Chapter 3

1217 Words
Inihatid na ni Bong sina Elise at Neil sa eskuwela. "Bye, Papa!" Hinalikan nila sa pisngi ang kanilang ama ng sabay bilang pamamaalam. "Ingat kayo, mga anak. Mag-aral nang mabuti and don't forget to be a good boy and good girl, Elise at Neil!" ngiting wika ni Bong. "Yes! We will, Papa," hirit ni Elise habang pilit naman si Neil dahil grade 12 na siya at nakakahiya iyon sa parte niya na bini-baby nina Bong at Patricia. Habang naglalakad ang dalawa... "What did Mom tell you, bunso?" Nakangiting pangungulit ni Neil. "Ahh! Basta! Secret daw! For girls only kaya umayos ka!" tugon ni Elise. "Hmm... okay! Sabi mo, eh!" sabi ni Neil. Dumaan sa kanila ang mga babaeng kaibigan ni Elise. "Hi, Kuya Neil!" sabay-sabay nilang pagbati. Sila'y sina Angel, Khien at Akira. Mga barkada ni Elise. Dumating rin ang mga katropa ni Neil na sina Marcus, Patrick at Neon kasama ang isang babae. "Tara na, bro! Mag-cutting classes mamaya!" himok ni Marcus. "Ano ba! 'Wag kayong bad influence sa kuya ko! Subukan mo, Kuya na sumunod at sumama sa kanila! Isusumbong kita! 'Tsaka, wait! Sino ka?" Pagmamaldita ni Elise sa kasama nilang babae at tiningnan ito mula ulo hanggang paa. "Whoa! Chill, Elise. Nag-jo-joke lang kami. Daig mo pa mama niya, ah! At saka ito pala si Andrea. Bagong barkada namin at ng Kuya Neil mo!" saad ni Patrick. Tinaasan namin ito ng kilay ni Elise. Kaya nagsimula ring magpakilala si Andrea. "Oh! Ito ba 'yong li'l sister ni Neil? Ba't 'di niya kamukha? Mestiso si Neil tapos ikaw hindi?" pagsusungit din ni Andrea. Kinalabit naman ni Angel si Elise. "Kaya nga, Elise!" "Uy! Tama na 'yan! Sabay-sabay na lang tayo pumunta sa flag ceremony para 'di tayo masita ngayon ng mga guro!" suhestiyon ni Neil na nagagalak para maiba ang usapan, tahimik naman si Elise na tila nag-iisip nang malalim. Pagkatapos ng flag ceremony ay balik na silang lahat sa kani-kanilang classroom. "Crush na crush ko talaga ang kuya mo! Nakakakilig!" panggigigil ni Akira. "Kaya nga! Ngiti pa lang niya, pamatay na, sis! Grabe! Sana magka-boyfriend ako ng kagaya niya na hindi lang guwapo at matangkad ay matalino pa! Plus varsity! 'Yon nga lang, campus heartthrob. Ang dami ko kaagaw! Haayy!" hirit ni Khien habang kinukurot pa si Elise sa panggigil nila. "Uy! Tama na nga 'yan! Ang babata pa natin, 'noh!" "Thirteen na tayo at mga dalaga na. Except kay Elise! Uy, Elise?" tanong ni Angel. "Kahapon lang dinugo ako. Pero nakapagtataka na sabi ni Mama, bawal daw kami magkasama ni Kuya Neil sa iisang kuwarto kasi dalaga na raw ako simula ngayon. May limit na raw. Dapat ako na raw mamalantsa ng mga underwear ko, damit ko, uniform at iba pa," tulalang sabi ni Elise. "Hay, naku! Can't you get it, Elise? Hindi ka na bata na bini-baby ng kuya mo! Or baka totoo 'yong haka-haka na ampon nga si Kuya Neil kaya gano'n ang itsura niya at ayaw ni mama mo na lagi kayo magkatabi 'di tulad no'ng bata pa kayo kasi 'di kayo magkadugo," ani Angel kaya siniko siya ni Akira at sinenyasan na tumigil na. "Hindi, ah! Bakit siya magiging ampon? 