chapter 6

2409 Words
Sa mga narinig kong salita na binitawan ni Vander, daig ko pang nabuhusan ng malamig na tubig. Sa puntong ito, para bang natauhan sa kahihiyan na inasal ko sa harap niya. Taranta akong yumuko para kunin ang kimono robe na nasa sahig, saka dali-dali isinuot ko ito sa aking katawan. "P-pasensya..." basag pa rin ang boses ko. Nangingibabaw ang kahihiyan sa aking sistema, hindi ko rin magawang tumingin kay Vander nang diretso sa kaniyang mga mata. Tinalikuran ko siya't balak ko na sanang lumayo ngunit nagawa niyang hulihin ang isa kong braso. Tumigil ako saka lumingon sa kaniya na may gulat sa aking mukha. "I'm sorry... Kung nagalit ako, Shan." he said softly. Sa boses niya, para bang nakikiusap siya na patawarin ko siya kahit wala naman talaga siyang ginawang masama. Kung tutuusin pa nga ay ako ang may kasalanan. I'm too reckless with my actions. Hindi ko man lang iniisip kung ano ang magiging posibilidad sa ikinikilos ko para sa kaniya. "I'm sorry..." ulit pa niya. Lumunok ako at suminghap. Marahan akong humarap sa kaniya. Nabitawan din niya ang isa akong braso. Niyakap ko ang aking sarili. Dumapo sa carpet ang aking tingin. "A-ako dapat ang magsorry sa iyo, Vander. Ang akala ko kasi... Totoo ang sinasabi mo." sabi ko. Dumiin ang mga kuko ko sa aking balat. "Hindi ko alam kung papaano kita pagbibigyan pagdating sa ganoong bagay. Iba ang nakasanayan ko..." kinagat ko ang aking labi dahil hindi ko alam kung papaano ko ipapaliwanag sa kaniya ang lahat, hindi pa ako handa na ihayag sa kaniya ang lahat. Humakbang siya palapit sa akin. Hinawi niya ang takas kong buhok at isinabit niya iyon sa aking tainga. Napako ang mga mata niya sa akin. Kahit hindi man kami nagpapalitan ng salita sa isa't isa, sa pamamagitan ng mga tingin na 'yon ay para bang may gusto siyang sambitin sa akin. Kita ko kung papaano siya marahang pumikit hanggang sa inilapit niya ang kaniyang mukha sa akin. Masuyong dumapo ang mga maiinit niyang palad as aking makabilang pisngi. Medyo nagulat ako sa kanyang ginawa pero wala akong lakas ng loob na itulak siya palayo sa akin. Mukhang may pumipigil sa akin na gawin ko ang bagay na 'yon. Hanggang sa dumikit ang noo niya sa noo ko. Halos maduling ako. Muli na naman akong napalunok. Wala rin akong makapang salita upang sawayin man lang siya. Parang may nakabara na kung ano sa aking lalamunan. "Ang totoo niyan, gusto kong magalit. Gusto kong patayin kung sino ang may gawa sa iyo at humantong ka sa ganito... Lalo na't naaalala ko sa mama sa iyo." basag ang boses niya nang sambitin niya iyon, kahit na nasa gaitong posisyon na kami. Pero anong sinasabi niya na naalala niya ang kaniyang ina sa akin? Anong ibig sabihin niya doon? "V-Vander..." "Mama is a rape victim." nanginginig ang boses niya nang sambitin niya iyon. Natigilan ako sa aking narinig. Muli ako tumingin kay Vander nang inilayo na niya ang kaniyang mula mula sa akin. Nakaukit sa aking mukha ang pagtatanong. Bumuhay ang kuryusidad sa aking sistema sa pagkakataon na ito. Pero simpleng pangungusap man lang ang kaniyang sinabi ay ramdam ko na ilang beses pinagsusuntok ang puso ko nang wala sa oras. Nakaawang nang bahagya ang aking bibig. "Ito ang isa sa mga dahilan ko kung bakit hindi ako nagpapaunlak ng interview na may kinalaman sa personal kong buhay, Shantal." malungkot niyang saad. "Wala pa man kaming magkakapatid nang mangyari iyon, nang nalaman namin kung ano ang pinagdaanan ni mama, mas nasasaktan kami. Kaya ipinangako namin na hinding hindi lalabas tungkol sa nakaraan. Gusto namin protektahan