Hindi mawala ang kaseryosohan sa mukha ko habang naglalakad ako patungo sa elevator. Hindi na bago sa akin na mapababae man o lalaki ay napapatingin sa akin. Hindi ko rin sila masisisi, buhat na nagtrabaho ako dito bilang field reporter-journalist, once in a blue moon nila ako nakikitang ngumingiti. Dahil siguro sa environment ng trabaho ko. Gusto ko lang din ipakita sa kanila na seryoso ako sa ginagawa ko. Cold lady is a nonesense title for me. Hindi ko alam kung sino ba ang nagpakana na ipangalan sa akin n'on.
Tumigil ako sa harap ng elevator at humalukipkip upang maghintay na magbukas ito. Ilang saglit pa ay nagbukas ito. Naabutan kong masayang nakikipag-usap ang iba, ang iba naman ay abala sa kanilang cellphone. Nang makuha ko ang kanilang atensyon ay mukhang nagbago ang lahat. Kung kanina ay masaya silang nag-uusap, ang iba sa kanila ay nanahimik at umiwas ng tingin. Tahimik at taas-noo akong humakbang hanggang sa nakapasok ako sa loob. Pinindot ko ang buton kung saang palagpag ako lalabas.
Nakatitig lang ako sa repleksyon ng aking sarili sa pamamagitan ng pinto ng elevator. Naririnig ko na may nagbubulungan pa. Karamihan pa ay mga lalaki. Pinili ko nalang na huwag pansinin 'yon. Wala akong panahon para sa kanila. Huwag lang nila subukan galawin ako o may binabalak man sila ng masama sa akin, dahil ang hindi nila alam ay black belter ako sa taekwondo, pang self-defense ko na din.
Tumunog ang elevator, hudyat na nasa tamang palapag na ako. Inayos ko ang pagkasabit ng aking sling bag bago ako lumabas nang tahimik. Tuwid ako naglalakad hanggang sa marating ko ang aking desk. Inialapag ko doon ang aking bag at inorder kong kape sa isang Coffee Shop. Umupo ako sa swivel chair. Binuksan ko din ang computer para umpisahan ko na din ang trabaho ko nang sumulpot sa harap ko ang isang babae na nangangalang Kath, isa sa mga katrabaho ko, ang pinagkaiba lang namin, journalist siya at nahihiya daw siya magpakita sa harap ng camera. May masaya daw siya sa pagsusulat, iyon lang ang alam ko. Tumingin ako sa kaniya na may blangko na ekspresyon sa aking mukha.
"Good morning, Shantal!" masigla niyang bati sa akin. "Kanina pa kita hinihintay, pinapasabi kasi ni boss na sabihan daw kita na pumunta ka daw sa office niya pagkadating mo. May special assignment yata na ibibigay sa iyo."
Tahimik akong tumango. Tumayo din ako mula sa kinauupuan ko. Inayos ko ng mabuti ang aking pencil skirt pati ang laylayan ng aking turtle neck shirt ko. Nilagpasan ko si Kath saka dire-diretso akong naglakad patungo sa opisina ng aking boss na si Mr. Molina na tingin ko ay naghihintay na sa akin. Hanggang sa marating ko ang harap ng kaniyang opisina. Bago man ako kumatok ay huminga ako ng malalim.
"Come in," rinig kong boses niya mula sa loob. Pinihit ko ang doorknob at tumambad sa akin si Mr. Molina na seryosong nakatingin sa kaniyang laptop. Pinaglalaruan ng kaniyang hintuturo niyang daliri ang kaniyang pang-ibabang labi. Napatingin siya sa akin at umayos siya ng upo nang makita niya ako. "Oh, Shantal. Good thing, nakarating ka na. Maupo ka." malumanay niyang utos.
Umupo ako tulad ng utos niya. Inabot niya sa akin ang kaniyang iPad na tila may ipapakita siya sa akin na isang larawan ng isang hotel at larawan ng isang kilalang lalaki. Tumingin ako sa kaniya na humihingi ng kasagutan.
"Nar'yan mamaya si Vander Hochengco sa party na 'yan. Ikaw lang ang kilala ko na makakalapit at makakainterview sa kaniya."
Tumalikwas ang isang kilay ko. Mas lalo ako nagtataka.
"You know he's one of the Asia's super rich influencers. Kahit ang mga kapatid at mga pinsan niya ay mga fuerdai, bukod sa mga Wu at sa mga iba pang kilalang angkan pagdating sa business world. And I want you to conduct an interview about him, about his lifestyle..."
Kumunot ang noo ko. "W-what...?"
"And this is the key for your promotion." he said.
Natigilan ako sa sinabi niya. Ibig sabihin, sa pagcover ko ng interview ang magiging susi para sa promotion na inaasam ko? Is this possible? Hindi ba nagbibiro ito?
"So... Wanna go for it?" saka ngumiti siya.
Tumango ako at tumingin ako sa kaniya nang diretso sa kaniyang mga mata. "Certainly, sir. Let me do this job." walang alinlangan kong sagot.