'Tsaka may bloodline kaming Kastila, that's why maybe his face is mestiso," palusot ni Elise. Biglang dumating ang guro nila kaya agad nagbalikan sa kanya-kanya nilang upuan. Dumating naman itong guro nila na si Ms. Yawa. "Class, may resulta na ang inyong mga exam last week." Kinabahan si Elise dahil running siya for honors. Binanggit at pinamigay na ng guro nila ang kanya-kanya nilang test papers. Super nagdarasal si Elise sa isip na sana ay siya ang first o kaya ang highest sa exam nila. Nang tatawagan na ang second to the highest ay napapikit na si Elise sa kaba. "Our highest score is none other than..." anang guro. Agad napahawak si Elise sa magkabilang kamay nito at nanginig na ang kanyang tuhod sabay pinawisan siya nang malamig at napapikit. "Shamcey, take your paper. You are the highest! Pangalawa sa 'yo ay si Elise Cordovo. Congratulations sa inyong dalawa!" pagbati ng guro. Nalungkot si Elise pagkarinig niya ng kanyang pangalan na hindi highest kundi second to the highest lang. Naiinis siya sa kalaban niyang si Shamcey. Pakiramdam niya'y kahit anong gawin niya ay talagang matalino ang kalaban niya na tila hirap na hirap siyang tapatan. Pagkauwi nila ay tahimik siyang sumakay sa van o service nila pauwi. Nagtataka si Neil dahil tila ang tahimik ni Elise na ayaw siya nito pansinin. "Bunso, bakit ang tahi-tahimik mo?" usisa ni Neil. "Wala!" "'Di nga? 'Yong totoo?" "Wala nga sabi! Bakit ba ang kulit mo!" galit pa rin na sagot ni Elise. "Siguro dahil may regla ka, 'no?" pang-aasar ni Neil nang nakatawa. Kahit sa sobrang inis ni Elise ay napatawa siya kaya't natawa pang lalo si Neil saka kiniliti niya ito nang kiniliti hanggang sa magkulitan na sila. Ngunit pagdating nila pagkatapos magpalit ng damit ay pinakita na nila sa kanilang mga magulang ang kanya-kanyang nakuhang scores na nakuha nila sa mga quizzes at exams. "Elise, what happened to you? Naunahan ka na naman ng kalaban mo. Pang-second ka lang dahil one mistake ka sa quiz! Buti pa ang Kuya Neil mo! Palagi na lang highest! Bakit 'di mo na lang siya gayahin? Ga-graduate siya nang valedictorian," sabi ni Patricia sa anak nang pasigaw. "Patricia mahal, 'wag mo nang sisihin ang anak natin. Hanggang d'yan lang ang kaya niya. 'Wag natin siya pilitin dahil mas lalo siyang na-pe-pressure sa ginagawa mo, mahal," pambabato naman ni Bong hanggang sa magsimula silang magbangayan. Dahil concerned si Neil kay Elise ay hinawakan niya ito sa kamay at inilayo muna sa kanila dahil ayaw niyang nakikita ito ng tinuturing niyang bunso. Hanggang sa noong nakalayo-layo na sila ay biglang hinila ni Elise ang kanyang kamay nang malakasan para bitiwan ng kuya niya. "Ano ba, Kuya? 'Wag mo 'kong hawakan," pagsusungit niya. "Sige, bunso. Bakit tila galit na galit ka sa akin at pabago-bago ang mood mo? Sabihin mo sa akin ang totoo," puna ni Neil. "You really wanna know the truth, Kuya?" "Yes, I want to know. Walang taguan ng sikreto pagdating sa ating dalawa, 'di ba?" Sabay itinaas ni Neil ang kanyang pinkie finger. "Okay! I am mad because of you, Kuya!" sigaw ni Elise sabay duro niya sa binata. "Huwat? Me? Bakit? Ano naman ginawa ko?" Ibinaba naman ni Neil ang daliri nito at nagtaka. Agad nanubig naman ang mata ni Elise. "Dahil naiinggit na ako sa 'yo pagdating sa mga grades! Palagi na lang ikaw! Ikaw! Ikaw ang napapansin nina Mama at Papa! Puro na lang ikaw ang matalino! Ikaw ang magaling! Ako ang talunan! Bobo ako! Hindi nila na-appreciate 'yong pagod ko mag-aral! 'Yong iba ngang mga tao, pasang-awa ay natutuwa na ang mga magulang nila sa kanila! Ako na laging second to the highest or top 2, walang pake sa akin sina Mama at Papa! Ikaw na lang palagi napapansin nila, Kuya!" "Sorry, bunso! 'Di ko alam! Ano ba gusto mo gawin ko? Aahh! Alam ko na. Ganito na lang, hindi na lang ako mag-aaral nang mabuti para ikaw na naman pansinin nila. Okay ba 'yon?" pang-aasar na ngiti ni Neil. Ngunit nabuwisit si Elise at sumigaw. "I hate you, Kuya! Aaahh!" Sabay umakyat siya pataas ng hagdanan nang padabog.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD