Hindi maalis ang tingin ko kay Vander ng mga oras na ito. Kahit na patuloy na umaagos ang mga luha sa aking magkabilang pisngi, binigyan ko pa rin siya ng isang malamig na tingin. Ilang saglit pa ay binawi ko din ang aking tingin. Sa malayo ako tumingin. Pinipiga man ang puso ko dahil ibinunyag ko na sa kaniya kung ano ang mapait na nakaraan na meron ako. Ngunit pilit ko pa rin maging matatag sa harap niya. Ayokong kaawaan niya ako. Ayokong malungkot siya para sa akin. Kaya nagkaroon lang ako ng lakas ng loob na sabihin sa kaniya kung ano ang totoo upang malaman niya kung bakit hindi ko siya maaaring bigyan ng pagkakataon na mahalin niya. Na hindi ako ang tao para sa kaniya. Maraming babae ang naghihintay na mapansin niya. Malamang ay isa sa kanila ay magugustuhan niya. Na maayos pa ang pamumuhay, matino, hindi siya madidismaya.
Hinayaan ko lang na matuyo ang mga luha sa aking mga pisngi. Tumayo na ako para pumunta na sa guest room nang pinigilan niya ako sa pamamagitan ng paghawak niya sa isa kong braso. Nagtataka akong bumaling sa kaniya. Nakayuko lang siya. Pinanood ko ang bawat galaw niya. Tumayo siya. Ang buong akala ko ay bibitawan na niya ako ngunit nagkamali ako. Napasinghap ako nang bigla niya akong hinatak palapit sa kaniya. Natagpuan ko nalang ang sarili ko na nakakulong na ako sa mga bisig niya. Sa puntong ito, hindi ko magawang itulak siya palayo o kumawala man lang dahil sa mga binitawan niyang salita.
"Hindi hadlang ang mapait mong nakaraan para pigilan akong mahalin ka, Shantal." ramdam ko ang pinaghalong kalungkutan at galit sa boses niya. Mas niyakap pa niya ako nang mahigpit. Mas lalo ako nawindang nang gawin niya iyon. "You deserved anything else... Even I am... You deserved me."
Nanatili akong tahimik. Marahan akong pumikit.
"Gusto kong malaman ang lahat tungkol sa iyo, kung ano ang naranasan mo ng mga oras na nag-iisa at naghahanap ka ng tulong." dagdag pa niya. "Ipinapangako ko, yayakapin ko ang lahat ng mga iyon. Handa ako makinig sa tuwing nasasaktan ka. Handa kitang yakapin kung hindi mo na kaya..."
Sinikap kong huminga ng maayos bago ako nagsalita, "Hindi pa ako handa, Vander." tanging naging pahayag ko.
Ramdam ko na lumuluwag na ang pagkayakap niya sa akin, hanggang sa nagawa niya akong bitawan. Nagtama ang mga tingin namin. Bahid pa rin sa mukha niya ang kaseryosohan. "Maghihintay ako—"
"Pero gusto kong ipagpatuloy kung anong nasimulan natin, Vander."
Natigilan siya sinabi ko. Umawang ang kaniyang bibig dahil sa pagkabigla. "A-anong ibig mong sabihin?"
"Hindi ba, ipinangako mo na gagawin mo ang lahat, sa tuwing kasama kita, ibabalik mo ang mga ngiti sa mga labi ko?" dumapo ang tingin ko sa lupa. "I want us to stay what we are—nang hindi mo pa nalaman ang tungkol sa akin." umatras ako. "Good night, Vander." tinalikuran ko na siya't nagmartsa ako pabalik sa mansyon dahil medyo nakaramdam na ako ng antok dahil na rin sa pagluha ko kanina.
Hindi an ako nag-abala pang lumingon kung nasaan man si Vander. Hinayaan ko lang siyang maiwan siya doon.
Isang araw, magkakaroon ako ng lakas ng loob para sabihin sa iyo ang lahat, Vander. Hindi man ngayon, sa tamang panahon. Dahil ikaw lang din ang bibigyan ko ng karapatan para panghimasukan ang buhay ko.
**
Hindi ako pumasok pagkagising ko. Atleast, nasabi ko na kay Mr. Molina na hindi ako makakapasok ngayon. Kahit sa tv network ay nag-iwan na ako ng mensahe sa kanila. They just tell me get well soon. Wala nang iba pa. Now, I don't know what should I do for today? Anong oras na din ako nagising. Magtatanghalian na.
