Hindi madrawing ang mukha ko habang nakatitig sa harap ng monitor ng computer. Lihim ko kinagat ang aking pang-ibabang labi, nilalaru-laro ko ang hawak ko na ballpen lalo na't hindi maalis sa isipan ko ang mga pinagsasabi sa akin ni Vander Hochengco. Marahas akong umiling para mawala siya sa isipan ko pero may parte din sa akin na gusto kong sabunutan ang sarili ko.
Ang tanga ko! Siya ang dahilan kung umattend ako sa party na 'yon! Siya ang susi para mapromote ako, pero anong ginawa ko? Pinakawalan ko ang prospect ko! Imbis na kunin ko ang pagkakataon na 'yon para maumpisahan ko na ang trabaho ko ay naudlot pa. Hindi ko maiwasang hindi makilabutan ko sa mga salita na binitawan niya. Anong pinagsasabi niya na pupwede niya akong maging bride? Eh hindi ko nga siya lubusang kilala at ganoon din siya sa akin---maliban sa pangalan ko dahil isa nga akong reporter. Kaya ang ending, nilayuan ko siya hangga't maaga pa.
Isinandal ko ang aking batok sa headrest ng swivel chair at mariin na pumikit. Patuloy ko pa rin pinaglalaruan ang aking ballpen. Nag-iisip ako kung ano ba ang pupwede kong gawin para makausap ko siya, para naman mapag-unlakan niya na mainterview ko siya na walang kinalaman sa negosyo o ano. Kungdi sa personal niyang buhay. I do some research about him, too. Pero hindi pa 'yon sapat para makapagsulat ako o ano. Damn it, ang hirap naman makalapit sa isang 'yon. Ano nalang ang sasabihin ko kay Mr. Molina na bigo ako sa misyon na ibinigay niya sa akin?
"Mukhang problemada ka," rinig kong boses ni Kath.
Dumilat ako't tiningnan ko siya. Ipinatong niya sa desk ko ang isang tasa ng kape. Tumayo siya ng tuwid at ngumiti sa akin. "Ipinagtimpla kita ng kape. Black coffee, right?" saka umupo siya sa bakanteng upuan na nasa tabi ko. "Kamusta ang assignment na binigay sa iyo ni boss?"
Binitawan ko ang ballpen at hinawakan ko naman ang tasa. Sumimsim ako ng kaunti, pagkatapos ay ibinalik ko ito sa desk. "Failed," tipid kong sagot. Hindi pa rin mawala ang kaseryosohan sa akin.
Binigyan niya ako ng isang nakakapagtakang tingin. "Huh? Parang ngayon lang nangyari 'yan, ah." bakas sa boses niya ang pagkagulat sa naging sitwasyon ko. "Anong assignment ba na pinapagawa niya sa iyo?"
"An interview with Vander Hochengco." diretsahan kong tugon.
Rinig ko pa ang pagsinghap niya. "Talaga? Isang Vander Jeras Hochengco ang iinterviewhin mo? Wow..." hindi makapaniwalang bulalas niya. "Pero hindi ba, ilag 'yon sa mga reporters? Hindi siya basta-basta magpapainterview na walang kinalaman sa negosyo. Iwas 'yon kapag pinag-uusapan ang personal niyang buhay."
"I know. At kailangan ko ang interview niya." mas sumeryoso ako sa lagay na ito. Dahil nakasalalay sa kaniya ang promotion ko!
"Bakit hindi mo siya puntahan sa opisina niya? Makiusap ka. It will honored na ikaw ang kauna-unahang tao na hahayaan niyang mapagsabihan niya tungkol sa personal life niya." suhesyon ni Kath saka humigop siya ng kape. "Ay, teka alam ko pala ang addres kung nasaan ang opsina niya, gusto mong hingin?"
Mabilis akong bumaling sa kaniya. "Yes, please. Thank you."
**
Tulad ng sinabi sa akin ni Kath, hindi ako nabigo na nakarating ako sa parking lot ng building kung nasaan ang opisina ni Vander Hochengco. Tahimik akong nakapasok sa loob ng elevator. Nalaman ko din sa receptionist kung saang palapag ko matatagpuan ang opisina ng taong sadya ko. Ang sabi din sa akin ay sa mga oras na ito ay walang meeting ang kanilang amo kaya malaya akong makalapit sa kaniya. Hindi masasayang ang punta ko dito kung ganoon.
Nang nakapasok na ako sa loob ay sumilip ako sa relo na nasa aking pulsuhan. It's quarter to twelve na. Malapit na maglunch. Sana ay maabutan ko pa siya.
Tumunog ang elevator, hudyat na nasa tamang palapag na ako. Hinawakan ko ang strap ng aking sling bag at taas-noo akong lumabas. Naglakad ako sa hallway patungo sa isang malaking pinto na nasisiguro ko na opisina ni Vander Ho 'yon. May natatanaw din akong isang desk at may isang babae na abala sa kaniyang cellphone na tingin ko ay kasing edad ko lamang ito. Napukaw ko ang kaniyang atensyon. Tumayo siya't binati niya ako ng may ngiti.
"Good morning, I'm here for Mr. Vander Hochengco..." pormal kong sabi.
"Ah! Oo nga po, nasabi po sa akin ng reception. Nasa loob pa po si Sir Vander.. And he's expecting you. Pupwede na po kayong pumasok."
Tahimik akong tumango. "Thank you." nilagpasan ko siya't hindi ko rin magawang suklian ang kaniyang ngiti. Ako na rin ang pumihit ng doorknob hanggang sa tumapak na ang mga paa ko sa isang magarbo at malawak na opisina ng isang Vander Jeras Hochengco. Dahil sa wala akong panahon na igala ang paningin ko sa mga kagamitan sa naturang silid ay agad akong tumingin sa direksyon kung nasaan si Vander Ho-na kasalukuyang nakaupo sa isang single couch. Nakadekwatro siya't diretso siyang nakatingin sa akin. Nakapangalumbaba siya't ngumisi, na para bang inaasahan niya ang aking pagdating. "Mr. Ho..." pormal kong tawag sa kaniya.
Tumayo siya't nagpamulsa siya sa harap ko. "What can I do for you, Miss Hermogeno?" kaswal niyang tanong sa akin.
Marahan akong pumikit at huminga ng malalim. Dumilat din ako't humarap sa kaniya. "Narito ako para sa isang interview." walang kagatol-gatol kong sabi.
Umiba ang ekspresyon ng kaniyang mukha sa sinabi ko. Naging seryoso din ang mukha niya. Iyon nga lang, hindi maalis ang tingin niya sa akin. Sa mga tingin niyang 'yon, para bang pinag-aaralan niya ako mula ulo hanggang paa. "For what?"
"For my promotion." muli kong sagot.
Taas-noo niya akong tiningnan. Wala naman akong nababasa sa kaniyang mga mata na galit ba siya o hindi. Basta sa tingin ko lang ay seryoso lang siyang nakatingin sa akin. "Tama nga ang naririnig ko tungkol sa iyo, Miss Hermogeno... You're a straightforwarded reporter, walang kinatakutan kahit sa politika ay nagbibigay ka ng kritisismo. Wala kang pakialam kung ikakapahamak ko o hindi." he said.
"Hindi ako narito para pag-usapan ang tungkol sa akin, Mr. Ho. Ikaw ang dapat pag-usapan. At ikaw ang magiging susi ng promotion ko, Mr. Ho."
Nagbuntong-hininga siya't nagkibit-balikat. "I don't usually talk about my personal life here, Miss Cold Lady." he answered. "Kung ipinunta mo dito kung tungkol sa negosyo ko, marahil ay mapaunlakan ko pa ang interview mo." tinalikuran niya ako at patungo na siya sa kaniyang desk nang muli ako nagsalita.
"May kinakatakutan ka ba na ayaw malaman ng publiko tungkol sa iyo, Mr. Ho?"
Natigilan siya't dahan-dahan siyang lumingon sa akin. Gumuhit sa kaniyang mukha na hindi makapaniwala sa naging tanong. Oh, did I hit... Bull's eye?
"W-what did you..."
"Anong naman ang kinakatakutan mo? Business competitions? Your sexuality? Relationships? Secrets? What?" dagdag ko pa. Seryoso akong tumingin sa kaniya. "May sikreto ka ba kaya ayaw mong malaman ng iba? Oh, as far as I remember, you're not only a businessman, you're also a part time model. You're consider as a top model not only in Asia, also in Europe.... Hindi na nakakapagtataka na may mga fans ka---"
"Nope, it's not." sa wakas ay nagsalita na siya. Nanatili pa rin ang tingin ko sa kaniya, naghihintay sa maaari niyang sagot. "Aside from my family and the clan, ang mapapangasawa ko lang ang may karapatan para manghimasok sa buhay ko."
Natigilan ako sa naging sagot niya. Hindi ko na inaasahan 'yon. Hindi ko rin malaman kung totoo ba 'yon o hindi. I was torn between the truth and lie.
"I hate the press invade my privacy, Miss Cold Lady." he added. Tuluyan niyang nalapitan ang kaniyang leather chair at umupo doon.
"So I understand your reasons." seryoso kong sabi. Tumayo ako ng tuwid. "Sorry for the inconvenience, Mr. Ho. If you excuse me, I shall leave." tinalikuran ko na siya't lalabas na sana ako sa silid na ito na bigla siyang nagsalita.
"You might change my mind."
Tumigil ako't lumingon sa kaniya. He leabed himself on his desk. Ipinagdikit niya ang kaniyang palad pero nakatitig siya sa akin. Humarap ulit ako sa kaniya. "What do you mean?"
"Pagbibigyan kita, magpapainterview ako sa iyo pero sa isang kondisyon."
"Anong kondisyon naman?"
"I need a bride before my thirtieth birthday, or else, I'll lose everything. Even my inheritance." seryoso niyang sabi. Tumayo na siya't humakbang siya palapit sa akin. "And you, you're fit as my bride, Miss Cold Lady."
Tila nabato ako sa kinakatayuan ko nang sabihin niya ang mga bagay na 'yon. I was like, what the...? Hindi ko alam kung maniniwala ba ako sa mga pinagsasabi niya? Mas lalo bumabagabag sa akin na may baliw talaga na myembro ng angkan ng mga Hochengco! Tulad ng Vander Hochengco na ito. Hindi ko makuha kung nagagawa ba niya akong paglaruan lalo na't may kailangan ako sa kaniya. "Bakit hindi nalang ibang babae ang ayain mo para pakasalan?"
Nagkibit-balikat siya. "May kailangan ka sa akin, hindi ba? Kung ibibigay ko 'yon, eh di luging-lugi ako? Baka nakalimutan mo kung sino ang kaharap mo, Miss Hermogeno? I'm a businessman for f*****g Pete's sake. Lahat ng bagay na ginagawa ko, may kabayaran."
I gtitted my teeth. "Ang ibig mo bang sabihin, give and take lang ang mangyayari sa atin, ganoon ba?" diretsahan kong tanong.
Marahan siyang pumikit at umiba ang awra niya nang ibinalik niya sa akin ang kaniyang tingin. "Parang ganoon na nga..." aniya.
Para akong naghihina sa mga oras na ito. Parang bang hinuhugot ang lakas ko. "I think... I'm not qualified as your bride, Mr. Ho..." mahina kong saad.
"It doesn't matter. I still want you."
"Can you just give me time... To think about it?"
"Sure, I'll give you fifteen minutes." tinalikuran niya ako. "Sabihan mo lang ako kapag napag-isipan mo na ang proposal ko, Miss Cold Lady." naglakad na siya pabalik sa kaniyang desk.
Biglang bumilis ang pintig ng aking puso. Damn it, kung hindi ko maibigay kung anong kailangan niya sa akin, hindi niya rin ako pagbibigyan. Siya ang susi para mapromote ako! I worked so hard to achieve my goals as a reporter and a journalist! Malapit ko na mapasakamay ang isa sa mga goal ko, may kapalit naman! Iyon ay ang lalaking ito! Kung hahayaan ko lang siya sa gugustuhin niya, wala naman sigurong masama. Ang importante ay makuha ko din kung ano ang kailangan ko sa kaniya, quits lang kami kapag nakuha ko ang kailangan ko at pati din sa kaniya.
Kusang kumilos ang katawan ko. Lumapit ako sa kaniya at pinigilan ko siya sa pamamagitan ng paghawak ko sa isa niyang kamay. Gulat siyang tumingin sa akin. "You want me as your bride, Mr. Vander Hochengco? Sure thing, but in one condition.."
"What is it? Name it."
Lakas-loob akong tumingin nang diretso sa kaniyang mga mata. "Don't dare to touch me. Or kiss me." matigas kong sambit sabay bitaw ko sa kaniya.
Ngumisi siya tumingin sa akin saka nakapameywang siya nang tuluyan na siyang humarap sa akin. "Oh no, I don't think I can do that."
Kumunot ang noo ko sa pagtataka. "What?"
Bago man niya ako sagutin ay hinawakan niya ang isang kamay ko hanggang sa natagpuan ko nalang ang sarili ko na nakaupo na sa kaniyang desk. Nang masilayan ko ang kaniyang mga mata, mas nagiging seryoso iyon na dahilan para tumindig ang balahibo ko. Mas lalo nakaramdam ng kilabot sa susunod niyang sasabihin, "Hochengcos can break the rules. I can't live without touching you, to kiss you, to make love with you... I'll do everything to make you as my own, Miss Shantal."
Mas bumibilis ang pintig ng puso ko. Hindi ko matukoy ko kung dahil ba sa kaba o takot. "W-what..."
Mas inilapit pa niya ang kaniyang mukha sa akin. Animo'y hahalikan niya ako. Amoy ko ang panlalaki niyang pabango. Bakit parang umiiba ang pakiramdam ko? Bakit hindi ko siya magawang itulak palayo sa akin?!
Nanlaki ang mga mata ko nang dumapo ang hinlalaki niyang daliri sa pang-ibabang labi ko! Mas ako kinikilabutan! "Mukhang wala na akong hahanapin pa sa iyo. You are kind of my taste and desire. Pero mukhang may kulang pa."
"W-what are you trying to do, Mr. Ho?"
"Nothing, but I'm excited to see your new face expression, soon."
Kumunot ang noo ko. Mas lalo ako naguguluhan.
"Your smile. And I will make sure your real smile comes when you're with me, my cold lady."