si mama." Nanatili akong nakatingin sa kaniya. "Kahit na nailagay siya sa ganoong sitwasyon, tinanggap at patuloy pa rin siyang minamahal ni baba. Siguro ganoon talaga kapag mahal mo ang isang tao, kahit anong mali sa kaniya, tatanggapin mo. Ang importante ay kasama mo pa rin siya. Iyon ang itinuro sa amin ni baba." marahan niyang ipinatong ang isa niyang palad sa aking ulo. "Kaya kahit nasabi mo na sa akin kung ano ang masakit mong nakaraan, tatanggapin ko. Pero bibigyan kita ng hustisya, Shantal." Hindi ko magawag sumagot. Pinutol ko ang tingin ko sa kaniya. Muli dumapo ang paningin ko sa carpet na may lungkot sa aking mga mata. Ngayon ay unti-unti nang nagiging malinaw sa akin ang lahat kung bakit hindi basta-basta napapainterview si Vander tungkol sa personal niyang buhay. Ang tanging nais niya lang ay protektahan ang kanilang ina, lalo na't kilala ang angkan nila sa publiko. Sa hindi ko rin na malaman na dahilan, nang marinig ko mula sa kaniya ang mga bagay na 'yon ay pakiramdam ko ay tila may hinahaplos sa aking puso. I think, I was admired what Vander did for his family. Siguro ay dahil responsable talaga siyang anak, lalo na't panganay siya. Nakikita talaga na kung gaano niya kamahal ang kaniyang ina. Tahimik lang kaming kumakain ni Vander dito sa Dining Area. Ni isa sa amin ay walang balak magsalita. Siguro ay dahil sa nalaman na niya kung ano ang sikreto ko, nalaman ko na din kung ano ang side niya. At isa pa, hindi ko rin alam kung papaano ko siya mako-comfort sa lagay na ito. Maaaring quits na kaming dalawa. Pagkatapos namin kumain ay ako na ang nagprisinta na maghugas ng pinagkainan. Tumanggi siya pero wala na rin siyang magagawa dahil nagpupumilit ako. Ang sabi niya sa akin, kapag may kailangan daw ako sa kaniya, puntahan ko lang daw siya sa study room dahil naroon lang daw siya. Naisip ko ay bakit parang walang pahinga ang isang ito? Masyado siyang nagpapayaman o sadyang responsable lang siya? Tinapos ko ang paghugas ng pinagkainan. Naisip ko namang magtimpla ng kape para sa kaniya. Pagkatapos ay naglakad na ako sa corridor habang dala ko ang tray na may kasamang traditional chinese tea set. Nakita ko lang ito sa cupboard niya. Wala naman sigurong masama kung gamitin ko ito. May nakita din ako sa ref ng mga chinese sweets na pupwede niyang panghimagas habang siya't nagtatrabaho. Natatanaw ko ang pinto ng kaniyang study room na nakaawang ng kaunti ang pinto. Tila nakahinga ako ng maluwag sa nakikita ko dahil hindi ako mahihirapang buksan iyon kung sakali. Dahan-dahan kong binuksan ang pinto ng study room na gamit ay ang isa kong paa. Lumaki ang awang nito hanggang sa madatnan ko si Vander na abala sa pagtitipa sa kaniyang laptop. Medyo natigilan pa ako dahil ngayon ko lang siya nakitang nakasuot ng reading eyeglasses. Tumigil lang siya sa kaniyang ginagawa nang maramdaman niya ang presensya ko. Kita ko ang pagkagulat sa kaniyang mukha. Agad siyang tumayo at daluhan ko. "Bakit may dala kang tea set?" masuyo niyang tanong sa akin, inagaw niya mula sa akin ang hawak kong tray. Inilapag niya iyon sa mababang mesa na nasa silid na ito. "Naisip ko kasi na baka gutumin ka habang nagpapakasubsob ka sa trabaho..." dahil naalala ko noong napadpad ako dito at ganitong eksena din ang naabutan ko. "Kaya ginawan na kita ng tsaa, may nakita din akong pagkain sa ref..." sabay turo ko sa pagkain na nasa plato. Sinundan niya ng tingin iyon. "Jing Ba Jian?" Kumunot ang noo ko. "Huh?" Ngumiti siya. "Iyan ang tawag namin sa pagkain na iyan. Kung napapansin mo, iba't ibang klase