Naligo ako at nagbihis ng damit pambahay. Imbis na laptop ko ang pagdidiskitahan ko ay pinili kong lumabas ng kuwarto para gumala sa kabuuan ng malaking bahay na ito. Nitong nakaraan ko pang napapansin, mukhang wala yatang maid si Vander dito. Wala din siyang hardinero o tauhan man lang pero papaano niya napapanatiling maganda at maayos ang bahay na ito sa gayon ay mag-isa lang siyang nakatira dito. Nasaan ang mga magulang niya? Bakit hindi man lang niya kasama ang mga ito? Kahit ang mga kapatid niya? Sa pagkakaalam ko ay kapatid niya si Verity Ho,isang sikat na model at endorser ng mga produkto.
Hindi ko namalayan ay nakarating na ako sa Entertainment Room. Binuksan ko ang pinto. Tumambad sa akin ang billard pool. Tumalikwas ang isang kilay ko. Tumapak ako sa naturang silid. Patuloy ko pa rin iginala ang aking paningin. Patangu-tango ako nang makita ko ang iba't ibang arcade sa silid na ito. May sala set. Nakasabit naman sa pader ang fifty inches plasma smart tv.
Nilapitan ko ang mini bar. Naghanap ako ng wine glass at alak. Namataan ko ang isang bote ng Chateau Millie Rose Margaux red wine. Nagsalin ako sa baso saka ibinalik ang bote kinalalagyan nito. Sunod kong dinaluhan ay ang malapad at malambot na couch. Umupo ako saka ipinatong ko ang red wine sa mababang mesa. Wala rin kasi akong ganang kumain ng kung ano ngayon. Kinuha ko ang remote na nakapatong lang din sa mesa. Binuhay ko ang telebisyon. Nasisiguro ko namang nakacable ang isang ito. Palipat-lipat ako ng channel. Wala magandang palabas ngayon maliban sa isang channel—Animax asia.
"My Hero Academia?" pagbasa ko sa nakasulat na baba ng palabas. Ibinalik ko ang remote sa mesa. Hinawakan ko ang wine glass. Uminom ako ng kaunti habang nanonood. Hindi na rin masama, kahit papaano ay may mapagtityagaan akong panoorin dahil medyo nagsasawa na ako sa mga balita. Lalo na ako maiistress.
Hindi ko akalain na makakatagal ako ng ilang oras sa palabas na 'yon. Hindi ko rin namalayan na naubos ko na din ang red wine. Pagkatapos kong manood ay hinugasan ko muna ang wine glass saka ibinalik ko ito sa kinlalagyan niya. Lumabas ako sa Entertainment Room. Habang naglalakad ay nag-iisip naman ako kung ano ang sunod kong gagawin. Wala pa akong ganang magsulat. Wala pa naman akong masisimulan sa trabaho ko na hinihiling ni Mr. Molina ay sa tingin ko ay may oras pa ako para malaman ko pa ang meron sa isang Vander Ho.
Bumalik ako sa kuwarto. Kinuha ko ang cellphone ko. I tap the log call. Ngayon ko lang napagtanto na may mga natanggap akong missed calls mula kay Vander. Meron ding text messages. Isa-isa ko binuksan ang mga iyon.
VANDER :
Good morning, my cold lady. Nagluto ako ng breakfast para sa iyo. Kumain ka pagkagising mo. Don't starve yourself, alright?
VANDER :
Busy, my cold lady?
VANDER :
If you're not busy, please let me know. I'm kinda worried for you, Shantal.
VANDER :
I miss seeing you today. :(
Pagkatapos kong basahin ang mga mensahe niya ay ibinaba ko ang aking telepono. Ngayon ay napapaisip na ako. Bakit napakadali para sa isang tulad niya na maging vocal kung ano ang nararamdaman niya? Bakit ang dali para sa kaniya na ipaalam ang mga bagay na 'yon? Bakit hindi siya nahihiya na ipakita kung ano ang gusto niyang sabihin? He's so persistent.
Siya ang tipong walang itatago sa taong nakapaligid sa kaniya, sa mga taong nakakilala talaga sa kaniya. Hindi bilang isang businessman, kungdi mismong siya. Kung ano siya sa harap ng kamag-anakan niya, sa harap ng pamilya niya. Sa akin.
"Sana katulad kita, Vander." mahina kong sambit.
Muli ako nagtipa sa aking cellphone. Hindi ako nagcompose ng message, kungdi may tatawagan ako. Idinikit ko ang telepono sa aking tainga. Nagriring. Ang akala ko ay hindi sasagutin pero nagkamali ako.
"My cold lady?" bungad niya sa akin nang sagutin niya ang tawag ko. Peor naiimagine ko na hindi siya makapaniwala ngayon. Yeah, I could feel that.
"Yes, it's me." malamig kong tugon. Lumabas ako sa balkonahe. Sumandal ako sa railings na yari sa bato.
"May problema ba? Hindi mo ba nagustuhan ang luto ko?"
