mapagtanto nila kung sino ako, ay nagmamadali silang pagbuksan ako.
"Miss Shantal...?" hindi makapaniwalang tawag nila sa akin nang pagbuksan nila ako. Alam kong gulat na gulat sila sa biglaang pagsulpot ko. "A-anong kailangan mo dito?"
Seryoso ko silang tiningnan. "Nasaan siya?"
Nagkatinginan muna sila. Kilala naman nila kung sino ang tinutukoy ko. Sabay din nila ibinalik ang mga tingin nila sa akin. "Nasa kaniyang Opisina, Miss Shantal." sagot ng isa. "Ihahatid ko po kayo sa kaniya."
Hindi ko na nagawang magsalita pa. Pinauna ko siya habang ako ay nakasunod lamang sa kaniya. Iginala ko ang paningin ko sa paligid. Nanatili paring seryoso ang mukha ko. Sa tinaga-tagal na nawala ako ay halos walang ipinagbago ang mansyon. Kahit sa loob ay wala din ipinagbago. Kung ano ang hitsura niya noong umalis ako, ganoon pa rin.
Tumigil lang ako sa paglalakad nang may naririnig kong iyakan na hindi kalayuan. Pamilyar sa akin ang mga iyak at pagmamakaawa. Halos wala na silang pag-asa na makaalis sa Impyenong ito. Nawawala na sila ng pag-asa upang makapiling nila ang kanilang pamilya. Dahil simula ngayong gabi, magbabago na ang kanilang kapalaran.
Ipinagpatuloy namin ang paglalakad. Umakyat kami sa grand staircase ng mansyon. Bago man namin marating ang Opisina kung nasan ang taong sadya ko ay nadaanan namin ang isang puting pinto. Muli ako natigilan. Itinagilid ko ang aking ulo upang titigan ang naturang pinto. Kinagat ko ang aking labi nang nanumbalik sa aking isipan ang mga mapapait na alaala ng mga panahon na 'yon. Kinuyom ko pa ang aking kamao, wala akong pakialam kung masusugatan na ako ng mga kuko ko dahil sa galit na aking nararamdaman sa ngayon.
Pilit ko ikinalma ang aking sarili. Huminga ako ng malalim at sinabi ko sa lalaking kasama ko ay ipinagpatuloy niya ang paghatid sa akin. Hanggang nasa tapat na kami ng malaking pinto. Nagpaalam sa akin ang kasama ko na kakausapin niya muna ang taong iyon bago niya ako papasukin dahil marami itong ginagawa sa ngayon. Naghintay ako sa labas hanggang sa lumabas na ang lalaki.
"Pupwede na po kayong pumasok, Miss Shantal." aniya.
Tahimik akong tumango. Nagpakawala ulit ako ng hakbang hanggang sa tagumpay akong nakatapak sa malawak na silid. Sa pagtapak ko dito ay nanumbalik na naman sa aking isipan ang mga mapapait na alaala. Parang pinipiga ang puso ko nang wala sa oras. Ngunit, pilit kong tibayin ang aking sarili.
Napako ang aking tingin sa direksyon ng isang lalaki na nakatalikod sa akin. Abala siya sa pagdungaw sa labas. Pilit kong maging matibay. Humarap siya sa akin at seryoso din ang mukha, Nagtama ang mga tingin namin. Ilang segundo pa ang nakalipas ay ginawaran niya ako ng isang mala-demonyong ngisi. "Hindi ko inaasahan na bibisitahin mo ako, Shantal."
Nanatili pa ring blangko ang ekspresyon ng aking mukha habang nakapagtagisan ako ng tingin sa kaniya. "Narito ako dahil may gusto akong kumpirmahin, Galeno. Sangkot ka ba sa pagdukot sa isang labing pintong taong gulang na dalagita? Ikaw ba ang may pakana sa likod ng pagdukot sa kaniya?" diretsahan kong tanong.
Bago niya ako sagutin ay nanatiling nasa likod ang kaniyang mga kamay, dinaluhan niya ang kaniyang desk at inilapat niya ang isang palad doon. Muli niya akong tiningnan. Muli naging seryoso ang tingin niya sa akin. "Ako nga." tugon niya.
Nagtiim-bagang ako. Nagngingitngit na naman ako sa galit nang marinig ko mula sa kaniya ang sagot niya. "Hindi ka pa rin nagbabago, Galeno. Hanggang ngayon, kinukuha mo pa rin ang kainosentahan ng mga bata. Wala kang awa..." matigas kong turan.
Tahimik siyang lumapit sa akin. Ang akala ko ay lalagpasan niya ako pero nagkamali ako. Walang sabi na sinikmurahan niya ako. Sinabunot niya ang buhok ko upang mapatingala ako sa kisame. Mapapikit ako ng mariin dahil sa sakit. "Papaano mo naman nasabi ang mga bagay na 'yan ay napagdaan mo din ang pagdadaanan nila?" mariin niyang hinawakan ang magkabilang panga ko. "Baka nakalimutan mo, may kapalit kaya ka nariyan sa posisyon mo ngayon. May kapalit kung ano ang nakaraan mo, Shantal. Kung hindi dahil sa akin, hindi mo makukuha ang trabaho mo bilang isang reporter. Baka nakalimutan mo, ginawa na kitang tagapagmana ko. Kahit anong takbo mo palayo sa akin, kahit magtago ka pa, hinding hindi mawawala sa katauhan mo kung sino ka talaga." matigas niyang usal.
Taas-baba ang aking dibdib. Matalim akong tumingin sa kaniya.
"You are Shantal Hermogeno, a heiress of my criminal empire." saka marahas niya akong binitawan na dahilan upang mapasubsob ako sa carpet ng silid na ito.
Halos mapunit na ang labi ko sa kakagat, Nagtitimpi ako. Kahit manlaban pa ako, wala akong palag. Kahit na may edad na siya, malakas pa rin siya. Hindi na nakakapagtataka kung bakit namamayagpag pa rin ang pangalan niya pagdating sa ganitong larangan.
Pilit kong tumayo. Nanatili pa rin nakagat sa aking pang-ibabang labi. Ginawaran ko siya ng tingin na punung-puno ng hinanakit. Gusto kong ipakita sa kaniya kung ano ang nararamdaman ko ngayon.
Ipinapangako ko, magwawakas din ang kasamaan mo sa akin, Galeno. Pati na din sa mga madadamay na inosente. Tandaan mo 'yan!
**
Tahimik at pagod akong nakauwi sa bahay ni Vander. Naglalaro sa isipan ko kung ano ang pinag-usapan namin ni Galeno. Na hindi siya titigil sa mga kabaliwan niya. Na may madadamay na namang ibang tao. Habang nasa byahe ay iniisip ko kung papaano ko maililigtas ang mga dalagitan na narinig ko kanina. Kung isisiwalat ko sa mga pahayagan o sa media ang mga kabaliwan niya, sa kapangyarihan ng pera na meron ang matandang iyon, hindi na ako magtataka na mahaharangan niya kung anuman ang ibabalita ko. Imbis na siya ang masama sa tingin ng publiko, madali para sa kaniya na baliktarin ako.
Hindi ko maiwasang magalit. Galit na galit ako pero sinasarili ko nalang.
Pagbukas ng pinto na entrahada ng mansyon ay hindi ko inaasahan na may isang bulto ng lalaki na nakaupo na naka-de-kuwatro sa malapad na sofa.. Tila may hinihintay siya na dumating. Mas lalo hindi ko lang inaasahan ay seryoso nitong mukha.
Natigilan ako. Umawang nang bahagya ang aking bibig. "V-Vander..." bakas din sa boses ko ang pagkagulat nang makita ko siya sa aking harap.
"Anong oras na, Shantal Hermogeno?" matigas niyang tanong sabay turo niya sa grandfather's clock na nasa likod lang niya.
Lumipat ang tingin ko doon. Mas lalo ako natigilan nang makita kong ala una na ng madaling araw! Hindi ko namalayan ang oras dahil malayo ang tinirahan ni Galeno mula sa Maynila. Dumapo ang tingin ko sa sahig. Rinig ko ang yabag ang mga hakbang mula kay Vander. Bigla niya akong hinawakan sa magkabilang balikat. Muli ako napatingin sa kaniya.
"Saan ka galing, Shantal?" halatang galit na siya.
Imbis sagutin ko ang kaniyang tanong. Pagod ko siyang tiningnan. "Wala akong panahon na magpaliwanag ngayon, Vander. Magpapahinga na ako." tinanggal ko ang mga kamay niya mula sa pagkahawak sa akin. Nilagpasan ko siya at tahimik akong umakyat upang makarating na ako sa guest room.
Nag-iwan ako ng mensahe kay Mr. Molina na hindi ako makakapasok sa trabaho. Idinahilan ko ay kasalukuyan akong nasa Ospital at nagpapagaling. Bahala na kung anuman ang mangyayari. Nagshower ako at nagbihis din. Hindi pa ako makatulog sa mga oras na ito. Gising pa ang diwa ko. Napagpasyahan ko nalang lumabas muna. Magpapalipas ako ng oras sa hardin.
Umupo ako sa sun lounger. Tumingin ako sa lake side pool. Naiinis ako sa sarili ko. Bakit hindi ko magawang gumanti sa matandang iyon? Kahit papaano ay makabawi ako sa kaniya!
Maraming nagtataka na mga nakakahalubilo na pinoy kung ano ang natinality ko. Lalo na't walang bakas na pag-Pilipino sa pisikal kong hitsura. I am pure Lebanese. Doon ko din nakilala si Galeno noong labing isang taong gulang palang ako. Dinukot niya ako mula sa pamilya ko. Wala akong kaalam-alam noon na wala na ako sa Lebanon at nagising nalang ako ay nasa Pilipinas na ako. Gustuhin ko man umuwi ay nakakulong ako sa madilim na silid na 'yon.
Binihisan, pinakain, pinatira, pinaral, halos lahat ng pangangailangan ko ay ibinigay niya. Maliban lang sa isang bagay. Ang kalayaan. Kung lalabas man ako, kailangan ay may kasama ako. Bantay-sarado ako. Kung may party na pupuntahan si Galeno, kailangan ay kasama din ako. Kahit na wala akong kilala sa larangan ng mga negosyo ay ipinakilala ako bilang tagapagmana niya. Isa sa ayaw ko ang maging heredera niya. Hinding hindi ko mamanahin ang mga pera niya na galing sa masama at madumi.
"Shantal,"
Napalingon ako nang tawagin ako ni Vander. Nakapamulsa siya at dinaluhan niya. Tahimik ko lang siyang sinundan ng tingin hanggang sa nakaupo na din siya sa sun lounger na katabi ko lang.
"I'm so sorry... Kung nagalit ako kanina. Nag-alala lang ako sa iyo kaya ganoon ang ipinakita ko." sinsero niyang sabi. Marahan niyang hinawakan ang isang kamay ko. Nagtama ang mga tingin namin. "Lalo na't ikaw ang fiancee ko."
Nanatili akong tahimik. Dumapo ang tingin ko sa kamay niya na nananatiling nakahawak sa akin. Ramdam ko na mas pinisil pa niya ito. "Do I really deserve everything, Vander?" kusang lumabas sa bibig ko ang tanong na 'yon.
Kita ko kung papaano siya natigilan.
"Because sometimes I just want to kill myself just to be free. Ilang beses ko din hinihiling na sana ay hindi nalang ako ipinanganak. Na sana... Hindi ko naranasan ito..."
Kumunot ang noo niya sa sinabi ko. Alam kong naguguluhan na siya kung ano ang ibig ko ipahiwatig."Shantal..."
"Kaya sinabi ko sa una palang na huwag na huwag kang mahuhulog sa akin. Dahil hindi mo ako deserved. Iba ako sa mga babaeng nakakasalamuha mo..." hindi na mapigilang pumatak ang isang butil ng luha, marahas iyon umagosa sa aking pisngi. Natigilan siya nang isinawalat ko sa kaniya ang totoo. "Because I'm a victim of s*x slavery, Vander."