siya, it's because this is a series of eight chinese dessert noong unang panahon. Mas kilala ang pagkain na ito sa China na big eight. And each dessert holds a different meaning. Happiness, success, long life, luck, wealth, education, excess and fertility. And this is the traditional chinese cake." paliwanag pa niya. Lumipat ang tingin ko sa sinasbaing chinese cake. "Baka nirequest ni mama ito kay baba na gumawa at pinadala dito sa bahay." aniya saka dinaluhan niya ang couch. Tumingala siya sa akin sabay tapik niya sa espasyo na nasa kaniyang tabi. "Halika, sabayan mo ako sa pagkain. Hindi pala tayo nakapagmeryenda pagkatapos natin magdinner." Tahimik akong lumapit at tumabi sa kaniya. Kinuha niya ang isa at inabot niya ito sa akin. Tinanggap ko ito. Ang suhesyon pa ni Vander ay tikman ko ito para daw malaman ko kung anong lasa nito. Sinunod ko naman siya. Tahimik kong tinikman ang naturang pagkain, natigilan ako. "May problema ba, my cold lady? Hindi mo ba nagustuhan?" nag-aalalang tanong niya sa akin. "Masarap..." kumento ko na nakatitig sa pagkain. "I'm glad to hear that..." ** Kinabukasan ay balik na ako sa trabaho ko. Kinamusta ako especially Mr. Molina and Kathleen, kung ano na daw ang pakiramdam ko ngayon. Bakas din sa kanila ang pag-aalala sa akin dahil baka mabinat daw ako o ano. Pero pinili kong pagtuunan ang aking pansin ay ang aking trabaho. Lumipas ang dalawang oras ay tumunog ang aking cellphone. Nang silipin ko ito ay matik kumunot ang noo ko dahil unknown number ang lumalabas sa screen. Sa hindi malaman na dahilan ay ginapangan ako ng kaba, pero kahit ganoon ay lakas-loob kong sinagot ang tawag. "Mabuti at nasagot mo ang tawag ko, Shantal." isang pamilyar na boses ang narinig ko sa kabilang linya. Tila nabato ako sa kinauupuan ko nang marinig ko ang boses niya. Bumuhay na naman ang galit sa aking sistema. "How did you know my number?" pabulong ngunit maigas kong tanong, sinisiguro ko na hindi masyado marinig ni Kathleen dahil abala ito sa kaniyang trabaho ngayon. Malaking pasasalamat ko na din dahil nakaearplugs siya. "Hindi na importante kung saan ko nalaman ang numero mo, iha." Pumikit ako ng mariin. Nakikita ko aking balintataw na ngayon ay kasalukuyang nakangisi si Galeno. "Anong kailangan mo?" pilit kong hindi tumaas o lakas ang boses ko para hindi ako makakuha ng atensyon nang kung sinuman dito. "May party akong pupuntahan ngayong gabi. At dahil ikaw ang tagapagmana ko, gusto ko ay sumama ka sa akin." Kumawala ako ng isang malalim na buntong-hininga. "Alam mong hindi ako natanggap ng hindi o ano pang palusot mo, Shantal. Alam mo kung anong mangyayari sa iyo sa oras na tumanggi ka." Kinagat ko ang aking labi. Damn it. Hindi ko alam kung anong isasagot ko. Sa tuwing ganito ang utos sa akin ni Galeno, hinahatiran niya ako ng damit sa apartment ko. Pero dahil wala na ako doon, hindi ko maiwasang hindi mag-alala lalo na kay Vander. Dahil sa kaniya ako nakatira ngayon! Sa oras na malaman ni Galeno ang bagay na ito, tiyak hindi niya papalagpasin si Vander! Hindi siya magdadalawang-isip na ipapatay ito! "Magpapadala ka pa rin ba ng gamit? Dahil kung oo, ako na ang mismo ang pupunta sa iyo. Sasamahan kita at d'yan ako magpapalit ng damit." "Sure, no problem..." ** Kinasa ko ang baril, pagkatapos ay ipinasok ko ito sa gun hostler thigh strap. Nakasuot naman ako ng party gown na may slit para hindi mahalata na may weapon akong itinatago. Tumigil ang limousine sa tapat ng isang matayog na gusali. Unang lumabas si Galeno. Inaalalayan siyang makalabas ng mga bodyguard