**
Lumabas ako sa sasakyan nang tumigil ako sa harap ng New World Makati Hotel. May lumapit na lalaki sa akin na tingin ko ay isa sa mga valet service. Inabot ko sa kaniya ang susi ng sasakyan pati na din ng tip. Inayos ko ang aking suot na evening gown. Dapat si Mr. Molina ang imbitado dito at hindi ako. Talagang nag-giveway siya para lang sa plano niyang ito? Hindi lang 'yon, talagang binilhan pa niya ang damit na susuotin at mga sapatos, talagang inassure niya sa akin na hindi daw ito mababawasan sa sweldo ko. Unbelievable!
Hinawakan ko ng maigi ang laylayan ng aking inifinity dress para hindi ako madapa habang naglalakad ako sa malawak na hotel lobby. Iginala ko ang aking paningin. Maraming mga taga-press ang naririto. Tingin ko ay inaabangan din nila ang mga pamilya na sinasabi na mga fuerdai. Medyo malayo ako sa kanila kaya hindi nila ako mahahalata. Sa oras na makita nila ako ay magtataka sila na isa akong reporter pero ganito ang suot ko. Damn.
May narinig akong ingay na nagmumula sa mga reporters, sinundan ko 'yon ng tingin. Bahagyang umawang ang bibig ko nang makita ko sa pinto ng hotel na ito na may paparating na isang pamilya, napapaligiran din sila ng mga bodyguards. Nahagip ng paningin ko si Vander Ho, ang panganay na anak isang sikat na gastronomist na si Vladimir Hochengco at Inez Hochengco na isa namang English teacher sa isang Unibersidad sa Japan. Papasok ang magkakapatid sa Banquet Hall kung saan gaganapin ang sinasabi ni Mr. Molina na party.
Hindi na ako nagsayang pa ng oras. Pumasok na din ako sa bulwagan. Classical music agad ang bumungad sa akin pagdating ko dito. Hindi naman ito ang unang beses na nakarating ako sa ganitong engradeng party kaya makaka go to the flow ako.
May makakasalubong akong waiter na may hawak na tray na may mga wine flute. Kumuha ako ng isa. Dala-dala ko ito kung saan man ako mapapadpad. Alam kong out of place ako pero hindi maalis ang tingin ko kung nasaan ang isang Vander Ho. Ang sabi kasi sa akin ni Mr. Molina, mailap ang isang ito pagdating sa mga interview, para bang may allergy ang isang ito pagdating sa mga reporters. Bilang lang daw sa daliri na nagpaunlak ng interview ang isang ito. Hindi lang 'yon, puro daw iyon pagdating sa business, ni isa ay walang nakakaalam ang publiko kung ano talaga siya sa likod ng mga camera na nakatutok sa kaniya.
Hanggang ngayon ay wala akong makuhang pagkakataon na makalapit sa kaniya. Dahil d'yan ay nangangalay na din ang mga paa ko sa heels! Napangiwi na ako dahil sa sakit. Damn, kailangan ko munang umupo tapos hahanapin ko ulit ang lalaking 'yon.
Maglalakad na sana ako para makahanap ng bakanteng upuan pero biglang may sumulpot na lalaki sa harap ko. Nanlalaki ang mga mata ko dahil isang tao ang hindi ko inaasahan na nasa harap ko na ngayon! Walang iba kungdi si Vander Hochengco! Ang mas hindi ko inaasahan ay mas malapit pa siya kaysa sa inaasahan ko. Nababasa ko ang reaksyon sa kaniyang mukha sa mga sandali na ito. Para bang nag-aalala siya kahit hindi niya ako kilala. "Miss, are you alright?" nagtataka niyang tanong na may hawak din siyang wine flute.
Pakurap-kurap akong tumingin sa kaniya. Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwala na nasa harap ko na siya. But damn it, bakit wala akong makapang salita para sagutin siya?
"Miss?" muli niyang tawag sa akin.
Tila natauhan ako. Nanumbalik ang ulirat ko. "I... I'm fine..." mahina kong tugon. "M-maghahanap muna ako ng mauupuan..." hahakbang pa sana ako pero bigla akong naout of balance. Halos pigilan ko ang paghinga ko dahil ang akala ko ay tuluyan akong babagsak sa sahig pero may sumalo pa sa akin.
"Be careful." malumanay niyang sabi.
"S-Sorry..." sabi ko. Bibitaw sana ako pero mas humigpit ang paghawak niya sa akin! Lalo na sa bewang ko! "P-pwede mo na akong bitawan..."
"Papaano kung... Ayaw ko?" bahid ang kaseryosohan sa boses niya nang sabihin niya 'yon na dahilan para magulat ako't tumingin sa kaniya.
"A-anong..."
"You're perfect." he said from nowhere. "You're perfect to be my bride, Shantal Hermogeno, also known as the cold lady." he said.
Parang may nakabara sa aking lalamunan! Hindi ko magawang magsalita. Anong pinagsasabi ng isang ito?! Huwag nilang sabihin na may baliw sa angkan ng mga Hochengco?!