"Hindi pa ako nakakain..." pag-amin ko.
"May kailangan ka ba, my cold lady?"
Bago ko sagutin ang kaniyang tanong ay kumawala ako ng isang malalim na buntong-hininga. "Nabobored ako sa bahay mo, Vander. Kahit may entertainment room ka pa."
Saglit siya natahimik sa kabilang linya. Rinig ko rin pagkawala ng malalim na buntong-hininga. "If you say so... Gusto mo, mag-exercise tayo?"
Kumunot ang noo ko. "Exercise?" ulit ko pa, medyo naguguluhan.
"Yeah, sa kama ko."
Tumalikwas ang isang kilay ko. "Okay." saka binaba ko na ang tawag na walang pasabi. Umiling ako saka pumasok ulit ako sa kuwarto. "Mas mabuting magtrabaho nalang ako." sabi ko sa aking sarili. Pero bago 'yan, kakainin ko muna ang pagkain na inihanda niya sa akin.
**
Kakatapos ko lang magsave ng mga naitayp ko sa laptop nang sumulyap ako sa wall clock kasabay na narinig ko ang busina mula sa labas. Ibig sabihin, dumating na siya. Tiniklop ko ang laptop at tumayo na. Inayos ko ang upuan. Lumabas ako ng kuwarto na suot ko ang Lotus Kimono robe. Naglakad ako sa hallway habang nakayapak lang. Sasalubungin ko si Vander na ganito lang ang suot. Nang makita ko na kakapasok lang niya ay binilisan ko ang paglalakad ko. Nagmamadali akong bumaba ng grand staircase. Napako ang tingin niya sa akin na may gulat sa kaniyang mukha. May dala siyang bouquet.
"Welcome home." malamig kong salubong sa kaniya.
Alam kong nagtataka pa siya dahil bakit ganito ang suot ko. Ngumiti siya. "Gutom ka na ba? Iapgluluto kita..."
Tumalikwas ang isang kilay ko. Vander is playing delinquet, huh?
"My cold lady?" tawag niya as akin.
Humakbang ako palapit sa kaniya. Hinawakan ko ang coat niya. Now, it's my turn. Tumingin ako nang diretso sa kaniyang mga mata. "E-exercise..." mahina kong sambit. "And it made me slightly turned on, Vander..."
Natulala siya sa sinabi ko. Umawang ang bibig niya. "S-Shantal.... I was... kidding... I'm sorry..."
Bumitaw ako sa kaniya. Walang sabi na hinubad ko ang kimono robe, bumagsak iyon sa sahig. Rinig ko ang pagmura niya sa ginawa ko. Now I'm wearing a silky night dress infront of him. Hindi maalis ang tingin ko sa kaniya sa mga oras na ito. Hinaluan ko ng antisipasyon sa mga tingin ko na 'yon para sa kaniya. "I want you to use me as your own personal plaything, Vander. I was made for your pleasure..."
Suminghap pa siya sa naging pahayag ko.
"I'm letting you to see and touch every last part of me, Mr. Ho..."
"Putang ina, Shantal." matigas niyang turan. Hinila niya ang isang kamay ko at ikinulong niya ako sa mga bisig niya. "You're not my slave. Utang na loob, huwag na huwag mong sabihin ang mga bagay na 'yan. Dahil hindi ganoon ang tingin ko sa iyo."
"Vander..."
"I won't f**k you as my slave, alright? I don't f**k for my own pleasure! I do romance, not like this!"
"P-pero..."
Tumatak sa isipan ko na pare-pareho lang ang mga lalaki. Pero bakit sa pagkakataon na ito ay galit ang nababasa ko sa kaniyang mga mata? Bakit hindi siya tulad ng ibang lalaki na hayok sa laman? Bakit ibang-iba ang ekspresyon sa kaniyang mukha kung pag-uusapan man ang ganitong bagay?
Ikinulong niya ang mukha ko. Ramdam ko ang init sa mga palad niya na nagpapakalma sa aking sistema. Kabasay na pinipiga ang puso ko. "I saw that you were perfect and so I love you... Then I saw that you were not perfect and I love you even more, Shantal."
"I... I never knew what love felt like, Vander..." nanginginig ang boses ko.
Isinandal niya ang noo niya sa akin. Pumikit ako ng mariin. Nagkabuhol-buhol na ako sa tagpong ito. "Mararanasan mo ang bagay na 'yon kung mananatili ka sa tabi ko, Shantal. Ipaparamdam ko sa iyo ang pinagkaiba ng paniniwala ko sa paniniwala mo." hinalikan niya ang tungki ng aking ilong. "I want to make love to you because I care about you. And I want to worship your naked body with my own and learn all of your secrets... I will patiently waiting for you to do that, my cold lady."