niya. Sunod ay ako naman ang lumabas mula sa sasakyan. Seryoso kong iginala ang aking paningin sa paligid. Nasabi sa akin si Galeno kung ano ang dahilan kung bakit niya ako isinama. May isa sa mga guest ng party na nais niyang patayin at ako pa talaga ang gusto niyang pumatay sa naturang tao na iyon. "And the party is our battlefield, Shantal." nakangising pahayag ni Galeno. Wala paring emosyon ang aking mukha. Humawak ako sa kaniyang braso habang nakahawak naman ang isang kamay niya sa kaniyang tungkod. Kahit na nasusuka ako ay pilit kong pigilan ang aking sarili. Sa ngayon ay kailangan kong pagbigyan ang lalaking ito. Kailangan kong idivert ang lahat bago man niya malaman ang tungkol kay Vander. Speaking of Vander, nag-iwan ako ng mensahe sa kaniya na malelate ako ng uwi, sa gayon ay hindi siya mag-aalala sa akin. Ayokong maulit o makita kung papaano siya nagalit noong una. Sa pagkakataon na ito ay mas maiging magpaalam na ako sa kaniya na may halong pagsisinungaling, para din naman sa kaniya itong gagawin ko. Ayoko siyang mapahamak. Iyon ang tumatakbo sa isipan ko ngayon. "Mag-uumpisa na ako." seryoso kong sambit saka bumitaw na ako sa kaniya. Wala akong narinig na kung ano mula sa kaniya. Diretso akong naglalakad palayo sa kaniya. Nalaman kong nasa VIP room ang papatayin ko. Nakuha ko na din ang impormasyon doon. Bago man ako makarating sa naturang pinto ng VIP ay may dalawang lalaki na nakabantay doon. Saktong may dumaang waiter sa harap ko at kumuha ng isang baso ng champagne. Tinungga ko iyon hanggang sa naubos. Ibinalik ko din ang baso sa mesa. Nagpatuloy ako sa paglalakad. Nanatiling walang emosyon ang aking mukha. Humarang ang dalawang bodyguard. "Miss, may kailangan po ba kayo kay boss?" tanong ng isa. Walang sabi na hinablot ko ang kwelyo ng suot niyang coat saka tinadyakan ko siya sa kaniya. Naalarma ang isa niyang kasama. Agad niyang kunuha ang kaniyang baril pero inunahan ko siya't dinukot ko ang punyal mula sa pagkasiksik sa aking cleavage, binato ko iyon at tinamaan siya sa ulo. Bumulagta siya sa sahig, sunod ko naman ginawa ay pinasabog ang utak ang lalaking hawak ko sa pamamagitan ng aking baril na may silencer. Bumagsak din siya sa sahig. Malakas kong tinadyakan ang pinto. Pwersahang nagbukas iyon. Tumambad sa akin ang isang lalaking naka-amerikana. Tumalikwas ang isang kilay ko na makita ko ang isang lalaki. Mukhang mas matanda pa ako sa kaniya. Napatayo siya nang makita niya kung anong hitsura ko. Taranta siyang tumayo. Anak siya ng isang mafia boss, kung hindi ako nagkakamali. Siya ang representative ng kaniyang ama para sa party na ito. "S-sino ka...?" nanginginig niyang tanong. Walang emosyon kong itinutok sa kaniya ang dulo ng baril at walang gatol na pagkawala ako ng bala. Head shot. Bumagsak siya sa sahig. Nilapitan ko ang katawan nito. Naglabas ako ng panyo at may dinukot ako sa bulsa ng kaniyang coat. Tumaas ang kilay ko nang makita ang isang thumb drive ang nakuha ko. Marahil ay ito ang pinapahanap sa akin ni Galeno. Pinindot ko ang buton na nasa earplug ko. "Done." ang tanging nasabi ko at tahimik na umaalis sa VIP Room. "Great job, Shantal. Hindi talaga ako nagkamali na ikaw ang tagapagmana ko." rinig kong pahayag ni Galeno sa kabilang linya. Ginagawa ko lang ito para kay Vander. Para hindi mo siyang magalaw dahil ako ang makakatapat mo kapag may ginawa kang masama sa kaniya, Galeno Hermogeno. Hindi man kita matalo sa pamamagitan ng propesyon ko, pero hindi ako magdadalawang-isip na patayin ka. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD